Linggo 2 Paksa: d) Kahalagahan ng Masining na Pahayag e) Retorika bilang Sining f) Gampanin ng Retorika
D.) KAHALAGAHAN NG MASINING NA PAHAYAG
1. Nakapagpapayaman ng kaisipan ng sinumang bumabasa 2. Nakagagamot ng kabagutan sa mambabasa 3. Nakapupukaw sa kawilihan ng mga mambabasa 4. Nagsilbing instrumentong panggising sa mambabasa dahil napupukaw ang kakayahang iugnay ang dating alam sa bagong natutuhan 5. Nasasalamin dito ang pagkatao ng manunulat 6. Isang maganda at malusog na ehersisyo ng utak 7. Handog ay kagaanan sa pagbabasa ng mambabasa dahil sa maayos na pagkakalahad 8. Nakatutulong na madebelop ang kasanayan sa masining na pahayag
E.) ANG RETORIKA BILANG SINING (Austero, Bandril at de Castro: 2000)
Tulad ng awit, ang retorika ay mayroon ding sining o iba’t ibang paraan o estilo na nalinawan sa ating isipan, damdamin at mambabasa. 1. Isang kooperatibong sining - Hindi maaaring gawin ng nag-iisa. Sa pamamagitan nito nagbubuklod ang isang tagapagsalita at tagapakinig sa iisang ideya. 2. Isang pantaong sining - Dahil sa ang wika ay midyum ng retorika, pasalita man o pasulat, dahil dito, ito ay pag-aari ng tao kaya ang retorika ay isa ring sining at pantao. 3. Isang temporal na sining - Ito ay nababatay sa panahon. Ang gumagamit nito ay nangungusap sa lenggwahe ngayon at hindi bukas o kahapon. 4. Isang limitadong sining - Marami ang hindi ito kayang gawin. Ang retorika ay mayroong sukdulan o hangganan. Dahil maaaring imahinasyon lamang ang gamitin sa sining na ito. 5. Isang may kabiguang sining - Hindi lahat ay may kagalingan sa paghawak ng wika. Ito ay likas na komplikado dahil sa mga tuntunin na pabago-bago. Sa iba ito ay nagiging frustrating na karanasan. 6. Isang nagsusupling na sining - Ito ay dumadami. Ang isang manunulat ay nagsusulat ng isang ideya sa isipan at nagsusupling ng isang akda. At patuloy tuloy na nagpapasa ang kaalaman sa kaniyang kaisipan.
F.) GAMPANIN NG RETORIKA
1. Nagpapaliwanag ng daan para sa komunikasyon - may mga bagay na hindi natin masabi nang diretsahan kaya gumagamit tayo ng retorika. 2. Nagdidistrak - dahil sa pakikinig natin sa iba, nakakalimot tayo sa ating Gawain at kinukuha nito an gating atensyon. Pinag-iisip tayo sa paksa. Pinagkokonsentreyt tayo sa bagay na binabanggit. Pinahihina ang ating latitude sa pagpili. Kinokontrol nito ang depinisyon na ibinibigay natin para sa isang gawain; halimbawa: “ang inyong abuloy sa simbahan ay di kawalan sa inyong materyal na yaman kundi ito’y kontribusyon ninyo sa langit.” 3. Nagpapalaki/Nagpapalawak - para itong intelektwal algebra. Humihingi ng pahintulot na ikunsidera ang bagong solusyon sa problema. Iniexpand o pinararami nito ang pananaw ng tagapakinig. 4. Nagbibigay ngalan ito - ang mga tao, hayop, bisikleta, bato ay dumating o ipinanganak nang walang “label”. Dahil sa retorika binibigyan sila ng mga katawagan. 5. Nagbibigay Kapangyarihan - dahil sa retorika, maraming mga tahimik at konserbatibong tao ang nagging prominente dahil sa kagalingang magsalita. Ang kapangyarihang sosyal (social power) ay ibinigay sa kanila ng lakas ng retorika. Ang mga matatalinong ideya, malalim na paniniwala at idolohiya ay pinagmumulan din ng kapangyarihan at kalakasan. Kabilang na rito ang mga paniniwala, konsepto at teorya ng mga sinaunang pilosopo at paham. 6. Nagpapahaba ng Oras - pinahahaba nito ang oras upang ang panahon ay kumilos sa paghilom ng mga sugat ng lipunan. Ito ang winika ni Martin Luther King nang sinabi niyang “Mayroon akong panaginip…na minsan isang araw, dito sa Alabama, ang mga maiitim at mapuputing batang paslit ay maghahawak-kamay bilang magkapatid. Mayroon akong pangarap ngayon.”