Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

UNANG MARKAHANG PAGSUSULIT

FILIPINO 10

Panuto: Piliin ang titik ng wastong sagot at isulat sa sagutang papel.

Mitolohiya mula sa Rome


1. Ito ay salitang Latin na ang ibig sabihin ay kuwento.
A. Ephos B. mythos C. pastor D. singkretismo
2. Alin sa mga sumusunod ang HINDI katangian ng mitolohiya
A. Karaniwang tumatalakay sa mga diyos at diyosa
B. Binubuo ng mga kuwentong tradisyunal sa isang particular na relihiyon o paniniwala
C. Kathang-isip o likha ng imahinasyon at pawing tungkol sa mga supernatural
D. Isang tuluyang akda na nakatuon sa isang paksa ang pagtatalakay
3. Siya ang Panginoon ng langit at panahon at tagaparusa sa mga sinungaling at hindi marunong tumupad sa kasunduan
A. Hades B. Hephaestus C. Poseidon D. Zeus
4. Siya ang asawa ni Jupiter at tagapangalaga ng pagsasama ng mag-asawa.
A. Aphrodite B. Athena C. Hera D. Hermes
5. Siya ang kapatid na babae ni Jupiter at diyosa ng apoy sa pugon
A. Ares B. Athena C. Hera D. Hestia
6. Kilala siya bilang diyosa ng kagandahan at pag-ibig.
A. Aphrodite B. Athena C. Hestia D. Hermes
7. Siya ang kakambal ni Apollo at kilala bilang diyosa ng buwan at pangangaso.
A. Artemis B. Apollo C. Athena D. Hestia
8. Kilala siya bilang diyosa ng karunungan at katusuhan at may simbolong kuwago at puno ng oliba.
A. Athena B. Artemis C. Hera D. Diana
9. Kilala din siya bilang diyos ng araw, liwanag, musika, panulaan at propesiya.
A. Apollo B. Artemis C. Hermes D. Poseidon
10. Bakit gayon na lamang nag paninibugho ni Venus kay Psyche?
A. Dahil sa taglay na kagandahan ni Psyche na nagpaibig sa halos lahat ng mga kalalakihan
B. Dahil inagaw ni Psyche ang asawa ni Venus
C. Dahil sa kapangyarihang taglay ni Venus
D. Dahil sa pagkakaroon ng magandang anak
11. Paano natuklasan ni Psyche ang tunay na katauhan ng kanyang asawa?
A. Sa pamamagitan ng pagsunod sa kanyang ama na magtungo sa tuktok ng bundok
B. Sa pagsindi ng lampara at dahan dahang paglapit ditto habang mahimbing na natutulog
C. Sa pagsama sa kanyang mga kapatid na babae
D. Sa pamamagitan ng pagtanggal ng maskara nito
12. Ano ang naging suliranin ng mag-asawang Bugan at Wigan?
A. Kung paano malalabanan si BUmabakker C. Ang hindi pagtungo ni Psyche sa palasyo
B. Ang hindi ni pagkakaroon ng anak D. Ang hindi pagkakaroon ng kapangyarihan
13. Paano nalutas ang suliranin nina Bugan at Wigan?
A. Sa pamamagitan ng paghingi ng tulong sa mga diyos C. Pinatay ni Wigan si Bugan
B. Pinagtulungan nila si Bumabakker D. Sumayaw sila sa harp ng ga diyos

ANGKOP NA GAMIT NG PANDIWA BILANG AKSYON, PROSESO AT KARANASAN


14. Alin sa mga sumusunod na pandiwa ang nagsasaad ng gamit ng oandiwa bilang aksyon?
A. Lubos na natuwa si Bugan nang malaman niyang sila ay magkakaanak na sila ni Wigan.
B. Pumunta si Bugan sa mga diyos.
C. Naguluhan ang dalaga sa pagpili ng kapareha.
D. Labis na naantig angdamdamin ng mag-asawa sa sinapit ng bata.
15. Ano ang angkop na gamit ng pandiwa sa pangungusap na: Kumuha si Psyche ng lampara at punyal.
A. Aksyon B. Proseso C. Pangyayari D. Damdamin
16. Ano ang angkop na gamit ng oandiwa sa pangungusap: Lubha ang pakalungkot ng mag-asawa sa paglisan ng kanilang anak.
A. Aksyon B. Pangyayari C. Proseso D. Damdamin
17. Alin sa mga sumusunod ang nagsasaad ng gamit ng pandiwa bilang proseso?
A. Hawak ang lampara sinilip ni Psyche ang mukha ng asawa. C. Masaya si Sandra sa kanyang kaarawan.
B. Kumuha si Matilde ng alahas sa kahon. D. Sumang-ayon ang lalaki sa ginawa ng asawa.

SANAYSAY MULA SA GREECE


18. Ito ay isang uri ng sanaysay na may tiyak na estruktura.
A. Pormal B. Di pormal C. Malikhain D. Impormal
19. Ang mga sumusunod ay katangian ng isang pormal na sanaysay maliban sa isa
A. Mahaba at propesyunal ang tono. C. Isinusulat sa una o ikalawang persona
B. B. Sinusulat sa ikatlong persona D. MAdalas ginagamit sa paaralan
20. Ito ang bahagi ng sanaysay na pumuoukaw sa interes ng mambabasa.
A. Panimula B. Gitna C. Kaisipan D. Kongklusyon
21. Ito ang bahagi ng sanaysay nanagtataglay ng mga argumento at ebidensyang sumusuporta sa pangunahing kaisipan.
A. Panimula B. Gitna C. Kaisipan D. Kongklusyon
22. Sa bahaging ito maaaring muling banggitin ang pangunahing kaisipan.
A. Panimula B. Gitna C. Kaisipan D. Kongklusyon
23. Ito ang pangkalahatang proposisyon, tema o tesis na ipinaliliwanag ng sanaysay.
A. Kaisipan B. Estruktura C. Motibo D. Paliwanag
24. Ito ay tumutukoy sa magiging takbo ng pagtatalakay ng pangunahing kaisipan.
A. Ebidensya B. Estruktura C. Mltibo D. Presensya
25. Ito ang kaligirang impormasyon, buod at konteksto ng isang sanaysay.
A. Kaisipan B. Estruktura C. Motibo D. Paliwanag
26. Tumutukoy ito sa pangkalahatang kahalagahan ng iyong pag-aanalisa at pagmumungkahi kung anon isyu ang inilantad
A. Implikasyon B. Motibo C. Pagkakaugnay D. Presensya
27. Ito ay ang mga impormasyon o detalye na ginamit mo upang suportahan ang pangunahing kaisipan ng iyong sanaysay.
A. Ebidensya B. Estruktura C. Motibo D. Paliwanag
28. Tumutukoy ito sa buhay na nadarama sa iyong sinusulat
A. Ebidensya B. Estruktura C. Motibo D. Presensya
29. Isang tuluyang akdang pampanitikan na nakatuon sa iisang paksa ang pagtatalakay.
A. Alamat B. Epiko C. Maikling kwento D. Sanaysay
30. Alin sa mga sumusunod ang hindi tumutukoy sa isang sanaysay?
A. Nagpapaliwanag B. Naglalarawan C. Nangungumbinsi D. Nagsasalaysay
Piliin ang kahulugan ng salitang may diin sa bawat pangungusap.
31. Nagulumihanang napahinto ang lalaki.
A. Nahabag B. Nalito C. Natuwa D. Nalungkot
32. Masaya niyang sinisipat sa salamin ang diyamanteng alahas na mula kay Madam Forestier.
A. Sinusuot B. Tinitignan C. Tinatago D. Hinahawakan
33. O, Kahabag-habag kong Matilde! Ang ipinahiram kong kuwintas ay puwit lamang ng baso at hindi tunay na ginto.
A. Kasiya-siya B. Kaawa-awa C. Masuwerte D. Pinakamamahal
34. Siya ay puspos ng matinding pagtitimpi na huwag magwala, pinilit niyang tumugon sa malumanay na tinig.
A. Nagkaroon B. puno C. Naghanap D. Humingi
35. Tumatakbo sa kanyang balintataw ang marangyang pagtitipon habang nakatanaw sa kanilang bintana.
A. Isip B. Hinuha C. Puso D. Alaala
MGA EKSPRESYON SA PAGPAPAHAYAG
36. ____________________ sa pangulo, isusulong ng panukalang batas ang kapayapaan sa Pilipinas.
A. Sa palagay ko B. Ayon sa C. Akala ko D. Samantala
37. ____________________, ang pagbabawal sa mga dinastiyang politikal ang magpapalakas ng ating demokrasya.
A. Batay sa B. Sa isang banda C. Sa paniniwala ko D. Samantala
38. ____________________, dapat din nating pakinggan ang mga argumento ng nagpanukala ng pagsasalegal ng diborsyo sa Pilipinas.
A. Alinsunad sa B. Sa ganang akin C. Sa pananaw ko D. Sa isang banda
39. _________ sinabi ng pangulo, makaaasa tayo ng mas magandang buhay sa darating na taon.
A. Batay sa B. Sa paniniwala ko C. Sa isang banda D. Samantala
40. _________ ko dadalaw siya sa amin. Hindi pala.
A. Akala B. Ayon sa C. Sa tingin D. Sa kabilang dako
41. ______________ saligang batas, isang malayang ahensya ng pamahalaan ang Commission on Audit.
A. Alinsunod sa B. Sa paniniwala ko C. Sa isang banda D. Sa kabilang dako
42. __________________ ng mga Pilipino, mananatiling kampeon si Pacquiao.
A. Ayon sa B. Batay sa C. Sa pananaw D. Samantala
43. _________________ kong magtatag ng bagong samahan ng mga guro sa Pilipinas.
A. Akala B. Iniisip C. Samantala D. Sang-ayon
44. _________________, gusto ng Senado n imbestigahan ang nangyaring anomalya sa ilang ahensya ng pamahalaan.
A. Ayon sa B. Sa palagay ko C. Samantala D. Sa ganang akin
45. _____________________, dapat tutulan ang pagpapatupad ng diborsyo sa Pilipinas.
A. Ayon sa B. Batay sa C. Sang-ayon D. Sa ganang akin

ELEMENTO NG MAIKLING KUWENTO


46. Ang tauhang ito ay kilala rin sa tawag na bida.
A. Antagonista B. Protagonista C. Confidant D. Foil
47. Kilalari ito sa tawag na kontrabida sa kuwento at mahigpit na kalaban ng bida.
A. Antagonista B. Confidant C. Foil D. Protagonista
48. Ito ang elemnto ng maikling kuwento kung saan at kalian naganap o magaganap ang kuwento.
A. Kasukdulan B. Tauhan C. Tagpuan D. Saglit na kasiglahan
49. Mga tauhan na kmas kilala bilang side-kick ng bida o madalas na gumaganap bilang kaibigan ng pangunahing tauhan
A. Antagonista B. Confidant C. Lapad D. Protagonista
50. Ito ang pagkakasunud-sunod na pangyayari sa maikling kuwento
A. Banghay B. Panimula C. Kasukdulan D. Wakas

You might also like