Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

LESLIE L.

PAGUIO

BSN III-C

“ANG MGA KATUTUBONG WIKA SA MAKAPILIPINONG BAYANIHAN KONTRA PANDEMYA”

Sa apat na sulok ng ating bansa


Ay may iba’t iba tayong wikang kinabibilangan
Tagalog, Ilokano, Waray at marami pang iba
Ngunit ang wika natin ay siyang nagbubuklod sa atin bilang isang Mamamayang Pilipino
Sa gitna man ng ating krisis na kinakaharap ngayon ay nagkakaisa tayo.

Sa panahon man natin ngayon


Ang ating mundo’y puno ng takot at pangamba
Hindi dahil sa giyera o pananakop ng iba
Pighati at kalungkutan ay talagang damang-dama
Dahil sa pandemyang totoong salot na!

Bawat isa’y labis na nagdurusa


Nariyan pa ang kagutuman at paghihirap. Na saan ma’y nakikita
Kulang pa ba o sapat na? Yaan ang tanong ng bawat isa!
Ang pinsalang ibinigay ng sakit na pandemya.

Sa gitna man ng krisis na ito


Makikita sa apat na sulok ng ating bansa ang pagtutulungan o pagdadamayan ng bawat isa
Na sumusugpo ngayon sa pandemyang kinakaharap natin ngayon.
Lahat tayo’y may sariling katungkulan at kanya-kanya ring pananagutan!
Hindi lang sa ating wika, kung hindi rin sa pakikipaglaban sa pandemyang ito!
Upang kalayaan ay matamo.

You might also like