Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 6

SACRED HEART OF JESUS MONTESSORI SCHOOL

J.R. Borja Extension, Gusa, Cagayan de Oro City

Montessori-Based Learning
Learning Instructional Packets (LIPs)

OFFLINE-PICK-UP

Araling Panlipunan – 8 (3 hours/week)


Second Quarter

Ang daigdig sa klasiko at transisyonal na panahon

Week- 3
Lesson-3
Lesson 3: Pag-usbong at Pag-unlad ng mga Klasikal na Lipunan sa Europa
a. Ang mga klasikong kabihasnan sa: • Africa – Songhai, Mali,

Teacher: Joniel P. Galindo


_________________________________________________
SACRED HEART OF JESUS MONTESSORI SCHOOL
J.R. Borja Extension, Gusa, Cagayan de Oro City
Montessori-Based Learning
Learning Instructional Packets (LIPs)
Araling Panlipunan-8
S.Y 2020-2021

Name: ________________________________________________ Date submitted: ________________


Grade & Section: ______________________________________ Teacher: _______________________

-----------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Content Standard:
Ang mag-aaral ay… Naipapamalas ang pag- unawa sa kontribusyon ng mga pangyayari sa Klasiko at Transisyunal na Panahon sa
pagkabuo at pagkahubog ng pagkakakilanlan ng mga bansa sa rehiyon sa daigdig
Performance Standard:
Ang mag-aaral ay… Nakabubuo ng adbokasiya na nagsusulong ng pangangalaga at pagpapahalaga sa mga natatanging kontribusyon
ng Klasiko at Transisyunal na Panahon na nagkaroon ng malaking impluwensya sa pamumuhay ng tao sa kasalukuyan
Pangunahing Pang-unawa:

Pangunahing Tanong:

I. LEARNING COMPETENCY
 Nasusuri ang pag-usbong at pagunlad ng mga klasikong kabihasnan sa: • Africa – Songhai, Mali, America – Aztec, Maya,
Olmec, Inca, atbp. Mga Pulo sa Pacific
Layunin:
Pagkatapos ng aralin inaasahang makakakuha ng 100% na kaalaman ang mag mag-aaral.
 kung paano naimpluwensyahan ng heograpiya ng Aprika ang naging uri ng sibilisasyon ditto
 Nasusuri ang pagusbong at pag-unlad ng mga Klasiko na Lipunan sa Aprika, Amerika, at mga Pulo sa Pacific
 Naipaliliwanag ang mga kaganapan sa mga klasikong kabihasnan
 JUNE fruits of normalization (FRIENDLINESS) Beatitude ( blessed are the poor in spirit, for theirs is the kingdom of heaven
Sariling Layunin : Kaya kong… _______________________________________________________________________________

II. LEARNING CONTENT

Lesson 3 : Pag-usbong at Pag-unlad ng mga Klasikal na Lipunan sa Europa


a. Ang mga klasikong kabihasnan sa: • Africa – Songhai, Mali, America – Aztec, Maya, Olmec, Inca,
atbp. Mga Pulo sa Pacific

Materials:

References:
1. The Stolen Smell Anansi and the Wisdom of the World Girawu the Goanna Griyeg ( Videos )
2. MELCs
3.

III. LESSON PRESENTATION


Ang Mali

Isa sa maliit na estado ay pinamunuan ng mga Mandingo. Matapos nilang talunin ang kanilang mga kalaban noong CE,
nilusob at inangkin nila ang mga teritoryo sa kanilang paligid. Matapos nila iton gawin ang estado nila ang naging pinakamalakas sa
kanlurang Aprika at kinilala nila itong Mali o kung saan nakatira ang hari, Ang kanilang teritoryo ay umabot mula karagatang
Atlantiko hanggang sa lupain na Nigeria na ngayon.

Nagkaroon ng kapayapaan at kasaganaan sa Mali hanggang AD 1300. Naging malawakan ang kalakalan ng ginto, bakal,
palay, yam mga iba’t ibang butil, mga inukit ng pigurin sa kahoy mga tela at iba. Yumaman ang namumuno dahil binuhusan nila lahat
ng mga kalakal na lalabas at papasok sa kanilang teritoryo.

Sa lahat ng namumuno dito sa Mansa Musa ang kinilala maging sa Africa. Asya at Europa dahilan sa kanyang kayamanan.
Sa panahon niya (AD 1327-1337) naging kabisera ang Timbuktu at ginawa itong sentro ng sining at pag-aaral ng mga muslim.
Nagsagawa si Mansa Musa ng banal na paglalakbay sa Mecca noong AD 1324. Ayon sa mga tula, isinama niya sa kanyang
paglalakbay ang 12000 alipin at 80 kamelyo na may mga dalang bareta ng ginto.

Matapos ang 50 taon, natapos mamatay si Musa humina ang Mali. Ang pagatake ng mga Berbers at ang panloob na
tunggalian ay labis na nagpahina sa Mali. Di nagtagal humiwalay ang Mali sa pamahalaang sentral at naging isang malayang estado.

Ang Songhai

Isa sa mga probinsya ay ang Songhai na nasa lambak sa may ilog Niger kanluran ng Timbuktu. Ang mga tao dito ay
mahuhusay na mangangalakal at yumaman ng husto sa pakikipagkalakalan sa Arabo sa Hilagang Aprika at mga itim na Aprikano sa
kanluran na nakatira sa baybayin ng Atlantiko. Noong CE 1400 ang Songhai ay pinamumunuan ni Sunni Ali na nagpalawak ang
teritoryo sa pamamagitan ng pakikidigma. Maging ang rehiyon ng Savanna ay nakuha niya. Itanatag niya ang pamahalaang sentral sa
Gao at naging pinakamakapangyarihan kaharian ang Songhai sa kanlurang Aprika.

Narating ng Songhai ang kanyang tugatog noong CE 1400 sa pamumuno ni Muhammad Askia. Ang mga bagong lupainna
kanyang nasakop ay nagdulot ng karagdagang mapagkukunan ng ginto at asin para sa kanyang kaharian na nagpayaman lalo dito. Ang
mga buwis na pinataw sa mga produktong ito ay naging dagdag sa kaban yaman ng kanilang pamahalaan. Ginamit ni Askia ang
yamang ito upang suportahan at ibalik ang ningning ng Timbuktu. Sinuportahan din niya ang Islam sa pamamagitan ng pagpapatayo
ng mga moske at binatay niya sa Koran lahat ng mga batas sa imperyo.
Noong CE 1528 siya ay pinatalsik sa puwesto ng mga taong di nasisiyahan sa kanyang pamamalakad. Ang pagkakagulo ay
nagpahina ng husto sa imperyo. Di nagtagal nilusob din ang Songhai ng pinuno ng Morocco at gamit ang kanyon at makabagong
armas, madali silang nagapi nito. Nagpatuloy ang kaguluhan sa kaharian kaya pagsapit ng AD 1600 tuluyan na itong nabagsa

Gawain 1: Pag-isipan Mo!

Panuto : Punan ng tamang impormasyon ang mga sumusunod na nasa kahon

KABIHASNAN PINUNO PARAAN NG PAMUMUNO

Kabihasnang Mali

Kabihasnang Songhai

KABIHASNANG NABUO SA MESOAMERIKA AT TIMOG AMERIKA

Sa MesoAmerika at timog Amerika sumilang ang tatlong dakilang sibilisasyon; ang Maya, Inca at Aztec. Natagpuan ang labi
ng kabihasnang Maya at Yukatan sa Mexico; ang Aztec naman sa sentral at Timog Mexico at ang Inca sa bundok Andes. Mataas ang
antas ng sibilisasyon ng mga grupong tio at marami ang naiambag nila sa sandaigdigan.

Sibilisasyon ng Maya
Ang kabihasnang Maya ay nahukay sa kagubatan ng Guatemala, Honduras at Katimugang Mexico. Ang kulturang Maya ay
may mataas na antas.. Mula 500 B.C. sila ay may maraming naiambag sa atin. Nakabuo sila ng sistema ng pagsulat, sistema ng
numero at kalendaryo. Nakapagtatag na rin sila ng maraming siyudad at napaghusay ang kanilang kaalaman sa sining, agham, at pag-
aaral.

Taong 800 A.D. sinimulang lisanin ng mga Maya ang lugar na matagal ding panahon na pinagyaman nila. Hindi lubusang
matukoy kung bakit nilisan nila ang lugar na iyon. May mga nagsasabing naparami ang populasyon at hindi makasapat ang pagkain;
maaari rin daw na nagkaroon ng epidemya at digmaang kumitil ng maraming buhay.

Ang mga Maya ay lumipat pahilaga at nagtatag ng mga bagong siyudad sa hilagang dulo ng Yucatan. Dito umusbong ang
mga lungsod estado. Sinasabing ang pamahalaan ng Maya ay isang teokrasya sapagkat ang buhay ng mga Maya ay domiado ng mga
pari.

Sa lunsod estado matatagpuan ang mga templong simbahan, malalaking piramide, obserbatoryo at
monumento. Sumasamba ang mga Maya sa araw at marami pa silang kinikilalang diyos. Kinikilala nila
ang pari bilang lider-espiritwal at pinuno ng lunsod. Ang paring pinuno ay nakatira sa lunsod.

Sinakop ng mga mandirigmang Toltec ang mga Maya sa Yucatan noong ika-11 siglo A.D. at namalagi
sila ng may 200 taon. Sa loob ng panahon ng pamamalagi ng mga Toltec sa lugar na iyon, sinasabing sila
ang nagpabagsak sa mga Maya.

Sibilisasyon ng Aztec

Panahong ika 13 siglo, ng isang tribong Indian na pawang mga mandirigma ang lumikas sa Sentral Mexico, buhat sa hilagang
kanluran. Sinakop ng mga Aztec ang mga Toltec at iba pang mga kalapit na tribo. Tinawag nila ang kanilang sarili na mga taga
Mexico.

Sa loob ng lungsod ng mga Aztec ay makikita ang mga templo at piramide. Sa tabi ng templo ay nakatayo ang malaki at
nababakurang palaruan kung saan idinaraos ang larong bola na may kaugnayan sa relihiyon. Mayroon ding mga pamilihan na kung
saan ang mga tinda ay nakahanay ayon sa uri; halimbawa ay ang tela, prutas at iba pa.

Sumasampalataya ang mga Aztec sa maraming diyos. Ang pinakamataas nilang diyos ay si Huitlopochtli; diyos ng araw at
digmaan. Naniniwala ang mga Aztec na apat na beses nang nilikha at ginunaw ng diyos ang mundo. Itong paniniwalang ito ang
nagdala sa kanila ng malas dahil nang dumating ang mananakop na Kastila na si Hernando Cortez noong 1519, inakala ni Montezuma,

pinuno ng mga Aztec na ang mga ito ay mensahero ng diyos dahil sa naiiba ang mga mukha. Tinanggap nilang maayos ang
mga Kastila at niregaluhan pa ng ginto at mga gamit na yari sa mamahaling balahibo ng hayop. Inakala ni Montezuma na nasisiyahan
ang mga dayuhan sa regaling ibinigay nila ngunit naging lalong interesado si Cortes na malaman kung saan makikita ang
pinanggalingan ng ginto. Kasabwat ang mga tribong galit kay Montezuma, sinalakay nila ang kuta nito ngunit natalo sila. Sa kung
anong dahilan namatay di naglaon si Montezuma at lubusang nasakop ni Cortes noong 1521 ang teritoryo niya.

Sibilisasyon ng Inca

Sa kabundukan ng Andes naman nanirahan ang mga Inca at sa ibayong rehiyon ng Timog America. Mga taong 100 – 400
A.D., nakalinang sila ng kulturang tinawag na Tiahuanaco. Walang masyadong kaalaman na nakalap tungkol sa kulturang ito maliban
sa sila ay mga bihasang manggagawa ng gusali. Biglang naglaho ang kulturang Tiahuanaco bandang 900 A.D. Noong ika – 11 siglo
may sumulpot muling grupo na amg tawag sa pinuno nila ay Inca. Ang tawag na iyon ang siyang ginamit na pangalan mismo ng
grupo.

Nanirahan ang Inca sa Lambak ng Andes at di naglaon, nanakop sila ng mga teritoryo. Bandang 1500, ang imperyo ng Inca
ay may populasyon na 12 milyon na nagsasalita ng 20 iba’t ibang wika at nahahati sa 100 na iba’t ibang grupong etniko.

Ang Inca ay nakatatag ng oeganisadomng sistema ng pamahalaan; sistema ng trasportasyon at komunikasyon. Nakagawa sila
ng daan sa gilid ng mga bundok at mga nakabiting tulay sa ibabaw ng mga bangin at ilog.

Ang pinakamataas na pinuno ng mga Inca ay Emperador na pinaniniwalaang inapo ng diyos na araw at habang nabubuhay,
siya ay sinasamba ng mga tao sa imperyo. Ang kapangyarihan niya ay lubos kaya nang humarap si Pizarro, ang Kastilang
“conguestador” kay Emperador Atahualpa sinabi niya sa “congestador” – “ Sa aking kaharian walang ibang makakalipad at walang
dahong malalaglag kung di ko nanaisin”

Ang lahat ng bagay sa imperyo maging ito ay lupain, produksyon at distribusyon ng kalakal ay kontrolado ng pamahalaan.
May listahan ang pamahalaan ng bilang ng taong nasasakop niya at lahat ng lalaki ay obligadong manilbihan sa sandatahang lakas at
mag-ukol ng panahon sa mga gawaing pambayan. Halimbawa nito ay ang isang binata na nasa tamang gulang, sapilitan siyang
papipiliin ng mapapangasawa. Karamihan sa mga Inca ay magsasaka, nag-aalaga rin sila ng hayop at nangingisda.

Ang ilan ay naghahabi. Mayroon ding iba na mahuhusay na magpapalayok, mga minero ng ginto, pilak at tanso. Tulad ng
mga Inca, ay nag-aalay din ng tao sa mga itinuturing na diyos.

Ang pagsasaka ng Imperyong Inca ay naganap ng dumating ang conquistador. Binihag nila si Emperador Atahualpa at
pinangakuan ng kalayaan kung mabigyan sila ng isang silid na puno ng ginto. Naibigay naman ang hiniling nila ngunit hindi tumupad
si Pizarro at ang ginawa ay binitay nila sa Atahualpa. Nag-away away ang mga Kastila sa partihan ng ginto at maging si Pizarro ay
pinatay.

Gawain 2: Pagpapalalim ng Kaalaman

Panuto: Binabati kita sa iyong pasensya sa pagbabasa ng arain hingil sa sinaunang amerika, ngayon naman ay masusukat ang iyong
mga nalalaman sa gawaing bilang 2

Kabihasnan Mga mahahalagang Ambag sa lipunan

Sibilisasyon ng Maya

Sibilisasyon ng Inca
Sibilisasyon ng Aztec

Magaling ang iyong pinakitang pagmamahal sa pagbabasa sa araling ito ngayon naman ay bibisitahin natin ang mga kahalagahan ng
kabihasnang Afrika at kabihasnang Amerika

Gawain 3: Pamana at kasaysayan

Panuto : Magbigay ng tigtatatlong pamana ng mga sinaunang kabihasnang African at Amerikano. Tukuyin kung paano ginamit ang
mga ito. Pagatapos ay ipaliwanag kung ano ang kahalagahan o pakinabang nito sa kasalukuyang panahon.

Pamana Kahalagahan
Noon Ngayon / kasalukuyan
Kabihasnang African 1.

2
.
3
.
Kabihasnang Amerika 1.

2.

3.

Class Directory

Name Contact number


1.
2.
3.
4.

Teacher: Joniel Patriana Galindo 0997-206-6128

You might also like