KAP Periodical Reviewer2

You might also like

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 17

Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang

Pilipino 1 st Periodical Reviewer

Barayti ng Wika  
Ang iba’t-ibang salik panlipunang ito (heterogenous) ay
nagreresulta sa pagkakaroon ng iba’t ibang barayti ng wika.

• DAYALEK
Ginagamit ng particular na pangkat ng mga tao mula sa isang
particular na lugar tulad ng lalawigan, rehiyon, o bayan.

Maaaring gumamit ng parehong wika ngunit naiiba ang tono o


punto,

May magkaibang katawagan para sa iisang kahulugan,

Iba ang gamitna salita para sa isang bagay,

Magkakaiba ang pagkakabuo ng pangungusap.

Halimbawa: “TagBis” Magkain na tayo sa mall.

*See book for more examples.

• IDYOLEK
Pansariling paraan ng pagsasalita ang bawat isa

Walang dalawag taong nagsasalita ng issang wika na


magkaparehong-pareho.
Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang
Pilipino 1 st Periodical Reviewer
Dito lalong napatunayan na hindi homogenous ang wika.

Dito madalas nakikilala ang iisang tao

Halimbawa: Noli De Castro “Magandag gabi, bayan!”; Kuya


Kim “Ang buhay ay weather-weather lang”

• SOSYOLEK
Nakabatay sa katayuan o antas panlipunan o dimensiyong
sosyal ng mga taong gumagamit ng wika.

Dito nababase ang stado ng isang tao

Rubrico (2009): Ang sosyolek ay isang mahusay na palatandaan


ng istratipikasyon ng isang lipunan, na siyang nagsasaad sa
pagkakaiba ng paggamit ng wika ng mga tao na nakapaloob
dito batay sa kanilang katayuan sa lipunan at sa mga grupo na
kanilang kinabibilangan.

Para matanggad ang isang tao sa isang grupong sosyal,


kailangan niyang matutuhan ang sosyolek nito.

Gay lingo: Ito ay isang halimbawa ng grupong nais mapanatili


ang kanilang pagkakakilanlan kaya naman binabago nila ang
tunog o kahulugan ng salita.

Halimbawa: Churchill – sosyal; Indiana Jones – hindi sumipot;


bigalou – malaki; givenchy – pahingi; Julie Andrews – mahuli
Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang
Pilipino 1 st Periodical Reviewer

Lacierda ‘charot’ ang TSONA ni VP Binay.

Sumagot naman si Joey Salgado “Imbey ang fez ni Secretarush


dahil trulalu and spluk ni VP. Pero ang SONA ng pangulo,
chaka ever sa madlang pipol dahil hindi trulalu”

“bonggacious ang tarayanm naloka aqui” pinost ng dating


Commissioner Ruffy Biazon sa kanyang Twitter

Conyospeak: Tinatawag ding Taglish. May ilang salitang Ingles


na inihahalo sa Filipino kaya’t masasabing may code switching
na nangyayari. Ito ay sosyolek ng mga “sosyal” o “pasosyal”

Jejemon: nagmula sa pinaghalong jejeje sa isang paraan ng


pagbaybay ng hehehe at ng salitang mula sa Hapon na
pokemon.

Para sa mga kabataang jologs

Jejetyping, ginagamit para magpaikli ng mensahe o text

*See book for more examples

• ETNOLEK
Mula sa mga etnolongguwistikong grupo.

Ang salitang ito ay nagmula sa pinagsamang etniko at dialek


Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang
Pilipino 1 st Periodical Reviewer

Taglay nito ang mga salitang nagiging bahagi na ng


pagkakakilanlan ng isang pangkat-etniko.

Halimbawa (Ibaloy): shuwa – dalawa; sadshak – kaligayahan;


peshen – hawak

*See book for more examples

• REGISTER
Naiaangkop ng isang nagsasalita ang uri ng wikang ginagamit
niya sa sitwasyon at sa kausap.

Pormal na tono: kung ang kausap aymay mas mataas na


katungkulan o dahil hindi masyadong kilala

Di-pormal: kapag ang kausap ay kaibigan, malalapit na


kapamilya, mga kaklase, o mga kasing-edad

• PIDGIN AT CREOLE
Pidgin: umusbong na bagong wika o tinatawag na “nobody’s
native language”

Espanyol at Zamboanga, nagkaroon sila ng makeshift


language, kung saan nagkaroon sila ng tinatawag na
Chavacano, ito ang creole nila.

Creole: ang wikang nagmula sa isang pidgin at naging unang


wika sa isang lugar
Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang
Pilipino 1 st Periodical Reviewer

Gamit ng Wika sa Lipunan  

Durkheim (1985), isang sociologist, nagsasabi na nabubuo


ang lipunan ng mga taong naninirahan sa isang pook.

Ang mga tao ay may kanya-kanyang papel na ginampanan. Sila


ay namumuhay, nakikisama, at nakikipagtalastasan sa bawat
isa.

Lingua franca: wikang ginagamit ng mas nakararami sa isang


lipunan. Ginagamit ito upang magkaroon ng lubos na
magkaunawaan ang mga namumuhay sa isang komunidad.

Sa Pilipinas, itinuturing ang Filipino na lingua franca.


Napatunayan ito sa pag-aaral na isinagawa sa Unibersidad ng
Ateneo sa Manila (1989) kung saan 92% ang nakauunawa ng
Filipino, 51% ang nakauunawa ng Ingles, at 41% ang
nakauunawa ng Cebuano.

• W.P. ROBINSON
Language and Social Behavior (1972)

Ang mga tungkulin ng wika ay ang sumusunod:

(1) pagkilala sa estado ng damdamin at pagkatao, panlipunang


pagkakakilanlan, at ugnayan
(2) pagtukoy sa antas ng buhay sa lipunan
Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang
Pilipino 1 st Periodical Reviewer

• M.A.K. Halliday
Michael Alexander Kirkwood Halliday

Explorations in the Functions of Language (1973)

Ang pitong tungkulin ng wika ay ang sumusunod:

(1) Instrumental: tumutulong sa tao para maisagawa ang mga


gusto niyang gawin o gusto niyang ipagawa sa iba (pag-
uutos)

Tumutugon sa mga pangangailangan ng tao gaya ng


pakikipag-uganayan sa iba.

(2) Regulatoryo: pagbibigay ng disiplina

Tumutukoy sa pagkontrol sa ugali o asal ng ibang tao.

Halimbawa: Ang pagbibigay ng direksyon gaya ng


pagtuturo ng direksyon sa isang lugar; mga patakaran sa
eskwelahan; direksyon sa pagsagot ng pagsusulit

(3) Inter-aksiyonal: nakikita sa paraan na pakikipag-ugnayan ng


tao sa kanyang kapwa

Nakakapagpanatili ng relasyong sosyal.


Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang
Pilipino 1 st Periodical Reviewer
Halimbawa: pakikipagbiruan; pagkukuwentuhan

(4) Personal: Pagpapahayag ng sariling opinion o kuro-kuro sa


paksang pinaguusapan.

Napapakita ditto ang personalidad ng isang tao.

Halimbawa: pagsulat ng talaarawan

(5) Heuristiko: ginagamit sa pagkuha o paghahanap ng


impormasyong may kinalaman sa paksang pinagaaralan.

Paraan ng pangangalap ng datos

(6) Impormatibo: kabaligtaran ng heuristiko

Pagbibigay ng impormasyon sa paraang pasulat at pasalita

(7) Imahinasyon: Dito nakikita ang pagiging malikhain ng isang


tao sa pamamagitan ng kanyang mga iniisip

Halimbawa: day-dreaming

• ROMAN JAKOBSON (2003)


Nagbahagi rin ng anim na paraan ng paggamit ng wika

(1) Pagpapahayag ng damdamin (Emotive): Saklwa nito ang


pagpapahayag ng mga saloobin, damdamin, at emosyon.
Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang
Pilipino 1 st Periodical Reviewer
(2) Panghihikayat (Conative): Upang makahimok at
makaimpluwensiya sa iba sa pamamagitan ng pag-uutos o
pakiusap

(3) Paggamit ng pakikipag-ugnayan (Phatic): Makipag-ugnayan


sa kapwa at makapagsimula ng usapan

(4) Paggamit bilang sanggunian (Referential): Wikang nagmula


sa aklat at iba pang sangguniang pinagmulan ng kaalaman
upang magparating ng mensahe at impormasyon

(5) Paggamit ng kuro-kuro (Metalingual): pagbibigay ng kritiko

Lumilinaw sa mga suliranin sa pamamagitan ng pagbibigay


ng kometo sa isang kodigo o batas

(6) Patalinghaga (Poetic): Sa masining na paraan ng


pagpapahayag gaya ng panulaan, prose, sanaysay, at iba pa
Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang
Pilipino 1 st Periodical Reviewer
Ang Pinagmulan ng Wika  
Emmert at Donaghy (1981), ang wika, kung ito ay pasalita, ay
isang sistema ng mga sagisag na binubuo ng mga tunog; kung
ito naman ay pasulat, ito ay iniuugnay natin sa mga kahulugang
nais nating iparating sa ibang tao.

• ANG TORE NG BABEL


Genesis 11:1-9

• EBOLUSYON
(1) Teoryang Ding Dong: Nagmula ang wika sa panggagaya ng
mga sinaunang tao sa mga tunog ng kalikasan

Naipapakita dito na ang lahat ng bagay ay may sariling


tunog.

Man-made sounds
(2) Teoryang Bow-Wow
Ang wika ay nagmula sa panggagaya ng mga sinaunang tao
sa mga tunog na nilikha ng mga hayop

Pinaniniwalaang nabuo ng mga primatibong tao ang


kanilang mga unang salita sa panggagaya nito

(3) Teoryang Pooh-pooh Nagmula raw ang wika sa mga


salitang namutawi sa mga bibig ng sinaunang tao nang
nakaramdam sila ng masidhing damdamin
Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang
Pilipino 1 st Periodical Reviewer
Tulad ng tuwa, galit, sakit, sarap, kalungkutan, at
pagkabigla

(4) Teoryang Ta-Ta


May koneksiyon ang kumpas o galaw ng kamay ng tao sa
paggalaw ng dila

Ito raw ay naging sanhi ng pagkatuto ng taong lumikha ng


tunog at matutunog na salita

Katulad ng Teoryang Yum-yum

(5) Teoryang Yo-he-ho


Ang wika ay nabuo mula sa pagsasama-sama

Ang mga tunog o himig na namumutawi sa mga bibig ng


tao kapag sila ay nagtatrabaho nang sama-sama ay
sinasabing pinagmulan ng wika
Tunog na nalilikha dahil sa pwersang pisikal

(6) Teoryang Ta-ra-ra-boom-de-ay


Ang wika ay nagmula sa mga ritwal na ganap.

Halimbawa: Abracadabra!
Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang
Pilipino 1 st Periodical Reviewer
Kasaysayan ng Wikang Pambansa  
 
• PANAHON NG MGA KATUTUBO
Maraming alamat at teorya ang nabuo patungkol sa tunay na
pinagmulan ng lahing Pilipino.

(1) Teorya ng Pandarayuhan: wave migration theory na


pinasikat ni Dr. Henry Otley Beyer, Amerikanong
antropologo (1916).

Naniniwala si Beyer na may tatlong pangkat ng tao ang


dumating sa Pilipinas; Negrito, Indones, at Malay.

Napatibay ang teoryang ito sa mga arkeologo ng


Pambansang Museo ng Pilipinas sa pangunguna ni Dr.
Robert B. Fox ang harap ng isang bungo at isang buto sa
panga sa yungib ng Tabon sa Palawan noong 1962.

Ang natagpuang buto nagpatunay na mas naunang


dumating ang tao sa Pilipinas kaysa sa Malaysia na
sinasabing pinanggalingan ng Pilipinas.

50,000 taon na ang nakaraan ng mga sinasabing Taong


Tabon na unang nanirahan sa yungib ng Tabon.

Kasama sa mga nahukay na labi ng Taong Tabon ay ang


ilang kagamitang bato tulad ng chertz, isang uri ng quartz,
gayun din ang mga buto ng ibon at paniki.
Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang
Pilipino 1 st Periodical Reviewer
May nakita ring bakas ng uling na katibayan ng kaalaman sa
pagluluto ng pagkain.

Base sa impormasyong nakalap noong 1962, mas naunang


nagkaron ng tao sa Pilipinas kaysa sa Malaysia at Indonesia

Felipe Landa Jocano (1975), nagpatunay din sa kanyang


pag-aaral ukol sa kasaysayan ng Pilipinas sa UP Center for
Advanced Studies at ng National Museum na ang bungong
natagpuan ay kumakatawan sa unang lahing Pilipino sa
Pilipinas.

Ang Taong Tabon ay nagmula sa specia ng Taong Peking


(Peking Man) na kabilang sa Homo Sapiens o modern man
at ang Taong Java (Java Man) na kabilang sa Homo Erectus.

Evolution of Man by Charles Darwin

Dr. Armand Mijares ay nakahanap ng isang buto na


sinasabing mas matanda pa sa taong Tabon sa Kuweba ng
Callao, Cagayan (Taong Callao/Callao Man) na sinasabing
nabuhay nang 67,000 taon na ang nakalipas.

(2) Teorya ng Pandarayuhan Mula sa Rehiyong Austronesyano:


Ang mga Pilipino ay isa sa mga pinakaunang Austronesian
at ang unang nakatuklas ng bangkang may katig.
Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang
Pilipino 1 st Periodical Reviewer
Austronesian ay hinango sa salitang Latin na auster “south
wind” at nesos “isla”
Willheim Solheim II, Ama ng Arkeolohiya ng Timog-
Silangang Asya, ang mga Austronesian ay nagmula sa mga
isla ng Sulu at Celebes na tinatawag na Nusantao

Kumalat ang lahing Austronesian sa iba’t ibang panig ng


daigdig tulad ng Timog-Silangang Asya, Australia, New
Zealand, Timog Africa, at Timog Amerika.

Ang mga Asutronesian din ang kinikilalang nagpaunlad ng


pagtatanim ng palay at ng rice terracing

Naniniwala ang lahing ito sa mga anitong naglalakbay sa


kabilang buhay gayundin ang paglilibing sa mga patay sa
isang banga tulad ng natagpuan sa Manunggul Cave sa
Palawan.

Baybayin ang kanilang pamamaraan ng pagsulat.

Ang ebidensya ay makikita sa biyas ng kawayang


matatagpuan sa Museo ng Aklatang Pambansa at ng UST.

Sinasabing malaking bahagi ng kanilang ginawa noon ay


hindi na matatagpuan sapagkat sinunog na ng mga
Espanyol ang mga ito sa dahilang kagagawan daw ito ng
diyablo at ito ay magiging sagabal sa paglalaganap nila ng
Katoliko.
Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang
Pilipino 1 st Periodical Reviewer

Ang baybayin ay binubuo ng 17 titik (3 patinig at 4 katinig)

Sinasamahan ang katinig ng tunog ng patinig na /a/.

Kung ang patinig ay binibigkas kasama ang mga katinig na


/e/o/i/ nilalagyan ito ng tuldok sa itaas, samantalang tuldok
sa ibaba naman kung ang nais isama ay /o/o/u

Ang baybayin ay gumagamit ng dalawang guhit na pahilis


(//) sa hulihan ng pangungusap.

Alibata ay isa ring kaparaanan ng pagsusulat.

Sa pamamagitan ng kalakalan, migrasyon, at pag-aasawa ay


kumalat ang mga Austronesian sa iba’t ibang panig ng
rehiyon.

Peter Bellwood ng Australia National Univeristy, ang mga


Austronesian ay nagmula sa Timog Tsina at Taiwan na
nagtungo sa Pilipinas noong 5,000 BC.

• PANAHON NG MGA ESPANYOL


Miguel Lopez ay ang nanguna sa pananakop ng bansang
Pilipinas.
Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang
Pilipino 1 st Periodical Reviewer
“barbariko, di sibilisado, at pagano” ang mga katutubo noon
kaya’t dapat lamang nilang sibilisado ang mga ito sa
pamamagitan ng kanilang pananampalataya.

Naniniwala ang mga Espanyol noong panahong iyon na mas


mabisa ang paggamit ng katutubong wika sa pagpapatahimik
sa mamamayan kaysa sa libong sundalong Espanyol.

Ang mga prayleng Espansyol ang siyang naging institusiyon ng


mga Pilipino.

Upang maisakatuparan ang kanilang layunin, inuna nila ang


paghahati ng mga isla ng mga pamayanan sa lima.

Ang mga ordeng ito ay Agustino, Pransiskano, Dominiko,


Hewstikam at Rekoleto.

Ang paghahati ng pamayanan ay nagkaroon ng malalaking


epekto sa pakikipagtalastasan ng mga katutubo.

Sinikil ng mga Espanyol ang mga katutubo sa kalayaan nilang


gamitin ang kanilang wikang katutubo.

Upang mas maging epektibo ang pagpapalaganap ng


Kristiyanismo, ang mga misyenerong Espanyol mismo ang nag-
aral ng mga wikang katutubo.
Gobernador Tello ay nagsabing na turuan ang mga Indio ng
wikang Espanyol.
Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang
Pilipino 1 st Periodical Reviewer

Carlos I at Felipe II ay naniniwalang kailangang maging


bilingguwal ang mga Pilipino.

Iminungkahi ni Carlos I na ituro ang Doctrina Christiana gamit


ang wikang Espanyol.

Napalapit sa mga prayle, ngunit napalayo sa pamahalaan.

Inulit ni Haring Felipe II ang utos tungkol sa pagtuturo ng


wikang Espanyol sa lahat ng katutubo noong Marso 2, 1634.

Nabigo ang nasabing kautusan kaya si Carlos II ay lumagda ng


isang dekrito na inuulit ang probisyon ng nabanggit na
kautusan. Nagtakda din sya ng parusa sa mga hindi susunod.

Disyembre 29,1972, si Carlos IV ay lumagda sa isa pang


dekrito na nag-uutos na gamitin ang wikang Espanyol sa lahat
sa paaralang itatatag sa pamayanan ng mga Indio.

• PANAHON NG REBOLUSYONG PILIPINO


Matapos ang 300 taon, namulat ang mga Pilipino sa kaapihang
kanilang dinaranas.

Nagkaroon din ng kilusan ang mga propagandista noong 1872


na siyang naging simula ng kamalayan upang maghimagsik.

Andres Bonifacio: itinatag niya ang Katipunan (KKK).


Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang
Pilipino 1 st Periodical Reviewer

Ang wikang Tagalog ang ginamit sa kanilang mga kautusan at


pahayagan.

Unang hakbang tungo sa pagtataguyod ng wikang Tagalog.

“Isang Bansa, Isang Diwa” ay ang kaisipan ng mga Pilipino na


mga manghihimagsik laban sa mga Espanyol.

Pinili nilang gamitin ang Tagalog sa pagsulat ng mga sanaysay,


tula, kuwento, liham, at mga iba pa.

Masisidhing damdamin laban sa mga Espanyol ang


pangunahing paksa ng kaniang mga isinulat.

Pagpapatibay ng Konstitusyon ng Biak-na-Bato (1899): unang


kongkretong pagkilos ng mga Pilipino kung saan ginawang
opisyal na wika ang Tagalog.

Ruy López de Villalobos: Nagbigay ng pangalang “Las Islas


Filipinas” upang isaalang-ala kay Haring Felipe II

You might also like