Midterm Exam Diskurso - WPS Office

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

PHOVY CATES TORCINO BSED FILIPINO 3

Balangkas ng Pagsusuri ng Akda Saranggola ni: Efren Abueg

I. PAKSA:

a. May akda:

Efren Abueg

b. Pamagat

Saranggola

c. Tema Tungkol sa isang Pamilya

Kwento ng mag-ama na kung saan ang ama ay tumutulong at nagbibigay ng payo sa


anak para sa kabutihan nito at kung ano na lamang ang ginawa ng ama upang may marating ito.

d. Uri ng Genre ng Akda Malikhaing Pagsulat

II. PAG_UNAWA

Walang magulang ang gustong ipahamak ang anak, hangad lamang nito ay ang
kabutihan. Minsan alam ng mga kabataan kung bakit mahigpit ang mga magulang, kung hindi
iintindihin ng maayos iisipin talaga na hindi sila sang-ayon sa mga bagay na gusto nilang gawin.
Kung malawak lamang ang pag-unawa ay maiisip na kaya lamang iyon nila nagawa ay para
lamang sa sarili nating kapakanan at gumagawa sila ng paraan upang matulungan tayo sa buhay.
Hindi mo rin dapat ikompara ang sarili mo sa iba dahil may kanya kanya tayong halaga na wala
sa iba, kung ano man ang ibinigay ay makuntento at pahalagahan ito. Malaki ang maitutulong ng
aklat na ito dahil napupukaw ang ating mga damdamin tungkol sa kahalagahan ng pamilya at
kahit na ano mang mangyayari, pamilya mo lamang ang hindi susuko sayo at mamahalin ka ng
buo.

III. NILALAMAN (Pagsusuri at Pagpapakahulugan)

Ang akdang naisulat ay talaga namang angkop sa kalagayan ng mga tao noon pa man
hanggang ngayon, ito ay patungkol sa kahalagahan ng pamilya na lageng sinusubok ng panahon
at kung paano nila ito hinaharap. Ang mga pangyayari ay hango sa totoong pangyayari o
tumutukoy sa reyalidad na kung saan ang ama ay gumagawa ng paraan upang matulungan ang
anak at kayang gawin ang lahat para rito. Malinaw rito kung ano ang nais iparating ng may akda
sa atin na kahit ang mga anak ay hindi sumusunod sa magulang ay andiyan parin ang mga ito
upang magpatawad at umalalay sa kabila ng mga galit na ipinakita ng anak sa kaniyang ama.
Kung iyong babasahin ang akda ay agad mo itong mauunawaan dahil hindi malalim ang mga
salitang ginamit rito at malalaman mo kung ano ang gustong iparating ng akda sa kaniyang
mambabasa. Lahat tayo ay may pamilya, kahit saan ka man mapunta may maituturing kang
pamilya, kahit sino man ang mambabasa rito ay talagang maaantig ang puso at maaalala ang
kanilang nagawa sa kanilang pamilya. Angkop ito sa lahat lalo na kung pag-uusapan ang tungkol
sa pamilya dahil ito ay malaking bahagi ng ating buhay. Maisasama mo rito ang iyong pag-unawa
at pakiramdam dahil sa bawat salitang mababasa mo ay tatatak sa isipan dahil ang bawat
salitang ginamit ay madaling basahin na hindi na magbibihay ng tanong sa isipan. Malaki ang
pakinabang nito sa bawat taong makababasa dahil kung sakali mang may mga taong hindi
gaanong malapit sa pamilya at hindi nagpapahalaga sa mga ginawa ng kanilang mga mahal sa
buhay ay daan ito upang mabuksan ang kanilang puso at isipan sa kung ano ang dapat
pahalagahan habang may oras pa, hindi pa huli ang lahat at hindi magsisi sa huli.

IV. KAHALAGAHAN

Ang buhay ay parang saranggola, wala sa laki ng saranggola ang pagpapalipad at


pagpapatagal na iyon sa itaas, ito ay nasa humahawak ng tali na ibig sabihin ay ikaw ang
kumukontrol sa buhay mo sa pamamagitan ng iyong sariling pagsusumikap. Magtiyaga lamang
sa lahat Ng oras dahil kung hindi mo man oras ngayon ay maaaring sa susunod ay sa iyo na.
Manalig lamang sa Diyos sa lahat ng oras dahil walang imposible sa kaniya at makakatulong ito
upang gabayan tayo sa buhay na tila isang lumilipad na Saranggola na hindi maayos ang lipad
kung hindi o walang maayos na kumukontrol. Oras ang pinaka importanteng bagay sa mundong
ito, huwag sayangin at gamitin sa tama. Ang mga nakalipas na panahon ay hindi na maibabalik
pa, kaya ayusin ang buhay sa kasalukuyan upang maganda ang resulta sa hinaharap.
Makuntento at pahalagahan kung ano ang mayroon ka ngayon dahil hindi mo alam ang
sinasayang mo ay ang mga bagay na hinahangad ng ibang tao.

V. KONKLUSYON

Ikompara ng isang ang ama ang buhay sa isang Saranggola na ang tagumpay sa buhay ay
hindi sa kung gaano kalaki ang mararating mo kundi kahit na maliit ito basta bat tama at
napapakinabangan ay maganda ang magiging bunga nito. Ito ay tungkol sa pamilya na kung
sakali mang magagalit ka dahil sa mahigpit ang magulang o kung may nagawa sila na hindi mo
nagustuhan ay kakalimutan mo na lamang ang kahulugan ng isang masayang pamilya. Ano man
ang narating mo ay dahil narin sa tulong ng mga taong nakapaligid sa'yo. Kung sa tingin mo ang
ginagawa ng iyong magulang ay hindi mo ikabubuti, iwasan mo iyon dahil sa bawat
pagsusumikap na kanilang ginawa ay ang kagandang bukas na ibibigay nila sa iyo.

You might also like