Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 11

Republic of the Philippines

Department of Education
Region III
SCHOOLS DIVISION OF BULACAN
Buenavista Elementary School
(School)

WEEKLY HOME LEARNING PLAN – GRADE 1

Learning Area: Edukasyon sa Pagpapakatao Week: 1 Date:


MELCs:
● Pagkilala sa Sarili (EsP1PKP- Ia-b-1)
Layunin:
1. Nakikilala ang sariling gusto, interes, potensyal, kahinaan, damdamin/emosyon

Araw at Oras LEARNING TASKS (GAWAING PAMPAGKATUTO)


❖ Paggising, pagsasaayos ng higaan, pagkain ng almusal at paghahanda para sa
isang makabuluhang araw.
❖ Magkaroon ng oras para ikondisyon ang katawan sa pamamagitan ng ehersisyo
kasama ang miyembro ng ating pamilya.
PANIMULANG GAWAIN
❖ Sa pasimula ng aralin, bigyan ng pagkakataon ang bata na ipakilala ang sarili,
kabilang na ang kanyang mga nais na gawin o mga pangarap.
❖ Matapos ang maikling kuwentuhan. Ibigay sa bata ang modyul at ang inihandang
sagutang papel na kanilang gagamitin sa pagsagot sa mga inihandang
pagsasanay.
SUBUKIN
❖ Pasagutan sa bata ang paunang pagsusulit sa pahina 1- 2.
Tandaan: Basahin at unawaing mabuti ang panuto. Kung ang iyong anak ay may
kasanayan na sa pagbabasa, hayaan siya ang bumasa ng panuto.
❖ Gabayan siya sa pagsasagot at pagsusulat sa sagutang papel.
Tandaan: Hayaan ang iyong anak sa sagot na nais niya. Alalayan ang bata sa
pagsulat ng sagot lalo na kung hindi pa siya sanay sumulat.
BALIKAN
❖ Sa bahaging ito ng modyul, may pagsasanay na kailangang sagutan ng mag-aaral
bilang pagbabalik-aral sa kanyang kaalamang natutuhan at sariling karanasan.
Gabayan ang bata sa pagsagot ng mga katanungan. Ipakita at ipasuri ang
larawan sa pahina 4.
Tandaan: Hayaang magbigay ang bata ng kaniyang sariling obserbasyon batay sa
nakitang larawan.Tandaan kayong mga magulang ay susubaybay lamang sa mga
gawain subalit ang bata pa rin ang magsasagot ng mga ito.
TUKLASIN
❖ Isang maikling kwento ang babasahin sa pahina 5. Matapos nito ay may mga
pamprosesong tanong na sasagutin ang iyong anak tungkol sa kuwento.
Tandaan: Kung ang iyong anak ay hindi pa marunong bumasa, maaaring basahin
mo ito para sa kanya, ngunit kung siya naman ay marunong bumasa, hayaan siya
ang bumasa nito kahit na mabagal pa siya. Huwag turuang maging palaasa ang
bata sa tagasubaybay.
SURIIN
❖ Sa bahaging ito, ay dadako na sa pagtalakay sa nilalaman ng aralin. Basahin,
pag-aralan at unawain ang mga mahahalagang impormasyon tungkol sa
pagkilala sa sarili at ugali sa pahina 6 ng modyul. Sundin ang gawaing
nakapaloob sa pahina 6.
Tandaan: Gabayan ang anak sa pagtalakay sa aralin lalo na sa pagbabasa ng
nilalaman. Magkaroon ng malinaw at kawili-wiling talakayan kasama ang iyong
anak.
PAGYAMANIN
❖ Sa parteng ito masusukat mo kung lubos bang naunawaan ng bata ang konsepto
ng aralin. Basahin at sagutin ang pagsasanay sa pahina 8.
Tandaan: Siguraduhing maayos na masasagot ng iyong anak ang inihandang
pagsasanay. Sundin nang tama ang panuto na makikita sa pagsasanay.
ISAISIP
❖ Sa bahaging ito maibubuod ang konsepto ng aralin. Basahin at ipaunawa sa
bata ang buod ng aralin sa pahina 9.
Tandaan: Muli, ay patnubayan ang bata sa pagbabasa, kung hindi pa siya
marunong bumasa. Siguraduhing naunawaan ng bata ang binasang buod.
ISAGAWA
❖ Basahin at unawaing mabuti ang panuto sa Isagawa sa pahina 9-10.
Tandaan: Sa bahaging ito ay payayabungin pa ang pagkaunawa ng bata sa
aralin. Gabayan ang bata sa pagsasagot ng mga Gawain.
TAYAHIN
❖ Dito mo lubos na masusukat kung naunawaan ba ng bata ang tamang konsepto ng
aralin na nasa pahina 11.
Tandaan: Muli ay gabayan ang anak habang sinasagutan ang bahagi ng
Pagtataya subalit napakahalaga na ang sagot ay magmumula mismo sa sariling
pag-iisip ng bata.
KARAGDAGANG GAWAIN
❖ Sa bahaging ito ay sasagutan ng mag-aaral ang karagdagang gawain na higit na
magpapalalim sa kaalamang natamo niya. Makikita ito sa pahina 12 ng modyul at
ang sagot ay isusulat sa itinakdang sagutang papel.

Tandaan: Ang iyong anak ay nasa unang baitang pa lamang kaya mahigpit na
pagsubaybay at tiyaga ang kanyang kinakailangan. Papurihan siya sa bawat
gawaing nasasagutan upang lalo siyang magpursigi sa pag aaral.

Mode of Delivery / Paraan ng Pagsusumite ng Awtput:


❖ Personal na isasauli ng mga magulang ang natapos na modyul at sagutang papel o awtput sa
gurong tagapayo sa itinakdang araw na pagbabalik nito.

Inihanda ni:

Veronica A. Reducto
Guro I
Petsa: ______________
Republic of the Philippines
Department of Education
Region III
SCHOOLS DIVISION OF BULACAN
_____________________ ________________________
(School)

WEEKLY HOME LEARNING PLAN – GRADE 1

Learning Area: Edukasyon sa Pagpapakatao Week: 2 Date:


MELCs:
● Pagpapahalaga sa Sarili (EsP1PKP- Ib-c-2)
Layunin:
1. Naisasakilos ang sariling kakayahan sa iba’t ibang pamamaraan tulad ng pag-awit,
pag-sayaw, pakikipagtalastasan at iba pa sa pamamagitan ng pagkakaroon ng
tiwala sa sarili
Araw at Oras LEARNING TASKS (GAWAING PAMPAGKATUTO)
❖ Paggising, pagsasaayos ng higaan, pagkain ng almusal at paghahanda para sa
isang makabuluhang araw.
❖ Magkaroon ng oras para ikondisyon ang katawan sa pamamagitan ng ehersisyo
kasama ang miyembro ng ating pamilya.
PANIMULANG GAWAIN
❖ Sa pasimula ng aralin, bigyan ng pagkakataon ang bata na ipakita ang kanyang
mga kakayahan ng may pagtitiwala sa sarili.
❖ Matapos ang maikling kuwentuhan. Ibigay sa bata ang modyul at ang inihandang
sagutang papel na kanilang gagamitin sa pagsagot sa mga inihandang
pagsasanay.
SUBUKIN
❖ Ipasuri sa bata ang larawan sa pahina 2. Basahin at sagutin ang mga tanong.
Tandaan: Basahin at unawaing mabuti ang panuto. Kung ang iyong anak ay may
kasanayan na sa pagbabasa, hayaan siya ang bumasa ng panuto.
❖ Gabayan siya sa pagsasagot at pagsusulat sa sagutang papel.
Tandaan: Hayaan ang iyong anak sa sagot na nais niya. Subaybayan lamang siya
upang masunod nang wasto ang panuto.
BALIKAN
❖ Sa bahaging ito ng modyul, may pagsasanay na kailangang sagutan ng mag-aaral
bilang pagbabalik-aral sa kanyang kaalamang natutuhan sa nakaraang aralin.
Gabayan ang bata sa pagsasagawa ng gawain. Subaybayan siya sa pagguhit.
Tandaan: Sa pagguhit, gabayang mabuti ang bata. Turuan siya na maging malinis
sa paggawa. Tandaan kayong mga magulang ay susubaybay lamang sa mga
gawain subalit ang bata pa rin ang magsasagot ng mga ito.
TUKLASIN
❖ Suriin ang mga larawan sa pahina 5 ng modyul. Basahin ang panuto at sagutin
ng buong tapat.
Tandaan: Gabayan ang bata sa pagbabasa at siguraduhing naunawaan niya ang
panuto.
SURIIN
❖ Sa bahaging ito, ay dadako na sa pagtalakay sa nilalaman ng aralin. Sagutin
ang gawain sa pahina 6. Bigyang diin ang kahalagahan ng pagkakaroon ng
tiwala sa sarili.
Tandaan: Gabayan ang anak sa pagtalakay sa aralin lalo na sa pagbabasa ng
nilalaman. Magkaroon ng malinaw at kawili-wiling talakayan kasama ang iyong
anak.
PAGYAMANIN
❖ Muling bibigyan ng pagkakataon ang bata na palalimin pa ang pagkaunawa sa
aralin. Basahin ang kuwento sa pahina 7 at pasagutan ang mga tanong sa pahina 8.
Tandaan: Siguraduhing maayos na masasagot ng iyong anak ang inihandang
pagsasanay. Gabayan siya sa pagbabasa ng kuwento.
ISAISIP
❖ Sa bahaging ito maibubuod ang konsepto ng aralin. Basahin at ipaunawa sa
iyong anak ang buod ng aralin sa pahina 9.
Tandaan: Muli, patnubayan ang bata sa pagbabasa kung hindi pa siya marunong
bumasa. Siguraduhing naunawaan ng bata ang binasang buod.
ISAGAWA
❖ Basahin at unawaing mabuti ang panuto sa Isagawa sa pahina 9-10.
Tandaan: Sa bahaging ito ay susukatin ang lalim ng pagkaunawa ng bata sa aralin.
Gabayan ang bata sa pagsasagot ng Gawain.
TAYAHIN
❖ Dito mo lubos na masusukat kung naunawaan ba ng bata ang tamang konsepto ng
aralin na nasa pahina 11.
Tandaan: Muli ay gabayan ang anak habang sinasagutan ang bahagi ng
Pagtataya. Mahigpit na paalala na ang sagot ay magmumula dapat sa sariling
kaalaman ng bata.
KARAGDAGANG GAWAIN
❖ Sa bahaging ito ay sasagutan ng mag-aaral ang karagdagang gawain na higit na
magpapalago sa kaalamang natamo niya. Makikita ito sa pahina 12 ng modyul at
ang sagot ay isusulat sa itinakdang sagutang papel.

Tandaan: Ang iyong anak ay nasa unang baitang pa lamang kaya mahigpit na
pagsubaybay at tiyaga mula sa magulang o tagapagdaloy ang kanyang
kinakailangan. Papurihan siya sa bawat gawaing nasasagutan upang lalo siyang
magpursigi sa pag aaral.

Mode of Delivery / Paraan ng Pagsusumite ng Awtput:


❖ Personal na isasauli ng mga magulang ang natapos na modyul at sagutang papel o awtput sa
gurong tagapayo sa itinakdang araw na pagbabalik nito.

Republic of the Philippines


Department of Education
Region III
SCHOOLS DIVISION OF BULACAN
_____________________ ________________________
(School)

WEEKLY HOME LEARNING PLAN – GRADE 1

Learning Area: Edukasyon sa Pagpapakatao Week: 3 Date:


MELCs:
● Iba’t Ibang gawain na maaaring makasama o makabuti sa kalusugan
Layunin:
1. nakapaglalarawan ng iba’t ibang gawain na maaaring makasama o makabuti sa
kalusugan
2. nakikilala ang iba’t ibang gawain na maaaring makasama o makabuti sa
kalusugan (EsP1 PKP-Id-3)
3. nasasabi na nakatutulong sa paglinang ng sariling kakayahan ang wastong
pangangalaga sa sarili (EsP1 PKP-Ie-4)
Araw at Oras LEARNING TASKS (GAWAING PAMPAGKATUTO)
❖ Paggising, pagsasaayos ng higaan, pagkain ng almusal at paghahanda para sa
isang makabuluhang araw.
❖ Magkaroon ng oras para ikondisyon ang katawan sa pamamagitan ng ehersisyo
kasama ang miyembro ng ating pamilya.
PANIMULANG GAWAIN
❖ Sa pasimula ng aralin, bigyan ng pagkakataon ang bata na mag kuwento ng
kanyang mga ginagawa upang maging malusog.
❖ Matapos ang maikling kuwentuhan. Ibigay sa bata ang modyul at ang inihandang
sagutang papel na kanilang gagamitin sa pagsagot sa mga inihandang
pagsasanay.
SUBUKIN
❖ Ipasuri sa bata ang larawan sa pahina 2. Basahin at ilagay ang sagot sa Venn
Diagram.
Tandaan: Basahin at unawaing mabuti ang panuto. Kung ang iyong anak ay may
kasanayan na sa pagbabasa, hayaan siya ang bumasa ng panuto.
❖ Gabayan siya sa paglalagay ng sagot sa Venn Diagram.
BALIKAN
❖ Sa bahaging ito ng modyul, balikan ang ikinuwento ng bata tungkol sa gawaing
nakapagpapalusog. Basahin ang panuto ng gawain sa pahina 3 at pasagutan ito
sa bata.
Tandaan: Alalayan ang bata sa pagsusulat ng sagot lalo na kung hindi pa siya
gaanong sanay magsulat.
TUKLASIN
❖ Basahin ang nilalaman ng tuklasin.
Tandaan: Gabayan ang bata sa pagbabasa at siguraduhing naunawaan niya ang
nilalaman nito.
SURIIN
❖ Matapos basahin ang nilalaman ng Tuklasin, sagutan ang mga tanong sa pahina
4.
Tandaan: Gabayan ang bata sa pagsusulat ng sagot. Magkaroon ng malinaw at
kawili-wiling talakayan kasama ang iyong anak.
PAGYAMANIN
❖ Muling bibigyan ng pagkakataon ang bata na maunawaan pa ang aralin. Suriin ang
larawan sa pahina 5 at isulat ang kinakailangang sagot sa sagutang papel.
Tandaan: Siguraduhing maayos na masasagot ng iyong anak ang inihandang
pagsasanay. Gabayan siya sa pagsusulat ng sagot.
ISAISIP
❖ Sa bahaging ito lalagumin ang konsepto ng aralin. Basahin at sagutan ang
gawain sa pahina 6 upang lalong matatak sa isipan ng bata ang konsepto ng
aralin.
Tandaan: Muli, ay patnubayan ang bata sa pagbabasa kung hindi pa siya
marunong bumasa. Alalayan din siya sa pagsusulat ng sagot sa sagutang papel.
ISAGAWA
❖ Basahin ang nilalaman ng Isagawa. Sikaping sundin at gawin sa pang araw araw
na buhay ang mensahe nito.
Tandaan: Mahalaga na naisasabuhay ang natutunan sa araling ito upang maging
mas makabuluhan ang ginagawang pag aaral.
TAYAHIN
❖ Dito lubos na masusukat kung naunawaan ba ng bata ang tamang konsepto ng
aralin na nasa pahina 7.
Tandaan: Muli ay gabayan ang anak habang sinasagutan ang bahagi ng
Pagtataya. Mahigpit na paalala na ang sagot ay magmumula dapat sa sariling
kaalaman ng bata.
KARAGDAGANG GAWAIN
❖ Sa bahaging ito ay sasagutan ng mag-aaral ang karagdagang gawain na higit na
magpapalago sa kaalamang natamo niya. Makikita ito sa pahina 7 ng modyul at
ang sagot ay isusulat sa itinakdang sagutang papel.

Tandaan: Ang iyong anak ay nasa unang baitang pa lamang kaya mahigpit na
pagsubaybay at tiyaga mula sa magulang o tagapagdaloy ang kanyang
kinakailangan. Papurihan siya sa bawat gawaing nasasagutan upang lalo siyang
magpursigi sa pag aaral.

Mode of Delivery / Paraan ng Pagsusumite ng Awtput:


❖ Personal na isasauli ng mga magulang ang natapos na modyul at sagutang papel o awtput sa
gurong tagapayo sa itinakdang araw na pagbabalik nito.

Inihanda ni: Binigyang Pansin ni:

Veronica A. Reducto IMELDA S. JOSE


Guro I HEAD TEACHER III
Petsa: ______________ Petsa: ___________________
Republic of the Philippines
Department of Education
Region III
SCHOOLS DIVISION OF BULACAN
_____________________ ________________________
(School)

WEEKLY HOME LEARNING PLAN – GRADE 1

Learning Area: Edukasyon sa Pagpapakatao Week: 4 Date:


MELCs:
● Mga gawaing nagpapakita ng Pagkakabuklod ng Pamilya
Layunin:
1. Nakakikilala ng mga gawaing nagpapakita ng pagkakabuklod ng pamilya tulad
ng:
∙ Pagsasama-sama sa pagkain
∙ Pagdarasal (EsP1PKP-lg-6)
∙ Pamamasyal (EsP1PKP-lg-6)
∙ Pagkukuwentuhan ng masasayang pangyayari (EsP1PKP-lg-6)
Araw at Oras LEARNING TASKS (GAWAING PAMPAGKATUTO)
❖ Paggising, pagsasaayos ng higaan, pagkain ng almusal at paghahanda para sa
isang makabuluhang araw.
❖ Magkaroon ng oras para ikondisyon ang katawan sa pamamagitan ng ehersisyo
kasama ang miyembro ng ating pamilya.
PANIMULANG GAWAIN
❖ Sa pasimula ng aralin, pagkuwentuhin ang bata ng mga gawaing ginagawa
nilang ng buong pamilya.
❖ Matapos ang maikling kuwentuhan. Ibigay sa bata ang modyul at ang inihandang
sagutang papel na kanilang gagamitin sa pagsagot sa mga inihandang
pagsasanay.
SUBUKIN
❖ Basahin at unawain ang panuto para sa gawain sa pahina 1.
❖ Isulat ang sagot sa sagutang papel.
Tandaan: Basahin at unawaing mabuti ang panuto. Kung ang iyong anak ay may
kasanayan na sa pagbabasa, hayaan siya ang bumasa ng panuto.
BALIKAN
❖ Sa bahaging ito ng modyul, alalahanin ang natutunan sa nakaraang aralin. Basahin
ang panuto ng pagsasanay sa pahina 3 at pasagutan ito sa bata.
Tandaan: Alalayan ang bata sa pagsusulat ng sagot lalo na kung hindi pa siya
gaanong sanay magsulat. Hayaang sagutan niya ito mula sa mismong natutunan.
TUKLASIN
❖ Gawin ang pagsasanay sa pahina 3. Sagutin ang mga tanong ng buong tapat.
Tandaan: Gabayan ang bata sa pagbabasa at alalayan siya sa pagsulat ng sagot.
SURIIN
❖ Ipasuri ang mga larawan sa pahina 4. Basahin ang panuto at isulat ang sagot sa
sagutang papel. Maaaring basahin ang kuwento sa pahina 2.
Tandaan: Gabayan ang bata sa pagsusulat ng sagot. Magkaroon ng malinaw at
kawili-wiling talakayan kasama ang iyong anak.
PAGYAMANIN
❖ Sa bahaging ito ay mas palalalimin pa ang kaalaman ng bata sa aralin. Sundin ang
gawain sa pahina 5.
Tandaan: Siguraduhing maayos na masasagot ng iyong anak ang inihandang
pagsasanay. Gabayan siya sa pagsusulat ng sagot.
ISAISIP
❖ Sa bahaging ito malalagom ang kabuuan ng aralin. Basahin at unawain ang
nilalaman nito upang matatak ng maigi sa isipan ng bata.
Tandaan: Muli, ay patnubayan ang bata sa pagbabasa kung hindi pa siya
marunong bumasa.
ISAGAWA
❖ Basahin ang panuto para sa Gawain sa pahina 6. Sundin ang isinasaad nito.
❖ Tandaan: Gabayan ang bata sa pagsulat ng sagot. Mahalaga din na
maisabuhay ang mga natutunan sa aralin.
TAYAHIN
❖ Dito mo lubos na masusukat kung naunawaan ba ng bata ang aralin. Basahin ang
panuto sa pahina 7-8 at sagutin ang pagtataya ng buong katapatan.
Tandaan: Muli ay gabayan ang anak habang sinasagutan ang bahagi ng
Pagtataya. Mahigpit na paalala na ang sagot ay magmumula dapat sa sariling
kaalaman ng bata.
KARAGDAGANG GAWAIN
❖ Sa bahaging ito ay sasagutan ng mag-aaral ang karagdagang gawain na higit na
magpapalago sa kaalamang natamo niya. Isagawa ang Gawain sa sagutang
papel. Bigyang kalayaan ang bata sa pagpapahayag ng sariling ideya.

Tandaan: Ang iyong anak ay nasa unang baitang pa lamang kaya mahigpit na
pagsubaybay at tiyaga mula sa magulang o tagapagdaloy ang kanyang
kinakailangan. Papurihan siya sa bawat gawaing nasasagutan upang lalo siyang
magpursigi sa pag aaral.

Mode of Delivery / Paraan ng Pagsusumite ng Awtput:


❖ Personal na isasauli ng mga magulang ang natapos na modyul at sagutang papel o awtput sa
gurong tagapayo sa itinakdang araw na pagbabalik nito.

Inihanda ni: Binigyang Pansin ni:

LILIAN D. DELA PAZ CECILIA B. FAJARDO, PhD


Guro II Punong Guro
Petsa: ______________ Petsa: ___________________
Republic of the Philippines
Department of Education
Region III
SCHOOLS DIVISION OF BULACAN
_____________________ ________________________
(School)

WEEKLY HOME LEARNING PLAN – GRADE 1

Learning Area: Edukasyon sa Pagpapakatao Week: 5 Date:


MELCs:
Mga kilos at gawain na nagpapakita ng Pagmamahal at Pagmamalasakit sa mga
Kasapi ng Pamilya. (EsP1PKP-li-8)
Layunin:
1. Nakatutukoy ang mga kilos at gawain na nagpapakita ng Pagmamahal at
Pagmamalasakit sa mga Kasapi ng Pamilya. (EsP1PKP-li-8)

Araw at Oras LEARNING TASKS (GAWAING PAMPAGKATUTO)


❖ Paggising, pagsasaayos ng higaan, pagkain ng almusal at paghahanda para sa
isang makabuluhang araw.
❖ Magkaroon ng oras para ikondisyon ang katawan sa pamamagitan ng ehersisyo
kasama ang miyembro ng ating pamilya.
PANIMULANG GAWAIN
❖ Sa pasimula ng aralin, pagkuwentuhin ang bata ng mga gawaing ginagawa
nilang ng buong pamilya.
❖ Matapos ang maikling kuwentuhan. Ibigay sa bata ang modyul at ang inihandang
sagutang papel na kanilang gagamitin sa pagsagot sa mga inihandang
pagsasanay.
SUBUKIN
❖ Pasagutan sa bata ang paunang pagsusulit sa pahina 3.
Tandaan: Basahin at unawaing mabuti ang panuto. Kung ang iyong anak ay may
kasanayan na sa pagbabasa, hayaan siya ang bumasa ng panuto.
❖ Gabayan siya sa pagsasagot at alalayan sa pagsusulat sa sagutang papel.
TUKLASIN
❖ Basahin at sundin ang gawain sa pahina 4. Sa bahaging ito mahihinuha kung
ano
araling pag aaralan.
❖ Tandaan: Gabayan ang bata sa pagbabasa at alalayan siya sa pagsulat ng
sagot.
SURIIN
❖ Matapos magawa ang Gawain sa Tuklasin sa pahina 4, magagawa mo nang
sagutan ang Suriin sa pahina 5.
Tandaan: Gabayan ang bata sa pagsusulat ng sagot. Magkaroon ng malinaw at
kawili-wiling talakayan kasama ang iyong anak.
PAGYAMANIN
❖ Sa bahaging ito ay mas payayabungin pa ang kaalaman ng bata sa aralin. Sundin
ang gawain sa pahina 5. Basahin at unawain ang panuto.
Tandaan: Siguraduhing maayos na masasagot ng bata ang inihandang pagsasanay.
Gabayan siya sa pagsusulat ng sagot.
ISAISIP
❖ Sa bahaging ito malalagom ang kabuuan ng aralin. Basahin at unawain ang
nilalaman nito upang matatak nang mabuti sa isipan ng bata.
Tandaan: Muli, ay patnubayan ang bata sa pagbabasa kung hindi pa siya
marunong bumasa.
ISAGAWA
❖ Basahin ang panuto para sa Gawain sa pahina 6. Sundin ang isinasaad nito.
❖ Tandaan: Gabayan ang bata sa pagsulat ng sagot. Mahalaga din na
maisabuhay ang mga natutunan sa aralin.
KARAGDAGANG GAWAIN
❖ Sa bahaging ito ay sasagutan ng mag-aaral ang karagdagang gawain na higit na
magpapalago sa kaalamang natamo niya. Basahin ang panuto at isulat ang sagot
sa sagutang papel..

Tandaan: Ang iyong anak ay nasa unang baitang pa lamang kaya mahigpit na
pagsubaybay at tiyaga mula sa magulang o tagapagdaloy ang kanyang
kinakailangan. Papurihan siya sa bawat gawaing nasasagutan upang lalo siyang
magpursigi sa pag aaral.
Mode of Delivery / Paraan ng Pagsusumite ng Awtput:
❖ Personal na isasauli ng mga magulang ang natapos na modyul at sagutang papel o awtput sa
gurong tagapayo sa itinakdang araw na pagbabalik nito.

Inihanda ni: Binigyang Pansin ni:

LILIAN D. DELA PAZ CECILIA B. FAJARDO, PhD


Guro II Punong Guro
Petsa: ______________ Petsa: ___________________

You might also like