Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

Grade Level 7

DAILY LESSON Teacher LADY CHRISTIANNE N. CALICA Learning Area FILIPINO


PLAN Teaching Dates and Ika-5 ng Disyembre, 2018 Quarter Ikatlong
Time Markahan

Pagpapakitang Turo sa Filipino


I. LAYUNIN
A. Pamantayang Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa mga akdang pampanitikan ng
Pangnilalaman Luzon.
B. Pamantayang Pagganap Naisasagawa ng mag-aaral ang komprehensibong pagbabalita (news casting )
tungkol sa kanilang sariling lugar
C. Kasanayang Pampagkatuto F7WG-IIIa-c-13
Naiaangkop ang wastong tono o intonasyon sa pagbigkas ng mga tula/awiting
panudyo, tulang de gulong at palaisipan
II. NILALAMAN PONEMANG SUPRASEGMENTAL
III. KAGAMITANG PANTURO
Sanggunian
Mga Pahina sa Teksbuk Pluma 7 pp. 290-291
Iba pang Kagamitang Panturo Powerpoint presentation, projector, speaker, pictures, flashcards
IV. PAMAMARAAN
A. Balik-Aral sa Pagbabalik aral sa mga Kaalamang Bayan.
nakaraang aralin at/o 1. Ano-ano ang mga kaalamang-bayan na natalakay? Magbigay ng
pagsisimula ng bagong halimbawa.
aralin. -Bugtong
-Tugmang de gulong
-Tulang panudyo
-Palaisipan

B. Pagganyak -Ang guro ay magpapakita ng mga larawan na mayroong mga linya/pangungusap


mula sa mga sikat na artista. Pipili ang guro kung sino ang babasa ng linya sa
larawan.
-Pagkatapos basahin ng mga mag-aaral ay ipapakita/ipapanood ng guro ang
video na pinagmulan ng linya.
C. Pagtalakay sa bagong -Matapos ang pagganyak, itanong sa mga mag-aaral ang kaibahan ng pagbigkas
konsepto ng mga artista sa video kumpara sa kanilang kamag-aral na bumasa nito.
-Pagtalakay sa ponemang suprasegmental
-Ipabasa sa iba’t ibang mag-aaral na may iba’t ibang emosyon ang pangungusap
na, "Mahal ko ang aking bayan pagkat utang ko rito at magiging utang
pa ang aking kaligayahan." - Ibarra (kab. 49) Noli Me Tangere
-May pagkakaiba ba sa pagbigkas ng pangungusap at mga salita ang inyong
mga kamag-aral? Bakit kaya? Ano ang nakakaapekto sa pagkakaiba-iba ng
pagbigkas ng inyong mga kamag-aral.
-Pagtalakay sa Tono, intonasyon at punto
-Gamit ang flashcards, ipasuri ang pagbigkas ng dalawang magkasingtunog na
salita.
 /sa.ya/,/sayâ/
 /ba.ka/, /bakâ/
 /magsa.sa.ka/, /magsasakâ/
-Bakit magkapareho ang baybay ng mga salita? Ano ang nakakaapekto sa mga
salita upang maging magka-iba ang bigkas ng mga ito?
-Pagtalakay sa Diin at haba
-Ipabasa ang pangungusap na nasa pisara at lagyan ito ng bantas (kuwit, tuldok,
atbp.) sa iba’t-ibang parte ng pangungusap.
 Maari ka nang kumain kahit naglalakad
 Namasyal sina Juan Carlo at Percy
-Ibigay ang kahulugan ng pangungusap sa bawat pag-iiba ng bantas.
-Bakit nag-iiba ang kahulugan ng bawat pangungusap?
-Pagtalakay sa Hinto at antala
D. Paglalapat ng aralin sa -Magbigay ng mga sitwasyon na kung saan nagagamit ang ponemang
pang-araw-araw na suprasegmental? At papaano ito makakatulong.
buhay
E. Paglalahat ng Aralin Isa-isahin muli ang iba’t ibang ponemang suprasegmental.
F. Pagtataya ng Aralin Igrupo tatlo (3) ang mga mag-aaral ay magkakaroon ng sabayang pagbigkas ng
mga sumusunod:
a. Tulang Panudyo
- Bata batuta Samperang muta 
Tutubi tutubi wag kang pahuli 
Sa batang mapanghi 
Putak, putak
Batang duwag 
Matapang ka’t nasa pugad
b. Tugmang de gulong
- Sitsit ay sa aso,
Katok ay sa pinto,
sambitin ang “para”
sa tabi tayo’y hihinto.
c. Palaisipan
- Guro:Sa taas ng bubong,may tandang,saan mangingitlog yung
tandang?
Pedro:Sa taas ng bubong po
Juan:E,hindi naman nangingitlog ang tandang eh.
Guro:Tama si juan.
RUBRIKS SA GAWAIN:

Pamantayan 5 4 3 2 1
Napakahusay Mahusay Katamtaman Di- Kailangan ng
gaanong pagpapabuti
magaling
Maliwanag na
nabigkas at
nalapatan ng
watong ritmo (tono,
diin, at antala) ang
pagbigkas ng mga
salita.
Angkop ang bawat
kilos at ekspresyon
ng mukha, kumpas
ng kamay, galaw
ng mata, labi at iba
pa.
Malinaw na
naipapahayag ang
ideyang
nakapaloob sa mga
kaalamang bayan.

V. TAKDANG-ARALIN - Sumulat ng tatlong salita na pareho ang baybay at isulat ang tamang
pagbikgkas nito.

You might also like