Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 1

Ang Pagsulat sa Filipino sa Piling Larangan (Akademik) ay isa sa mga contextualized subject

ng Senior High School. Ilan sa mga halimbawa ng mga bagay na mapag-aaralan mo sa subject
na ito ay kinabibilangan ng kahulugan, kalikasan, at katangian ng pagsulat ng sulating
akademik Pagsulat ng akademikong sulatin, tulad ng abstrak, sintesis/buod, bionote,
panukalang proyekto, talumpati, katitikan ng pulong, posisyong papel, replektibong sanaysay,
agenda, pictorial essay, at lakbay-sanaysay.
Ang akademikong pagsusulat o sulatin ay isang intelektwal na pagsusulat. Ito ay madalas na
ginagamit sa pag kokommunikasyon na ang tawag ay liham, pananaliksik at iba pa. Ito ay isang
makabuluhang pag sasalaysay na sumasalamin sa kultura, karanasan, reaksyon at opinyon
base sa manunulat. Ito din ay ginagamit upang magbatid ng mga impormasyon at saloobin sa
kanyang ginagawang sulatin.
Layunin ng akademikong pagsusulat ang magbigay ng makabuluhang impormasyon sa halip na
manlibang lamang. Nangangailangan ng mas mahigpit na tuntunin sa pagbuo ng sulatin sa
akademikong pagsusulat, dahil dito ay sineseryo ng mabuti, katulad ng ating ginagawa sa
pananaliksik, kailangan natin ng basehan at kailangan din tama ang impormasyong ating
inilalagay sa nilalaman sa sulatin. Nakadepende sa kritikal na pagbabasa ng isang indibidwal sa
pagbuo ng akademikong sulatin. Ang layunin ng akademikong pagsusulat ay ang mailahad ng
maayos ang kanyang sulatin at ang tema upang malinis itong mababatid ng makakakita.
Habang nag-aaral, maaatasan ka na ipakita kung ano ang iyong natutunan sa pamamamagitan
ng pagsali sa mga class activity para lalo pang mahasa ang kaalaman sa akademikong
pagsusulat na maaaring kabilangan ng pagsasagawa ng panimulang pananaliksik kaugnay ng
kahulugan, kalikasan, at katangian ng iba't ibang anyo ng sulating akademiko. At maging
pagtukoy ng mahahalagang impormasyong pinakinggan upang makabuo ng katitikan ng
pulong. Nabibilang din dito ang pagbuo ng malikhaing portfolio ng mga orihinal na sulating
akademik nanaayon sa format at teknik.
Hindi lamang ang mga mag aaral, guro, at ang mga nakapagtapos ang maaring matuto ng
akademikong pagsusulat kundi kahit sino, kahit hindi pilipino ay maaring matuto ng
akademikong pagsusula. Dahil lahat tayo ay aplikado na matuto at kahit sino kayang matuto. Ito
ay mahalagang pag aralan dahil makakatulong ito sa pag papalawak ng kaalaman at paghasa
ng isipan.

You might also like