Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

SULYAP SA KASAYSAYAN NG BALER NATIONAL HIGH SCHOOL

Noong ika-7 ng Pebrero sa kapulungan ng Senado ay ipinasa ang Republic Act 7476 na
nagbigay ng kapangyarihan sa mamamayan ng bayan ng Baler na kapahintulutang makapagtatag
ng pampublikong mataas ng paaralan na tinawag ng Baler National High School. Ito ay sa
pamamagitan nina Kgg. Edgardo J. Angara, pangulo ng Senado at Kgg. Benedicto Miran,
kinatawan ng kongreso na kinumpirma ni Pangulong Corazon C. Aquino noong Mayo 5, 1992.
Sa bisa ng permisong pampamahalaan Bilang 055 ng Kagarawan ng Edukasyonm,
Kultura at Isports ay sinimulan ang pagbubukas ng paaralang ito noong taon panuruan 1993-
1994. Ito ay nag umpisa sa isandaan at sampu (110) mag- aaral at tatlong guro; G. Eduardo P.
Mariano, punong guro; Gng. LAurensa L. Cabanayan, Gng. Violeta V. Gonzales; at
pansamantalang nagklase sa Baler Central School, katuwang ang mga magulang sa pangunguna
ni G, Brurex A. Molina bilang unang halal na pangulo ng Samahan ng Magulang (PTA).
Noong ika-22 ng Hunyo 1993, kusang loob na nagbigay ang mag- asawang Jose Tan at
Jessica Uy- Tan ng isang (1) hektarya ng ksnilsng lupain sa Brgy. Pingit, Baler, Aurora. Upang
pagtayuan ng Baler National High School. Ang kasunduan ay nilagdaan at tinanggap ni G.
Domingo Hulipas, Tagapaminhala ng mga Paaralan, na sinaksihan ni Kgg. Arthur J. Angara,
punong bayan ng Baler at Gng. Raymunda B. Sindac, Superbisor sa Ingles.
Oktubre 1994, noong nagsimulang gumawa ang mga magulang at mga guro ng unang
tatlong silid- aralan na gawa sa kahoy (makeshift building) sa pamamagitan ng tulong-tulong na
paggawa (bayanihan) sa patnubay at suporta ng pamahalaang Bayan ng Baler sa pinansyal na
pangangailangan nito.
Kaalinsabay nito ang walang humpay na paghingi ng tulong ng mga magulang at guro sa
pamahalaang lokal at pribadong sector ng tulong tulad ng dagdag na silid- aralan, bakod,
palikuran, tubig, ilaw, gamit sa agham, gamit sa palaro, mga aklat at mga upuan upang
maisakatuparan ang misyon at mithiin ng paaralan.
Taong 1995 nang dumating ang biyayang dalawang (2) silid- aralan mula sa Filipino- Chinese
Chamber of Commerce, Cabanatuan City sa pamamagitan ni Kgg. Arthur J. Angara, tatlong (3)
silid- aralan buhat sa CDF ni Kgg. Benedicto Miran, at wastong daloy ng tubig sa tulong ng
Department of Public Works and Highways (DPWH), kasabay ang pagkakaroon ng dagdag na
mga guro para sa dumadami na
Kasabay ng dumadaming pasilidad sa paaralan, naglunsad din ang mga magulang ng
pangignilak ng salapi sa pamamagitan ng pagpili ng Lakan at Lakambini ng paaralan na ang
pangunahing proyekto ay pagkakaroon ng entablado para magamit sa mga okasyon sa loob ng
paaralan.
Nasa kalagitnaan ng pagtatayo ng nasabing entablado nang dumating ang tulong buhat
kay Kgg. Eddie L. Ong, punong lalawigan na siyang dahilan na agarang pagkatapos ng proyekto.
Gayundin, ang 500 metro kwadradong sementado sa harap ng entablado na buhat naman
sa CDF ni Kgg. Bellaflor Angara Castillo, kinatawan ng lalawigan sa Kongreso sa pamamagitan
ni Kgg. Arthur J. Angara, punong bayan, na siyang ginawagawang palaruan ng mga mag- aaral.
Sa biglang pagdami ng mga, noong taong panuruan 1995- 1996, tumugon ang Kagawaran
ng Edukasyon, Kultura at Isports na dagliang nagtalaga ng dagdag na guro at ito ay umabot sa
dilang na dalawanput’t lima.Sinimulan ng mga magulang sa taon ding ito ang paglalagay ng
bakod sa palibot ng paaralan bilang pangunahing proyeko ng Samahan ng mga Magulang
(PTA).
Taong 1997, nang magkaroon ang paaralan ng labing tatlong (13) silid- aralan, apat (4)
na silid- palikuran, isang (1) kantina, isang (1) silid- pangasiwaan at isang konkreto na main gate
ng paaralan. Sa taong ito, ang paaralan ay mayroong 768 na mag- aaral, pinakamalaki pagdating
sa populasyon.
mga guro, isang Security Guard at isang Utility Worker.
Nang mga sumunod na taon, nagtayi din ng Japanese International Community
Association (JAICA) ng isang gusali na may tatlong (3) silid- aralan at isang Science Laboratory
equipment. Nagkaroon din ng isang dalawang palapag na gusali na may anim (6) na silid- aralan
buhat sa pondo ni Kgg. Bellaflor Angara Castillo; isang dalawang palapag (two- storey) na
gusali na may sampung (10) silid- aralan at isang Covered Court buhat sa pondo nina Kgg.
Bellaflor Angara Castillo at Kgg. Juan Edgardo Angara; at isang entablado.
Sa kasalukuyan, ang paaralan ay nagbibigay ng Computer Literacy, Beauty Care, at
Health Care na nakapaloob sa TLE sa regular nitong kurikulum, STE kurikulum para sa mga
mag- aaral na nakapasa sa itinalagang pagsusulit, at ang pinakabago ay ang SPA na nagbibigay
oportunidad para sa mga mag- aaral na mahasa ang kanilang talento sa pagugtog, pagsasayaw at
pagpipinta.
Sa kasalukuyan, ang paaralang Baler National High School ay ang pinakamalaking
pampublikong paaralan na pinamumunuan ng isang punong guro sa katauhan ni G. Zenaida Z.
Rivera. Sa tulong na din ng mga nakaraang punong- guro na sina. G. Eduardo P. Mariano, Gng.
Marcelina G. Jaravata, Gng. Laura G. Hulipas, G. Alberto B. Nortez at ang kasalukuyan nating
punong- guro, ay patuloy na pagsisilbi sa mga kabataan ng Aurora sa pamamagitan ng pagtupad
sa School’s mission
patuloy na pagtutulungan ng mga magulang, guro, mga mag- aaral at ng local na pamahalaan.
At dahil dito, ang paaralan ay matagumpay na nakarating sa ika- 24 taon nitong
pagkakatatag at patuloy na magsikap upang maging maunlad para sa mga darating pang
panahon. d
\

You might also like