Professional Documents
Culture Documents
FILI 101 (B141) Preliminary Examinations: Josiah Samuel O. España
FILI 101 (B141) Preliminary Examinations: Josiah Samuel O. España
ESPAÑA
Bigyang pagkilala ang mga Pilipinong may-akda ng iba’t ibang uri ng akdang
pampanitikan bilang pagpapahalaga hindi lamang sa malikhaing akda kundi pati
rin sa mga taong nasa likod nito
Tukuyin ang mga kalakasan at kahinaan ng ating lahi nang sa gayo’y mapag-
ibayo pa ang mga mabubuting katangian bilang isang lipi at mapalakas ang
ating mga kahinaan bilang isang bansa at maiwasto ang ating mga pagkakamali
bilang isang indibidwal at bilang isang komunidad
Patuloy na alalahanin ang kadakilaan ng ating kasaysayan, lalo na ang
pagpapakasakit ng ating ninuno upang ating tamasain ang kalayaan at
kapayapaang pinakikinabangan natin sa kasalukuyang panahon
3. Ayon kay Macaraig, ang pag-aral ay isang adhikaing ninanais ng sinuman na
naghahangad na yumabong ang kakayahang intelektuwal, sa iyong palagay ano
ang mga paraan o mga hakbang ang kailangan nating gawin upang
maisakatuparan Ito?
Sa aking palagay, magiging epektibo ito kung isa sa mga layunin, maliban
sa magpaunawa, ay manlibang. Masasabi ko rin na mas sanay ang mga kabataan
ngayon sa pakikinig at panonood (awdyo-biswal). Kung sa pamamaraang ito lalago ang
pagkaunawa at pagkatuto ng ating makabagong henerasyon, wala akong karapatan o
sinuman na tumutol sapagkat para ko na ring hinadlangan ang pagnanais nilang
payabungin ang kanilang kakayahang intelektuwal.