Spoken Poetry Gec303

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

May Pakialam Ka Ba?

Hindi ko na alam kung saan ako magsisimula


Kung sa dulo ba o sa umpisa.

Hindi ko alam kung itutuloy ko pa ba ‘to


Hindi ko alam kung kaya ko pa ba ‘to
Dahil ang alam ko nasasaktan na talaga ako.

Na habang ika’y aking tinitingnan sa malayo


Kitang-kita ko sayo ang pagbabago
Masaya ka kapag kasama mo siya
Nakikita ko sa iyong mata ang sayang dulot niya

Ika’y aking minamasdan habang katabi mo siya


Bakas sa iyong labi ang ngiting dulot niya
Na parang hindi ko mapapantayan kapag ako iyong kasama
Mag-aagawan na lamang ba ako sa kanya?
O sadyang siya na nga talaga!

Ang puso’y naninikip, kung ano ang naiisip


Nanginginig ang katawan na para bang babagsak nang tuluyan
Maraming tanong ang sumasagi sa isipan
Na parang may bumubulong, sabay sabing…
“Wala na talaga siyang pakialam”

Oo nga noh? May pakialam ka nga ba talaga?

May pakialam ka nga ba talaga na kapag kasama mo siya,


ako nama’y nag-iisa?

May pakialam ka nga ba talaga na sa tuwing nandito nga ako,


pero ang nasa isip mo’y siya?

May pakialam ka nga ba talaga sa nararamdaman kong


pilit na maging masaya kahit hindi naman pala.
Talaga nga bang may pakialam ka na sa bawat
patak ng luha sa aking mga mata, ni hindi ko man
lang nakikita sa iyo ang awa.

May pakialam ka nga ba talaga, O sadyang ginagawa mo lang ito


upang ako’y layuan mo na!

Pero kahit anong sakit


ang iparanas mo ikaw pa rin,
Ikaw pa rin ang pipiliin ko

Na kahit sa paningin ng iba


ang tanga-tanga ko.

Kasi kahit masakit kang mahalin,


Kahit nakakapagod kang mahalin
Ako’y nandito parin
upang ikaw ay aking alalayin.

You might also like