Midterm Exam Diskurso - WPS Office

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

BALANGKAS NG PAGSUSURI NG MAIKLING KWENTO

Ni: Efrelyn M. Tan

I. PAKSA:
-Ang labis na pagmamahal ng mag-asawa sa isa’t-isa

a. May Akda
- William Sydney Porter ngunit mas kilala sa pangalang O. Henry

b. Pamagat
- Aginaldo ng mga Mago

c. Tema
- Ang tema ng kwentong ito ay dahil sa kalabisang pagmamahal ng dalawang
nag-iibigan ay nagawa nilang magsakripisyo para sa kaligayahan ng bawat isa.

d. Uri ng Genre ng Akda


- Ang akdang ito ay napabilang sa likhang isip (fiction) na pagkasulat.

II. PAG-UNAWA
Ang kwento ito ay nagpapakita ng totoong kahulugan ng pagmamahal
na kung saan may pagkakataong mas pipiliin natin at kaya nating
isakripisyo ang mga bagay-bagay alang-alang sa ating minamahal. Sa
kagustuhan na nating mapasaya sila ay gagawin natin ang lahat para
maparamdam ang kaligayahang gusto nating ibigay sa kanila. Kahit na
minsan may mga bagay na hirap tayong bitawan at pakawalan ngunit
kung para sa mahal natin ay nagagawa nating isakripisyo ang lahat ng ito.
Napakahalaga rin ng akdang ito sapagkat pinapaalala sa atin na
kailanman ang mga materyal na bagay ay hindi magiging basehan ang
totoong pagmamahal natin sa isang tao. Pagpapakita ng sinseridad at
sakripisyo ay mas mainam na gagawin upang mapadarama at maipakita
natin sa kanila ng pagmamahal na walang kapantay.
III. NILALAMAN (Pagsusuri at Pagpapakahulugan)
1. Mga batayan sa pagsusuri
a. Tukuyin at ipaliwanag kung bago at napapanahon ang ibinigay na mga
impormasyon, ideya, diwa at mga kaisipan.
Bago at napapanahon ang ibinigay na mga impormasyon, ideya, diwa at
mga kaisipan sa kwento sapagkat araw-araw ay nagmamahal tayo. Araw-araw
gusto nating ipadama ang ating pagmamahal sa taong mahal natin. Gusto nating
bawat Segundo, oras maging sa lahat ng panahon ay mararamdaman nila ito.
Lalong-lalo na ngayon nalalapit na naman ang pasko, lahat sa atin ay gusto natin
silang handugan ng regalo. Ang pagmamahal ay hindi nangangailangan ng mga
marangyang bagay bagkus tunay at matibay ang pundasyon ay mas nararapat.
b. Suriin kung tapat at makatuwiran ang mga kaisipan at kaalamang ibinibigay
batay sa mga pinanghahawakang katibayan.
Tapat at makatuwiran ang mga kaisipan at kaalamang ibinigay sa akda
sapagkat pinapakita nito ang tunay na kahulugan ng pagmamahal at totoong
kahulugan nag pagbibigayan na kung saan hindi ito masusukat sa kung anong
materyales meron ka. Hindi nakabase sa mga materyal na ito ang pagmamahal
ng isang tao sapagkat may pagkakataong malilinlang ng mga bagay ang totoong
pagmamahal.
c. Talakayin kung malinaw ang pagkalahad ng mahalagang impormasyon.
Malinaw ang pagkakalahad ng mahahalagang impormasyon sa kwento
lalong-lalo ang impormasyong patungkol sa totoong pagmamahal dahil mahusay
itong naipakita’t naipadama ng mga tauhan sa kwento. Ang pagsasakripisyong
kanilang ginawa upang mapasaya lang ang kanilang mahal ay malinaw itong
nailahad ng may akda gamit ang emosyon ng mga tauhan sa kwento.
d. Pangatwiranan kung madaling maunawaan ang nilalaman ng akda o aklat.
Madaling maunawaan ang nilalaman ng akda dahil mahusay na
napagkasunod-sunod ng may akda a ng mga detalye at mensahe na kanyang
gustong iparating sa kanyang mga mambabasa. Sa paksa pa lamang ay
magkaka ideya kana kung patungkol saan ang kwentong ito at kung saan umiikot
ito. Madali rin itong maunawaan sapagkat hindi komplikato ang mga sa salita ang
ginamit sa akdang ito. Mauunawaan agad ng mga mambabasa na hindi
kinakailangan ng mas malalimang pag-iisip.
e. Tukuyin kung angkop ba ang akda o aklat sa pinag-uukulang mambabasa nito.
Angkop ang akdang ito sa pinag-uukulang mambabasa sapagkat sa
panahon ngayon ay ang pagmamahal ay may malaking parte ng ating buhay.
Hindi tayo mabubuhay kung walang pagmamahal ang humahari sa sa ating
puso. Sa pamamagitan ng akdang ito matutunan natin na totoong kahulugan ng
pagmamahal, ang sakripisyong kaya nating gawin para matiyak lang natin ang
kaligayahan ng mga mahal natin sa buhay.
f. Ipaliwanag kung madaling basahin ang akda o aklat.
Madaling basahin ang akdang ito sapagkat maayos na naitala ng may
akda ang usapin at mensahe ng kwento. Hindi ito komplikado gaya ng ibang
akda. Mahusay na naipagtagpi-tagpi ang mga salitang ginamit sa kwento. Tama
ang pagkabuo ng may akda ang mga balarila na kung saan naging dahilan ito
kung bakit madali itong basahin.
g. Isa-isahin sa pamamagitan ng paglalahad kung may pakinabang na ibinibigay
ang akda o aklat.
May pakinabang na naibibigay ang akda sa kanyang mambabasa
sapagkat sa panahon ngayon ay may mga taong hindi lubusang nauunawaan
ang kahulugan ng pasko na kung saan ang pagbibigayan sa kapwa lalong-lalo na
sa mga mahal sa buhay. May mga taong hahamakin ang lahat para lang
mabigyan ng magarbong regalo ang taong pagbibigyan nila. Sa kadahilanang
akala nila ito ang sukatan ng pagmamahal na kung saan ang paniniwalang ito ay
di naman totoo. Marahil sa iba ay ganito lalong-lalo na sa may kaya ngunit kung
nasa sitwasyong walang-wala ka, ang pagpapakita ng tapat at totoong
pagmamahal na walang bahid na kasunangalingan ay mas maganda kaysa sa
mga materyal na bagay meron tayo sa mundong ito.

IV. KAHALAGAHAN
a. ilahad ang kahalagahan ng kabuuang pinapaksa ng akda o aklat.
Mahalaga ng kabuuang pinapaksa ng akdang ito sapagkat maipapamulat
sa lahat ng tao lalong-lalo na sa mga mambabasa na hindi masama ang
magsakripisyo para sa ating mga mahal sa buhay. Ito lamang ay nagpapakita ng
tunay na pagmamahal sapagkat kaya nating bitawan ang mga bagay na minsa’y
mahalaga rin sa atin para lang mapasaya natin sila. Kagaya na lamang sa kwento,
parehong mahalaga sa mga tauhan ang buhok at ang relo sapagkat isa ito sa
kanilang tinuturing na kayamanang meron ngunit para lang mabigyan at
mahandugan ang kanilang mahal ay hindi sila nagdadalang isip na bitawan ang
mga ito.

b. Ilahad ang mga mabubuting aspekto at mahihinang aspekto ng aklat o akda


para sa lipunan
Ang mabubuting aspektong pinapakita ng akda para sa lipunan ay ang
ipakita ang tunay na ibig sabihin na pagmamahal. Ang dalawang nag-iibigan kung
tunay ang kanilang pagmamahal sa isa’t-isa ay sa pamamgitan lamang ng mga
simpleng bagay ay nakukuntento na sila at hindi na sila maghahangad ng anuman
lalong-lalo na kung alam nila kung hanggang saan lamang ang kaya nila. Ang
pagsasakripisyo para pagmamahal ay malaking bagay na ito kaysa sa mga
materyal na bagay sapagkat ang lahat ng ito ay lilipas, masisira, aanayin at
kakalawangin ngunit ang tunay na pamamahal ay kailanman ay di masisira’t
magbabago. Habang ang mahihinang aspekto naman ay minsan dahil sa estado
ng buhay meron tayo ay hindi natin nabibili ang mga bagay na gusto nating ibigay
sa mga mahal natin. Di natin maikakaila na nahihirapan tayo dahil sa ganitong
sitwasyon.

V.KONKLUSYON
Minsan, kahit di man natin nalalasapan at natatamasa ang karangyaan ng buhay
na magpapasaya sa atin ngunit may iba pang dahilan at mapagkukunan natin ng
totoong kasiyahan na panghabambuhay. Ito ay ang totoong pagmamahal natin at ang
pagmamahal na pinapadama sa’ting mga mahal sa buhay. Ang pagsapit ng pasko ang
isa mga panahong maipapakita natin ang ating pagmamahal sa kanila. Sa pamamgitan
ng regalong binibigay natin ay is na itong paraan ng pagpapakita iyong pagmamahal.
Kahit ito ay di mamahalin at magarbo ngunit kasabay ng regalong ito ang
pagsasakripiyo, ang tunay at dalisay na pagmamahal ay wala itong katulad sa anumang
materyal na bagay sa mundong ito.

You might also like