Download as doc, pdf, or txt
Download as doc, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Name: Magno, Ronalyn P.

Subject: PEDCALLP

Section: Filipino 2-B Date: October 05,2020

Ang pagkatuto ng isang bata ay nagsisimula pag sila ay nagkaroon nang kuryosidad sa isang bagay.
Sa edad na 3 taon gulang, nag sisimula na silang mag tanong-tanong nang mga bagay bagay na nakikita
nila sa kanilang paligid, nag sisimula ang kanilang kuryosidad sa loob ng tahanan. Halos lahat nang bagay
na nakikita nila o nahahawakan ay itatanong nila, dito na papasok ang gampanin ng isang magulang o
kinder garten na guro ng bata upang sagutin ang kaniyang katanungan. Sapagkat sa magulang at gulo
mang gagaling halos lahat nang kasagutan na hinahanap nila. Ang bata ay natututo rin sa pamamagitan
nang pag oobserba sa paligid, pakikinig sa mga taong nag-uusap sa kaniyang paligid at ang pag
eeksperemento sa isang bagay na dahilan ng kaniyang kuryosidad. Pag sila ay nag tanong na sa bagay na
bumubuhay sa kanilang kuryosidad, sila ay mag sisimula nang mag obserba at mag eksperemento. Pag
oobserba kung ano ang mangyayari o kung ano ang magiging resulta nang kanilang eksperemento.

May mga batang mabilis kung matuto (Fast Learners) ang mga batang ito ay kailangan din ng pag
gabay ngunit hindi katulad nang sa normal na bata, mas gusto nila matutunan ang isang bagay sa
pamamagitan nang kanilang sarili. Ang mga binata at dalaga ay halos walang pinag kaiba sa paraan ng
pagkatuto ng isang paslit. Ang mga binatilyo ay may sariling pag-iisip na, kaya nilang matuto sa kanilang
sarili lamang, sa mga araw-araw nilang ginagawa ay may natututunan sila. Ang pinag kaiba nang dalawa
ay ang mga paslit ay masyadong agresibo sa kanilang ginagawa, ang pagiging mausisa nila ay minsan
napupunta sa maling gawain, samantalang ang binatilyo ay alam ang tama at mali. May sariling pag-iisip
kung tama ba ang kanilang ginagawa, marunong mag desisyon para sa kanilang sarili.

REFERENCE

https://www.scholastic.com/teachers/articles/teaching-content/ages-stages-how-curiosity-leads-
learning/#:~:text=Curiosity%20Begins%20at%20Home,it%20into%20a%20science%20experiment.

https://raisingchildren.net.au/school-age/school-learning/learning-ideas/learning-school-years

You might also like