Download as pdf
Download as pdf
You are on page 1of 4
Taon 33 Big. 46 ST PAULS MEDIA AAMBUHAY SUNDAY © TVMARIA © 8:30AM « LIVE DAILY WORKERS’ MASS ONLINE _* Cm eee nd Kapistahan ng Pagdadala kay Hesus sa Templo (A) — Puti PM ISAM issalette| Pebrero 2, 2020 Haligi at Slaw a masyadong nababang- git ang Bibliya ukol sa ka- bataan ni Hesus maliban sa mga kuwento ng kanyang pagsilang. Ta- ging iisang pangungusap lamang ang binabanggit ni San Lucas hing- gil sa tatlumpung taon ni Hesus dito sa lupa: "Ang bata'y lumaking malusog, puspos ng karunungan, atkalugod-lugod sa Diyos”(Lc 2:40). Kahit na maiksi ang detalyeng ibinibigay sa atin ng Banal na Ka- sulatan, mauunawaan pa rin natin kung papaano naging malusog, puspos ng karunungan, at kalu- ‘god-ugod sa Diyos si Hesus. Bunga ito ng kanyang mga natutunan sa kanyang mga magulang dito sa lupa, Muling sinasariwa ng ating pagdiriwang ngayon ang biyaya ng Pasko ng Pagsilang na ating ginunita noong nakaraang ika-25 ng Disyembre. Ang kasalukuyang pagdiriwang ay patungkol naman sa pagdadala ng mag-asawang Maria at Jose sa sanggol na si Hesus sa Templo sa unang pagkakataon bilang pagtupad sa kaugalian. Ang ritu ng paglilinis ay kinai- langang pagdaanan ng Mahal na Birhen. Ipinag-utos ng Panginoon kay Moises: “Ganito ang sabihin mo sa bayang Israel: Kung ang isang babae ay manganak ng la- laki, pitong araw siyang ituturing na marumi, tulad nang panahong siya'y may regla. Pagdating ng ikawalong araw, dapat nang tuliin ang sanggol. Tatlumpu't tatlong araw pa ang hihintayin ng ina bago siya ituring na malinis. Hindi siya dapat humawak ng anumang bagay na sagrado at hindirin dapat pumasok sa santuwaryo hang- gang hindi natatapos ang takdang panahon'" (Lv 12:2-4). Matatandaan na ang ating Ebanghelyo ngayon ay nagsimula sa ganitong tag- po: “Nang sumapit ang araw ng kanilang pagtupad sa seremonya ng paglilinis ayon sa Kautusan ni Moises, pumunta sila sa Jerusalem” “Isang taong gulang na tupa bil- ang handog na susunugin at isang kalapati o batu-bato na handog para sa kapatawaran ng kasalanan” ang hinihinging handog ayon sa aklat ng Levitico (12:6), ngunit kahit na dukha ang mag-asawang Maria at Jose, tinupad pa rin nila ang kanilang tungkulin ayon sa ipinag-utos ng Diyos kay Moises. “Magkapares naibong batu-bato,o kayalydalawanginakaynakalapati" ang kanilang inihandog dahil hindi nila kayangmaghandogng tupa (Lv 12:8; Le 2:24). Sinasalamin ng tagpong ito ang isang napakahalagang aral na iniiwan ng Banal na Mag-anak. Bagaman nakararanas sila ng ka- hirapan tulad ng marami sa atin, hindi ito naging hadlang upang maging mga responsable silang mamamayan na masunurin sa batas. Hindi naging hadlang ang kahirapan upang magsumikap silang mabuhay nang marangal at sikaping maipagkaloob sa Diyos ang pagiilingkod at papuri na na- rarapat sa kanya. Makahulugan din ang sinabi ni ‘Simeon tungkol sa Banal na Sang- gol: “Tandaan mo, ang batang ito'y nakatalaga sa ikapapahamak o ikallligtas ng marami sa Israel. Siva ang magiging tanda mula sa Diyos Nngunit tutuligsain siya ng marami, kaya't mahahayag ang kanilang iniisip® (Lc 2:34). Hindi lamang ito propesiya hinggil sa bokasyon at misyon ni Hesus. Ito rin ay tila ba nagsasabi kina Maria at Jose na nakasalalay'sakanilang mga kamay kung papaano nila huhubugin at palalakihin ang Banal na Sanggol upangmaabotat matupadnitoang kanyang tunay na tadhana. Saating kulturang Plipino, itinu- turing natin ang ating ama na “haligi ng tahanan” at ang ating ina bilang “ilaw ng tahanan’ Ang mga magulang ay haligi na nag- bibigay-proteksyon sa mga anak at ilaw na nagbibigay-liwanag sa kanilang kaisipan. Ang haligi at ilaw ay parehong nagbibigay ng gabay. Haligi ang tahimik ngunit mapakahulugangsandigan, bahagi ng moog na nagtatanggol mula sa masasamang elemento at tanda patungosatamang daanolagusan; ilaw naman ang nagpapakita sa landas na dapat tahakin. Ipinaki- kilala ng ating Ebanghelyo ngayon kung papaano naging malusog, marunong, at kalugod-lugod sa Diyossi Hesus-dahilito sa paggabay na ipinakita at isinabuhay ni Jose at Maria, ang haligi at law ng batang siHesus. eee eee ntl Rue aes SEC MCU RCL eS E Pagbabasbas ng Kandila at Prusisyon (Magitipuntipon ang pari at ang ba- ‘yan sa isang nababagay na pook sa la- bbas ng simbakang hahantungan ng pru-- sisyon at kung saan ipagdiriwang ang Misa. Ang mga tao ay may hawak na ‘mga kandilang wala pang ningas. Ang pari ot ang kanyang mga tagapagling- hod ay nararamitan ng puting damit. Sa halip na magkasulya, ang pari ay makapagkakapa at ito'y papalitan ng hasulya pagkatapos ng prusisyon.) (Gawin dito ang tanda ng krus.) Salita Pmmang Salita (Maaaring basahin ito o isang katulad na pahayag.) P - Mga ginigiliw kong kapatid: Ipinagdiriwang natin ang dakilang arawng pagdadala kay Hesus sa templo. Sa hayagang pagtupad sa utos ng Diyos na itinadhana ni Moises, ang totoong naganap ay ang pakikipagtagpo ng Mesiyas sa mga nananabik na tao para sa kanyang pagdating. Sa pag-akit ng Espiritu Santo, ang mga banal na matatanda ay naparoon sa templo. Sa tulong ng tanglawng Espiritu Santo, kanilang nakilala ang Panginoon at masaya nilang tinanggap siya. Kaya naman tayo ngayo'y naririto at nagtitipon bilang tugon sa pag-akitng Espiritu Santo. Tayo'y magpuprusisyon atungo sa tahanan ng Diyos Eilang pagsalubong sa Mesiyas. Makaharap at makilala nawa natin siya ngayon sa pagsasalo sa pinaghahati-hating tinapay hanggang sa kanyang ma- ningning na pagpapekita. Pagbabasbas ng mga Kandila P-Manalangin tayo. (Tumahimik) Ama naming makapangya- rihan, ikaw ang liwanag na tunay, ikaw ang pinanggagalingan ng iyong inilalaganap na tanglaw. Paningningin mo ang aming kalooban sa iyong kaliwanagan upang sa aming pagdadala ng ilaw sa iyong banal na tahanan ay magpagindapat na kami'y masayang humarap sa liwanag ng iyong kadakilaan: si Hesukristo na aming Panginoon magpasawalang hanggan. B - Amen. (Tahimik na wiwisitan ng pari ang mga kandila ng banal na tubig. Hawak «ang kandilang may sindi sasabihin ng ari ang sumusuonod na aklamasyon.) P- Halina’t tayo'y lumakad, sa Pa- nginoo'y humarap. Kapayapaan niya't galak ay taglayin nating lahat. ‘Sumamba't magpasalamat. B - SiHesukristo ang ilaw na sa lahat ay tatanglaw, nagbibigay- kar saul ini- tanga Poon nating Mavkeral Sa prusigyon, cawitin ang isang nababagay ua hisnno, Pogbasok ng simbahan, aawitin ang pambungad na awit ng Misa. Pagsapit ng pari sa altar, itoy kanyang pagpipita- ganan at, kung nanaisin, itoy maiinsen- Papuri sa Diyos sa kaitaasan at sa lupa’y kapayapaan sa mga taong kinalul Pinupuri ka namin, ka namin, sinasamba ka namin, ipinagbubunyi ka namin, pinasasalamatan ka namin dahil sa dakila mong angking kapurihan. Panginoong Diyos, Hari ng langit, Diyos Amang makapangyarihan sa lahat. PanginoongH Bugtong na Anak, Panginoong Diyos, Kordero ng Diyos, Anak ng ‘Ama. Ikaw na nag-aalis ng mga kasalanan ng sanlibutan, maawa ka sa amin. Ikaw na nag-aalis ng mga kasalanan ng sanlibutan, tanggapin mo ang aming kahilingan. Ikaw na naluluklok sa kanan ng Ama, maawa ka sa amin. Sapagkat ikaw lamang ang banal, ikaw lamang ang Panginoon, ikaw lamang, 0 Hesukristo, ang Kataas-taasan, kasama ng Espiritu Santo sa kadakilaan ng Diyos Ama. Amen. Pambungad na Panalangin P-Manalangin tayo. (Tumakimik) Ama naming makapang- yarihan, iniluluhog namin sa iyong dakilang kamahalan na katulad ng iyong Anak na naging hindi naiba sa mga ‘tao at ngayo'y dinala sa iyong banal na templo, kami rin nawa'y maging dalisay at marapat dalhin sa banal na tahanan mo sa pagtitipong ito sa pamamagitan ni Hesukristo kasama ng Espiritu Santo magpasawalang hanggan B-Amen, DCL Pepe t eater Unang Pagbasa (Mal3:1-4] Unupo) Ayon kay Propeta Malakias, may isang tagapagpahayag ang isusugo upang ihanda ang sambayanan para sa kanilang pagtatagpo sa Panginoon. Pagbasa mula sa aklat ni propeta Malakias ITO ANG sinasabi ng Pangi- noong Diyos, "Ipadadala ko ang aking sugo upang ihanda ang daraanan ko. At ang Panginoon na inyong hinahanap ay biglang darating sa kanyang templo. Darating ang pinakahihintay ninyong sugo at ipapahayag ang aking tipan.” Ngunit sino ang makatatagal pagdating ng arawna iyon? Sino ang makakaharap pag siya’y napakita na? Siya'y parang apoy na nagpapadalisay sa bakal at parang matapang na sabon. Darating siya para humatol at dadalisayin niya ang mga saserdote, tulad ng pagdalisay sa pilak at ginto. Sa gayun, magiging karapat-dapat silang maghandog sa Panginoon, at ang mga handog na dadalhin ng mga taga-Juda at Jerusalem ay magiging kalugod-lugod sa kanya, tulad ng dati. — Ang Salita ng Diyos. B - Salamat sa Diyos. Salmong Tugunan (sim 23) T- D’yos na makapangyariha’y dakilang hari kaylanman. P. Octubre da ~kiclang ha - 1 kai-lan-man, 4. Ang pintuang luma ay buksan nang lubos,/ ang dakilang hari ay doon papasok. (T) 2. Ang dakilang haring ito ay sino ba?/ Siya ang Poon, dakilang talaga;/ saanmang labanan tagumpay ay kanya. (T) 3. Ang pintuangluma ay buksan nang lubos,/ ang dakilang hari ay doon papasok. (T) 4. Ang dakilang har’y sino bang talaga?/ Makapangyarihang Diyos at hari siya! (1) Tkalawang Pagbasa (Heb 214-18) Hinihintay ng mga Hudyo ang maluwalhating pagdating ng Panginoon na siyang huhusga sa lahat. Magsasakatawang,teo si Hesus upang maging maawaing tagapamagitan natin sa Diyos. Pagbasa mula sa sulat sa mga taga-Hebreo YAMANG ANG MGA ANAK na tinuturing ng Diyos ay tao, na- ging tao rin si Hesus, tulad nila— may laman at dugo. Ginawa niya ito upang sa pamamagitan ng kanyang kamatayan ay maigupo niya ang diyablo na siyang may kapangyarihan sa kamatayan Sa gayun, pinalaya niya ang la- hat ng naging alipin habang pa- nahon dahil sa kanilang takot sa kamatayan. Hindi ang mga ang- hel ang kanyang tinutulungan kundi “Ang lahi- ni Abraham.” Kaya’t kinailangang matulad siya sa kanyang mga kapatid sa lahat ng paraan. Sa_gayun, siya’y naging isang dakilang se- serdote, mahabagin at tapat, naglilingkod sa Diyos at nagha- handog ng hain sa ikapagpapa- tawad ng mga kasalanan ng tao. Sapagkat siya ma’y tinukso at nagbata, kaya ngayo'y matutu- lungan niya ang mga tinutukso. —Ang Salita ng Diyos B- Salamat sa Diyos. Aleluya [Lc 2:32] (Twmayo) B - Aleluya! Aleluya! Para sa lahat ng bansa liwanag na nagmumula sa bayan mong dinakila! Aleluyal Aleluya! Mabuting Balita (Lc 2:22-40) P - Ang Mabuting B ng Panginoon ayon kay San Lucas B - Papuri sa iyo, Panginoon. NANG dumating ang araw ng pagiilinis sa kanila, ayon sa Kau- tusan ni Moises, si Hesus ay dinala ng kanyang mga ma- gulang sa Jerusalem upang iharap sa Panginoon, sapagkat ayon sa Kautusen, “Ang bawat panganay na lalaki ay nakatalaga sa Panginoon.” At naghandog sila, ayon sa hinihingi ng Kautusan ng Panginoon: “Mag-asawang batu-bato o dalawang inakay na kalapati.” May isang tao noon sa Jeru- salem, ang pangala’y Simeon. Matapat at malapit sa Diyos ang lalaking ito at naghihintay sa katubusan ng Israel. Suma- sakanya ang Espiritu Santo na nagpahayag sa kanya na hindi siya mamamatay hangga't hindi niya nakikita ang Mesiyas na ipinangako ng Panginoon. Sa ‘patnubay ng Espiritu, pumasok siya sa templo. At nang dalhin doon ng kanyang mga magulang ang sanggol na si Hesus upang gawin ang hinihingi ng Kautusan, siya'y kinalong ni Simeon. Ito'y nagpuri sa Diyos, na ang wika, “Kunin mo na, Panginoon, ang iyong abang alipin, ayon sa iyong pangako, yamang nakita nang aking mga mata ang iyong tagapagligtas, na inihanda mo para sa lahat ng bansa: Liwanag Itong tatanglaw sa mga Hentil, at magbibigay-karangalan sa iyong bayang Israel.” Namangha ang ama't ina ng sanggol sa sinabi ni Simeon tungkolss kanya. Binasbasan sila ni Simeon, at sinabi kay Maria, “"Tandaan mo, ang batang ito’y nakatalaga sa ikapapahamak o ikaliligtas ng marami sa Israel, isang tanda mula sa Diyos ngunit hahamakin ng marami kaya't mahahayag ang kanilang iniisip. Dahil diyan, ang puso mo'y para na ring tinarekan ng isang balaraw.” Naroon din sa templo ang isang propetang babae na ang pangala'y Ana, anak ni Fanuel na mula sa lipi ni Aser. Siya’y napakatanda ra. Pitong taon lamang silang nagsama ng kanyang asawa, nang siya’y mabalo. At ngayon, walumpu't apat na taon na siya. Lagi siya sa templo at araw- gabi'y sumasamba sa Diyos sa Pamamagitan ng pag-aayuno at pananalangin. Lumapit siya nang oras ding iyon atnagpasalamat sa Diyos. Nagsalita rin siya tungkol kay Hesus sa lahat ng naghihintay sa pagpapalaya ng Diyos sa Jerusalem. seang maisagawa rile ang lahat n ayon sa Kautusan, bumalkxna sia sa Kenleng bayan sa Nazaret, Galilea. Ang bata'y lumaking malakas, marunong at kalugod-lugod sa paningin ng Diyos. — Ang Mabuting Balita ng Panginoon. B - Pinupuri ka namin, Pangi- noong Hesukristo. Homiliya (Umupo) Pagpapahayag ng Pananampalataya (Tumayo) B- Sumasampalataya ako sa Diyos Amang| salahat namay gawanglangit at lupa. Sumasampalataya ako kay Hesukristo, iisang Anak ng Diyos, Panginoon nating lahat. Nag] siya lalang ng Espiritu Santo, ipinanganak ni Santa Mariang Birhen. Pinag- itniPoncioPilato, jpinako sa krus, namatay, inilibing. Na- naog sa kinaroroonan ng mga yumao. Nang may ikatlong araw nabuhay na mag-uli. Umakyat salangit. Naluluklok sa kananng Diyos Amang makapangyarihan sa lahat. Doon magmumulang paririto at huhukom sa nanga- bubuhay at nangamatay na tag. Sumasampalataya naman ako sa Diyos Espiritu Santo, sa banal na Simbahang Katolika, sa kasamahan ng mga banal, sa kapatawaranng mga kasalanan, sa pagkabuhay na muli ng nangamatay na tao, at sa buhay na walang hanggan. Amen. Panalangin ng Bayan P - llapit natin ang ating mga panalangin sa Ama na nag-alay ng kanyang bugtong na Anak bilang ilaw at gabay para sa atin: T- Panginoon, dinggin mo ang aming panalangin. L - Pangalagaan nawang mabuti nig mga pinuno ng ating Sim- bahan ang Banal na Tradisyon ng ating pananamapalataya. Manalangin tayo: (T) L - Makapaglingkod nawa ang mgapinuno ngating pamayanan nang may pag-aalay ng sarili, magpahayag at kumilos sa ngalan ng katotohanan, at maging saksi sa pag-ibig ni Kristo. Manalangin tayo: (T) L - Maging matatag nawa tayo sa ating paglalakbay tungo sa kabanalan na siyang kalooban ng Diyos. Manalangin tayo: (T) L-Tanggapin nawa sa kan- yang kaharian ang mga nahimlay nating mga kapatid at mapatawad nawa sila sa kanilang mga kasalanan. Mana- langin tayo: (T) L - Sa ilang sandali ng kata- himikan, ating ipanalangin ang iba pang mga pangangailangan ng ating pamayanan pati na rin ang ating pansariling kahilingan (Tumahimik). Manalangin tayo: (1) P- Ama, nagkatawang-tao ang iyong Anak upang maging gabay namin. Iniluluhog namin sa iyo ang aming mga kahilingan at humihingi kami ng paggabay mo para matupad namin ang iyong kalooban. Hinihiling na- min ito sa pamamagitan ni Hesukristong aming Panginoon B-Amen, Wy @ Te Paghahain ng Alay (Tumayo) P - Manalangin kayo.. B - Tanggapin nawa ng Pangi- noon itong paghahain saiyong mga kamay sa kapurihan niya at karangalan sa ating kapakinabangan at sa buong Sambayanan niyang banal. Panalangin ukol sa mga Alay P - Ama naming Lumikha, nawa'y maging kalugud-lugod sa iyo ang paghahaing ito ng iyong nagagalak na Sam- bayanan. Niloob mong para sa ikabubuhay ng sanlibutan ay maihandog ang tupang maamo at walang bahid- dungis, si Hesukristo na iyong Anak at aming Panginoon magpasawalang hanggan. B-Amen. Prepasyo (Misteryo ng Pag- dadala kay Hesus sa Templo) P - Sumainyo ang Panginoon. B-Atsumaiyo rin. P - Itaas sa Diyos ang inyong puso at diwa. B-ItinaasnanaminsaPanginoon, P - Pasalamatan natin ang Panginoong ating Diyos. B-Marapatna siyaay pasalamatan. P - Ama naming makapang- yarihan, tunay ngang marapat na ikaw ay aming pasalamatan. Ngayo’y dinala sa iyong templo ang Anak mong dati nang di iba sa iyo. Siya ang nagbibigay-karangalan sa Israel na iyong bayan. Siya ang ipinahayag ng Espiritu Santo bilang Liwanag na tatanglaw sa lahat ng tao. Kaya kaisa ng mga anghel na nagsisiawit ng papuri sa iyo nang walang humpay sa ka- langitan, kami’y nagbubunyi sa iyong kadakilaan: B-Santo, Santo, Santo... Lumuhod) Pagbubunyi (Tumay) B - Si Kristo’y namatay! Si ~ Vocation promotions: Local and international pilgrimages = Other church and fith-based matters ‘MEDIUM, "82950701 008 loc 607 © Rosas 9 Kristo’y nabuhay! si Kristo’y babalik sa wakas ng panahon! Ce Ama Namin B-Amanamin... P - Hinihiling naming... B-Sapagkatiyo ang kaharianat ang kapangyarihanatang kapu- rihan magpakailanman! Amen. Pagbati ng Kapayapaan Paanyaya sa Pakikinabang (Lumuthod) P - Ito ang Kordero ng Diyos. Ito ang nag-aalis ng mga kasalanan ng sanlibutan. Mapalad ang mga inaanyayahan sa kanyang piging B= Panginoon, hindi ake karapat-dapat na magpatuloy saiyongunit saisang salitamo lamang ay gagaling na ako. Antipona sa Korumyon (Lc230) Ngayonnga poaynakitanitong aking mga mata kaligtasa’y narito na, pangako n’yo noong una, lunggati nami't pag-asa. Pagkapakinabang (Tumayo) P-Manalangin tayo. (Tumahimik) ‘Ama naming mapagmahal, sa pagtanggap namin ng pa- kikinabang nawa'y mapasa- aming lubusan ang iyong kagandahang-loob na kinamtang genapniSimeonnoong matupad ang kanyang inaasam na huwag munang mamatay hanggang AAMBUHAY MISSION APPEAL ‘Beamission partner for Sambuhay! Semin slate cred Sony TV no fr yoo scent i ery ion eds nd viewer. Westra oar sae spc fr + Invitations from Catholic communities and other groups ~ Announcements for specal programs and activities “Taletuay =«=—T SUNDAY. = P4000 nee 1 SUNDAY P 1,500 Sombubay First Friday 1 FRIDAY P 2,000 “togtctiey” «= MANS 25,000. Sombuhay TV. 1 EPISODE P-5,000. buhay misalette@gmall.cor marketingestpeuls.ph fesnclenvantahomsitatt Qe amanschayrssene hindi nakikita ang Mesiyas. Marapatin mo ring aming makamtan ang walang maliw na buhay sa pagtahak namin sa landas ng Palskipagtagpo sa aming Panginoong Hesukristo ngayon at magpasawalang hanggan. B-Amen. CoS P - Sumainyo ang Panginoon. B- At sumaiyo rin. Pagbabasbas P - Magsiyuko kayo saman- talang iginagawad ang pag- papala. (Tumahimik) Ama naming mapagpala, nililingap mo at dinadalisay ang iyong mga anak. Itaguyod mo ng iyong kanang kamay ang iyong sambayanan upang makasapit sa iyong inilaang buhay sa pamamagitan ni Hesukristo kasama ng Espiritu Santo magpasawalang hanggan. B- Amen. P - Pagpalain kayo ng maka- pangyarihang Diyos, Ama at Anak (t) at Espiritu Santo. B-Amen. Pangwakas P - Tapos na ang Banal na Misa. Humayo kayong taglay ang ka- payapzan upang ang Panginoon ay mahalin at paglingkuran B- Salamat sa Diyos.

You might also like