Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 8

Pangalan: Jimenez, Angel Kaye Septyembre 11, 2020

Taon at Kurso: BSA-2 5:30-7:30

PAGSUSURI NG DULA

Pamagat: “RATED: PG”

Link: https://www.youtube.com/watch?v=mG0OptDrchE&t=306s

A. Buod

Isang araw ay nagtinda si Joselle kasama ang kanyang mga anak. Habang
nagtitindi ay naglalaro sina Ton-Ton at ang kanyang mga kaibigan at dahil sa ingay nila
ay napagbuhatan ng kamay ni Joselle ang kanyang bunsong anak. Umani ng iba’t-
ibang opinyon mula sa mga tao ang paraan ng pagdidisiplina ni Joselle sa kanyang
mga anak. Nagpatuloy ito sa pag-alok ni Inday kay Joselle ng trabaho sa Barcelona.
Naging interesado ito at dali-daling nag askisako sa kanyang mga papeles na
gagamitin.

Naging abala si Joselle sa pag-aasikaso at hindi na nagpatutuonan ng pansin ang


kanyang pamilya. Isang araw ay nakiusap siya sa kanyang asawa na siya muna ang
magbabantay sa kanilang mga anak ngunit tumanggi ang kanyang asawa dahil sa
napakarami raw niyang dapat gawin sa araw na iyon kaya’t si Sally ang kanilang
panganay na anak ang kanyang pinabantay. Nagkaroon sila ng pagtatalo at
napabigkas si Ton-Ton ng isang masamang salita sa kanyang ate. Narinig ito ni Romy
at sinabihan si Ton-Ton na dapat ay humingi siya ng tawad sa kanyang nakakatandang
kapatid. Agad naming pinuntahan ni Ton-Ton si Sally upang humingi ng tawad at
binilhan ni Sally ang kanyang bunsong kapatid ng sorbetes. Sa paglipas ng araw, ay
may sasalihan na patimpalak ang grupo ni Rosalie at naging abala siya sa pag-
aasikaso para sa darating na kumpetisyon. Isang araw ay inutosan ni Joselle si Sally na
bantayan ang kanyang nakakbatang kapatid ngunit iniwan niya ito sa bahay nina
Bembette. Nahuli si Ton-Ton ni Joselle na naninigarilyo kasami si Bembette at labis ang
galit na nadama ni Joselle kay Sally. Sa pangyayaring ito ay hindi pinayagan ng ina ang
kanyang anak na sumali sa kumpetisyon. Nanalo ang grupo nina Sally at labis ang galit
na kanyang naramdaman sa kanyang mga magulang at dahil ditto ay nagdulot ng hindi
pagkakaunawaan sa pamilya. Nagkasagutan at sa huli ay napagtanto nila na parehas
silang may pagkakamali. Sa huli, nagkaroon ng maayos na pag-uusap ang pamilya at
nagdesisyon si Joselle na hindi na niya ipagpapatuloy ang kanyang nais na pag-trabaho
sa Barcelona. Naging masaya at mas tumibay ang kanilang pagsasamahn bilang isang
pamilya.

B. Tauhan
Pangalan ng Tauhan Artistang Gumanap Ginagampanan
B1. Joselle Stella Canete - Mendoza Siya ang ina ng dalawang
bata na may balak mag
trabaho sa Barcelona.
B2. Romy Haligi Ng Tahanan nina
Joselle
Gilbert Onida
Mr. Maramba Guro ni Rosalie

B3. Rosalie (Sally) Joan Bugcat Panganay na anak ni


Joselle at Romy
B4. Inday Kaibigan ni Joselle na nag-
alok sa kanya ng trabaho
Kiki Baento sa Barcelona.
Pearl Siya ang ina ng maraming
anak.
Wilma Kaibigan ni Rosalie
B5. Ton-Ton Arthur Castro Bunsong anak ni Joselle at
Romy
B6. Lola Ina ni Joselle
Upeng Galang – Fernandez
Glenda Kapitbahay ni Joselle
B7. April Boy Siya ang batang naglalaro
ng saranggola
Januario Cheeno Uy - Macaraig Kaklase at kaibigan ni
Rosalie
Bote Anak ni Glenda
B8. John Lloyd Jomie Pring Kaklase ni Ton-Ton
B9. Aiko Anj Heruela Kaibigan ni Sally
B10. Bembette Michelle Ngu Kaibigan ni Sally
B11. Nova Meann Espinosa Ina ni Pearl

Karen Siya ay walang anak at


nagbidyo kay Wilma
B12. Dr. Terry Maliksi Marichu Belarmino Isang Clinical Psychologist
B13. Libby Manaoag CB Garrucho Taga-ulat ng balita
B14. Mr. Gulanta Roi Calilong Siya ang Guro ni Ton-ton
B15. Atty. Magtanggol Ron Alfonso Isang Abogado
B16. Makmak JK Cuare Siya ang kaklase ni tonton
na anak ni Wilma

C. Tagpuan
C1: Tahanan nina Joselle at Pamilya
C2: Palaruan
C3: Tindahan ni Aling Joselle
C4: Paaralan ni Sally
C5: Paaralan ni Ton-Ton
C6: Estasyon ng Tv sa “Magsabi kay Libby”
C7: Labas ng Bahay ni Pearl
C8: Tambayan nina Sally

D. Banghay

D1. Panimula
Nagsimula ang dula na nagtitinda si Joselle na kasama ang kanyang mga
anak. Tinulungan siya ng kanyang dalawang anak sa paglatag ng kanyang mga
paninda. Habang nagtitinda si Joselle ay naglalaro naman si Ton-ton kasama
ang kanyang mga kaibigan at dahil sa kanilang ingay ay napagbuhatan ng
kamay ni Joselle ang kanyang anak na si Ton-Ton. Isa sa kanyang mamimili ay
nagreklamo na hindi solusyon ang pagpalo sa kanyang anak upang maging
mabuting tao at hindi ito ang tamang paraan ng pagdidisiplina. Ipinakita rin sa
panimula ang relasyon nila ng kanyang mga anak at ang prinsipyo sa
pagpapalaki sa kanyang mga anak. Sa panimula rin ay naipahayag kung paano
nagsusumikap si Joselle para sa kanyang pamilya at kaya niyang magsakripisyo
na tanggapin ang alok ni Inday na magtrabo sa Barcelona.

D2. Sulyap sa Suliranin


Ang pagdesisyon ni Joselle na tanggapin ang alok ni Inday na
magtrabaho na lamang sa Barcelona para sa pamilya. Abala si Joselle sap ag-
asikaso sa kanyang mga kailangan na mga dokumento at dahil ditto ay hindi sila
nagkakasundo ng kanyang asawa na si Romy sa pag-aasikaso sa kanilang mga
anak dahil pareho silang tutok na tutok sa kanilang sariling mga trabaho. Si Sally,
ang panganay na anak ni Joselle at Romy ay hindi responsable sa inuotos ng
kanyang magulang na bantayan ang kanyang napaka kulit na batang kapatid na
si Ton-ton.
D3. Tunggalian
D 3.1 : Tao laban sa Tao
Nangyari ang tunggalian na ito noong nagkasagutan si
Joselle at Saly dahil hindi ito nakasali sa kumpetisyon. Isa rin sa nangyari sa dula
ang pagtatalo ng mag-asawa tungkol sa kanilang kanya-kanyang
responsibilidad.
D 3.1 : Tao laban sa Lipunan
Nangyari ang tungagalian na ito sa panimula ng kuwento na
kung saan nagbebenta si Joselle at dahil sa ingay nila Ton-Tonat ng kanyang
mga kalaro ay hindi naging maganda ang paraan ng pagdidisiplina ni Joselle sa
kanyang anak. Umani ng iba’t ibang opinyon galling sa mga nanood kung paano
dinisiplina ng ina ang kanyang anak.

D 3.1 : Tao laban sa Sarili


Napagisip-isip ni Joselle kung tama ba ang kanyang
ginagawang paraan sa pagdidisiplina sa kanyang anak. Emosyon o dahil sa
matinding galit ay nakakagawa tayo ng maling desisyon sa buhay. Kahit ayaw
natin gawin ay nagagawa natin dahil sa matinding galit na ating nararamdaman.

D4. Saglit na Kasiglahan


Kinausap ni Romy si ton-Ton na pagpasensyahan nalang ang kanyang
ate Sally at dapat ay humingi ito ng kapatawaran sa hindi pagrespeto niya.
Nagkaroon ng masinsinang pag-uusap sina Sally at Ton-Ton at binilhan ng
panganay ang kanyang kapatid ng sorbetes. Mayroong sinalihan ang grupo ni
Sally at may paksa silang pinag-usapan na tungkol sa magulang at dahil ditto ay
sinukan nilang intindihin at kanya-kanya silang naglabas ng saloobin. Abalang-
abala si Sally sa paghahanda para sa kumpetisyon na sasalihan at isang araw
ay iniwan ni Sally si Ton-Ton sa bahay ni Bembette at nahuli ni Joselle na
nagsisigarilyo si Ton-Ton kasama si Bembette. Sa nangyaring ito ay hindi
pinayagan ni Joselle si Rosalie na makalahok sa nasabing patimpalak.
D5. Kasukdulan
Nagkaroon ng malaking pagtatalo ang mag-inang Joselle at Rosalie dahil
hindi ito nakalahok sa patimpalak kasama ang kanyang mga kagrupo ang mas
masaklap ay nanalo ang kanilang pangkat. Pumagitna si Romy sa mag-ina at
nauwi sa pagbibiangan ng kanilang kanya-kanyang responsibilidad sa pamilya
na kung saan naging masama ang dulot nito para sa kanilang mga anak.

D6. Kakalasan/Wakas
Nagkaroon ng masinsinang pag-uusap ang dalawang anak ni Joselle at
Romy. Nagbahagi ng masasamang saloobin si Sally kay Ton-Ton patungkol sa
pag-uugali ng magulang nito. Tinanong ng nakakabatang kapatid kung mahal ba
siya ng kanyang kapatid. Narinig ito ng kanilang mga magulang at napagtatanto
nila kung ano ang kanilang dapat gawin para sa ikasasaya ng kanilang pamilya.
Sa desisyon ni Joselle na hindi na siya tutoloy sa Barcelona ay mas naging
masigla ang kanilang relasyong pamilya at makikita ang kaligayahan ng kanyang
mga anak sa desisyong ito.

E. Teoryang Pampanitikan

E1. Teorya: Realismo


Patunay:
Sa unang bahagi ng dula ay pinakita ang pagdidisiplina ni Joselle sa
kanyang mga anak. Ang kanyang paraan sa pagdidisiplina na nagdulot ng
pagrerebelde ng kanilang mga anak. Mapapansin din sa kuwento ang
pagsusumikap sa pagtatrabaho ng mag-asawa upang mataguyod ang kanilang
pamilya.

Paliwanag:
Ito ay totoong nangyayai sa tunay na buhay. Minsan dahil sa pagbaabwal
ng ating mga magulang ay nagrerebelde tayo sa kanila. Nagbibisyo o di kaya ay
sumasagot sa ating mga magulang. Sa panahon ngayon ay laganap na ang
ganitong pag-uugali na mas may makapangyarihan pa ang anak kaysa sa
magulang ngunit sa pagdating ng panahon ay maiintindihan na natin kung bakit
ganoon ang pagdidisiplina nila sa atin,

E2. Teorya: Moralismo

Patunay:
Maraming naipakitang aral ang dula. Isa na rito ang pagrerespeto sa mas
nakakatanda. Naipakita ang aral na ito noong kinausap ni Romy si Ton-Ton na
siya nalang ang humingi ng tawad sa kanyang ate Sally. Pangalawa ay pag-
iintindi sa nais ng bawat isa sa pamilya.

Paliwanag:
Matututo ka kung ang dulang ay iyong mapapanood. Ito ay may halong
komedya ngunit ito ay mapagkukunan ng aral. Sa ipinakitang pag-uugali ng mga
tauhan ay malaalman mo kung ano ang dapat at hindi mo dapat gawin sa tunay
na buhay.

E3. Teorya: Romantisismo


Patunay:
Isa sa patunay na ito ay mayroong teorya ng Romantisismo ay ang
pagmamahal nila sa bawat isa bilang pamilya. Handang makipagsapalaran si
Joselle sa Barcelona para mabigyan ng masagang pamumuhay ang kanilang
anak at asawa. Sa huli, kahit nagkakaroon sila ng hindi pagkakaunawaan ay mas
nangibabaw parin ang pagmamahal nila sa isa’t-isa.

Paliwanag:
Sa pamilya ay hindi maiiwasan ang pagtatalo ngunit dahil sag alit ay
maaari itong masira. Sa pagdaan ng araw at gabi ay maipagtatanto natin na
kaya pala tayo nakikipagtalo ay dahil mahal natin ang ating pamilya. Tayo ay
nagagalit dahil ayaw natin na mapasama sila. Sa pamilya ay mas nangingibabaw
ang pagmamahal kaysa sag alit. Ika nga sa ingle “Blood is Thicker than water”.

F. Kabisaan/Aral

F1. Huwag ikakagalit kung hindi mo magustuhan ang paraan ng ginagamit na


iyong magulang upang ikaw ay disiplinahin. Walang magulang ang gustong may
mangyaring masama sa kanilang mga anak. Kinakailangan ay sundin na lamang
sila dahil papunta palang tayo sa ating patutunguhan at sila ay pabalik na at
ipapasa na nila sa atin ang Kalayaan na ikakasaya natin.

F2: Igalang at mahalin ang ating mga magulang dahil sila ang dahilan kung bakit
tayo namulat sa mundong ating kinagagalawan. Ginagawa nila ang lahat sa abot
ng kanilang makakaya upang mataguyod nila tayo na kanilang mga anak.

F3. Walang mahirap sa isang pamilyang nagsusumikap abutin ang pangarap.


Hindi masama ang mangarap ngunit panatilihin ang pagmamahal sa pamilya.
Ang ating pamilya ang siyang hindi mag-iiwan sa atin sa gitna ng laban. Sila ang
nagbobigay lakas sa atin na magpatuloy sa agos ng buhay.

You might also like