Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 11

Republic of the Philippines

Department of Education
Region 02 (Cagayan Valley)
SCHOOLS DIVISION OF ISABELA
Tumauini South District
415509-Advance Montessori Education Center of Isabela, Inc.
Maligaya, Tumauini, Isabela,
E-mail: ameci.tumauini@yahoo.com
Tel.No.: (078) 323-03-18

GAWAING PAGKATUTO
FILIPINO 8

Pangalan: ________________________________________________ Baitan at Seksyon: ___________________

Petsa: ___________

Pangalawang Linggo

Kasanayang Pagkatuto

 Nabibigyang-kahulugan ang mga talinghaga, eupimistiko o masining na pahayag ginamit sa tula,

balagtasan, alamat, maikling kuwento, epiko ayon sa: -kasingkahulugan at kasalungat na kahulugan
(F8PT-Ia-c-19)
 Naibibigay ang kahulugan ng matalinghagang pahayag sa alamat
 Nasusuri ang pagkakabuo ng alamat batay sa mga element nito
Pangkalahatang Konsepto

Paksa: Matalinghagang Salita

Sa araling ito, ang mga mag-aaral ay inaasahang matututuhan ang iba’t ibang talinghaga, eupimistiko
o masining na pahayag na nagamit sa tula, balagtasan, alamat, maikling-kwento at epiko . Malalaman rin ng mga
mag-aaral ang kasingkahulugan at kasalungat ng mga salitang nagamit.

Iba’t ibang pagsasanay ang inihanda upang subukin ang kakayahang mental tungo sa mas mabisang
pagkatuto.

Gabay na Katanungan
1. May napapansin ka bang matatatalinghagang salita sa iba’t ibang uri ng akda?
2. Paano nakakaapekto sa iyong pang-unawa ang mga matatalinghagang pahayag?

Pagganyak na Katanungan
Sagutin ang mga sumusunod na katanungan.

1. Saan ka madalas makakakita ng mga matatalinghagang pahayag? Patunayan.

________________________________________________________________________________________

________________________________________________________________________________________.
2. Masasabi bang nakakadagdag interes sa pagbabasa ang mga matatalinghagang pahayag sa iba’t ibang akda?
Bakit?
1|Pahina
________________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________________.

Paunang Pagtatasa

Bigyang depinisyon ang mga sumusunod na salita.

1. Maikling-kwento - _______________________________________________________________________
2. Tula-
__________________________________________________________________________________
3. Epiko- ________________________________________________________________________________
4. Balagtasan- ____________________________________________________________________________
5. Alamat-________________________________________________________________________________

Alamin Natin!

MATALINGHAGANG SALITA
Ang matalinghagang salita ay mga salitang may malalim na kahulugan. Ito ay kadalasang binubuo ng
tambalang salita na ang kahulugan ay naiiba sa kahulugan ng dalawang salitang pinagtambal. Ito ay bukang
bibig na hango sa karanasan ng tao at nagsisilbing patnubay na dapat gawin sa buhay. Binubuo ng isa o
dalawang taludtod na may sukat at tugma.
ang matalinghagang pahayag ay isang paraan ng pagsasalita na hindi gumagamit nang marahas na salita
upang maiwasan ang makasakit sa loob.

Halimbawa:
Balat sibuyas - sensitibo
Isang kahig, isang tuka - naghihirap
Alog na ang baba - matanda na

GAWIN NATIN!

Panuto: Ibigay ang kahulugan ng matalinghagang salita na nasa ibaba at gamitin sa pangungusap.

1. Balat sibuyas

Kahulugan:_____________________________________________________________________________________
Pangungusap:___________________________________________________________________________________
Pangungusap:___________________________________________________________________________________

2. Pagsweldo ng Tulisan

Kahulugan:_____________________________________________________________________________________
Pangungusap: ___________________________________________________________________________________
Pangungusap:___________________________________________________________________________________

3. Magmamahabang dulang

2|Pahina
Kahulugan:_____________________________________________________________________________________
Pangungusap:___________________________________________________________________________________
Pangungusap:___________________________________________________________________________________

4. Di-maliparang uwak

5. Nagtataingang kawali

EUPEMISTIKONG PAHAYAG
Sa Ingles, ito ay tinatawag na euphemism. Ang mga ito ay salita na badyang pampalubag-loob o
pampalumanay upang hindi masama pakinggan o basahin.

Kadalasan ito ay pumapalit sa mga matatalim o masyadong bulgar o malaswang salita.

Ang mga salitang ito ay ginagamit rin upang mapagaan ang masakit na realidad ng buhay natin. Ginagamit ito
upang hindi lubos na masaktan ang isang tao.
Halimbawa ng eupemistikong pahayag tungkol sa pagkamatay:
 Sumakabilang-buhay
 Pantay na ang paa
 Kinuha ng Diyos
 Yumao
 Pumanaw

GAWIN NATIN!
Ibigay ang kahulugan ng mga sumusunod na halimbawa ng eupemistiko.
1. Malikot ang isip -
2. Balingkinitan -
3. Ibaon sa hukay -
4. Butas na ang Bulsa -
5. Makati ang kamay -
6. Buwaya -
7. Halang ang bituka -
8. Sumakabilang bahay
9. Nasa laylayan ng lipunan -
10. Balingkinitan -

TULA
3|Pahina
Isang anyo ng ng sining o panitikan na naglalayong maipahayag ang damdamin sa malayang pagsusulat.
Binubuo ang tula ng saknong at taludtod.
Elemento ng Tula
 Sukat- tumutukoy sa sukat ng taludtod sa isang saknong
 Saknong – grupo ng mga salita sa isang tula
 Tugma- pagkakaparehas ng tunog sa huling bahagi ng isang taludtod.
 Kariktan- marikit na salita na ginagamit upang masiyahan ang mga mambabasa
 Talinhaga- natatagong kahulugan ng salita.

GAWIN NATIN!

Panuto: Basahin at unawain ang tula sa ibaba. Pagkatapos, bigyang kahulugan ang mga salitang may salungguhit na
napaloob sa tula. Isulat ang iyong sagot sa talahanayan sa kasunod na pahina. Kopyahin ito at isulat sa sagutang papel.

Ang Pakpak ng Buhay

ni
Jose G. Katindig

I.
Sa pugad ng isang pag-ibig na wagas,
Nila kang inakay na buto at balat,
Ikaw’y inaruga’t minahal nang ganap,
Isip mo’y nilinang, butoy pinatigas,
Kaya’t naging ibong matibay ang pakpak
II.
Nang maging ibon ka’t ang pakpak na angkin,
Ay nalilipad na ang ibig liparin,
Sa mga tagumpay lubos kang nalasing;
Pugad na nilakha’t tinangkang gibain,
Ang nagpalang kamay, ibig nang tukain.
III
Sa ganang gawa mo’y dapat matalastas,
Na di naman laging iyo ang itaas;
Bagwis, pag nasira’t nabali sa lipad,
Ikaw at ang madlang papuri’t palakpak,
Sa lupa’y pasubsob na magsisilagpak.

IV
Sa pagkahibang mo sa lakas na angkin,
Nagbigay ng lakas, dinusta’t iniring,
Nilimot mong ganap ang salawikaing;
“Sa pinanggalingan, ang hindi tumingin,
Sa paroroona’y di makarrating.
(Halaw mula sa Book I ni C.S Canonigo)

Panuto: Maghanap ng mga matalinghagang pahayag sa tulang binasa na “Ang Pakpak ng Buhay” at isulat ang
kahulugan ng bawat saknong sa hinating bilog sa ibaba.

4|Pahina
Isaisip!

Kaligirang Pangkasaysayan ng Alamat

Ayon sa mga mananaliksik, nagsimula at nagtapos ang kapanahunan ng mga alamat sa paglipas ng ikalawang
pandarayuhan sa mga pulong ito ng mga Malay at palipalibot ng taong 1300 AD.

Mahalagang masuri ang mga akdang pampanitikan na umusbong sa panahong ito sapagkat nakatutulong ito sa
pag-unawa sa kasaysayan, pag-uugali ng mga tao noon, ang kanilang libangan o hilig, at sanhi ng kanilang
kilusan.
Ang unang naninrahan at nanduyan sa panahon ng alamat ay ang sumusunod:
1. Ang mga Ita
Ayon sa mananaliksik, unang nanirahan sa pulong ito ang mga Negrito na nakilala sa tawag na ita, ayta o agta,
at beluga. Nakarating sila rito noong 25,000 taon na ang nakalipas. Nanirahan sila sa kabundukan at napanatili
nila ang sariling kultura, Sanay sila sa paggamit ng busog at pana sa paghanap ng makakain. Wala silang
pamahalaan, panulat, sining at walang siyensiya.
2. Ang mga Indones

5|Pahina
Nanduyuhan ditto ang mga Indones ng makalipas na 8,000 taon at sila ang mga Indones na unang nakarating
ditto na may balingkinitang pangangatawan at maputi-puti ang balat.

Ang ilalawang pandarayuhan ng mga Indones ay nangyari nang nakalipas na taong 2,000 taon at ang pangkat
na ito ay ay may malaking pagangatawan, maitim na balat, makapal na labi, may malking ilong at pangahan.

May kabihasnan silang higit sa mga Negrito, may pamahalaan, nagsusuot ng damit, nagluluto ng pagkain at
nagsasaing sa tukil at marunong magparingas ng apoy.

May mga alamat, epiko, mga pamahiin, at mga bulong na pangmahiya.

3. Ang Manggugusi
Sa panahong ito, nandayuhan ang mga Intsik na may lahing Hakka na tinatawag na “manggugusi” dahil sa
nilagay nila sa gusi ng bangkay ng isang magulang o nunong namatay at ang gusi ay binabaon sa looban.
Nangyari ang pandarayuhang ito noong 300 hanggan 800 AD.
4. Ma-yi (Mindoro)
Ang kauna-unahang pagkakabanggit sa atin sa kasaysayan ng Tsina, ayon sa mga saliksik, ay nasa tala ng
pagdaong sa Kanton ng isang pabor na Arabe na may lulang kalakal na galling sa Ma-yi (ngayo’y Mindoro)
noong 982 AD.
5. Ang mga Bumbay
Ang mga unang bumbay na nandayuhan sa atin ay nangyari noong ika-1200 AD at ang ikalawang dating ng
mga bumbay noong may pananampalatayang Brahmin ay nangyari noong ika-1300 AD.
6. Ang mga Arabe at Persya
Nandayuhan ditto ang mga biyaherong Arabe at naninrahan sa katimugan noong taong 890 AD hanggang ika-
1200 AD. Nagpunta rito ang mga misyonerong Arabe at Persyano upang maipalaganap ang Mahometanismo
sa Pilipinas at Malaysia noong ika-1500 AD. Naninirahan sila sa Mindanao at Sulu.

Halaw sa: Panitikan ng Pilipinas nina Jose Villa Panganiban,

Consuelo Panganiban, Genoveva E. Matute, at Corazon E.
Kabigting, Rex Book Store, Inc.,1995 pp.7-9
Elemento ng Alamat:

1. Simula

a. Tauhan – karakter sa kuwento

b. Tagpuan – lugar na pinangyayarihan ng mga eksena
c. Suliranin – problemang kinakaharap ng pangunahing tauhan.

2. Gitna

a. Saglit na kasiglahan- kasiglahan sa kuwento ngunit biglang papawiin ng isang masamang

pangyayari.
b. Tunggalian- paghaharap o pag-aaway ng mga karakter
c. Kasukdulan- pinakamagandang parte o bahagi ng istorya

3. Wakas

a. Kakalasan- unti-unting pagbuti ng kwento o papalapit sa katapusan

6|Pahina
Magandang Buhay.

Sa modyul na ito ay matutunan mo ang kahulugan ng mga mata-talinghagang

pahayag sa alamat.

b. Katapusan- kung saan nagtatapos ang isang kwento

TUKLASIN
Panuto: Basahin ang alamat na nasa ibaba

Kung Bakit Nasa Ilalim ng Lupa ang Ginto

Isang Alamat mula sa Lungsod ng Baguio

Sa isang nayon sa Baguio na kung tawagin ay Suyuk, naninirahan ang mga Igorot na pinamumunuan ni
Kunto. Si Kunto ay bata pa ngunit siya ang pinakamalakas at pinakamatapang sa kanilang nayon kaya’t siya ang
ginawang puno ng matatandang pantas.
Ang mga naninirahan sa nayong ito ay namumuhay nang tahimik. Maibigin sila sa kapwa at may takot sila sa
kanilang bathala. Taon-taon ay nagdaraos sila ng cañao bilang parangal sa kanilang mga anito. Noong panahong iyon,
ang mga Igorot ay naniniwala sa iba’t ibang anito.
Kung nagdaraos sila ng cañao ay naghahanda sila linggo-linggo. Pumapatay sila ng baboy na iniaalay sa
kanilang bathala. Nagsasayawan at nagkakantahan sila.
Isang araw ay nagtungo si Kunto sa gubat upang mangaso. Hindi pa siya lubhang nakalalayo nang nakakita
siya ng isang uwak. Nakatayo ito sa isang landas na kaniyang tinutunton. Karaniwang ang mga ibon sa gubat ay
maiilap ngunit ang ibong ito ay kakaiba.
Lumakad si Kunto palapit sa ibon ngunit hindi ito tuminag sa pagkakatayo sa gitna ng landas. Nang may
iisang dipa na lamang siya mula sa ibon, bigla siyang napatigil.
Tinitigan siyang mainam ng ibon at saka tumango nang tatlong ulit bago lumipad. Matagal na natigilan si
Kunto. Bagamat siya’y malakas at matapang, sinagilahan siya ng takot. Hindi niya mawari kung ano ang ibig sabihin
ng kaniyang nakita.
Hindi na niya ipinagpatuloy ang kaniyang pangangaso. Siya’y bumalik sa nayon at nakipagkita sa
matatandang pantas. Sabi ng isang matanda,“Marahil ang ibong iyon ay ang sugo ng ating bathala. Ipinaaalaala sa atin
nadapat tayong magdaos ng cañao.”
“Kung gayon, ngayon din ay magdaraos tayo ng cañao,” ang pasiya ni Kunto.
Ipinagbigay-alam sa lahat ang cañao na gagawin. Lahat ng mamamayan ay kumilos upang ipagdiwang ito sa
isang altar sa isang bundok-bundukan. Ang mga babae naman ay naghanda ng masasarap na pagkain.
Nang ang lahat ay nakahanda na, ang mga lalaki ay humuli ng isang baboy. Ang baboy na ito ay siyang iaalay
sa kanilang bathala upang mapawi ang galit, kung ito man ay nagagalit sa kanila.
Inilagay ang baboy sa altar na ginawa nila sa itaas ng bundok-bundukan. Anong laking himala ang nangyari!
Nakita nilang ang baboy ay napalitan ng isang pagkatanda-tandang lalaki! Ang mukha ay kulay-lupa na sa katandaan
at halos hindi na siya makaupo sa kahinaan. Ang mga tao ay natigilan. Nanlaki ang mga mata sa kanilang nakita.
Natakot sila.
Maya-maya’y nagsalita ang matanda at nagwika ng ganito: “Mga anak,magsilapit kayo. Huwag kayong
matakot. Dahil sa kayo’y mabuti at may loob sa inyong bathala, gagantimpalaan ko ang inyong kabutihan. Lamang ay
sundin ninyo ang lahat ng aking ipagbilin.”
“Kumuha kayo ng isang tasang kanin at ilagay ninyo rito sa aking tabi.Pagkatapos sukluban ninyo ako ng
isang malaking palayok. Ipagpatuloy ninyo ang inyong cañao. Pagkalipas ng tatlong araw, bumalik kayo rito sa pook
na ito.
Makikita ninyo ang isang punongkahoy, na kahit minsan sa buhay ninyo ay hindi pa ninyo nakikita o makikita
magpakailanman. Ang bunga, dahon, at sanga ay maaari ninyong kunin ngunit ang katawan ay huwag ninyong
gagalawin. Huwag na huwag ninyong tatagain ang katawan nito.”
Tinupad naman ng mga tao ang ipinagbilin ng matanda. Ipinagpatuloy nilaang kanilang pista. Pagkaraan ng
tatlong araw, bumalik sila sa pook napinag-iwanan sa matanda. Itinaas nila ang palayok at gaya ng sinabi ngmatanda,
nakita nila ang isang punongkahoy na maliit. Kumikislap ito sa liwanag ng araw—lantay na ginto mula sa ugat
hanggang sa kaliit-liitangdahon.
Nagsigawan ang mga tao sa laki ng galak. Si Kunto ang kauna-unahang lumapit sa punongkahoy at pumitas
ng isang dahon. Pagkapitas sa dahon ay nagkaroon kaagad ng kapalit ito kayat nag-ibayo ang tuwa sa mga tao.Bawat
isa ay pumitas ng dahon.

7|Pahina
Sa loob ng maikling panahon, yumaman ang mga taga-Suyuk. Ang dati nilang matahimik na pamumuhay ay
napalitan ng pag-iimbutan at inggitan.Ang punongkahoy naman ay patuloy sa pagtaas hanggang sa ang mga
dulonito’y hindi na maabot ng tingin ng mga tao.
Isang araw, sabi ng isang mamamayan, “Kay taas-taas na at hindi na natin maabot ang bunga o dahon ng
punong-ginto. Mabuti pa ay pagputul-putulin na natin ang mga sanga at dahon nito. Ang puno ay paghahati-hatian
natin.” Kinuha ng mga lalaki ang kanilang mga itak at palakol. Ang iba ay kumuha ng mga sibat. Tinaga nila nang
tinaga ang puno at binungkal ang lupa upang lumuwag ang mga ugat. Nang malapit nang mabuwal ang punongkahoy
ay kumidlat nang ubod-talim. Kumulog nang ubod-lakas at parang pinagsaklob ang lupa at langit.
Nabuwal ang punongkahoy. Nayanig ang lupa at bumuka sa lugar nakinabagsakan ng puno. Isang tinig ang
narinig ng mga tao. “Kayo ay binigyan ng gantimpala sa inyong kabutihan: ang punong-ginto, upang maging
mariwasa ang inyong pamumuhay. Sa halip na kayo’y higit na mag-ibigan, kasakiman ang naghari sa inyong mga
puso. Hindi ninyo sinunod ang aking ipinagbilin na huwag ninyong sasaktan ang puno. Sa tuwi-tuwina ay inyong
nanaisin ang gintong iyan.”
At pagkasabi ng mga katagang ito, sa harap ng mga tao sa Suyuk, ang puno ay nilulon na ng lupang
kinabuwalan. Mula nga noon, nakukuha lamang ang ginto sa pamamagitan ng paghukay sa lupa.

Halaw mula sa Filipino8niwarville.blogspot.com

Kahon ko! Punan Mo!
Balikan ang alamat na binasa. Kopyahin ang mga salitang may salungguhit at isulat ang kaisipan nais
nitong ipabatid sa sagutang papel.
Pamagat

Matalinghagang Salita Kaisipan na nais nitong ipabatid

_______________________________ _____________________________________
_______________________________ _____________________________________
_______________________________ KAISIPAN _____________________________________
_______________________________ _____________________________________
____________________________________.

EPIKO

Ang Epiko ay isang uri ng panitikan na tumatalakay sa mga kabayanihan at pakikitunggali ng isang tao o mga
tao laban sa sa mga kaaway na halos hindi mapaniwalaan dahil may mga tagpuang makababalaghan at di-
kapani-paniwala.

Kwento ito ng kabayanihan na punong-puno ng mga kagila-gilalas na mga pangyayari. Bawat pangkatin ng
mga Pilipino ay may pinagmamalaking epiko.

8|Pahina
Ito ay ipinapahayag nang pasalita, patula, paawit. Minsan ay sinasaliwan ito ng intrumentong pang musika.
Mahaba ito, binubuo ng 1000 hanggang 5000 na linya.

Mga Epiko ng Pilipinas

 Hudhud at Alim
 Ibaloy
 Ulalim
 Ibalon
 Maragtas
 Hinilawod
 Agyu
 Darangan
 Biag ni Lam-ang

Mahalagang Elemento ng Epiko

 Sukat at Indayog

Indayog- diwa ng tula

Sukat- ito ay tumtukoy sa bilang ng mga pantig ng bawat taludtod na bumubuo sa isang saknong.
Ang pantig ay tumutukoy sa paraan ng pagbasa.

 Matatalinghagang Salita
Ito ay tinatawag ring idyoma na may kahulugang taglay na naiiba sa karaniwan. Di-tuwirang
nagbibigay ng kahulugan ang mga ito.

 Banghay
Ito ay pagkakaugnay-ugnay ng pangyayari na maaring maging payak o komplikado. Binubuo ito ng
simula, saglit na ksiglahan, kasukdulan, kalakasan, at wakas.

 Tauhan
Ang tauhan ang siyang kumikilos sa epiko. Siya ang gumagawa ng mga desisyon na nagpapatakbo ng
epiko. Mapapansing ang tauhan sa epiko ay nagtataglay ng supernatural o di pangkaraniwang
kapangyarihan.

BALAGTASAN

Ang balagtasan ay uri ng pagtatalo ng dalawang magkaibang panig ukol sa isang paksa. Hinango mula sa
pangalan ni Francisco Balagtas.

Inilalahad ang sining na ito ng isang uri ng panitikan na kung saan ipinapahayag ang mga saloobin o
pangangatwiran sa pamamagitan ng pananalitang may mga tugmaan.

MAIKLING-KWENTO

Ang maikling-kwento ay isang anyo ng panitikan na may layuning magsalaysay ng mga pangyayari sa buhay
ng pangunahing tauhan. Nang-iiwan ito ng isang kakintalan sa isip ng mga mambabasa.

Mga Bahagi
Ang maikling kwento ay karaniwang mayroong limang bahagi:

1. Panimula

9|Pahina
Ang panimula ay ang bahagi na siyang guguhitan ng mga pangyayari sa kwento. Mahalagang maging
kapansin-pansin ito upang mabihag ang kawilihan ng bumabasa

2. Saglit na Kasiglahan
Ang saglit na kasiglahan ay mga bahaging naglalarawan ng simula patungo sa paglalahad ng unang
suliraning inihahanap ng lunas. Dapat maging kaakit-akit ang bahaging ito sa bumabasa at madama
niya ang magaganap na pangyayaring gigising sa kanya ng isang tiyak na damdamin.

3. Suliraning inihahanap ang lunas

Ang suliraning ihinihahanap ng lunas ay karaniwang tatlo. Kung minsan ay humigit sa tatlo, depende
sa sumusulat ng kwento. Sa bahaging ito ng kwento, ang mambabasa ay napapagitna sa mga
pangyayaring gigising sa kanyang damdamin. Ang mga pangyayaring iro ang siyang bumubuo sa mga
suliraning inihahanap ng lunas at lumilikha ng isang kawilihang pasidhi nang pasidhi.

4. Kasukdulan
Ang kasukdulan ay ang bahagi ng kwento na nagsasaad ng pinakamasidhing kawilihan. Ito ay dapat
ilarawan nang mabilisan, tiyak, o malinaw at maayos. Upang maging mabisa ang kasukdulan, ito ay
di-dapat magkaroon ng anumang paliwanag. Ang kailangan lamang ay ang maayos na pagkakaugnay-
ugnay ng mga suliraning inihahanap ng lunas.

5. Kakalasan
Ang kakalasan ay ang panghuling bahagi ng kwento na kaagad sumusunod sa kasukdulan. Ito ay hindi
rin dapat pahabain at bigyan ng paliwanag. Ipaubaya sa mambabasa ang pag-iisip at hayaang siya ang
magbigay ng wakas sa kwento.

GAWIN NATIN!

Panuto: Hanapin ang kahulugan ng salita sa loob ng kahon. Piliin ang titik ng tamang sagot at
isulat sa sagutang papel.

a.nagdiriwang b.takpan c.mapagmahal

d.pinupuntahan e.kumibo

__________1. Maibigin __________4. Sukluban

__________2. Nagdaraos __________5. Tinutunton
__________3. Tuminag Tinutunton

Panuto: Gumawa ng 5 hugot o pick up lines na ginagamitan ng matalinghagang salita.

1.______________________________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________________________

2.______________________________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________________________

3.______________________________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________________________

10 | P a h i n a
4.______________________________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________________________

5.______________________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________________

PAGNILAYIN

 Nalaman ko sa modyul ito na ang mga talinghagang salita ay matatapugpuan sa

________________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________________.

 Nalaman ko ang mga unang nanirahan at nandayuhan sa Pilipinas sa panahon ng alamat ay ang mga
________________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________________.

 Nasiyahan ako sa ginawa naming sa ___________________________________________________________

________________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________________

 Natuto ako sa iba’t ibang gawain dahil _________________________________________________________

________________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________.

Inihanda ni: Iniwasto ni:

Karen C. Bulauan, LPT Charlene D. Deguzman, LPT

Filipino Teacher Sabjek Koordineytor

Inirekomenda ni: Inaprubahan ni: Binigyang pansin ni:

Ryan B. Bacani, LPT Jeric T. Valdez, LPT Nelia Z-Anguluan, Ph.D

Head, JHS Department Punong Guro Direktor

11 | P a h i n a

You might also like