Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

1.

Sociolinguists – ito ay grupo ng mga taong nakapokus sa pag-aaral kung paano ang tao
na nakapalibot sa’yo at ang iyong pamanang natural ay maaring maging rason ng iyong
pagbabago sa pananalita. Ito ay ayon sa pahina limang put siya (59) kung saan
ipinaliwanag na ang mga sociolinguist ay nagbigay ng mga pamantayan para sa
pagpapasiya kung ang pagkakaiba ng pagsasalita ay dapat na maiuri bilang isang wika or
dayalekto.
2. Lexicostatistics – ito ay pag-aaral ng estadistika ng bokabularyo ng isang wika o mga
wika. Ito ay ayon sa pahina anim na pu (60) kung saan ipinaliwanag na ito ay
pangalawang kasangkapan na maaring mailapat sa pagkilala ng mga wika at pagkakaiba-
iba nito.
3. Translation – ito ay proseso ng paglipat ng mga salita mula sa isang wika patungo sa iba
pa. Ito ay ayon sa pahina anim na pu (60) kung saan ipinaliwanag na madalas nating
maisip na ang paglilipat mula sa isang lingguwaheng Filipino patungo sa isa pang
lingguwahe ay isang simplemg bagay ng pagpapalit ng isang salita sa isang wika para sa
kaukulang salita sa ibang wika.
4. Pluarilty – ito ay dami ng isang bagay. Ito ay ayon sa pahina anim na put dalawa (62)
kung saan ipinaliwanag na ang plurality ay ipinapahayag sa Pangasinan sa pamamagitan
ng
pagdoble sa mga pangngalan na maaaring suplemento ng plural form ng isang deictic na
panghalip na kung saan ang Pangasinan ay sagana dito.
5. Negators – ito ay salita o mga salitang nagpapahayag ng pagtanggi. Ito ay ayon sa pahina
anim na put tatlo (63) kung saan ipinaliwanag na may ilang mga salitang may kani-
kanilang mga negator na pumapalit sa mga orihinal sa salita sa proseso ng negation.
6. Communication – ito ay ang proseso ng pakikipagpalitan ng impormasyon sa pagitan ng
mga indibidwal. Ito ay ayon sa pahina anim na put tatlo (63) kung saan ipinaliwanag na
ang komunikasyon sa pagitan ng pangkat ng mga nagsasalita ng iba't ibang mga wika sa
kawalan ng ibang wika ay imposible.
7. Proto-language – ito ay wika na muling itinatag sa pamamagitan ng pagsusuri ng mga
pagkakatulad sa mga umiiral na wika upang subukang mabawasan kung ano ang isang
karaniwang wika ng ninuno. Ito ay ayon sa pahina anim na put apat (64) kunga saan
ipinaliwang na ang Cebuano, Hiligaynon, Bikol at Tagalog ay malapit na magkaugnay sa
bawat isa, at ito ay isang pahiwatig ng isang pangunahing paghihiwalay ng pagitan ng
mga proto-language ng mga hilagang wika at ng mga wika sa timog.
8. Linguists – ito ay isang taong may kasanayan sa mga banyagang wika o isang taong nag-
aaral ng linggwistika. Ito ay ayon sa pahina anim na put anim (66) kung saan
ipinaliwanag na ito ay
tumutukoy sa hanay ng mga gawi sa pagsasalita na tinataglay ng isang solong indibidwal
bilang isang idiolect.
9. Language – ito ay ang ang mga salita, ang kanilang pagbigkas, at ang mga pamamaraan
ng pagsasama-sama ng mga ito na ginagamit at naunawaan ng isang pamayanan at ito
ay nagbabago. Ito ay ayon sa pahina anim na put anim (66) kung saan ipinaliwanag na
ito ay isang bagay na nagbabago at pahina anim na put pito (67) kung saan ipinaliwanag
din na ito ay
ay isang sistema na umiiral sa loob ng utak ng mga nagsasalita at pagsasalita ang ginawa
ng sistemang iyon.
10. Speech variety – ito ay ang pagkakaiba-iba ng wikang sinasalita ng isang pangkat ng mga
tao na nakikilala mula sa iba pang mga pagkakaiba-iba ng parehong wika. Ito ay ayon sa
pahina anim na put pito (67) kung saan ipinaliwanag na ito ay may pagpapatuloy sa diwa
na ipinapasa mula sa henerasyon hanggang sa susunod sa loob ng isang pamayanan.
11. Innovation – ito ay paglikha ng isang bagay mula sa isang tukoy na bagay. . Ito ay nasa
pahina anim na put pito (67) kung saan ipinaliwanag na ang innovation ay nangyayari sa
pamayanan na may posibilidad na baguhin ang pagkakaiba-iba ng pagsasalita nito na
naiiba mula sa mga pagkakaiba-iba ng iba pang mga pamayanan.
12. Pronunciation – ito ay pamamaraan kung paano binibigkas ang isang salita. Ito ay ayon
sa pahina anim na put walo (68) kung saan ipinaliwanag na ito ay ang tunog ng wika na
maaring magbago hangang sa maging ganap silang magkaiba.
13. Social dialects – ito ay ang pagkakaiba-iba ng wikang sinasalita ng isang partikular na
pangkat batay sa mga katangiang panlipunan maliban sa heograpiya. Ito ay ayon sa
pahina pitong put isa (71) kung saan ipinaliwanag ito bilang isang partikular na klase sa
lipunan na maaaring bumuo ng isang pamayanan ng pagsasalita, kung saan ang
pagsasalita ay kapansin-pansin na naiiba mula sa mga klase ng panlipunang naiiba sa iba,
kahit na ang lahat ng mga klase ay sumasakop sa parehong teritoryong pangheograpiya
14. Boundary – ito ay ang isang imaginary line na nagmamarka ng pagtatapos na bahagi o
limitasyon ng isang bagay. Ito ay ayon sa pahina pitong put dalawa (72) kung saan
ipinaliwanag na kung ang boundary ay nasa pagitan ng dalawang mga dayalekto na hindi
gaanong magkakaiba, ang mga salita at iba pang mga tampok ay maaaring pumasa nang
maayos at walang malay mula sa isang tabi patungo sa iba pa.
15. Linguistic convergence – ito ay iba't ibang mga wika kung saan ang lahat ay nagbabahagi
ng ilang mga feature ng grammar. Ito ay ayon sa pahina pitong put dalawa (72) kung
saan ipiniliwanag na ang ang komunikasyon sa mga hangganan ng wika o dayalekto ay
lumilikha ng mga kundisyon para sa linguistic convergence.

1. Sa iyong palagay, paano nakikita ang hegemony sa mga kategoryang ito:


1. paghiram ng mga salita mula sa isang wika:
Ang mga hiram na salita ay umiiral sapagkat ang ating wika ay walang katumbas na salita para
dito. Doon palang ay makikita na natin ang pagiging superior ng salitang hiram na ang dating sa
atin ay wikang banyaga o wikang magarbo.

2. populasyon ng mga ispiker;

Marami sa atin ngayon ay gunagamit na ng English bilang kanilang piling wika. Sa pagdami ng
porsyento ng mga taong gumagamit nito, mas lumalabas ang superyoridad ng wikang may
madaming bilang ng ispiker. Bilang resulta, bumababa ang porsyento ng mga taong gumagamit
ng Filipino bilang wika sapagkat naiimpluwensiyahn ang iba sa wikang madalas nilang marinig sa
iba.

3. pagtalaga ng pambansang wika.

Ang pagtatalaga ng wikang pambansa ay nagiging superior sa lahat. Ito ang magiging batayan
ng pagkakakilanlan ng mga taong nakapaloob sa isang bansa. Halimabawa nalamang kapag ang
wikang nakasanayan ay English, at pumunta ka sa isang lugar kung saan wala halos
nakakaintindi nito, maaring ang dating ay superyoridad sapagkat ikaw bilang ispiker ng wikang
English ay nakakaintindi nito, ngunit ang mga taong hindi ispiker, maaari nilang maramdaman
ang superyoridad sa wika.

2. Sang-ayon ka ba na nirerepresenta ng wikang Filipino ang kultura at pagkakakilanlan ng mga


minoryang komunidad? Bakit o bakit hindi?

Hindi ako sang-ayon, sapagkat magkakaroon ng malaking kabawasan sa kultura at


pagkakakilanlan kung irerepresenta ng wikang Filipino ang kultura at pagkakakilanlan ng mga
minoryang komunidad --- magkakaroon ng hegemony. Halimabawa, kapag tinanong ang
indibidwal kung ano ang kaniyang wika, ang sinagot niya ay wikang Filipino dahil sakop ng
wikang Filipino ang mga minoryang komunidad kahit na ang kaniyang wikang sinasalita talaga
ay Kapampangan, magiging rason ito sa simula ng pagkalipol ng mga kultura at pagkakakilanlan
ng bawat minoryang komunidad.

3. Posible bang maging opisyal na wika ng Pilipinas ang English? Bakit o bakit hindi?

Oo at hindi. Maaaring maging opisyal na wika ng Pilipinas ang English sa kadahilanang padami
na ng padami ang porsyento o bilang ng mga taong gumagamit ng English bilang medium sa
pakikipagtalastasan lalo na sa siyudad. Sa kabilang banda, malaki pa din ang porsyento ng mga
taong gumagamit ng wikang Filipino kaya mas nangingibabaw pa din ito sa kasalukuyang
panahon. Nakabase sa dami ng ispiker ang posibleng makapagbago sa ating opisyal na wika.

4. Bakit nalalagay ang mga katutubong wika sa panganib ng pagkalipol?

Sa pag-usbong ng ating mga kaalaman sa iba’t-ibang wikang banyaga, madalas ay nakakaligtaan


na natin na bukod sa wikang Filipino, mayroong wikang katutubong naging batayan din ng
wikang ating sinasalita ngayon. Ang mga bagong kaalaman at bilang ng populasyon na naaakit o
naeengganyong pag-araaln ang wikang banyaga ang siyang maaaring maging rason ng pagkasira
or pagkawala ng wikang katutubo na humubog sa wikang Filipino.

5. Dapat bang panatilihing bukas ang ating mga wika sa impluwensiya ng dayuhan?

Sa aking palagay, ayos lamang kung buksan natin o magkaroon tayo ng impluwensiya ng wikang
banyaga. Ngunit, marapat lang din na alamin natin ang limitasyon ng kanilang impluwensiya
upang habang tayo ay natututo ng wikang labas sa ating wika, napapanatili pa din natin ang
wikang ating kinagisnan. Sa pamamagitan nito, maaari nating maisalba sa posibleng
pagkalugmok ating wika – wikang ating kinikilala.

You might also like