Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

KABANATA V

LAGOM, KONKLUSYON AT REKOMENDASYON

Ang kabanatang ito ay nagbibigay ng buod, natuklasan, konklusyon at


rekomendasyon ng pag-aaral. Ang pamagat ng pag-aaral na ito ay “Epekto ng Mañana
Habit sa mga Estudyanteng Nars ng Pamantasan ng Lungsod ng Maynila: Ang Pag-
aaral”

LAGOM

Ang pag-aaral na ito ay isinagawa upang matukoy ang epekto ng Mañana habit
sa mga estudyanteng nars na nag-aaral sa Pamantasan ng Lungsod ng Maynila. Ang
mga mananaliksik ay nangalap ng mga impormasyon at datos patungkol sa mga
sumusunod na suliranin. Ang unang suliranin ay kung paano ba nakaka-apekto ang
kaugalian na Mañana habit, ikalawang suliranin ay ano ang mga kadahilanan kung bakit
may ganitong kaugalian, ikatlong suliranin ay ano ang mga ugaling kailangang mapairal
upang magapi ang kaugaliang Mañana habit, ikaapat na suliranin ay ano ang bunga ng
kaugalian na ito at ang panglimang suliranin ay bakit laganap ang kaugalian na ito sa
mga mag-aaral, partikular sa mga estudyanteng nars ng Pamantasan ng Lungsod ng
Maynila.

Upang matukoy ang Epekto ng Mañana Habit sa mga Estudyanteng Nars ng


Pamantasan ng Lungsod ng Maynila, ang mga mananaliksik ay naghanda ng isang
talatanungan o survey questionnaire para sa 50 na estudyanteng nars lamang na
magsasagot. Ang datos na natipon ay nagsilbi bilang pangunahing nakalap na
kasagutan ng pag-aaral na kung saan ay maingat na iniharap at nasuring maayos.

KONKLUSYON

Batay sa mga natuklasan ng pag-aaral, ang mga sumusunod ay:

1. May hindi maganda o masamang epekto ang Mañana habit sa mga


estudyanteng nars, lalo na sa pokus, determinasyon at kasipagan ng kahit
sinumang mag-aaral. Ang Mañana habit ay nakisisira ng pokus sa pag-aaral at
nakasasayang ng oras na dapat sana ay nakalaan sa pagtapos ng mga
importanteng gawain.

2. Maraming pwedeng kadahilanan kung bakit nga ba umiiral ang kaugalian na


Mañana habit, tulad na lamang ng social media, impluwensya ng ibang tao, may
iba pang mga importanteng gawain, mga biglaang kaganapan, personal na mga
rason at ang pag-uugali o asal na mismo ng isang tao.
3. Ang mga kaugalian na dapat pairalin at isabuhay ng mga mag-aaral o ng mga
estudyanteng nars ay ang pagiging responsable, masipag, maalalahanin,
madisiplina, pagkakaroon ng respeto sa oras at interes sa anumang gawain. Ang
Mañana habit ay isang kaugalian na kalakip na sa mga mag-aaral, subalit
maiiwasan naman ito kung mas pagtutuunan ng pansin ang mabubuting
kaugalian na dapat taglayin ng isang responsableng tao.

4. Maraming pwedeng masamang bunga, resulta o dulot ang Mañana habit lalo na
sa pag-aaral ng mga estudyanteng nars. Ang labis na pagsasantabi o pagpapa-
bukas ng mga gawain ay maaaring makaresulta sa pagkalimot, pagkagahol o
pagkabahala na makaka apekto sa kalidad ng magiging gawain, kung ito’y
proyekto, takdang aralin, ulat o kung ano pa man.

5. Laganap ang kaugalian na Mañana habit sa mga mag-aaral lalo na’t ang mga
kabataan ngayon ay tila ba maraming ginagawa at pinagkakaabalahan.
Inilalalaan ang mga mahalagang oras sa halos walang katuturan na mga bagay
at gawain. Ang mga mag-aaral din ay nasanay na ipasantabi ang mga gawain,
kung saan minamadali at magagahol sila sa araw ng pasahan. May mga
impluwensya rin ang kanilang kaibigan at kapwa mag-aaral upang mas lalong
mapairal ang kaugaliang Mañana habit sa pang-araw-araw na gawain.

REKOMENDASYON

Matapos ang masusing pagkalap ng mga kailangang datos, nabuo ng mga


mananaliksik ang mga rekomendasyong ito:

1. Ang Mañana habit ay tunay ngang nakaka-epekto sa mga estudyanteng nars sa


hindi magandang pamamaraan. Upang maiwasan ang kaugalian na ito at hindi
makasagabal o magkaroon ng masamang epekto sa pag-aaral, mahalaga
magkaroon ng maayos na “time management” na kung saan ang mga
estudyanteng nars ay may nakahandang plano kung paano nila mabuting
paglalaanan o gagamitin ang kanilang oras.

2. Ang mga kadahilanan kung bakit umiiral ang kaugaliang Mañana habit ay
mahirap iwasan o ipasintabi, ngunit kung ang mga mag-aaral ay may sapat na
interes o determinasyon upang matapos ang gawain, siguradong makakaya o
mapagsisikapan ng mga mag-aaral mairaos ang anumang gawain.

3. Ang Mañana habit ay isang kaugalian na mahirap iwasan pero may mga
kaugalian pa rin na dapat mangingibabaw o mapairal upang hindi patuloy na
makaapekto ang Mañana habit sa responsibilidad ng mga mag-aaral. Importante
ang pagkakaroon ng disiplina, kasipagan, respeto sa oras at ang motibasyon o
kagustuhan na matapos ang mga gawain sa takdang oras. Hindi madali
isabuhay ang mga kaugaliang ito pero kung ito’y tinatanim sa kaisipan at
kinagawian din ng mga tao na nakapaligid, makakasanayan na rin ng mga mag-
aaral na maging responsable.

4. Upang hindi pa magkaroon ng bunga ang Mañana habit, dapat lamang na


maintindihan ng mga estudyanteng nars ang masamang epekto nito sa kanilang
pag-aaral at buhay. Dapat iwasan o limitahan ng mga mag-aaral ang kaugalian
na ito, kung saan lagi nilang alalahanin ang mga bagay o gawain na dapat ng
matapos. Simulang gawin ang mga proyekto o takdang aralin sa mas maagang
panahon at unti-unting tapusin ito bago ang pasahan.

5. Tunay ngang laganap ang kaugaliang Mañana habit sa mga mag-aaral. Upang
hindi patuloy pang lumaganap ang gantong pag-uugali, dapat nagsisimula mismo
sa mga mag-aaral ang pagbabago na kung saan kailangan nilang i-kondisyon
ang kanilang mga sarili na magkaroon ng disiplina at responsibilidad, at itong
mga mabuting kaugalian na ito ay dapat lumaganap at maimpluwensyahan ang
iba pang mag-aaral. Ang mga mag-aaral ay dapat magkaroon ng suporta sa
isa’t-isa at magtulong-tulungan upang ang mga gawain ay mabilis at madaling
matapos at maisantabi ang kaugalian na Mañana habit.

You might also like