Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

ARALIN-D PANAHON NG HIMAGSIKAN (1896-1900)

Inaasahang bunga ng pagkatuto:


1. Nailalarawan ang mga napapaloob sa mga akda kung paano gumawa ng
hakbang ang mga Pilipino maipakita lang ang kamalayan sa lipunan.
2. Nakabubuo ng opinyong papel sa paraan ng pagpapakita ng mga Pilipino
laban sa mga nanakop.

Panahon ng Himagsikan
Nagpatuloy ang kasamaan at kalupitan ng mga Kastilang namamahala sa gobyerno at
simbahan. Pinatay si Dr. Jose Rizal sa paratang na pagtataksil sa pamahalaang Kastila dahil sa
pagtatag ng isang samahang sibiko- ang La Liga Filipina.
Bunga nang ito, itinatag ni Andres Bonifacio ang Kataas-taasang Kagalang-galangan na
Katipunan ng mga Anak ng Bayan o KKK. Laman ng panitikan ay pagtuligsa sa pamahalaan at
simbahan. Ang mga Pilipino namulat sa katotohanan, magkaisa at lumaban sa mga mapang-
aping mananakop upang matamo ang inaasam na kasarinlan, mapaghimagsik na panahon.

https://bit.ly/2FP9kVS
Andres Bonifacio
Siya ang kinikilalang Ama ng Demokrasya dahil sa tiis ng paghihimagsik at tinaguriang
Dakilang Maralita at Dakilang Plebeyo. Gumagamit ng mga sagisag na Agap-ito, Bagumbayan
at May Pag-asa. Ilan sa mga akda ni Bonifacio ay ang:
Pag-ibig sa Tinubuang Lupa- Ipinahayag ni Binifacio sa tulang ito ang malaking pag-
ibig sa inang bayan na kahit kamatayan ay handing harapin upang ipagtanggol ang
kalayaan ng bayan.
Katapusang Hibik ng Pilipinas – Ito ay pagdurugtung sa tulang sinulat ni Herminigildo
Flores na “Hibik ng Pilipinas sa Inang Espanya” na sinagot naman ng tula ni Marcelo H.
del Pilar na “ Sagot ng Espanya sa Hibik ng Plipinas.
Katipunan ng MARAHAS na mga Anak ng Bayan – Ito ay isang akda ni Bonifacio
na nanawagan sa kanyang mga kababayan na ihanda ang kalooban sa pakikipaglaban.
Ito ang link sa iba pang manunulat sa panahong ito. Alamin mo ang
nilalaman ng kanilang mga panulat.
https://bit.ly/2Ea7FJN

You might also like