Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Oras: Lumilipas, nawawala

(Impormal)

“Time is gold” lumang kasabihan pero hanggang ngayon ay hindi nawawala


ang katotohanan, na ang oras ay mahalaga na tulad ng ginto. Tayong lahat ay may
kaniya-kaniyang oras at nakadepende ito satin Kung saan at paano natin ito
gagamitin.

Marami satin ang gustong pigilan o habulin ang oras, upang mas
maramdaman at malasap ang bawat masasayang pagkakataon. Isa lamang ito sa
dahilan upang mas pahalagahan at bigyang halaga ang oras at huwag itong
aksayahin sa walang mga kwentang bagay, kung kaya’t mas maiging gamitin ito sa
mas makabuluhang bagay, upang maiwasan ang pagsisisi sa huli. Marami ka ng
maaaring magawa at matapos sa bawat minuto ng iyong buhay, maaari kang
tumulong saiyong kapwa, maglinis ng iyong bahay, magtapos ng iyong mga
Gawain at takdang-aralin sa paaralan. Marami man ang iyong gawain ay
siguradong matatapos ito kung tama lang ang paggamit at pagbalanse mo ng
iyong oras. Huwag mo itong hayaang lumipas at mawala na walang ginagawa
sapagkat bumalik man ang eksaktong araw na iyon, ngunit hindi na ito tulad ng
mga lumipas na panahon.

Dapat nating intindihin na ang oras ay mahalaga at hindi dapat aksayahin.


Ang oras ay tumatakbo, lumilipas, nawawala , sa ilang sandal maaari tayong
mawala sa mundo. Tulad ng oras tayo ay lilipas at mawawala. Kaya dapat
pahalagahan natin ang bawat segundo, minuto,oras, panahon at ang mga taong
nasa paligid natin, at sikaping mamuhay ng tama dahil di natin alam kung
hanggang kalian o kung ano ang maaaring mangyari sa susunod na Segundo ng
ating buhay.

You might also like