Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 5

TIMOG SILANGANG ASYA

Ang Timog Silangang Asya ay isang subrehiyon ng kontinenteng Asya, na binubuo ng mga bansang


heograpikal nasa timog ng Tsina, silangan ng Indiya, kanluran ng Bagong Guinea at hilaga ng Australya.
Ang klima sa rehiyong ito ay karaniwang tropikal, mainit at mahalumigmig sa loob ng isang buong taon. Ang Timog
Silangang Asya ay binubuo ng dalawang rehiyong heograpikal: Ang kalupaang Asyano, at ang mga arkong pulo at
mga kapuluan sa silangan at timog silangan. Ang mga bansang nasa kalupaang Asyano ay kinabibilangan
ng Cambodia, Laos, Myanmar, Thailand, at ang Vietnam; ang populasyon ay pangunahing binubuo ng mga Tibeto-
Burmano, mga Tai, at mga Austroasiatiko; ang pinakamalaking relihiyon ay Budismo, na sinundan ng Islam,
at Kristiyanismo. Ang mga bansang nasa karagatan ay binubuo ng Brunei, Silangang
Timor, Indonesia, Malaysia, Pilipinas, at ang Singapore. Ang ibang paglalarawan sa rehiyon ay sinasama
ang Taiwan sa hilaga. Ang mga Austronesiano ang dominante sa rehiyon; ang pangunahing relihiyon ay Islam, na
sinundan ng Kristiyanismo

Pampolitika
Ang paghahati sa "Timog Silangang Asya" ay nag-iiba-iba, subalit karamihan sa mga ito ay kinabibilangan ng mga
bansang ito:

 Brunei
 Cambodia
 Indonesia  Pilipinas
 Laos  Singapore
 Malaysia  Thailand
 Myanmar  Vietnam
 Silangang Timor
Ang lahat ng nasa itaass ay kasapi ng ASEAN, maliban na lamang sa Silangang Timor (na kilala rin bilang Timor
Leste), na isang kandidatong estado para sa ASEAN. Ang bahagi, na kasama ang ilang bahagi ng Timog Asya, ay
kilala bilang Silangang Indies o sa payak na Indies hanggang noong ika-20 dantaon. Ang Pulo ng Christmas at
ang mga pulo ng Cocos (Keeling) ay kasama bilang bahagi ng Timog Silangang Asya pati na ng Silangang
Asya ngunit sila ay pinamamahalaan ng Australya. Ang Taiwan kinokonsidera na bahagi ng TImog Silangang Asya
pati na ng Silangang Asya subalit hindi ito kasapi ng ASEAN. Ang mga usaping pangsoberenya ay buhay sa mga
pulo sa Dagat Timog Tsina. Ang Papua ay pampolitika na bahagi ng Timog Silangang Asya sa pamamagitan ng
Indonesia, ngunit heograpikal itong kinokonsidera bilang bahagi ng Oceania.

Heograpikal
Ang Timog Silangang Asya ay heograpikal na nahahati sa dalawang rehiyon, na tinatawag na Kalupaang Timog
Silangang Asya (o ang Indotsina) at ang Karagatang Timog Silangang Asya (o ang Kapuluang Malay) (o sa wikang
Indones ay Nusantara).
Ang Kalupaang Timog Silangang Asya ay kinapapalooban ng:

 Cambodia
 Laos
 Myanmar
 Thailand
 Vietnam

Ang Karagatang Timog Silangang Asya ay kinapapalooban ng:

 Brunei  Malaysia
 Silangang Timor  Pilipinas
 Indonesia  Singapore
Ang Silangang bahagi ng Indonesia at Silangang Timor (silangan ng Linyang Wallace) ay kinokonsidera bilang
heograpikal na bahagi ng Oceania.
Ang mga pulo ng Andaman at Nicobar ng India ay heograpikal na kinokonsidera bilang bahagi ng Timog Silangang
Asya. Ang Hilagang Silangang India ay kultural na Timog Silangang Asya at minsang kinokonsidera bilang TImog
Asyano at Timog Silangang Asyano. Ang Pulo ng Hainan at ang ilang mga rehiyong Tsino gaya
ng Yunnan, Guizhou at Guangxi ay kinokonsidera bilang Silangang Asya at Timog Silangang Asya. Ang Taiwan, na
tapat sa Tropiko ng Kanser ay nasa hangganan ng Dagat Timog Tsina, kaya kadalasang sinasama sa Timog
silangang Asya at pati rin sa Silangang Asya.

Kasaysayan
Pangunahing lathalain: Kasaysayan ng Timog Silangang Asya
Si Solheim at ang iba pa ay nagpapakita ng katibayan ng isang sanga sangang kalakalan "Nusantao" (Nusantara)
sa karagatan na mula Vietnam hanggang sa kabuuan ng mga kapuluan o arkipelago noon pang 5000 BCE
hanggang 1 CE. Ang mga tao ng Timog Silangang Asya, lalo na ang mga mula sa lahing Austronesyano, ay ilang
libong taon nang mga mandaragat, at ang ilan pa ay naaabot ang pulo ng Madagascar. Ang kanilang mga
sasakyan, gaya ng vinta, ay nakapakalahaga sa karagatan. Ang paglalakbay ni Fernando Magallanes ay nagtala
kung gaano mas mahusay ang mga sasakyan ng mga ito, kung ihahambing sa mga sasakyang pandagat ng mga
Europeo.
Ang pagdaan sa Karagatang Indiyano ang nakatulong sa pagkolonisa ng Madagascar ng mga taong
Austronesyano, at kasabayan din nang pag-unlad ng kalakalan sa pagitang ng Kanlurang Asya at Timog Silangang
Asya. Ang ginto mula Sumatra ay sinasabing umabot hanggang sa Roma.
Orihinal na mga animista ang mga tao. Ito ay lumaong napalitan ng Brahmanikong Hinduismo. Ito naman ay
sinundan ng Theravada Budismo, noong 525. Noong 1400, pumasok sa rehiyon ang impluwensiyang Islamiko. Ito
ang tumulak sa mga Hindu ng Indonesia na umatras sa Bali.
Sa Kalupaang Timog Silangang Asya, napanatili ng Myanmar, Cambodia, at Thailand ang paniniwalang Theravada
ng Budismo, na dinala doon buhat sa Sri Lanka. Ang uri ng Budismong ito ay humalo sa impluwensiyang Hindu ng
kulturang Khmer.

Kakaunti lamang ang nalalaman sa mga paniniwalang panrelihiyon sa Timog Silangang Asya bago dumating ang
mga mangangalakal na mga Indiyano at mga impluwensiyang relihiyosa mula noong ikalawang dantaon BCE. Bago
mag-13 dantaon, ang Budismo at Hinduismo ay ang pangunahing relihiyon sa Timog Silangang Asya.
Ang Kahariang Hindu ng Jawa Dwipa sa Java at SUmaatra ay nabuo noong tinatayang 200 BCE. Ang kasaysayan
ng daigdig ng taong Malay ay nagsimula sa pagdating ng mga impluwensiyang Indiyano, na tinatayang naganap
noong ika-3 dantaon BC ang nakalipas. Ang mga mangangalakal na Indiyano ay dumating sa arkipelago dahil sa
parehong yamang gubat at yaman ng karagatan nito at upang makipagkalakalan sa mga mangangalakal mula sa
Tsina, na mas maaagang natuklasan ang daigdig ng mga Malay. Ang parehong Budismoat Hinduismo ay maayos
na naitatag sa Tangway ng Malay noong simula ng ika-1 dantaon CE, at mula roon ay lumaganap sa buong
kapuluan.
Ang Cambodia ay ang unang naimpluwensiyahan ng Hinduismo noong unang bahagi ng kaharian ng Funan. Ang
Hinduismo ay isa sa mga opisyal na relihiyon ng Emperyo ng Khmer. Ang Cambodia ay ang tahanan ng isa sa
dalawang templong alay sa Brahma sa daigdig. Ang Angkor Wat ay tanyag ding templong Hindu sa Cambodia.
Ang Emperyong Majapahit ay isang Indiyanong Kaharian na matatagupuan sa silangang Java mula noong 1693
hanggang 1500. Ang pinakadakilang pinuno nito ay si Hayam Wuruk, na namuno mula 1350 hanggang 1389 na
nagmarka ng karurukan ng emperyo nang sakupin nito ang iba pang mga kaharian sa katimugan ng Tangway ng
Malay, Borneo, Sumatra, Bali at ang Pilipinas. Ang kabuuan din ng Pilipinas ay nagbibigay din ng pagkilala sa sa
emperyo
Ang mga Cholas ay nagpamalas sa mga aktibidad sa karagatan, sa parehong aspeto ng sandatahan at
pangangalakal. Ang kanilang pagsalakay sa Kedah at sa Srivijaya, at ang kanilang patuloy na ugnayang
pangkalakalan (commercial) sa Emperyong Tsino, ay ang nagbigay daan sa kanila upang maimpluwensiyahan ang
katutubong kultura. Karamihan sa mga natitirang halimbawa ng mga impluwensiyang kultural na Hindu na makikita
ngayon sa kalakhang Timog Silangang Asya ay dulot ng mga paglalakbay ng mga Chola.[4]

Kalakalan at Kolonisasyon
Tsina
Ang mga mangangalakal na Tsino ay matagal nang nakikipagkalakalan sa rehiyon ayon na rin sa katibayan
ng tala ng paglalakbay ni Magallanes na ang Brunei ay mas marami pang pagmamay-aring kanyon kung
ihahambing sa mga sasakyang pandagat ng mga Europeo kaya't lumalabas na pinalakas sila ng mga
Tsino.[3]
Isang alamat na Malayo ang nagsasabi na isang Tsinong emperador na Ming ang nagpadala ng prinsesa,
si Han Li Po sa Malacca, na may kasamang 500 mga abay, upang pakasalan si Sultan Mansur
Shah pagkatapos mamangha sa katalinuhan ng Sultan. Ang balon ni Han Li po (tinayo noong 1459) ay
ngayon isa nang atraksiyong panturista, pati ang Bukit Cina, kung saan ang kanyang mga abay ay
nanirahan.
Ang istratehiyang kahalagahan ng Kipot ng Malacca, na kontrolado ng Sultanato ng Malacca noong ika-15
dantaon at noong unang bahagi ng ika-16 na dantaon.

Ekonomiya
Ang rehiyon ay isa sa pinakaproduktibo sa paggawa ng mga microprocessor. Ang mga imbak ng langis ay
mayroon din sa rehiyon.
Labingpitong kompanyang pangtelekomunikasyon ang kumontrata upang buuin ang bagon kableng
submarino upang ikonekta ang Timog Silangang Asya sa Estados Unidos.[5] Ito ay upang maiwasan ang
pagkaabala na tulad ng nangyaring pagkaputol ng kable mula Taiwan patungong E.U. sa isang lindol.

Demograpiya

Isang Pie tsart na nagpapakita sa pagkakahati ng populasyon sa mga bansa sa Timog Silangang Asya at sa mga
pulo ng Indonesia

.
Ang Timog Silangang Asya ay may sukat na umaabot sa 4,000,000 km² (1.6 milyon milya parisukat). Noong
2004, mahigit sa 593 milyong katao ang nakatira sa rehiyon, Isa sa lima nito (125 milyon) ay nakatira sa
pulo ng Java sa Indonesia, ang pinakamataong malaking pulo sa buong mundo.
Ang pagkakahati ng mga relihiyon at tao ay malawak sa Timog Silangang Asya at nag-iiba bawat bansa.
Ang ilang 30 milyong mga migranteng Tsino ay nakatira din sa Timog Silangang Asya, na madami sa Pulo
ng Christmas, Malaysia, Pilipinas, Singapore, Indonesiaat Thailand, at bilang mga Hoa, sa Vietnam.

Relihiyon
Ang mga bansa sa Timog Silangang Asya ay naniniwala sa maraming iba't ibang mga relihiyon. Ang mga
bansang nasa kalupaang Asya. gaya ng Thailand. Cambodia, Laos, Myanmar. at Vietnam ay pangunahing
naniniwala sa Budismo. Ang Singapore ay pangunahin din Budista. Ang mga paniniwalang namana
at Confucianismo ay malawak din pinananaligan sa Vietnam at Singapore. Sa Kapuluaang Malay, ang mga
taong nakatira sa Malaysia, kanlurang Indonesia at Brunei ay pangunahing naniniwala sa Islam.
Ang Kristiyanismo ay ang pangunahing relihiyon sa Pilipinas, silangang Indonesia at Silangang Timor.
Ang Pilipinas ang pinakamalaking Katolikong populasyon na sinundan naman ng vietnam sa malayong
agwat. Ang Silangang Timor ay isa ring predominanteng Katoliko dahil sa matagal na pananakop dito ng
mga Portuges.

Mga Bansa
Ang subrehiyon ay may 11 mga bansa at ito ay mahahati sa mga bansa sa pangunahing-lupain at mga
kapuluan. Kabilang sa mga bansa sa pangunahing-lupain ang:

Pangalang ng rehiyon[6] at Populasyon Densidad ng


Lawak
teritoryo, kasama (taya ng populasyon Kabesera
(km²)
ang watawat 2014) (bawat km²)
Timog-silangang Asya:[7]
Bandar Seri
 Brunei 5,770 423,205 60.8
Begawan
 Cambodia 181,040 15,408,270 70.6 Phnom Penh
 East Timor (Timor-Leste)
[8] 15,007 1,152,439 63.5 Dili

 Indonesia[9] 1,419,588 252,812,245 159.9 Jakarta

 Laos 236,800 6,894,098 24.4 Vientiane


 Malaysia 329,750 30,187,896 68.7 Kuala Lumpur

 Myanmar (Burma) 678,500 53,718,958 62.3 Naypyidaw[10]


 Pilipinas 300,000 100,096,496 310.8 Maynila

 Singapore 704 5,517,102 6,369.0 Singapore

 Thailand 514,000 67,222,972 121.3 Bangkok

 Vietnam 331,690 92,547,959 246.1 Hanoi


Topograpiya ng Timog-silangang Asya; para sa mas detalyadong mapang-pdf
silipin http://www.cia.gov/cia/publications/factbook/reference_maps/pdf/southeast_asia.pdf

Ang bansang Malaysia ay may dalawang parte na nahahati ng Dagat ng Timog Tsina. Peninsular
Malaysia ay nasa pangunahing-lupain samantalang ang Silangang Malaysia ay nasa Borneo, isa sa pinaka-
malaking isla sa rehiyon. Ang bansang Malaysia ay kinikilalang bansang kapuluan.
Ang Timog-silangang Asya ay may sukat na 1.6 milyon milya kwadrado (4,000,000 km²). Noong 2004, higit
sa 550 milyong tao ang nakatira sa rehiyon, 110 milyon nito sa isla ng Java ng Indonesia.

You might also like