Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 6

Bryzan D.

De la Cruz

SOGIE BILL

Ang pagkakapantay ay hindi lamang sa mga mahihirap o mayayaman dahil ito ay


angkop din sa mga ikatlong kasarian na nakakaranas ng diskriminasyon. Kaya may isang
panukala na kung saan layong mabawasan ang diskrimnasyon sa mga ikatlong kasarian na
hanggang nayon ay hindi pa rin naisasatupad . Ito ay ang SOGIE BILL (Sexual Orientaton and
Gender Identity and Expression Equality Bill) na mas naging usap usapan sa bansa dahil sa
isang isyu ng isang transgender na nakaranas ng isang pangpapahiya dahil lang sa
pagtangkang paggamit ng pambabaeng palikuran. Mula sa pangyayaring ito ay muling
nabuhay ang pagpapanukala sa SOGIE BILL na ang magandang intensyong ito nina senator
risa hontiveros, Leila delima, senator imee marcos at senator kiko pangilinan ay tinututulan
o di kaya ay nakakakuha ng samu’t saring batikos.
Isa ako sa mga taong sumasang ayon sa usapin ukol sa pagpapatupad ng SOGIE BILL
sa kadahilanang ang layon lamang nito ay mabigyang proteksyon , mabiyang oportunidad at
mabigyan ng pantay na pagtingin mula sa ibang kasarian. Si Senate President Vicente “tito”
Sotto ay isa sa mga tumututol dito na halata mula sa kanyang unag pahayag na “Anti-
discrimination on persons, pwede, but focused on gays, which the SOGIE bill is, and religious
and academic freedom impeded plus smuggling of same sex marriage? No chance!” at
naniniwala siya na ito ay laban sa karapatan ng mga babae o women’s rights, na kapag
ikaw ay lalake ay hindi ka maaaring maging babae, wala kang obaryo para ika’y mabuntis at
hindi ka magiging kailanman magiging babae. Sa aking palagay ay dapat lang na maipatupad
ang SOGIE BILL sapagkat base sa kanyang pahayag ay isa na itong uri ng diskriminasyon.
Mula sa kanyang naunang pahayag ay mas isinaalang-alang niya ang anti-discrimination on
persons ngunit siya mismo ang humuhusga sa kapwa niya tao dahil paano na lang ang mga
ibang babae na walang kakayahang makapag bigay ng anak dahil sa sakit sa obaryo, paano
na lang kung ang babae ay Asexual na ayaw ng makakasama sa buhay at magka-anak gaya
na lang ng mga madre. Kung ang diskriminasyon ay nanggagaling mismo sa nakatataas ay
siguradong hindi protektado ang mga taong mas mababa sa kanila mas lalo na sa mga ibang
kasarian. Bukod doon ay may kumakalat na fake news tungkol dito sa SOGIE BILL na nagiging
dahilan upang mas batikusin ang panukalang ito. Ayon sa SOGIE BILL, ito ay hindi same sex
marriage bill kaya hindi malalabag ang paniniwala ng simbahan sa pilipnas, pangalawa hindi
nito nilalabag ang karapatan ng mga straight na mga tao, layon lang nito na palawakin ang
pagkaka pantay pantay ng bawat tao na kung ika’y lumabag ay maaari kang makulong. Isa
pang dahilan kung bakit tinututulan ni Senate president Vicente Sotto ay dahil sa itong
SOGIE EQUALITY BILL ay nakatuon lamang sa G ng LGBT community at nakasentro sa iisang
sector kaya labag ito sa saligang batas. Ayon kay senator Risa Hontiveroz ang SOGIE BILL
ay hindi class legislation dahil para siya sa lahat ng Pilipino dahil bawat isa sa atin ay may
sogie, the bill is for everyone. Para sa akin ito ay hindi lamang sa mga LGBT community
sapagkat ito ay para sa lahat dahil ang layunin lamang nito ay maprotektahan hindi lang ang
mga LGBT kundi ang mga straight din. Sabi nga ni Gretchen Diez na kapag siya ang nasa
panlalakeng palikuran at nakabihis babae at galaw babae ay makakaramdam ng pagkailang
ang mga lalake at ganun din sya dahil kapag hindi komportable and mga lalake na kasama
siya sa iisang palikuran ay maiilang din sya kaya naman mas mabuting sa pambabaeng
palikuran na lamang siya pumunta.
Hihintayin na lang ba natin na may susunod na Gretchen Diez na mapahiya sa isang
pampublikong lugar na hinihila at biglang aarestuhin na wala namang kasalanan kundi gusto
lang gumamit ng palikuran. Sa pangyayaring ito ay maaaring hindi na maging komportable
ang mga kabilang sa komunidad na ito. Sila ang laging nagpapasaya sa atin bakit hindi natin
sila pasayahin sa munting pagpatupad man lang ng SOGIE BILL.
Samakatuwid ang punto ko dito ay sana bigyan ng tyansa ang mga nasa ikatlong
kasarian na maprotektahan sa mga masasamang hangad ng ibang tao. Karamihan sa mga
pinoy ay tanggap na ang mga bakla at ang iba pang kasarian, kung kaya nilang tanggapin ang
mga nasa ikatlong kasarian ay madali nang tanggapin ang SOGIE EQUALITY BILL bilang isang
batas.
LAKBAY SANAYSAY

WELCOME TO BAGUIO

Hindi na bago sa Pilipino ang lugar na baguio, kilala ito sa kakaibang klima nito at
mga ibang tanawin. Ito ang kilalang Summer Capital Of the Philippines dahil kapag dumating
ang tag-araw ay dito ang irine rekomandang puntahan dahil nga sa malamig nitong klima.
Sa pagkakaalala ko iyon ang lugar kung saan ko nakasama ang mga kagrupo ko ng
chorale. Doon kase ginanap ang 2017 UP NAMNAMA na kung saan kompleto pa kami at
puno ng kasiyahan lang. Dahil nga kompetisyon ang pakay namin sa lugar na iyon ay
limitado lang ang napuntahan naming magkakagrupo at limitado rin ang oras naming. Kaya
naman tayo’y muling maglakbay.
Unahin natin ang Burnham Park na nakakamiss dahil sa mga malalaking bangkang
pato. Paunahan pa nga kami kung sino ang magsasagwan pero syempre hindi ako
nakasagwan. Sagwan sila ng sagwan habang ang ginagawa ko naman ay ang kumukuha ng
litrato para sa alaalang hindi ko malilimutan. Pangalawa ay ang SM Baguio, medyo malapit
sa burnham park, nakakapagod ng paa pero nakakasaya ng damdamin. Pagsapit ng Dilim,
kami’y pumunta sa Baguio Night Market. Daig pa ng lugar na ito ang mga dikit dikit na mga
sardinas dahil sa dami ng tao at namangha ako dahil marami ang pagpipilian sa mga
itinitindang mga damit, aksesorya, at ba pa. Sa puntong iyon ay doon lang namin napagtanto
na para kaming superman sa taglay naming lakas, ikaw ba naman ang magdamag na
nagwalwal. Kinaumagahan ay ang huling araw namin sa Baguio ngunit hindi pa tapos ang
pagwa walwal namin, pumunta kami sa malapit na palengke para bumili ng pasalubong para
sa mga pamilya naming, hindi mawawala doon ang ipinagmamalaki nilang strawberry at
yung mga keychain na gawa sa kahoy.
Sinimot ko na ang huling hangin ng baguio bago ako pumasok sa bus na mag-uuwi sa
amin. Sa paglalakbay na ito ay hinding hindi koi to malilimutan, sa bawat detalye kung saan
ako naglakad sa lugar na iyon ay maaari kong malimutan pero ang masasayang bagay na
nagawa ko kasama ang aking mga kaibigan ay hinding hindi. Salamat sa muling pagsama sa
akin sa Baguio. Paalam.

BALANGKAS
I PANIMULA
Ang paksang ang napili na malapit sa aking puso ay ang pagtupad ng SOGIE
EQUALITY BILL dito sa bansang pilipinas. Mabuti itong pag-usapan ngayon pa na hilaw pa
ang nangyaring isyu sa isang transgender na ang gusto lang naman ay umihi sa pambabaeng
palikuran ngunit kinaladkad at inaresto pa, ito ang magiging dahilan upang maisabatas na ng
tuluyan ang SOGIE BILL. Ako ay suma sang ayon sa pagpapatupad ng SOGIE BILL
sapagkat ito magiging tulay upang mas maprotektahan ang bawat isa at maging tanggap na ng
tuluyan na wala ng halong stereotyping.

II PAGLALAHAD NG COUNTER ARGUMENTONG TUMUTUTOL O KUMOKONTRA


SA IYONG THESIS
Ang argumentong tumututol sa aking tesis ay ang mga sumusunod
 Ang SOGIE BILL ay laban sa women’s rights dahil ang mga lalake hindi mabubuntis
dahil wala silang obaryo
-
 Ang SOGIE BILL ay magiging dahilan upang maipatupad ang same sex marriage sa
bansa
- Nakapaloob sa SOGIE BILL na layon lang nitong bigyan ng proteksyon,
mabigyang parusa ang mga employers na dinidiskrimina ang mga nasa komunidad
ng lgbt, mabigyan ng pagkakapantay pantay at marami pang iba na kung saan
walang same sex marriage bill.
 Ang SOGIE BILL ay nakatuon lamang sa LGBT community kaya wala itong paraan
para maipasa
- Ayon kay risa hontiveroz ang “Sogie Bill ay hindi class legislation dahil para siya
sa lahat ng Pilipino dahil bawat isa sa atin ay may sogie, principle the bill is for
everyone.”

III PAGLALAHAD NG IYONG POSISYON O PANGANGATWIRAN TUNGKOL SA


ISYU

IV KONKLUSYON

You might also like