Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

BADAYOS, JANNA AYESHA N.

AUGUST 19, 2020

STEM – C

CONQUERING GREATER HEIGHTS

REFLECTION:

Lahat ng tao ay may kanya kanyang pinag dadaanan sa buhay at may kanya kanya ding mga
paraan kung paano ito malalagpasan. Ang iba ay hindi sumusuko na gumawa ng paraan kung paano ito
malalagpasan kahit na ilang beses ng nabigo ay tuloy parin ang laban, ang iba naman ay sa unang
pagsubok pa lamang ay agad agad ng sumuko at nawalan ng pag-asa at ang huli ay ang mga taong hindi
kailanman sinubukan harapin ang kanilang pagsubok na pinag dadaanan dahil natatakot sila na mabigo at
masaktan.

Ang mga halimbawang ito ay maaari nating maikumpara sa mga kristiyano at kung paano nila
harapin ang mga pagsubok sa kanilang buhay. Una, ang mga taong naniniwala,umaasa at nagmamahal ng
buong puso sa Diyos. Ito ay ang mga kristiyanong matibay ang pagtitiwala at pagmamahal sa Panginoon
at ibinibigay nila ang lahat sa Diyos at binitawan ang mga bagay na nagpapahirap sa kanila upang
malagpasan ang kanilang pagsubok dahil naniniwala silang hindi sila pababayaan at iiwan ng Diyos sa
kahit ano mang mangyaring pagsubok sa kanilang buhay, naniniwala sila na may plano ang Diyos sa
kanilang mga buhay. Sila ang mga taong kasama ang Diyos sa kanilang pag lalakbay hanggang sa
kanilang malagpasan ang mga pinagdadaanan sa buhay.

Ikalawa, ay ang mga taong nagtitiwala sa Diyos ngunit hindi buong pusong binibigay ang lahat,
mga taong umaasa sa Diyos ngunit hindi buong pusong nagtitiwala sa mga bagay na kayang gawin ng
Diyos sa kanilang buhay at higit sa lahat hindi nila buong pusong minamahal ang Diyos dahil may
nakaharang sa kanilang puso na nagpapahirap sa kanila na tanggapin ang buong biyaya ng Diyos para sa
kanila. Minsan hindi sila nakikinig sa plano ng Diyos at nagmamadali nilang lagpasan ang kanilang mga
pagsubok kahit na hindi pa sila handa, pinapangunahan nila ang plano ng Diyos dahil alam naman nilang
di sila pababayaan ng Diyos, kaya pagdating sa dulo sila ay mabibigo at dahil dito hindi na muli pa silang
magtitiwala sa Diyos.

Ikatlo at ang pang huli sa lahat, ang mga taong takot maniwala at magtiwala sa mga bagay na
kayang gawin ng Diyos sa kanilang buhay. Hindinila magawang mahalin ang Diyos dahil punong puno
ng pighati, takot at kalungkutan ang kanilang puso. Wala ng puwang ang pagmamahal ng Diyos sa
kanilang puso dahil hindi nila mabitawan ang mga bagay na nagpapahirap lamang sa kanila. Nais man
nilang lagpasan ang mga pagsubok sa kanilang buhay ngunit wala silang lakas at paniniwala dahil
nababalot ang kanilang buhay sa kadiliman at hindi nila maabot ang liwanag na galing sa Diyos dahil sila
ay nakaposas sa mga kasalanang kanilang hindi mabita-bitawan.

May mga bagay na itinuro ang Diyos sa atin sa pamamagitan ng kanyang mga disipulo. Itinuro
nila sa atin ang mga paraan upang malagpasan natin ang mga pagsubok kasama ang Diyos. Ito ay ang
pagtitiwala, pag- asa at higit sa lahat ay ang pagmamahal sa Diyos bakit ito?, dahil ito ay ang puso ng
mga alagad ng kristiyano. Sila ang taas, haba, lapad at lalim ng kaugnayan natin sa Diyos. Inilalarawan
nila ang pagbuo ng buhay ng Diyos sa atin sa pamamagitan ng Espiritu. Ang simula, sa kabila ng
pagkakasunud-sunod, ay ang pag-ibig. Wala nang ibang simula sa Diyos kundi ang pag-ibig. Ang Diyos
ay ang pag ibig at siya din ay umiibig sa atin. Ito ay ang pag-ibig na patuloy na nagdudulot sa atin sa
pagiging. Ito ay pag-ibig na humahantong sa Diyos na maging isa sa atin kay Cristo, upang mag-imbita sa
amin sa pakikipag-ugnay, sa paggawa upang pagalingin at maging malaya. Ito ang Banal na Espiritu ng
pag-ibig na nagpapaalab sa atin, na humahantong sa atin nang mas malalim sa Diyos at inilapit tayo sa
aktibong pakikiramay ng Diyos sa lahat.

Ang pananampalataya at pag-asa ay bunga ng pag-ibig at ang mga paraan kung saan tayo ay
nababago ng pag-ibig. Ang pananampalataya ay ang pagpili na magtiwala sa Diyos sa kung ano ang
mahalaga sa atin. Sa pamamagitan ng pananampalataya nagiging bukas tayo upang matanggap ang pag-
ibig ng Diyos. Ang ating buhay ay itinatag sa pag-ibig. Ang pananampalataya at pag-asa ay sa tao ngunit
ibinigay ng Diyos sa atin ay pag-ibig. At ang pananampalataya at pag-asa ay nagbibigay-daan sa atin
upang manirahan at maipahayag ang pag-ibig kung saan tayo nilikha at gaganapin. Sa pamamagitan ng
pananampalataya at pag-asa ay mabubuksan natin ang daan para sa pag-ibig na magdadala sa atin patungo
sa kapunuan ng ating pagkatao.

Kung ating titignan ang pananampalataya, pag-asa at pag-ibig ay madalas na pagsamahin dahil ito
ang sandigan ng isang tao na umaasa sa pangako ng Diyos na makamit ang buhay na walang hanggan.
Tayo ay umaasa at ang pag asang ito, na ang wagas na pag ibig ng Diyos sa sangkatauhan na ating
sinasampalatayanan ay may katiyakan at isa sakatuparan sapamamagitan ng ating Panginoong Hesu
Kristo.

You might also like