Pagkahilig Sa Halaman

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Pagkahilig sa halaman, dapat bang pigilan?

(Impormal)

Kinakausap ba ng nanay mo ang inyong mga halaman? Mahilig ba ang


nanay mo sa halaman? Mukha na bang harden ni eba ang inyong bakuran? Kung
ganoon, hindi ka nag-iisa, sapagkat dahil sa kasalukuyan nating sitwasyon at dahil
sa kinakaharap nating pandemya ay hindi tayo pwedeng lumabas kung kaya’t
naghahanap tayo ng mga bagay na pwede nating gawing libangan at isa na dito
ang pagkahilig sa halaman.

Maraming mamamayang Pilipino, paritkular na ang mga nanay ang nahilig


sa halaman, kasabay sa pagdami at pagtaas ng kaso ng mga positibo ay ang
pagtaas ng demand ng halaman, marami ang nagbebenta online at maging sa
mga palengke. May ibang nagbebenta ang pumupunta pa sa matataas na bundok
upang maghanap at pumutol ng halaman upang maibenta at pagkakakitaan. Ito
ang naging dahilan ng pagkaalarma ng DENR, sapagkat may ibang halaman na
tinatawag na “endangered o vulnerable”. Nagbibigay din sila ng babala sa mga
plantita/plantito na huwag bumili nito. May parusa ang lalabag o mahuhuling
nagbebenta o bumibili ng endangered plants, anim hanggang labindalawang taon
sa pagkakakulong ang maaaring parusa at pagmultahin ng Isang daang libong piso
hanggang Isang milyon.

Malinaw na Malaki ang pagbabagong dulot ng sitwasyon natin ngayon,


walang mali sa pagkahilig, pagbili at pagbebenta ng halaman, ang dapat lamang
nating tandaan ay gawin ito sa maayos at legal na paraan.

You might also like