Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 1

JOSE RIZAL : PANGULONG DUTERTE

Kung pipili ako ng isang bayani sa ating kasaysayan, ang unang papasok sa isip ko
ay ang ating pambansang bayani, si Jose Rizal. Bakit si Jose Rizal? Marahil isa sa mga
rason ko ay dahil isa siya sa mga buong tapang at lakas na humarap sa ating mga
mananakop na hindi gumagamit ng dahas upang ipagtanggol ang ating inang bayan.
Namatay siya para sa ating bayan at nag-iwan ng malaking bakas sa ating kasaysayan.
Kung nabubuhay siya ngayon, sa tingin ko ay mayroon siyang maipapayo sa ating
presidente.

Una na rito ay ang kanyang kasabihan na “The tyranny of some is possible only
through the cowardice of others." Sa tingin ko ay papayuhan ni rizal ang ating president na
wag manahimik lamang dahil ayaw natin na mas lumaki ang gulo laban sa ibang bansa.
Mayroong mga kontrobersiya ngayon tungkol sa china kung saan parang lagi tayong
sumusunod lamang sa kanila at hindi natin ipinagtatanggol ang ating karapatan. Isa itong
halimbawa ng pagkaduwag, na dapat ay wag pairalin ng mga nakaupo sa kataas taasan.

Pangalawa naman ay ang kanyang ring kasabihan na “The world laughs at another
man’s pain.” Karamihan sa atin ay sensitibo sa ibang paksang inilalahad ng pangulo gaya
na lamang ng tungkol sa isyu ng rape kung saan bumababa ang tingin ng iba sa isang isyu
na dapat ay ginagawang big deal ng karamihan dahil lamang ginagawa itong biro sa mga
conference ng pangulo. Mas magandang mag-ingat tayo sa binibitawan nating salita dahil
marami sa atin ang hindi nagiging sensitibo sa maaring maramdaman ng iba.

Pangatlo ay ang pinakasikat niyang kasabihan, ang kasabihang “Kabataan ang pag-
asa ng bayan.” Dahil sa patuloy na paglaganap ng iba’t ibang krimen sa mundo, madalas
ay naitatanong natin sa ating sarili kung kabataan parin nga ba ang pag-asa ng ating
bayan. Ang sagot dito ay, oo. Kabataan parin ang pag-asa ng ating bayan kaya dapat natin
silang hulmahin upang sila’y mapunta sa tamang landas. Sa landas kung saan kaya nilang
ipagtanggol at mahalin ang kanilang bayan gaya ng pagmamahal rito ni Jose Rizal.
Maraming buhay ang nasisira sa droga, maraming kabataan ang hindi nakakapagtapos ng
pag-aaral, at ilan lamang iyan sa mga suliraning kahaharapin ng ating presidete.

Alam ko, kahit na matagal ng patay ang ating pambansang bayani ay nais niya
paring bigyan ng payo ang ating pangulo. Sabihin man ng karamihan na madalas ay
umaakto lamang si Duterte kapag naisipan nya ito at na isa syang traydor sa ating bayan,
alam ko na nanaisin parin ni Rizal na siya ay bigyan ng pagkakataon. Mahirap maging
leader ng isang bansa. Maraming aangal sa iyong desisyon. Sa paggamit mo ng iyong
kapangyarihan at dahas upang solusyonan ang ibang isyung hindi na maidadaan sa
maayos na pakiusap, marami ang magagalit sayo. Marami rin ang mawawalan ng tiwala
sayo. Ngunit kung tunay at bukal sa iyong loob ang pagmamahal mo sa bayan, kakayanin
mo ito. Alam mo ang makakabuti sa ating bansa, at sana, doon patungo ang ginagawa
mong landas para sa Pilipinas.

ENRIQUEZ, FRANCES MIKAYLA L. SECTION 2

You might also like