Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

ANG ALAMAT NG SLEEPING BEAUTY

Noong unang panahon sa liblib na bayan ng Dacalan, Tanudan, may isang napakagandang dalaga
nanagngangalang Lupting. Siya ay nag-iisang anak nina Kamu at Usa-ay. Bukod sa pagiging maganda siya
rin ay mabait, masipag at mapagmahal na anak. Kung kaya’t dahil sa kanyang naiibang kagandahan,
lahat ngkabinataan ng Dacalan at karatig bayan ay nagpapantasyang ligawan ang napakagandang dalaga
na si Lupting. Maraming kabinataan ang nagtangkang ligawan at hingin ang kamay ng dalaga subalit
lahat ay di nagtagumpay.Ang kakaibang kagandahang ito ay umabot sa pandinig ni Binsay ng Luplupa,
Tinglayan. Siya ay matapang, malakas, matangkad at matikas na mandirigma ng Luplupa. $aya ni
Lupting, maramingkadalagahan ang nagpapantasya sa kakisigan at katapangan ni Binsay pero ni isa ay
wala siyang napusuan hanggang sa maabot ng kanyang kaalaman ang tungkol sa napakagandang dalaga
ng Dacalan na si Lupting.Nang mariniig ni Binsay ang tungkol sa dalaga, ginawa niya ang lahat para
mapuntahan at makilala ito. Isang ang araw, umakyat ng Dacalan si Binsay at namataan niya si Lupting
na nag-aani ng palay sakanilang palayan. Dahil sa naiibang kagandahan ni Lupting, lahat ng pagod ni
Binsay ay nawala. Gayundin kay Lupting nang makita si Binsay ay naglaho ang lahat ng pagod niya. Sa
wakas natagpuan na ni Binsay ang pinapangarap na dalaga na mabait, masipag, mapagmahal at
napakaganda.

Nagkakilala ang dalawa sa pamamagitan ng pagnguya ng moma. Nagkaintindihan sila ng kanilang


nararamdaman. “at sa araw ding iyon ay hiningi ni Binsay ang kamay ni Lupting. Kung kaya’t umulis sila
ng Dacalan para pormal na ipakilala ni Lupting sa mga magulang ang napupusuang si Binsay. Masayang
ng mga magulang ni Lupting si Binsay at nagpasalamat dahil sa wakas ay natagpuan na ng kinalang anak
ang katuwang niya sa buhay.Maraming kabinataan sa Dacalan ang nainggit sa pagdating ni Binsay dahil
siya ang mapalad na pinili ni Lupting. Sa araw ding iyon nagpakatay ng limang baboy ang mga magulang
ni Lupting para sa kanilang pag-iisang dibdib. Kinabukasan bago sila maghiwalay, nagkasundo ang
dalawa na magkikita sa tuktok ng bundok Taungay pagkaraan ng isang linggo para makita ni Binsay si
Lupting sa kanyang bayang Luplupa. Sakanyang paglalakbay pabalik ng Luplupa, sinamahan siya ni
Lupting sa tuktok ng bundok. Kahit na gustong sundan ni Lupting si Binsay ay di niya magawa dahil sa
nakita nya sa atay ng baboy na kinatay na may masamang mangyayari. Hindi lang dahil sa atay ng baboy
kundi dahil na rin sa kaugaliang kailangang maghiwalay ng isanglinggo ang bagong mag-asawa bago sila
magsamang muli. Maraming kabinataan ang natuwa sa paghihiwalay ng dalawa. Marami ang umasa na
di na muling babalik si Binsay.Dumating ang takdang araw ng kanilang pagkikita sa tuktok ng Bundok
Taungay, umakyat si Lupting na punumpuno ng saya at sigla sa kaniyang mga labi. Samantala habang
naghahanda si Binsay sa kaniyangpag-akyat sa Bundok Taungay ay biglang nagkaroon ng paglusob ng
mga taga Tulgao sa Luplupa kung kaya’t lahat ng mga kalalakihan ay naghanda para makipaglaban sa
mga mandirigma ng Tulgao. Marami ang namatay sa magkabilang tribo at hindi nakaligtas si Binsay sa
mga natamaan. Dahil alam na ni Binsay na di nasiya makakapunta sa napag-usapan nila ni Lupting,
kinausap niya ang kanyang kapatid na puntahan si Lupting sa tuktok ng Bundok Taungay at sabihing di
na siya makakapunta.Samantala, nakarating na si Lupting sa ituktok ng Bundok Taungay at laking
dismaya niya nang makitang walang Binsay na naghihintay sa kaniya. Sa oras ding iyon ay dumating ang
kapatid ni Binsay at ibinalita kay Lupting ang masamang nangyari sa minamahal na si Binsay. (parang
pinagsakluban ng langit at lupa si Lupting.) Di niya inakala na ang kaniyang mahal na si Binsay di na niya
makikita at makakasama pa.Sa kaniyang pagluluksa, hiningi niya sa Kabunyan nasiya’y kunin na lang
dahil wala nang silbi ang kaniyang buhay kung wala rin lang si Binsay na kaniyangminamahal. Walang
batid ang kaniyang paghinagpis at panaghoy hanggang sa siya’y mahiga at umasang muli na makasama si
Binsay sa kabilang buhay.Kinaumagahan, nagulat na lamang ang mga tao sa Luplupa dahil ang dating
Bundok Taungay ay nagkahugis ng babae. Ang kapatid ni Binsay ay nagsabing ang hugis babae ay
walang iba kundi si Lupting na siyang minamahal ni Binsay.Dito nagtatapos ang pag-iibigan nina Binsay at
Lupting na kahit sa kamatayan ay di napaghihiwalay ang kanilang pagmamahalan sa isa’t isa.

You might also like