Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

KALINGA SA AGRIKULTURA

#Kalinga_sa_Agrikultura
#Sapat_na_Presyo_sa_mga_gulay_at_palay
“Hindi kumpleto ang araw ng Pilipino kung walang kanin, kaya ang tanong: Papaano pa
tayo kakain ng kanin kung hindi na magtatanim ang ating mga magpapalay?”- Senador Francis
Pangilinan
Isa ang sektor ng agrikultura sa pinakamahirap na sector sa bansang Pilipinas. Ang
kinikita ng isang ordinaryo magsasaka ay kakarampot lamang kumpara sa mga perang napupunta
sa mga kamay ng mga dayuhang namumuhunan. Ito ang malaking suliranin na kinakaharap sa
larangan ng agrikultura at ng mga magsasakang Pilipino.
Ayon sa Saligang Batas Bilang 8435 o kilala bilang “Agriculture and Fisheries
Modernization Act of 1997”, isang batas na naglalayon na mapaganda at mapabuti ang larangan
ng agrikultura. Nakasaad din sa nasabing batas ang pagbibigay ng angkop na supporta lalo na sa
mahihirap na magsasaka. Sa nilagdaang Batas Republika Bilang 10601 o kilala bilang “the
Agriculture and Fisheries Mechanization” ni Presidente Benigno Simeon Aquino III noong 2013,
ang nasabing batas ay para sa pagbibigay ng angkop na makinarya sa larangan ng agrikultura
upang mapahusay ang pagpapaunlad sa industriya ng agrikultura.
Ngunit sapat ba ito? Naitala sa datos ng Labor Force Survey taong 2016 na ang
agrikultura ang pangalawang sa pinakamalaking “employer” sa bansa. Mayroong 27 porsiyento
ng mga Pilipinong mangagawa ay nasa sektor ng agrikultura at Php156.8 lamang ang kanilang
kita kada araw. Sa kanilang dugo at pawis na sakripisyo at puhunan ay kakarampot lamang ang
kanilang nakukuhang sahod. Wala rin silang nakukuhang benepisyo at madalang lang sa kanila
ang mayroong insurance.
Samantala, sinasabi naman ng Philippine Institute for Development Studies (PIDS) na
hindi pa mataas ang lebel ng kaalaman ng mga ordinaryong magsasakapatungo sa
“agribusiness.” Marami pa ring mga magsasakang Pilipino ang hindi gumagamit ng mga
makabagong teknolohiya at karamihan ay hindi nagtatanim ng mga tinatawag na “high value
crops.” Ang kakulangan sa kaalaman sa mga inobasyon ay ilan sa mga dahilan kung bakit
patuloy na naghihirap ang sektor ng agrikultura. Nahihirapan din kasi ang mga kawawang
magsasaka na makakuha ng suporta mula sa mga pribadong sektor at gobyerno. Kung sa mga
pautang pa lamang ay hindi na nila maabot, paano pa sila makakabili ng mga bagong kagamitan?
Taong 2013, sinabi ni DA Secretary Proceso Alcala na rice self-sufficient na ang
Pilipinas bago matapos ang taon. Aniya, importasyon ang tanging solusyon niya sa problema ng
sektor ng agrikultura. Subalit matatapos na ang termino ng kasalukuyang administrasyon, hindi
pa rin ito natutupad. Sa halip na pagtuunan ng pansin ng departamento ang mga ordinaryong
magsasaka sa mga gagawing proyekto, aktibidad, programa, at irigasyon ang sinisisi ni Alcala.
Kulang na kulang pa rin ang “rural infrastructure,” farm to market roads, ang mga irigasyon sa
ating mga sakahan ay hindi pa rin sapat.
Ilan lamang ang mga ito sa mga problemang kinakaharap sa sektor ng agrikultura na sana
ay mabigyang pansin sa agarang panahon. Pagbibigay ng maayos na sistema at sapat na suweldo
at benepisyo ang magtataguyod paangat sa agrikultura. Pagbibigay ng kaalaman sa makinarya sa
mga mababang manggagawa sa agrikultura ay dapat paigtingin. Pagpapaunlad ng mga
makinarya at pagbibigay na sapat na supporta sa mga lokal na produkto. Pagsupporta at
pagangkat ng hindi lamang mga hilaw na materyales kundi tapos na produkto.
Magpapatuloy ang paghihirap ng mga magsasakang Pilipino kung hindi ito bibigyan ng
sapat na atensyon. Oras na para basagin natin at bigyan hustisya kaugnay ng sitwasyon sa sektor
ng agrikultura. Oras na upang dinggin ang bulong ng mga nasa mababang sektor ng agrikultura.
Kung nais natin ng progreso, nararapat na simulan na ang pagbabago at inobasyon. Ito ay
kailangang maisakatuparan sa lalong madaling panahon.

You might also like