Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 38

Isinulat ni:

Ma. Carmen B. Delada

Iginuhit ni:
Recel Joy Vasquez
COPYRIGHT 2019

Section 9 of the Presidential Decree No. 49 provides:


“No copyright shall subsist in any work of the Government of
the Republic of the Philippines. However, prior approval of the
government agency or office wherein the work is created shall be
necessarily for exploitation of such of work to profit.”

The original version of this material has been developed in the Division of Negros
Occidental through the Learning Resource Management and Development Section of the
Curriculum Implementation Division. This material can be reproduced for educational
purposes; modified for the purpose of translation into another language; and creating of an
edited version and enhancement of work are permitted provided all original work of the
author and illustrator must be acknowledged and the copyright must be attributed. No work
may be derived from any part of this material for commercial purposes and profit.

This material has been approved and published for online distribution through the
Learning Resource Management and Development System (LRMDS) Portal
(http://lrmds.deped.gov.ph).
SI DENNIS ANG BATANG MALINIS
Writer: MA. CARMEN B. DELADA

Illustrator: RECEL JOY VASQUEZ

Language / Content / Illustration Editors:

ANALYN S. DIMALALUAN
District LRMDS Coordinator

RUFINO L. DELFIN CARMELA P. HUGO


Principal Principal

ANGELES P. VERDEPRADO
Public Schools District Supervisor

Division LRMDS Quality Assurance Team:

OTHELO BEATING
Project Development Officer II, LRM

RAULITO D. DINAGA
Education Program Supervisor, LRM

Approved for the use of the Schools Division:

LEAH P. ROSAL, Ph. D.


Chief – Curriculum Implementation Division

MA. TERESA P. GEROSO, CESE DENNIS G. DEVELOS, Ph.D., CESE


OIC - Assistant Schools Division Superintendent OIC - Assistant Schools Division Superintendent

PORTIA M. MALLORCA, Ph.D., CESO V


Schools Division Superintendent
PAUNANG SALITA

Sa mga guro at mananalaysay,


Ang kuwentong ito ay isinulat hango
sa pamantayan sa pagkatuto sa
iba’t-ibang asignatura tulad ng
Edukasyon sa Pagpapakatao, Filipino
at Health. Sa pamamagitan ng
kuwentong ito, matutukoy ang
layunin sa pag-aalaga ng katawan
at kalusugan. Matutunan at
mapapaunlad din ang kaalaman ng
batang mambabasa kung paano
mapapanatili ang wastong
pangangalaga sa kanilang sarili at
kalusugan, dahil ang kalusugan ay
kayamanan.
SI DENNIS
ANG BATANG
MALINIS
Sa isang bayan ng E.B. Magalona may
isang mabait at matulungin na batang lalaki na
ang pangalan ay Dennis. Siya ay nasa unang
baitang pa lamang.
1
Si Dennis ay palaging matamlay at
walang ganang pumasok sa eskwela kahit
siya ay mahilig kumain.
2
Mahilig siyang kumain ng mga prutas
tulad ng mangga, atis, papaya at bayabas
at iba pang uri ng prutas.

3
Masaya siya kung nasa harap ng
masasarap at hinog na mga prutas para
kainin.

4
Maliban sa mga prutas, mahilig din
siyang uminom ng gatas at kumain ng
nilagang itlog.

5
Maliban sa mga ito, kumakain din siya
ng mga gulay at iba pang
masustansyang pagkain.

6
Ngunit may ugaling hindi maganda si
Dennis. Siya ay hindi naghuhugas ng mga
kamay bago at pagkatapos kumain.
Kung minsan siya ay kumakain pa
habang naglalaro.

7
Maging ang mga prutas na kanyang
baon ay hindi rin niya hinuhugasan bago
ito kainin.

8
Isang araw, habang papauwi si Dennis
nakaramdam siya ng matinding sakit ng
tiyan.

9
Pumunta siya kaagad sa kanyang
Nanay Carmen para ipaalam ang
kanyang dinaramdam.
Nay, masakit
po ang aking
tiyan.

10
Nang malaman ng kanyang nanay
ang kanyang dinaramdam, agad siyang
pinabihis at dinala sa malapit na klinika
upang ikunsulta sa doktor.
11
“Magandang umaga po, doktor. Dinala
ko po dito ang aking anak na si Dennis
dahil masakit ang kanyang tiyan.”
12
“Naku Dennis, siguro may marami
kang alaga sa loob iyong tiyan!”
13
Tiningnan ng doktor si Dennis at
pinaupo sa kama.

Aha! Tama ang


hinala ko Dennis.
May marami
kang alaga sa
loob ng iyong
tiyan!

14
Kaya binigyan ng gamot pampurga si
Dennis ng doktor at ininom niya ang mga
ito.

15
“Dennis, dapat palagi tayong
malinis sa ating katawan. Ugaliing
maghugas ng kamay palagi, lalong-lalo
na bago at pagkatapos kumain,” payo
ng doktor kay Dennis.
16
‘ Kailangan po pala ‘yon
doktor? Akala ko po dahil
mahilig akong kumain ng
masustansyang pagkain ay
malusog na po ako. Sige po
dok, maraming salamat po.

17
Simula noon sinunod lahat ni Dennis
ang payo ng doktor at naging malusog
na ang kanyang pangangatawan.
18
Naghuhugas na siya ng kamay bago
at pagkatapos kumain. 19
Sinanay din niya ang sarili na palaging
maghugas ng kanyang mga maruruming
kamay pagkatapos maglaro.
20
Naging ugali din ni Dennis ang
paghugas ng mga kamay pagkatapos
gumamit ng palikuran.
21
Gayun din pagkatapos makipaglaro
at pakainin ang kanyang alagang aso.
22
mga Agad din niyang hinuhugasan ang
kanyang mga kamay kapag ginamit niya
itong pantakip ng kanyang bibig sa pag-
ubo.

23
Naghuhugas din siya ng mga kamay
pagkatapos magbahing.

24
Dahil nakasanayan na ni Dennis na
palaging naghuhugas ng mga kamay,
naging masigla, masayahin at aktibo na
siya sa pakikipaglaro at sa lahat ng
kanyang mga gawain.

25
Masigla na siyang tumutulong sa
kanyang nanay Carmen sa mga gawaing
bahay.

26
Naging aktibo na rin siya sa kanilang
mga gawain sa loob at labas ng klase.

27
Tumutulong na rin siya sa paglilinis ng
kanilang pamayanan.

28
Hinihikayat rin niya ang kanyang mga
kaibigan na maghugas palagi ng mga
kamay. Kaya si Dennis ay naging
modelo ng kanyang mga kapwa mag-
aaral. 29
At higit sa lahat naging malusog,
masigla at masayahing bata si Dennis.
Siya ngayon ay tinatawag ng lahat na
“Dennis, ang batang malinis.”

30
Sagutin ang mga sumusunod na
tanong:
1. Ano-ano ang mga katangian
ni Dennis?
2. Bakit hindi malusog si Dennis
kahit kumakain siya ng mga
masustansyang pagkain?
3. Ano kaya ang nasa loob ng
tiyan ni Dennis na naging
dahilan ng pagsakit nito?
4. Dapat ba sundin ni Dennis ang
payo ng doktor? Bakit?
5. Paano naging modelo si Dennis
sa kanyang kapwa mag-
aaral?

31
Subject:

EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO / HEALTH

Intended for:

Grade 1

Learning Competency:

CODE LAYUNIN
ESP1PKP-Id-3 Nakikilala ang ibat-ibang gawain/paraan na
maaaring makasama o makabuti sa kalusugan.

ESP1PKP-Id-4 Nasasabi na nakatutulong sa paglinang ng sariling


kakayahan ang wastong pangangalaga sa sarili.

ESP1PKP-If-5 Nakapagpapakita ng wastong pag-uugali sa


pangangalaga sa sarili.

F1PS-IIf-6.1 Naisasalaysay ang napakinggang teksto sa tulong ng


larawan.

F1PS-IIIc-10.1 Nakapagtatanong tungkol sa napakinggang kuwento.

H1N-Ig-j-4 Practices good eating habits that can help one


become healthy.

H1PH-IIe-3 Realizes the importance of washing hands

Values Integrated:
Pagkamalinis, Pagkamasunurin, Pagpapahalaga sa Kalusugan;
Kamalayan sa Kalinisan
Si Ma. Carmen B. Delada, Teacher III,
ay nagtuturo sa Unang Baitang ng
Mababang Paaralan ng E.B.
Magalona, Distrito ng Enrique B.
Mgalona, Dibisyon ng Negros
Occidental.
Siya ay nagtapos ng Bachelor in
Elementary Education sa Philippine Normal University, Cadiz
Campus, Cadiz City, Negros Occidental.

Si Recel Joy Vasquez, Teacher I, ay


nagtuturo sa Ika-apat na baitang ng
Manta-angan Elementary School,
Distrito ng Enrique B. Mgalona, Dibisyon
ng Negros Occidental.
Siya ay nagtapos ng Bachelor in
Elementary Education sa Carlos Hilado
Memorial State College Talisay Campus, Talisay City, Negros
Occidental.

You might also like