Professional Documents
Culture Documents
Obra Maestra Finals
Obra Maestra Finals
PAGBASA NG OBRA
MAESTRANG PILIPINO
(Modyul para sa mga Mag-aaral ng BSED Filipino)
Inihanda ni:
Pinagtibay:
Linggo Paksa
1 -3 -Pagkilala sa katawagang Obra Maestra
-Mahahalagang Punto kung Bakit Pinag-aaralan ang Apat na
Obra Maestra sa Hayskul
-MGA MAHAHALAGANG IMPORMASYON TUNGKOL SA
AKDANG IBONG ADARNA
-PAG-AARAL SA AKDANG IBONG ADARNA
4 PRELIMS
5-7 -MGA MAHAHALAGANG IMPORMASYON TUNGKOL SA
AKDANG FLORANTE AT LAURA
-PAG-AARAL SA AKDANG FLORANTE AT LAURA
8 MIDTERMS
9-11 -BUHAY NI RIZAL
-MGA MAHAHALAGANG IMPORMASYON TUNGKOL SA
NOBELANG NOLI ME TANGERE
-PAG-AARAL SA NOBELANG NOLI ME TANGERE
12 SEMI-FINALS
13-17 -MGA MAHAHALAGANG IMPORMASYON TUNGKOL SA
NOBELANG EL FILIBUSTERISMO
-PAG-AARAL SA NOBELANG EL FILIBUSTERISMO
18 FINAL EXAM
TALASANGGUNIAN: https://pdfslide.tips/documents/pagtuturo-ng-obra-maestrang-filipino-nbsppdf-
filepinakamaagang-mga.html
ARALIN 1: PAGKILALA SA KATAWAGANG OBRA MAESTRA
Panimula
Ayon kay J. Decamos (2019) - Maraming natatanging akda na isinulat ng mga Pilipino
ang isinama sa kurikulum upang maisabuhay ang mga mahahalagang aral na ipinapabatid nito sa
mambabasa higit lalo sa ating mga mag-aaral. Sa nakalipas na mga panahon ay nagkaroon na ng
ilang pagpapabago sa kurikulum ng asignaturang Filipino sa antas ng sekundarya ngunit
nananatili pa rin ang apat na obra maestra; ang Ibong Adarna para sa ikapitong antas; Florante at
Laura ni Francisco Baltazar para sa ikawalong antas; Noli Me Tangere ni Gat Jose Rizal para sa
ikasiyam na antas, at El Filibusterismo ni Gat Jose Rizal para sa ikasampung antas.
Ibong Adarna. Ito ay isang koridong isinulat noong panahon ng Espanyol na
punongpuno ng mga simbolismo at matatalinhagang salitang makatutulong sa malawak na
pagtanaw ng mga mag-aaral sa ganda at lawak ng ating wika. Tumatalakay ito sa pagibig,
kabayanihan at kababalaghan na sadyang kikiliti sa interes ng mga mag-aaral. Pagiging matapat,
pagkakaroon ng matatag na kalooban, pagtitiwala sa sarili, kababaang-loob, pagmamahal sa
magulang at kapatid ang ilang sa mga mahahalagang aral na ipinapahiwatig nito.
Florante at Laura. Ito ay isang aklat na isinulat sa awit ni Francisco Balagtas na ang
unang edisyon ay isinulat sa pa noong 1838. May apat na taludtod na sa bawat linya ay
mayroong labindalawang pantig kung saan ito’y inaawit ng mabagal. Isang panitikan na
sumasaklaw sa ating tradisyon at kultura dagdag pa rito ang tumatalakay sa iba’t ibang aspekto
ng buhay na maaaring gumabay sa mga mag-aaral tungo sa matuwid na pamumuhay.
Sumasalamin ang yaman natin sa magagandang obra sa kulturang mayroon tayo ngayon
bagamat ang henerasyon ay nababagbag na sa mga teknolohiyang nakaaapekto na sa hindi lang
iilan sa mga mag-aaral pagdating sa pag-uugali at pagkilala sa halaga ng isang makalumang
bagay. Ang mga pagkakataong ito ay tinitignan ng guro bilang isang oportunidad upang ilapit sa
mga makabagong mag-aaral ang kariktan ng mga obra maestra sa pamamagitan ng pagsanib ng
teknolohiya at panitikan tungo sa isang makabuluhang pagkatuto. Anumang pagbabago ang
dumating sa hapag ng mga mag-aaral nawa’y mapanatili ang pagkakahain ng mga gintong aral
na bubusog sa pagkatao ng isang tunay na Pilipinong mag-aaral.
Ayon kay F. Cuano- (2008) - Ang Obra Maestra, ay may isang korido sa pangalan ng
Ibong Adarna; isang awit sa pangalan ng Florante at Laura na isinulat ni Francisco Baltazar; at
dalawang nobela, Noli Me Tangere at El Filibusterismo na parehong isinulat ng bayaning si Dr.
Jose Rizal.
Sa tulong ng 21st Century Skills, aakayin ang mga mag-aaral na maging malikhain,
mahasa ang kasanayan sa mapanuring pag-iisip na may kaugnayan sa impormasyon, media at
teknolohiya, mahusay na pakikipagtalastasan o komunikasyon at kolaborasyon sa kapwa, may
tiwala sa sarili, may kusang palo, mapagmalasakit na mamamayan, aktibong nakikilahok sa mga
proyektong magpapaunlad sa sarili at sa bayan.
Maraming pakahulugan ang panitikan ang iba’t ibang manunulat tungkol sa panitikan.
May nagsasabing ang tunay na kahulugan daw ay yaong pagpapahayag ng damdamin, panaginip,
at karanasan ng sangkatauhang nasusulat sa maganda, makahulugan at masining na mga
pahayag. Kasama na sa mga nagbigay pakahulugan sa panitikan ang mga sumusunod: Atienza,
Ramos, Salazar at Nazal sa kanilang aklat na “Panitikang Pilipino”, Bro. Azarias, Webster, at
Maria Ramos.
Ang panitikan ay hindi lamang lumlinang ng nasyonalismo kundi ito’y nag-iingat din ng
mga karanasan, tradisyon at mga mithiin ng bawat bansa. Ito ay isang ilaw sa walang
kamatayang tumatanglaw sa kabihasnan ng tao.
Marami ring mga akdang pampanitikan ang nagdala ng impluwensya sa buong daigdig
tulad ng mga sumusunod: Canterbury Tales, Uncle Tom’s Cabin, Ang Divine Comedia, Banal na
Kasulatan o Bibliya, Koran, Ang Iliad at Odyssey, Mahabharata, El Cid Compeador, Ang Awit
ni Rolando, Aklat ng mga Patay, Aklat ng mga Araw, at Isang Libot Isang Gabi.
Ang panitikan ay may dalawang pangkalahatang uri. Ito ay ang patula at tuluyan. Kasama
sa tuluyang uri ang mga akdang maikling kwento, nobela, dula, pabula, alamat, anekdota,
sanaysay, talambuhay, balita, parabula at talumpati. Samantala, ang mga tula naman ang mga
akdang napabilang sa patulang uri ng panitikan. Nahahati naman sa apat na uri ang mga akdang
patula: tulang pasalaysay, tulang paawit o liriko, tulang padula o pantanghalan, at tulang
patnigan.
Ang mga epiko at awit at kurido ay napabilang sa tulang pasalaysay. Ang mga awiting
bayan, soneto, elihiya, dalit, pastoral at oda naman ay napabilang sa mga tulang liriko.
Samantala, napabilang naman sa tulang pantanghalan ang mga komedya, melodrama, trahedya,
at parsa. At napabilang naman sa tulang patnigan ang karagatan, duplo at balagtasan.
Bago pa man dumating ang mga Kastila sa ating kapuluan ay may sarili nang panitikang
nagtataglay ng kasaysayan ng ating lahi ang ating mga ninuno.
Panitikan ang nagpapahiwatig ng tunay na pagkalahi natin. Ito ang nagsisilbing wika ng
Pilipino na nagbubunyag ng panlipunan at panlahing kaugalian ng ating pang-araw-araw na
buhay.
Mayroon na ring sariling baybayin o alpabeto ang ating mga ninuno, ang alibata.
Sa mga panahong iyon, tinangkilik ng mga Pilipino ang relihiyong Katoliko. Natuto
silang magdiwang ng mga kapistahan bilang parangal sa mga Santo, sa papa at sa gobernador.
Bilang libangan, nagkaroon ng sabong at karera ng kabayo.
Sa panahong ito, nabuo ang pangkat ng “may kaya” na may ari-arian at lupain. May ilan
ding Pilipino ang nakapag-aral at nakakuha ng kursong tulad ng medisina, abogasya, agrikultura
at pagiging maestra.
Marami ang naging impluwensya ng Kastilasa Panitikang Pilipino at kasama pa rito ang
mga sumusunod:
Panahon ng Pagbabagong-Isip
Pagkatapos mahimlay ng tatlong daang taon, nagising ang mga natutulog na damdamin
ng mga Pilipino nang isangkot sa digmaan at patayin ng garote nang walang matibay na
katibayan sa pagkakasala ang tatlong paring sina Gomez, Burgos, at Zamora noong Pebrero 7,
1872.
Nang dahil sa mga pangyayaring iyon, ilan sa mga mamamayang Pilipinong kabilang sa
pangkat na “La Liga Filipina” ay nagsipagsabi na “wala nang natitirang lunas kundi ang
maghimagsik.”
Sa panahong ito, nanaluktok sina Andre Bonifacio, Emilio Jacinto, at Apolinario Mabini.
Anres Bonifacio
Ama ng Demokrasyang Pilipino
Ama ng Katipunan
Emilio Jacinto
Utak ng Katipunan
Sumulat ng Kartilya ng Katipunan
Sumulat ng sanaysay na “Ningning” at “Liwanag”
Apolinario Mabini
Sumulat ng “Tunay na Sampung Utos”
Kasama rin sa mga maghihimagsik si Jose Palma y Velasquez. Siya ay may ambag sa
Panitikang Filipino ng mga titik ng “Pambansang Awit ng Pilipinas” sa wikang Kastila na
nilapatan naman ng musika ni Julian Felipe.
Nagwagi ang mga Pilipinong mapanghimagsik laban sa mga Kastila na sumakop sa atin
sa loob ng 333 taon. Naiwagayway ang ating bandila noong Hunyo 12, 1898, tanda ng
pagkakaroon ng kalayaan. Hinirang na unang pangulo ng Republika ng Pilipinas si Hen. Emilio
Aguinaldo, subalit naging panandalian lamang ito sapagkat lumusob ang mga Amerikano.
Maraming Pilipino noon ang nagsalong ng sandata at muling nanulat sa lahat ng larangan
ng panitikan tulad ng lathalain, tula, kwento, dula, sanaysay, nobela at iba pa. Kalimitang
mababasa sa kanilang mga akda ang pag-ibig sa bayan at pag-asam ng kalayaan.
Kabilang rin ang dula na umusbong sa panahong ito subalit ipinatigil dahil sa temang
makabayan. Kasama dito ay ang “Kahapon, Ngayon at Bukas”, “Tanikalang Ginto”, “Malaya” at
“Walang Sugat”.
Panitikan sa Kastila
Marami ang naging manunulatsa Kastila na naging inspirasyon ang mga bayani ng
bayan. Kabilang sa mga manunulat na dito ang mga sumusunod:
Adelina Gurrea
Isidro Marpori
Epifanio de los Santos
Pedro Aunario
Panitikan sa Tagalog
Panahon ng Hapones
Ang mga tula sa panahon ng Hapon ay may karaniwang paksa na tungkol sa bayan o sa
pagkamakabayan, pag-ibig, kalikasan, buhay lalawiganin, pananampalataya, at sining.
Tatlong uri ng tula ang lumaganap sa panahong ito. Kinabibilangan ito ng:
o HAIKU
Binubuo ng labimpitong pantig: 5-7-5.
Nagtataglay ng masaklaw at matalinghagang kahulugan
o TANAGA
May sukat at tugma
May pitong pantig bawat taludtod
Nagtataglay din ito ng matalinghagang kahulugan
o KARANIWANG ANYO
Karaniwang tula na halos may paksang tungkol sa pag-ibig
Ang mga dulang Tagalog sa panahong ito ay nabigyang puwang. Ang mga
malalaking sinehan ay ginawang tanghalan ng mga dula. Ilan sa mg nagsisulat ng dula ay
ang sumusunod:
Naging maunlad naman ang larangan ng maikling kwento noong panahon ng Hapon.
Maraming mga nagsisulat ng mga kwento.
Ang pinakamahusay na akda ng taong 1945 ay pinili ng mga lupon ng inampalan. At ang
25 maikling kwento ay pinasuri naman nina Lope K. Santos, Julian Cruz Balmaceda, at Inigo Ed.
Regalado. Ang kinawakasan ay pagsusuri ay nagsasabing ang mga sumusunod ang nagkamit ng
unang tatlong gantimpala:
o Unang Gantimpala
Lupang Tinubuan – ni Narciso Reyes
o Pangalawang Gantimpala
Uhaw ang Tigang na Lupa – ni Liwayway Arceo
o Pangatlong Gantimpala
Lunsod Nayon at Dagat-dagatan – ni NVM Gonzales
Naging makasaysayan sa ating mga Plipino ang ika-4 ng Hulyo, 1946, sapagkat dito
isinauli ang kalayaan. Sa unang pagkakataon ay naging Malaya sa turing ng mga Pilipino.
Subalit, walang naging balangkas na ekonomiya ng bansa bago ito pinalaya.Ang Hukbalahap na
binubuo ng pangkat ng mga gerilyang may pagkiling sa komunismo, ay isa pang pamana ng
digmaan na naging malaking sagabal sa pambansang kaunlarang pang-ekonomiya.
Ang mga manunulat sa panahong ito ay tila naging mapaghangad sa makukuhang
gantimpala. Sa panahong ito sumulpot ang mga ulirang manunulat na Amerikano dahil sa
kanilang mahusay na teknesismo ng panulat na sina Ernest Hemingway, William Saroyan, at
John Steinbeck.
Ang panitikan ng mga Pilipino sa panahong ito ay muling sumigla. Nabuksang muli ang
mga palimbagan ng mga pahayagan at magasin. Nagkaroon din ng laman ang mga salitang
Tagalo. May mga nobela ring namalasak subalit binabasa bilang libangan lamang. At maraming
mga aklat ang nalimbag sa panahong iyo tulad ng sumusunod: Mga Piling Tula at mga Piling
Sanaysay ni Alejandro Abadilla, Ang maikling Kwentong Tagalog ni Teodoro Agoncillo, Ako’y
Isang Tinig ni Genoveva Edroza Matute, at Parnasong Tagalog ni A.G. Abadilla.
Muling sumigla ang panitikang Filipino sa wikang Ingles nang panahong ito. Maraming
pahayagang Ingles ang lumabas tulad ng Philippine Free Press at Morning Sun.
o Unang Gantimpala:
“Kwento ni Mabuti” ni Genoveva Edroza Matute
o Ikalawang Gantimpala:
“Mabangis na Kamay…Maamong Kamay” ni Pedro Dandan
o Ikatlong Gantimpala:
“Planeta, Buwan, at mga Bituin” ni Elpidio P. Kapulong
Panahon ng Aktibista
Ang pagiging Malaya sa turing ng mga Pilipino ay hindi maatim tanggapin ng ilang mga
mamamayang Pilipino, lalo na ng mga kabataan.
Naging ganap na mapanghimagsik ang mga kabataan sa panahong ito. Ang mga
pahayagan ng mga damdaming mapanghimagsik. Maliban sa makinilya, gumamit din ila ng
pinsel at isinulat sa plakard, sa pulang pintura angmga kaugnay na salitang nagpapahayag ng
karaingan at pakikibaka.
Masasabing halos nagtataglay ng tatlong katangian ang mga tulang naisulat ng mga
batang makata at mananalumpati sa panahon ng aktibismo. Una ay ang pagmamasid at pagsusuri
sa kalagayan ng bayan; pangalawa ay ang pagsisiwalat ng mga katiwalian at dayukdokna
pagpapasa ng mga manunungkulan at ang ikatlo ay ang tahasang masasabing labag sa
kagandahang asal na panunungayaw at karahasan sa pananalita.
Ang mga sumusunod ay ilan sa mga aklat na katipunan ng mga tula sa panahong ito.
Nagsimula ang panahon ng bagong lipunan noong Setyembre 21, 1972. Nagpatuloy pa
rin ang Gawad Carlos Palanca sa pagbibigay ng patimpalak. Nagtatag ang pamahalaang
militarng baging kagawaran na tinatawag na “Ministri ng Kabatirang Pangmadla” upang siyang
mamahala at sumubaybay sa mga pahayagan, aklat at mga iba pang babasahing panlipunan.
Ilang buwan ang nakalipas pagkatapos ideklara ang Batas Militar, ang mga sumusunod
na Slogan ng Bagong Lipunan ay ilan sa nabasa at narinig ng mga mamamayan.
Sa panahong ito, sumigla ang mga awiting bayan, karunungang bayan, mga dula, at mga
pahayagan, komiks, at magasin.
Mga Pahayagan
Bulletin Today
Times Journal
Philippine Daily Express
Balita
Magasin
Kislap
Bulaklak
Extra Hot
Jingle Sensation
Komiks
Pilipino
Panahon ng Ikatlong Republika
Mas lalo pang nag-alab ang mga nagpupuyos na kalooban ng mga mamamayan nang patayin
ang kanilang minimithing pangulo ng bansa na si Senador Benigno Aquino Jr. noong Agosto 21,
1983.
Muling nabawi ng mga mamamayang Pilipino ang tunay na kalayaan na nawala rin ng mga
labing apat na taon sa loob ng apat na araw, mula ika-21 ng Pebrero hanggang ika-25 nito
atnamayani ang people’s power o “likas ng bayan”.
SANGGUNIAN:
Ang Obra Maestra, Ikalimang Edisyon, ay may isang korido sa pangalan ng Ibong Adarna;
isang awit sa pangalan ng Florante at Laura na isinulat ni Francisco Baltazar; at dalawang nobela,
Noli Me Tangere at El Filibusterismo na parehong isinulat ng bayaning si Dr. Jose Rizal.
Ang nilalaman ng Ibong Adarna ay nakapokus sa paggalang, kahalagahan at pagmamahalan
ng pamilya, pag-iibigan ng magsing-irog, paglilingkod nang tapat sa kanyang bayan, pagtulong sa
kapwa, pagtupad sa pangako at higit sa lahat ay ang pananampalataya sa Panginoon.
Ang Florante at Laura ay nakapokus sa pagsasakripisyo alang-alang sa pag-ibig, tapat na pag-
iibigan at pagtulong sa kapwa kahit magkaiba ang kanilang sekta.
Ang Noli Me Tangere at El Filibusterismo ay patungkol sa mga sakit ng lipunan na wala
nang kagalingan. Gigisingin ang natutulog at nauuhaw na mga puso sa tawag ng katarungan at
hangaring makamtan ang kapayapaan.
Sa tulong ng 21st Century Skills, aakayin ang mga mag-aaral na maging malikhain, mahasa
ang kasanayan sa mapanuring pag-iisip na may kaugnayan sa impormasyon, media at teknolohiya,
mahusay na pakikipagtalastasan o komunikasyon at kolaborasyon sa kapwa, may tiwala sa sarili,
may kusang palo, mapagmalasakit na mamamayan, aktibong nakikilahok sa mga prohektong
magpapaunlad sa sarili at sa bayan.
Ang Obra Maestra, Ikalimang Edisyon, ay naglalayong maisakatuparan ang sumusunod na mga
layunin:
1. Maipaunawa sa mga mag-aaral ang kahalagahan ng mga obra maestrang nilikha ng mga
pangunahing manunulat at bayani ng bansa
6. Maturuan ang mga mag-aaral na maging makabayan at mahalin ang sariling wika at
kulturang kinagisnan
9. Maipaunawa na ang salapi o kayamanan ay hindi ang lahat-lahat sa buhay sapagkat lason
itong sumisira sa sinumang gumagawa ng kasamaan
11. Maiwaksi sa puso at isipan ng tao na ang paghihiganti ay hindi kailanman magbubunga ng
mabuti
Ang Obra Maestra, Ikalimang Edisyon, ay naglalayon ding maging epektibo ang mga mag-
aaral sa larangan ng pagbasa, pagsulat, pakikinig at pagsasalita. Dahil dito, may mga pagsasanay o
gawain na susubok sa kanilang kakayahan at kasanayan upang matamo o maisakatuparan ang apat na
makrong komunikasyon.
4. Mahahasa ang kanilang kakayahan at talino sa iba’t ibang larangan na makatutulong tungo sa
kanilang pag-unlad at pagtahak sa kanilang adhikain sa buhay
6. Matututuhan ang salitang pagpapatawad at lahat ng mga gintong aral at magagamit sa tunay na
nangyayari sa buhay
8. Mahahasa ang kakayahan ng mga mag-aaral na mag-isip nang malalim, lumikha, magplano,
sumuri nang krikal
9. Matututo silang palakasin ang kanilang kahinaan at paunlarin pa ang kanilang kalakasan
10. Mahihikayat silang makilahok sa mga prohekto na makatutulong sa pagunlad ng bansa
Higit na mas maraming oportunidad o pagkakataon para sa mga mag-aaral upang sila ay
matutong makapagpaliwanag, makapagbahagi ng kung anong mayroon sila o makapagbigay ng
tulong sa mga nangangailangan, matutong sumuri at makapagproseso, makipanayam, makapagplano,
makapagbigay ng kongklusyon sa tulong ng mga gawaing pagkatuto upang maisabuhay ang mga
halagahang pangkatauhan na magbibigay ng kahulugan sa kanilang buhay.
SANGGUNIAN:
https://www.cfo-pso.org.ph/pdf/12thconferencepresentation/day2/FelicidadCuano-Filipino-RBSI.pdf
ARALIN 4: MGA MAHAHALAGANG IMPORMASYON SA IBONG ADARNA
PAG-AARAL SA AKDANG IBONG ADARNA
Ang Ibong Adarna ay isa na ngayon sa mga kinikilalang kanon ng Panitikang Filipino. Ito ay
may buong pamagat na Corrido at Buhay na Pinagdaanan nang Tatlong Principeng Magcacapatid
na Anac nang Haring Fernando at nang Reina Valeriana sa Cahariang Berbania. Ayon sa mga
historyador ng panitikan ng Pilipinas, ang akdang ito ay hindi itinuturing na “orihinal” na nagmula sa
Pilipinas tulad din ng Bernardo Carpio na nagmula sa Europa. Ang kasaysayan ng Ibong Adarna ay
maaaring hango sa mga kwentong bayan ng iba’t ibang bansa tulad ng Germany, Denmark,
Romania, Austria, Finland, at Indonesia. Mayroong motif at cycle ang Ibong Adarna na matatagpuan
sa mga kwentong bayan: may sakit ang inang reyna o amang hari, kailangan ang isang mahiwagang
bagay upang gumaling tulad ng ibong umaawit, tubig ng buhay, halaman at iba pa.
Paano kung gayon naging Ibong Adarna ang pamagat ng akdang ito? Ang sagot ay dahil
napakahaba ng pamagat at hindi nakakabisado ng mambabasa ang buong pamagat. Angkop naman
ba ito? Sa isang pagsususring isinagawa ng mga kritiko ng panitikan, masasabing angkop ito dahil
una sa lahat, ito ang gamot sa sakit ng hari ng Berbanya. Pangalawa, ito din ang pilit na
pinagpunyagihan ng magkakapatid na hanapin upang hulihin. Ito din ang naging suri upang mahayag
ang kataksilan nina Don Pedro at Don Diego, ito din ang nagpatunay na si Don Juan ang tunay na
nakabihag sa kanya. Samakatuwid, ang ibong Adarna ang naging susi upang malaman ang tunay na
karapat-dapat sa trono ng hari.
Walang bansang matutukoy na pinagmulan ng tulang romansang ito. Lumitaw ang anyong ito
ng panitikan sa mga bansa ng Europa, Gitnang Silangan, at
maging sa Asya partikular sa Timog-Silangang Asya. May pagkakahawig ang Ibong Adarna sa
kasaysayan ng iba pang panitikang pandaigdig. Halimbawa:
Scala Celi – Kinalap ng isang paring Dominiko at sinasabing kinatha noon pang 1300. May
isang haring may sakit na nangangailangan ng tubig ng buhay upang gumaling. Naglakbay-
dagat ang kanyang tatlong anak ngunit ang bunso na mabait at magalang ang nakakuha ng
lunas sa loob ng isang palasyo sapagkat tinulungan ito ng isang matanda.
Kwentong-bayan mula sa Denmark - Nagkasakit si Haring Eduardo ng England at ang
lunas ay ang ibong Phoenix na pag-aari ng reyna ng Arabia. Sa huli, napangasawa ng
bunsong prinsipe ang reynang ito.
Mula sa Malayo-Polinesia, sinulat ni Renward Branstetter - May mga bahagi ito na
kahawig ng Ibong Adarna, tulad ng tungkol sa “halaman ng buhay” na pinaghahanap ng
marami. Ang pangunahing tauhan, si Djajalankara ay may dalawang kapatid na naglilo upang
siraan siya sa amang maysakit.
Espanya: El Cuento del Pajaro Adarna
Armenya: Ang Makababalaghang Ruisenyor
Eskosya at Irlanda: Ang Haring Ingles at Tatlong Anak
Rusya, Litbiya, Estonya: Ang Ibong may Ginintuang Tinig
Portugal, Gresya at Bulgarya: Salaming Mahiko o Ibong Marilag
Ang tulang romansa, o sa Ingles ay metrical romance, ay isang tulang pasalaysay tungkol sa
pakikipagsapalaran at kabayanihan na karaniwang ang mga tauhan ay pawang napapabilang sa
kaharian tulad ng prinsipe, prinsesa, hari, reyna at ilang dugong bughaw. Naging palasak ang
ganitong uri ng panitikan sa Europa. Ang halimbawa ng tulang romansa ay ang Koridong Ibong
Adarna at Awit na Florante at Laura ni Francisco Baltazar.
Ang salitang korido ay galing sa binalbal na salitang Mehikanong “corridor” na
nangangahulugang “kasalukuyang pangyayari”, ang Mehikanong salitang “corridor” ay mula naman
sa Kastilang “occurido”. Isang anyo ng tulang romansa ang korido. Naglalarawan ito ng
pakikipagsapalaran sa buhay ng mga kababalaghan at pantasya, nagpapamalas ng kagitingan,
kabayanihan at pagkamaginoo. Lumaganap sa Europa ang korido bilang isang mataas na uri ng
libangan at panitikan. Sinasabing ang korido ay batay sa mga alamat at kuwentong bayan sa Europa
gaya ng Espanya, Gresya, Italya, Germany, Denmark, Pransiya, Austria at maging sa Tsina at Malay
o Polenesia.
Sa pananakop ng mga Kastila, ang tulang romansa (korido) ay nakarating sa Mehiko at di
naglaon ay nakaabot sa Pilipinas noong 1610.
Sa paglipas ng panahon, kinagawiang basahin ng mga katutubo ang korido. Marahil dala na
rin ito ng kawalan ng ibang anyo ng panitikang mababasa noong panahong iyon sanhi ng kahigpitan
ng mga paring Kastila sa pagpapahintulot ng pagkalat ng iba’t ibang uri ng akdang maaaring basahin
ng mga tao. Hindi kailanman pinahihintulutan ang pagkalat ng mga babasahing hindi naglalaman ng
magandang pagtingin sa relihiyong kanilang pinalaganap.
Kung titingnan, ang Ibong Adarna ay maituturing na kwentong bayan sapagkat hindi tiyak
kung sino talaga ang totoong umakda nito. Samantala, ayon naman sa isang unang pag-aaral, ang
koridong Ibong Adarna ay binubuo ng 1,056 saknong at tinatayang umabot ito sa 48 pahina (hindi
ito opisyal). Nang isalin sa Wikang Tagalog ang naturang korido, ipinagpapalagay na ganito ang mga
nangyari:
Ang pangalan ng orihinal na may-akda, na nagmula sa kung saan-saang bansa sa Europa ay
hindi na isinulat ng mga sumunod na nagpalimbag,
ginamit ng mga tagapagsalin ang kanilang pangalan, ngunit ito'y di isinama sa
pagpapalathala,
ang mga kauna-unahang salin ng akdang ito ay pawang sulat-kamay at nang maglaon ay
hindi na kinopya ng mga sumunod pang nagsalin ang mga pangalan ng nauna sa kanila at,
sapagkat hindi nga tiyak kung sino talaga ang totoong may-akda ng korido, pinili na lamang
ng nakararaming tagapagsalin na huwag ng isama ang kanilang pangalan sa pagpapalimbag.
Nagsimulang maging popular ang Ibong Adarna sa Pilipinas nang ito'y isalin sa katutubong
wika. Ang bawat kopya ng akdang ito ay ipinagbibili sa mga perya na karaniwang nagpapalipat-lipat
sa mga bayang nagdiriwang ng pista. Ngunit marami noon ang di marunong bumasa kaya't iilan
lamang ang mga kopyang napalimbag. Sa kabutihang-palad, di nagtagal ay itinanghal na ito sa mga
entablado tulad ng komedya o moro-moro. Ang karaniwang kaanyuan ng nasabing korido na siya
ngayong pinag-aaralan sa mga paaralan ay ang isinaayos na salin ni Marcelo P. Garcia noong 1949.
At dahil nga sa kawalang-katiyakan kung sino ang orihinal na may-akda at dahil na rin sa kasikatan
nito sa Panitikang Filipino, maraming nag-aakala na ang Ibong Adarna ay katutubo mismo sa
Pilipinas.
Bagama’t ang Ibong Adarna ay itinuturing na hindi katutubo, nagtataglay naman ito ng mga
halagang pangkatauhan at kaugaliang taglay rin ng mga Pilipino gaya ng pananampalataya sa
Panginoon, pagmamahalan sa pamilya, pagpapahalaga sa edukasyon, pagpapatawad sa kapwa,
pagtulong sa nangangailangan, pagdiriwang, pagtanaw ng utang na loob at marami pang iba.
Kaya naman hanggang sa kasalukuyan ay patuloy na pinag-aaralan ito bilang bahagi ng
kurikulum sa unang taon upang mapalaganap hanggang sa susunod pang henerasyon ang kalinangan
ng Kulturang Pilipino na taglay ng koridong Ibong Adarna.
Ayon kay Dr. Roberto T. Añonuevo ng Pamantasang Ateneo de Manila (AdMU), ang
dalumat ng Ibong Adarna ay hindi nalalayo sa mga epikong bayan sa Pilipinas. Maraming ibon sa
Pilipinas, at gaya sa mga epikong Kudaman at Manobo ay marunong ding magsalita at may
kapangyarihang manggamot, lumipad nang mataas, at tumulong sa sinumang makapagpapaamo rito.
Ipinaliwanag ito nang malalim ni Añonuevo sa kaniyang akdang "Dalumat ng Ibon: Panimulang Tala
sa Hulagway at Anino ng Ibon sa Panulaang Filipinas." Kaya naman para sa ilang iskolar ng
panitikan, naniniwala silang bagamat ang konsepto at kontekstong nakapaloob sa Ibong Adarna ay
maka-kanluran, ay isinulat ito ng isang mahusay na makatang Pilipino – Jose Dela Cruz.
Ibong Adarna
Isang engkantadong ibon. Ito ay nagpapahinga sa punong may mga pilak na dahon kung
sumasapit ang hatinggabi. Umaawit ito ng pitong beses at sa bawat awit nito ay nag-iiba ng
anyo ang kanyang mga plumahe. At sinumang naghihintay sa kanya ay napipilitang
makatulog sa pitong ulit na pag-awit na ginagawa niya. Pagkatapos ng pitong awit ay
magbabawas ang Ibong Adarna bago matulog. Mahiwaga ang kanyang awit at
nakapagpapagaling ng anumang karamdaman sa sinumang makadinig nito, ngunit ang
mapatakan ng kanyang dumi ay nagiging bato.
Haring Fernando
Reyna Valeriana
Ang butihing asawa ni Don Fernando at ina ng tatlong magigiting na prinsipe ng Berbanya na
sina Don Pedro, Don Diego, at Don Juan. Ang kanyang kahinahunan ay lalong nagdulot ng
kabutihan upang ang Hari ng Berbanya ay higit na maging makatarungan at matalino sa
pamamalakad sa kaharian.
Don Pedro
Ang panganay na anak ng Hari at Reyna ng Berbanya. Isa siyang magiting na mandirigma.
Likas ang angking galing at talino na taglay ng isang prinsipeng tagapagmana ng korona,
subalit likas din ang kanyang angking kabuktutan at ang lihim na inggit. Naghahangad na
sumunod na maging hari ng Berbanya.
Don Diego
Don Juan
Ang pinakanatatanging prinsipe, ang bunsong anak ng hari at reyna. Siya ang prinsipeng
matuwid at nagmana ng pagiging makatarungan at makatuwiran ng amang hari. Likas sa
puso ang kabutihan kaya’t nagawang linlangin ng dalawang kapatid na may buktot na
hangarin. Ang likas na kabutihang taglay ang nagligtas kay Don Juan sa mga kapahamakang
nasusuungan.
Matandang leproso
Ang matandang may mahigpit na bilin na makipagkita muna si Don Juan sa ermitanyo na
naninirahan sa isang kuweba sa Bundok Tabor bago pa man niya pangahasang hulihin ang
Ibong Adarna.
Ermitanyo
Ang matandang nagpayo kay Don Juan ng mga kailangan niyang gawain para mahuli ang
engkantadong Ibong Adarna.
Donya Juana
Ang kapatid ni Donya Leonora at prinsesang iniligtas ni Prinsipe Juan mula sa higanteng
nagbabantay sa kanya.
Donya Leonora
Ang bunsong kapatid ni Donya Juana at iniligtas ni Don Juan mula sa serpyenteng may
pitong ulo na tagapagbantay niya.
Haring Salermo
Hari sa kaharian ng Delos Cristal (Kaharian ng mga Kristal) at ama ni Donya Maria Blanca.
May taglay na mahikang itim.
Donya Maria Blanca
Ang prinsesa ng Reyno Delos Cristal. May taglay ding kapangyarihang mahika na higit pa sa
kanyang ama na si Haring Salermo.
Mga Sanggunian:
Kabanata 24b:
Si Haring Salermo ay may bagong balak kay Don Juan. Ang kanyang balak ay gumawa siya
ng isang palasyo sa ibabaw ng dagat dahil gusto ng hari ng isang moog na mayroong mga kanyon sa
harap. Nagawa ni Don Juan ang lahat ito tuwing hatinggabi sa tulong ng mahika ni Donya Maria,
ang utos ay natupad. Pagkatapos ay nahulog ang singsing ng hari sa dagat, at pinahanap niya ito kay
Don Juan. Habang naghahanap ng singsing nakatulog si Don Juan at naputol ang daliri ni Donya
Maria, ngunit nahanap nila ang singsing. Pagka gising ni Haring Salermo, nasa tabi ng kanyang
kama ang kanyang nawawalang singsing na nahulog sa laot ng dagat. Ang pangatlong utos ni Haring
Salermo kay Don Juan ay kailangan sumakay sa kabayong walang galang. Nagawa ito ni Don Juan.
Si Haring Salermo naman ay nagkaroon ng sakit, sumakit ang kanyang katawan at hindi na niya
kayang kumibo.
SANGGUNIAN:
https://www.academia.edu/35975182/BUOD_NG_IBONG_ADARNA_Kabanata_1_Hiling_ng_Mak
ata
ARALIN 6: Mga Mahahalagang Impormasyon Tungkol sa Akdang Florante at Laura
Kaligirang Pangkasaysayan
Ayon kay Epifanio de los Santos, isang mananalaysay, nalimbag ang unang edisyon ng
“Florante at Laura” noong 1838. 50 taong gulang na si Francisco Balagtas ng panahong iyon.
Noong 1906, nalimbag naman ang “Kung sino ang Kumutha ng ‘Florante’” ni dalubhasang sa
tagalog na si Hermenegildo Cruz, sa tulong ni Victoria Baltasar, anak ni Francisco Baltasar at ng iba
pang kasapi sa mag-anak ng huli. Ang Florante at Laura ay isang awit na naglalaman ng 399 na
saknong.
Maraming lumabas na mga edisyon ng Florante at Laura na sa wikang Tagalog at Ingles,
subalit natupok ang mga ito noong 1945 nang magwakas ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig.
Sapagkat kabilang ang mga ito sa mga korido noong ika-19 dantaon, nalimbag lamang ang mga
kopya ng akda ni Balagtas sa mga mumurahing klase ng Papel(papel de arroz ayon ka Epifanio de
los Santos) na yari sa palay na pinagbibili tuwing may misa o kapistahan sa halagang 10 centavos
bawat isa.
Natatanging ang Aklatang Newberry ng Chocago, Estados Unidos lamang ang nakapagtabi
ng mga kopyang nalimbag noong 1870 at 1875, kabilang sa tinatawag na Koleksyong Ayer.
Nabanggit ang mga kopyang ito sa Biblioteca Filipina ni T.H. Pardo de Tavera. Magkatulad na
magkatulad ang kopyang pang-1870 at ang gawa noong 1875.
Si Francisco Balagtas
Si Francisco Balagtas, ay isang kilalang Pilipinong makata at may-akda. Siya ay kinikilala
bilang "Prinsipe ng Manunulang Tagalog" at itinuturing na William Shakespeare ng Pilipinas para sa
kanyang kontribusyon at impluwensya sa panitikang Pilipino. Ang sikat na romantikong pag-iibigan
ng ika-19 na siglo, ang Florante at Laura, ay ang kanyang pinamainam na likha.
Si Francisco Baltazar (na may palayaw na Kikong Balagtas o Kiko) ay isinilang noong Abril
2, 1788 kina Juana dela Cruz at Juan Baltazar sa Barrio Panginay, Bigaa (na kilala ngayon bilang
Balagtas sa kanyang karangalan), sa lalawigan ng Bulacan. Siya ang bunso ng kanyang mga kapatid
na sina Felipe, Concha, at Nicholasa.
Nag-aral si Francisco sa isang parochial school sa Bigaa kung saan pinag-aralan niya ang
mga panalangin at katekismo, at kalaunan ay nagtrabaho bilang houseboy para sa pamilyang
Trinidad sa Tondo, Manila kung saan siya ay pinag-aral ng kanyang tiyahin sa Colegio de San Jose.
Noong 1812, nagtapos siya sa degree ng Crown Law, Spanish, Latin, Physics, Christian Doctrine,
Humanities, and Philosophy. Ang kanyang dalawang dating guro na si Dr. Mariano Pilapil at José de
la Cruz na isang bantog na Tondo Poet ang nagturo sa kanya kung paano magsulat ng mga tula.
Hinamon ni Jose de la Cruz si Balagtas upang mapabuti ang kanyang pagsusulat, at noong
1835 ay natagpuan niya ang kanyang musa na si Maria Asuncion Rivera nang lumipat siya sa
Pandacan. Nagsalita siya tungkol sa kanya sa Florante sa Laura bilang 'Celia' at 'MAR'.
Ang kanyang tula ay nakasulat sa Tagalog bagaman sa panahong iyon, ang Espanyol ay ang
dominanteng wika sa pagsulat sa Pilipinas. Pinalaya si Balagtas mula sa bilangguan noong 1838 at
inilathala niya ang Florante at Laura noong panahong iyon.
Naging katulong siya sa Katarungan ng Kapayapaan nang lumipat siya sa Balanga, Bataan
noong 1840, at pagkatapos ng labing anim na taon ay naging Major Lieutenant at punong tagasalin
ng hukuman.
Dalawang taon matapos niyang makilala si Juana Tiambeng ng Orion, Bataan, sila ay
nagpakasal noong Hulyo 22, 1842. Nagkaroon sila ng labing-isang anak- limang lalaki at anim na
babae. Gayunpaman, pito lamang sa kanila ang nabuhay.
Namatay si Balagtas noong Pebrero 20, 1862 sa edad na 74. Ang kanyang huling hangarin ay
walang sinuman sa kanyang mga anak ang sumunod sa kanyang mga yapak sa takot na sila ay
dumaan sa parehong mga paghihirap na kanyang dinanas. Sinabi pa niya na mainam pang maputol
ang kanilang mga kamay kaysa ang mga ito ay maging manunulat.
May isang gubat na napaka dilim. Nagtataasan at masukal ang mga halaman kung kaya’t
hindi makapasok ang pebong liwanag.
Ang mga ibon ay hirap din sa paglipad dahil sa mga namimilipit na mga sanga. May mga
gumagala na mga mababangis na hayop katulad ng leon, tigre, hayena, serpiyente, piton, basilisko, at
iba pa na kahit kailan ang pwedeng umatake sa mga taong magsisipunta doon.
Ngunit kahit ang mga leon ay nahabag sa kalunos-lunos na sinapit, kahit ang bangis ay hindi
na maaninag sa mga mukha nito.
May takot na naramdaman si Florante dahil nasa harap na niya ang mabangis na kamatayan
na kukumpleto sa kasamaang nararanasan niya.
Florante at Laura Buod Kabanata 10: Ang Paglaban ni Aladin sa Dalawang Leon (Saknong
126 – 135)
Nakita ni Aladin ang dalawang leon na mukhang gutom na. Ito ay may mga nagngangalit na
ngipin at matatalas na kuko na kahit na anong oras ay maaaring makapatay.
Paglaon ay biglang nang-akma ang mga leon ngunit dali-daling umatake na din si Aladin na
parang may lumitaw na marte mula sa lupa.
Bumabaon ang bawat pagkilos ng tabak na hawak ni Aladin at napatumba niya ang dalawang
leon.
Florante at Laura Buod Kabanata 11: Ang Mabuting Kaibigan (Saknong 136 – 145)
Nang mapagtagumpayan ni Aladin ang nagbabadyang panganib na dala ng dalawang leon ay
agad niyang pinakawalan ang nakagapos na si Florante.
Ito ay walang malay at ang katawan ay malata na parang bangkay. Gulong-gulo ang kanyang
loob ngunit muling napayapa ng idilat ni Florante ang kanyang mga mata.
Sa kanyang pagdilat ay agad niyang sinambit ang pangalan ni Laura.
Florante at Laura Buod Kabanata 12: Batas ng Relihiyon (Saknong 146 – 155)
Nang magising si Florante ay nagitlahanan kung bakit siya nasa kamay ng isang moro. Agad
namang nagpaliwanag si Aladin na siya ang tumulong at nagligtas sa kaniya kung kaya’t hindi siya
dapat mabahala.
Si Florante ay taga-Albanya at si Aladin naman ay taga-Persya. Ang dalawang bayan na ito
ay magkaaway ngunit sa ginawang pagtulong at pagkalinga ay naging magkatoto sila.
Florante at Laura Buod Kabanata 13: Ang Pag-aalaga ni Aladin Kay Florante (Saknong 156 –
172)
Binuhat ni Aladin si Florante ng makita nitong lumulubog na ang araw. Inilapag ito sa isang
malapad at malinis na bato.
Kumuha ng makakain at inaamo si Florante na kumain kahit konti lamang upang magkaroon
ng laman ang tiyan nito. Umidlip si Florante habang ito ay nakahiga sa sinapupunan ni Aladin.
Kinalinga ni Aladin si Florante buong magdamag dahil sa pag-aakalang may panganib na
gumagala sa gubat.
Nang magmadaling araw ay nagising na si Florante at lumakas muli ang katawang hapo.
Lubos ang pasasalamat ni Florante kay Aladin. Tuwang-tuwa si Aladin at niyakap niya si Florante.
Kung nung una ay awa ang dahilan sa pag-iyak ni Aladin, ngayon naman ay napaluha siya
dahil sa tuwa.
Florante at Laura Buod Kabanata 14: Kabataan ni Florante (Saknong 173 – 196)
Naupo ang dalawa sa ilalim ng puno at isinalaysay ni Florante kay Aladin ang kanyang buhay
simula sa una hanggang sa naging masama ang kanyang kapalaran.
Si Florante ay ipinanganak sa Albanya. Sina Duke Briseo at Prinsesa Floresca naman ang
kaniyang mga magulang.
Kung sa Krotona siya ipinanganak, siyudad ng kanyang ina, imbes sa Albanya na siyudad ng
kanyang ama ay mas naging masaya sana siya.
Ang kaniyang ama ay naging tagapayo kay Haring Linceo.
Nakuwento rin niya na kamuntikan na siyang madagit ng isang buwitre habang ito’y
natutulog sa kinta nung siya’y bata pa.
Napasigaw ang kanyang ina, agad itong narinig ni Menalipo at pinatay ang buwitre sa
pamamagitan ng pagpana dito.
Nung si Florante ay siyam na taong gulang, mahilig siyang maglaro sa burol kasama ang
kaniyang mga kaibigan at doo’y namamana ng mga ibon.
Madaling araw palang ay umaalis na ito sa kanila at inaabot ng tanghaling tapat.
Ngunit hindi nagtagal ang mga masasayang alaala ni Florante doon dahil inutos ng kanyang
ama na siya’y umalis sa Albanya.
Florante at Laura Buod Kabanata 15: Ang Pangaral sa Magulang (Saknong 197 – 204)
Sinariwa ni Florante ang turo ng magulang na kung mamimihasa ang isang bata sa saya at
madaling pamumuhay ay walang kahihinatnan na ginhawa ito.
Ang mundo ay puno ng kahirapan kung kaya’t dapat ay patibayin ang kalooban dahil kapag
ang tao ay di marunong magtiis, hindi niya mapaglalabanan ang mga pagsubok na hatid ng mundo.
Kung kaya’t ipinadala si Florante sa Atenas nung siya’y bata pa upang doon ay mag-aral.
Doon ay mamumulat ang kaniyang kaisipan sa totoong buhay.
Florante at Laura Buod Kabanata 16: Si Adolfo sa Atenas (Saknong 205 – 214)
Si Adolfo ay kababayan ni Florante na siyang anak naman ni Konde Sileno. Siya ay mas
matanda ng dalawang taon kumpara kay Florante na labing isang taong gulang.
Si Adolfo ay isang mahinhin na bata at laging nakatungo kung maglakad. Siya’y pinopoon ng
kanyang kamag-aral dahil sa angking katalinuhan at kabaitan.
Ngunit sa hindi mapaliwanag na dahilan ay nakakaramdam si Florante ng pagkarimarim kay
Adolfo kung kaya’t umiiwas ito sa kanya.
At kahit itago pa ni Adolfo ay batid din ni Florante na ganun din ang nararamdaman nito para
sa kanya.
Florante at Laura Buod Kabanata 17: Ang Kataksilan ni Adolfo (Saknong 215 – 231)
Paglaon ay mas nahasa ang katalinuhan ni Florante. Naging magaling siya sa larangan ng
pilosopiya, astrolohiya, at matematika.
Naging matagumpay sa buhay si Florante at si Adolfo naman ay naiwan sa gitna. Siya ay
naging tagapamalita sa Atenas.
Naging bukambibig sa taong bayan ang pangalan ni Florante. Dito na nagsimulang
mahubadan si Adolfo ng hiram na kabaitan at ang kahinhinang asal sa pagkatao ay hindi bukal kay
Adolfo.
Florante at Laura Buod Kabanata 18: Ang Kamatayan ng Ina ni Florante (Saknong 232 – 239)
Isang taon pa ang ginugol si Florante sa Atenas nang makatanggap siya ng isang liham na na
nagsasabi na patay na ang kanyang ina.
Parang batis ang kanyang mga mata dahil sa pagluha. Pakiramdam niya ay nawalan siya ng
isang matibay na sandigan at nakikibaka ng mag-isa sa buhay.
Florante at Laura Buod Kabanata 19: Mga Habilin ni Antenor kay Florante (Saknong 240 –
253)
BIlin ni Antenor, guro ni Florante na mag-iingat at huwag malilingat sa maaaring gawing
paghihiganti ni Adolfo.
Wag padadala sa masayang mukha na ipakita nito sa kanya. Maging mapagmatyag daw ito sa
sa kalaban na palihim siyang titirahin.
Florante at Laura Buod Kabanata 20: Pagdating sa Albanya (Saknong 254 – 263)
Pag-ahon ay agad tumuloy sa Kinta. Kung saan ay humalik sa kamay ng kanyang ama.
Iniabot ng ambasador ng bayan ng Krotona ang isang liham kay Duke Briseo.
Nakasaad sa liham na humihingi ng tulong ang lolo ni Florante na hari ng Krotona dahil ito
ay napapaligiran ng mga hukbo ni Heral Osmalik.
Si Heneral Osmalik ay taga Persya na pumapangalawa sa kasikatan ni Aladin na isang gerero.
Florante at Laura Buod Kabanata 21: Ang Heneral ng Hukbo (Saknong 264 – 274)
Agad nagtungo sina Duke Briseo at Florante kay Haring Linceo ng malaman ang balita na
pagbabanta sa Krotona.
Hindi pa man nakakaakyat sa palasyo ay sinalubong na ang mga ito ni Haring Linceo.
Niyakap niya si Duke Briseo at kinamayan naman si Florante.
Nagkwento si Haring Linceo na may nakita siyang gerero sa kaniyang panaginip, na
kamukha ni Florante, na siyang magtatanggol sa kaharian.
Tinanong ni Haring Linceo kay Duke Briseo kung sino ito at kung taga saan ito. Sumagot
naman ito na ang kamukhang binata na iyon ay si Forante, ang anak niya.
Sa pagkamangha ni Haring Linceo ay niyakap niya ito at ginawang Heneral ng hukbo na
tutulong sa Krotona.
Florante at Laura Buod Kabanata 22: Si Laura (Saknong 275 – 287)
Biglang may natanaw ni Florante na magandang babae. Ang taong di mabibighani sa babaeng
ito ay maituturing na isang bangkay.
Ang babaeng ito ang ikinasisira ng pag-iisip ni Florante sa tuwing magugunita, ito ay si Laura
anak ni Haring Linceo. Dahil sa pagkabigla ay hindi makapagbitaw ng salita si Florante.
Mapapansin din sa kaniyang mga mata ang patak ng luha.
Florante at Laura Buod Kabanata 23: Pusong Sumisinta (Saknong 288 – 295)
Dahil sa biglaang pagkakita kay Laura, nawala na sa diwa si Florante. Hindi na ito makapag-
isip ng maayos dahil sa hindi inaasahang pagkakita muli sa kanyang mahal na si Laura.
Tatlong araw siyang piniging ng hari sa palasyo ngunit hindi man lang tinignan ni Florante si
Laura. Mas matindi pa ang sakit na dinulot ng pag-ibig kaysa sa sakit ng mawalan ito ng ina.
Mabuti at nabigyan siya ng kaunting pagkakataon na makasama si Laura bago pumunta ang
hukbo ni Florante sa Krotona.
Umamin si Florante na mahal pa rin niya si Laura ngunit wala itong sagot. Tumulo ang isang
patak ng luha mula sa mga mata ni Laura.
Malapit ng bumigay si Laura sa mga sinasabi ni Florante ngunit nanaig pa rin ang kanyang
isip.
Florante at Laura Buod Kabanata 24: Pakikipaglaban Kay Heneral Osmalik (Saknong 296 –
313)
Inatake ng hukbo ni Florante ang pwersa ng nakapaligid sa buong siyudad at halos bumigay
na ang mga pader nito.
Nagkaroon ng matinding labanan at may dumanak na mga dugo. Pinapanood ni Heneral
Osmalik si Florante habang kinakalaban at pinapatay ang pitong hanay ng mga moro.
Lumapit ang Heneral kay Florante na nagniningas ang mga mata at hinamon ito na labanan
siya.
Umabot sa limang oras ang kanilang labanan ngunit sa huli ay nasawi rin si Heneral Osmalik.
Pinagdiwang ng mga tao sa Krotona ang tagumpay na laban ni Florante.
Florante at Laura Buod Kabanata 25: Pagsagip Kay Laura (Saknong 314 – 323)
Nanatili si Florante sa Krotona ng limang buwan. Gusto na niyang makauwi sa Albanya dahil
gusto na ulit niyang masilayan si Laura.
Habang nag mamartsa ang hukbo pauwing Albanya ay nakita nila ang mga moog ng siyudad.
Nakita rin niya ang bandila ng Persiya imbes na bandera ng Kristiyano.
May nakita silang grupo ng mga moro sa paanan ng bundok na may kasamang isang babae na
nakatali ang mga kamay at nakatakip ang mukha.
Mukhang papunta sa lugar na kung saan ay pupugutan ng ulo ang babae. Dali-daling nilusob
ni Florante ang morong nagbabantay sa babae at ito ay napatakbo.
Sinaklolohan ni Florante ang babae, tinanggal nito ang mga tali sa kamay at takip sa mukha.
Ang babae pala ay si Laura.
Napatingin ng malalim si Laura kay Florante. Ang mga tingin na ito ay siyang nagtanggal ng
paghihirap sa puso ni Florante. Narinig niya ang sinabi ni Laura na “Florante, Mahal ko”.
Florante at Laura Buod Kabanata 26: Pagtataksil ni Adolfo (Saknong 324 – 343)
Sinabi ni Laura kay Florante na binihag ng mga moro sina Haring Linceo at Duke Briseo.
Nag-utos si Florante na lusubin ng hukbo ang Albanya at bawiin ito sa mga kamay ng mga
taga-Persiya.
Nang makapasok sa kaharian ng Albanya ay agad dumiretso sa kulungan at pinalaya si
Haring Linceo at Duke Briseo.
Pinalaya na rin niya pati si Adolfo mula sa pagkakakulong dahil sa bukal na kagandahan ng
loob. Muling nagdiwang ang lahat ng tao dahil lubos sa pagpapasalamat nila kay Florante, maliban
kay Adolfo.
Nais pakasalan ni Adolfo si Laura dahil sa intensyon nitong makuha ang posisyon ng
pagiging hari sa Albanya.
Naramdaman din niyang mahal ni Laura si Florante kaya mas lalo itong nainggit. Nagdaan
ang panahon at nakaranas pa din ng pagsalakay ang Albanya katulad ng hukbo mula sa Turkiya at
marami pang digmaan.
Ngunit dahil si Florante ang inaatasang maging heneral ay napapagtagumpayan nito ang lahat
ng laban. Pagkatapos ng isa pang laban sa Etolia, nakatanggap siya ng liham mula kay Haring Linceo
na nagsasabing bumalik na siya sa Albanya.
Ipinasa ni Florante kay Menandro ang pamamahala sa hukbo sa Etolia. Laking gulat ni
Florante ng makita niyang pinaliligiran siya ng 30,000 mga sundalo sa kanyang pag-uwi at agad
itong nilagyan ng gapos at ikinulong.
Labis ang pagkagulat at pagkalungkot ng malaman niyang pinatay nito sila Haring Linceo at
Duke Briseo. Nasilaw si Adolfo sa kasikatan at kinain ng galit at inggit kay Florante, kaya puro
paghihiganti ang nasa isip nito at pagpatay kay Florante.
Florante at Laura Buod Kabanata 27: Nagsalaysay si Aladin (Saknong 344 – 360)
Labing walong araw na si Florante sa bilangguan. Gabi ng kinuha siya sa kulungan
pagkatapos ay dinala ito sa gubat at iginapos sa puno.
Dalawang araw naman ang lumipas bago ito muling magising. Pagdilat niya ay ayun siya sa
kandungan ni Aladin.
Nagpakilala si Aladin bilang taga-Persiya na anak ni Sultan Ali Adab. Sinubukan niyang
ikwento ang tungkol kay Flerida at kanyang ama ngunit naunahan ito ng kanyang mga luha.
Minsan na ring nakaranas si Aladin ng madaming giyera ngunit mas nahirapan siya kay
Flerida.
Masuwerte siya sa matagumpay na panliligaw kay Flerida ngunit pumasok naman sa eksena
ang kanyang ama.
Kaya kahit nagtagumpay siya sa giyera sa Albania, umuwi parin siya sa Persiya na parang
bilanggo.
Nabawi ni Florante ang kaharian ng Albania kaya kinakailangan na pugutan si Aladin.
May dumating na Heneral sa kulangan nito bago pa man ito pugutan. Ang Heneral ay may
dala-dalang balita na hindi na raw pupugutan ito ng ulo ngunit kailangan niyang umalis sa Persiya.
Ang balitang ito ang lalong nagpahirap kay Aladin dahil mas nanaisin nalang niyang pugutan
ng ulo kaysa sa mabuhay nang alam naman niyang may kasamang iba ang mahal niyang si Flerida.
Florante at Laura Buod Kabanata 29: Mga Salaysay ni Laura at Flerida (Saknong 370 – 392)
Sa kalagitnaan ng pagkukwentuhan ni Flerida at Laura ay biglang dumating sina Prinsipe
Aladin at Duke Florante. Galak na galak ang mga ito dahil kilala nila ang mga boses ng mga
nagsasalita.
Tuwang-tuwa si Florante ng makita niya si Laura. Masayang-masaya ang apat dahil
nakasama nila ang kanilang mga minamahal.
Nagkwento si Laura na nung umalis daw si Florante sa Albanya ay kumalat ang sabi-sabi na
may nagaganap na kaguluhan sa kaharian. Ngunit ‘di matukoy kung ano ang pinagmulan nito.
Ang paniniwala ng mga tao ay si Haring Linceo ay nagmomonopolya sa mga pagkain at trigo
ngunit si Adolfo pala ang nag-uutos ng pagkubkob sa pagkain.
Agad na pinatalsik ng taumbayan si Haring Linceo sa trono at pinugutan ito. Umakyat sa
trono si Adolfo at binalaan niya si Laura na papatayin ito kung hindi susundin ang gusto.
Nagkunwaring gusto na ni Laura si Adolfo para makahanap ng paraan para masulatan si
Florante at ikwento ang nangyari sa Albanya habang wala ito.
Ngunit huwad na sulat na may selya ng hari ang natanggap ni Florante. Nakasaad doon na
umuwi siya ng mag-isa sa Albanya at iwan ang hukbo kay Menandro.
Samantalang ang sulat ni Laura ay nakarating naman kay Menandro kaya agad itong
sumugod kasama ang kanilang hukbo pabalik ng Albanya.
Tumakas si Adolfo at dinala si Laura sa gubat. Dito na naabutan ni Flerida ang
pagsasamantala ni Adolfo kay Laura.
Pagkatapos ay si Flerida naman ang nagkwento, nung dumating daw siya sa gubat ay may
narinig siyang boses ng babae na sinasaktan.
Pinuntahan niya kung saan nagmula ang ungol at nakita niyang si Laura pala iyon na pinipilit
ni Adolfo. Pinaliparan ni Flerida ng palaso si Adolfo.
Si Dr. José Protasio Rizal Mercado y Alonzo Realonda [1] (Ika-19 ng Hunyo 1861–Ika-30 ng
Disyembre 1896) ay ang pampito sa labing-isang anak ng mag-asawang Francisco Engracio Rizal
Mercado y Alejandro at ng asawa nitong si Teodora Morales Alonzo Realonda y Quintos.
Ipinanganak si José Rizal sa Calamba, Laguna. Sina Saturnina, Paciano, Narcissa, Olimpia, Lucia,
Maria, Jose, Concepcion, Josefa, Trinidad at Soledad ang mga anak nina Francisco at Teodora.
Ang ina ni Rizal ay siyang kaniyang unang guro at nagturo sa kaniya ng abakada noong siya
ay tatlong taon pa lamang. Noong siya naman ay tumuntong ng siyam na taon, pinadala siya sa
Biñan, Laguna upang mag-aral sa ilalim ng pamamatnubay ni Justiano Aquino Cruz. Ilang buwan
ang nakalipas, pinayuhan niya ang magulang ni Rizal na pag-aralin siya sa Maynila.
Ang Ateneo Municipal de Manila ang unang paaralan sa Maynila na kaniyang pinasukan
noong ikadalawa ng Enero 1872.Sa kaniyang pananatili sa paaralang ito, natanggap niya ang lahat ng
mga pangunahing medalya at notang sobresaliente sa lahat ng aklat. Sa paaralan ding ito niya
natanggap ang kaniyang Batsilyer sa Sining na may notang sobresalyente kalakip ang pinakamataas
na karangalan.
Sa taon din ng kaniyang pagtatapos ng Medisina, siya ay nag-aral ng wikang Ingles, bilang
karagdagan sa mga wikang kaniya nang nalalaman gaya ng Pranses. Isang dalubwika si Rizal na
nakaaalam ng Arabe, Katalan, Tsino, Inggles, Pranses, Aleman, Griyego, Ebreo, Italyano, Hapon,
Latin, Portuges, Ruso, Sanskrit, Espanyol, Tagalog, at iba pang mga katutubong wika ng Pilipinas.
Noong Hunyo 10, 1872 si Rizal ay pumunta ng Maynila para mag-aral sa Ateneo Municipal
de Manila. Muntikan na siyang hindi marehistro dahil hindi siya pinayagan ng tiga-rehistro na si Fr.
Magin Ferrando dahil siya ay huli na sa pasukan ngunit tinulungan siya ng pamangkin ni Fr. Burgos
na si Manuel Xeres Burgos at siya ay narehistro din. Siya ay nakatira sa labas ng eskwelahan ang
kanyang kasera ay si Donya Titay. Sa eskwelahan ng Ateneo ay ginugrupo ang mga mag-aaral ng
dalawang parte ang Roman Empire (inside border)at Carthaginian Empire(outside border), siya ay
sakup sa Carthaginian dahil sa labas siya ng eskwelahan nakatira. Sa isang grupo ay may mga
opisyal Emperor(best student),Tribune,Decurion,Centurion at Standard. Ang una niyang magtutudlo
ay si Jose Bech ,naging Emperor si Rizal dahil siya ay nanalo sa isang timpalak at nakakuha siya ng
isang religious picture para sa kanyang gantimpala. Nag-aral din siya sa Kolehiyo ng Santa Isabel
para pagbutihin ang kanyang Wikang Kastila.
Si Rizal ay nakilala sa dalawang nobelang kaniyang isinulat, ang Noli me tangere (Huwag
Mo Akong Salingin) na nilimbag sa Berlin, Alemanya (1886), sa tulong ni Dr. Maximo Viola. At
nilathala ang El Filibusterismo (Mga Pagbalakid o Pangungulimbat) sa Gante, Belgica (1891);
pinahiram siya ni Dr. Maximo Viola ng 300 piso sa pagpapalimbag ng Noli Me Tangere.
Naglalaman ang mga ito ng mga paglalarawan at pagpuna sa mga nagaganap na pangyayari sa
lipunang Pilipino ng mga panahong iyon. Ang mga aklat na ito ay halaw at hango sa Don Quixote ni
Miguel Cervantes, manunulat na Espanyol. Ang mga ito ang naging daan upang magising ang
pagkakaisang-diwa at katauhan ng mga Pilipino, na nauwi sa Rebolusyon ng 1896.
Noong siya'y walong taong gulang pa, naisulat niya ang tulang Sa aking mga Kabata na
naging Sa Aking mga Kababata. Tumutukoy ang tulang ito sa pagmamahal sa bayan dahil bata pa
lang siya ay nakitaan na siya ng pagiging nasyonalismo. Nang malapit na siyang bitayin, sinulat niya
Mi Ultimo Adios (Huling Pamamaalam). Kabilang sa iba niyang naisulat ay ang Awit ni Maria
Clara, Pinatutula Ako, Ang Ligpit Kong Tahanan atbp.
Dagdag dito, si Rizal din ang masugid na taga-ambag ng mga sulatin sa La Solidaridad, isang
pahayagang inilunsad ng mga Pilipinong repormista sa Espanya. Sumulat siya sa ilalim ng pangalang
Dimasalang at Laong-laan, habang lumagda naman si Marcelo Del Pilar bilang Plaridel.
Si Segunda Katigbak ang unang pag-ibig ni Rizal. Si Segunda ay labing-apat na taon palang
noon at ang kapatid ng kaklase niyang si Mariano. Dahil sa paghanga ni Rizal kay Segunda, ginawan
niya ito ng isang larawan ginuhit ng lapis. Ipinalit ni Segunda para dito ay isang puting rosas. Mag-
aalok na sana si Rizal kay Segunda ng kasal ngunit ito ay nobyo na ni Manuel Luz. Noon nag-aaral
na siya sa UST(Unibersidad ng Santo Tomas) doon niya nakilala si Miss L (hindi binanggit ang
totoong pangalan) ngunit ang kanyang pag-ibig kay Miss L ay hindi natuloy dahil sa dalawang rason
una ang mga magagandang ala-ala ni Segunda ay hindi pa nawawala, pangalawa ay hindi gusto ng
kanyang ama ang pamilya ni Miss L(hindi binaggit kung bakit).Sumunod kay Miss L ay si Leonor
Valenzuela at si Leonor Rivera. Si Leonor Rivera ay ang kanyang unang totoong pag-ibig, hindi niya
alam na ito pala ay malayong pinsan niya lang.Ang sunod niyang nakilala ay si Vicenta Ybardaloza,
naantig niya ang puso ni Rizal dahil sa pagiging mahusay maglaro ng instrumentong harp at ang
kanyang pinakasalan ay si Josephine Bracken. Nagkakilala sila nang pinatapon si Rizal sa Dapitan.
Siya din ang kanyang huling kasama nang barilin siya sa Bagumbayan.
Si Jose Rizal ay isang repormista para sa isang lipunang malaya at hindi isang
rebolusyonaryong naghahangad ng kasarinlan. Bilang puno ng Kilusan ng Pagbabago ng Pilipinas na
itinatag ng mga Pilipino sa Barcelona, Espanya, nagbigay siya ng ambag-sulatin sa La Solidaridad.
Hindi matanggap ng mga maykapangyarihang opisyal ang mga pagbabagong iyon, sapagkat
nangangahulugan ng pagkawala ng pangingibabaw ng Kastila. Kaya sa pagbabalik ni Rizal sa
Maynila mula sa Espanya, pinaratangan siya ng paghahasik ng gulo dahil sa pagtatatag ng La Liga
Filipina, nilitis at ipinatapon sa Dapitan, Zamboanga noong 1892. Doon, nagtayo siya ng isang
paaralang pambata, at isang pagamutan. Bukod dito, nagsagawa rin siya ng isang pambayang sistema
ng padaloy-tubig.
Noong 1896, natuklasan ang lihim na samahang Katipunan, kaya bigla itong naglunsad ng
rebolusyon. Nang mga panahong iyon, pinayagan si Rizal ng pamahalaang maglingkod sa Cuba
bilang manggagamot sa panig ng Espanya at naglalayag patungo sa nasabing lugar. Pagsiklab ng
himagsikan, kaagad siyang ipinaaresto sa barko at ipinabalik sa Pilipinas. Nadawit siya bilang
kapangkat at kapanalig ng mga nag-aalsa. Pinaratangan siya ng paghihimagsik at pagtatangkang
ibagsak ang pamahalaan, at pagtatatag ng isang bawal na samahan.
Hindi kalayuan sa lugar na kanyang kinabagsakan, may isang malaking monumento ngayon,
gawa ni Richard Kissling, isang eskultor escoces na siya ring lumikha ng estatwa ni Wilhelm Tell.
May nakasulat dito- "Nais kong ipakita sa mga nagkakait ng karapatan sa pag-ibig sa tinubuang
lupa, na kapag tayo'y marunong mag-alay ng sariling buhay alinsunod sa ating tungkulin at
paniniwala, ang kamataya'y di mahalaga, kung papanaw dahil sa ating mga minamahal- ang ating
bayan at iba pang mga mahal sa buhay."
SANGGUNIAN:
http://tl.wikipedia.org/wiki/Jos%C3%A9_Rizal
Ang nobela ay isang genre o uri ng panitikan ng modernong panahon. Sa isang pagkakataon,
kinilala ito bilang isang modernong pag-aanyo ng klasikong epiko, kung saan madalas may bayaning
dumaraan sa mga pakikipagsapalaran. Sa literal na pagpapakahulugan, ang ibig sabihin ng nobela ay
“bago” (novel or new sa Ingles, novella sa Latin).
Ang nobela ay madalas na ipinapaliwanag bilang isang mahaba at kathang salaysay ng mga
pangyayaring pinagsunod-sunod upang makalikha ng isahang epekto. Sa kumbensiyonal na
pamamaraan, ang nobela ay madalas na sumusunod sa pag-unlad ng katauhan ng isang karakter.
Isinasalaysay ng mga ganitong naisulat na nobela ang mga pagkamulat—pagbabagong mabuti o
masama— ng tauhang bayani. Ang pagkamulat ay laging isang proseso ng pagharap sa mga
pagsubok, pagkakatukoy at pagharap sa pinakasuliranin, at pananagumpay (kung ipinahihintulot).
Marubdob ang pagnanasa ni Rizal na itanghal ang sakit na itong dinaranas din ng bansang
lagi’t lagi niyang nililingon, lalo na nang nasa Europa siya at binabata ang lamig at pangungulila:
“nilulunggati ko ang iyong kalusugan, na kalusugan din namin, at hinahanap ang pinakamabuting
paglunas.” Ginamit niya ang talinghaga ng mga sinaunang tao na naglalantad ng mga maysakit sa
“baitang ng templo, upang makapangmungkahi ng lunas ang sinumang dumating na mananawagan
sa Bathala.”
Malinaw ang nasa ni Rizal sa pagsulat ng nobela. Nais niyang “ilarawan” ang kalagayan ng
bayan “nang buong tapat at walang pangingimi.” Sa pagkasangkapan ng imahen ng lambong na
“tumatabing sa karamdaman,” sinisikap na ibunyag ni Rizal ang mga pagdurusa ng kaniyang bayan.
Sa buod ng mga kabanatang ito sa nobela, mamamalas ang ganitong pagtatanghal ng kalagayang-
bayan, lalo na ang paghahari ng iilan sa mga sangay ng lipunan.
Panahon Detalye
Bago ang 1884 Nabasa ni Rizal ang novelang Uncle Tom’s Cabin ni Harriet Beecher
Stowe na naglahad ng pang-aapi sa mga aliping Negro sa Amerika.
Enero 2, 1884 Mayroong isang pagdiriwang ng mga mag-aaral na Pilipino ng Central
University of Madrid sa Espanya. Nakasama ni Rizal sina Jaena,
Valentin Ventura at ang magkakapatid na Paternos. Inimungkahi ni
Rizal sa kanyang mga kasamang Pilipino sa Madrid na sumulat sila ng
isang novelang hango sa masamang kalagayan ng mga Pilipino sa
Pilipinas sa ilalim ng pamumuno ng Kastila at ang lahat ay sumang-
ayon. Inimungkahi ni Rizal na pangkat sila upang mailahad ang lahat
ng pananaw.
Ang mungkahi ni Rizal na sumulat “bilang pangkat” ang novela ay
hindi natupad sapagkat ang iba, sa halip na umpisahan ang novela ay
nalihis ang perspektibo at ukol sa babae na ang nais isulat. Nalulon ang
lahat maliban kay Rizal sa sugal at pambabae kaya napabayaan ang
napagkasunduan.
Inumpisahan ni Rizal ang pagsulat sa novela sa Madrid at natapos ang
unang kalahati.
1885 Pagkatapos ng kanyang pag-aara sa CUM, ipinagpatuloy ni Rizal ang
pagsusulat sa novela sa Paris, Fransya kung saan natapos niya ang
kalahati ng ikawalang kalahati ng novela.
April-June 1886 Sa loob ng mga buwan na ito, tinapos ni Rizal ang novela sa
Wilhelmsfeld, Alemanya ngunit wala pang pamagat.
Disymebre, 1886 Hindi napadalhan si Rizal ng perang panggastos mula sa Pilipinas kaya
siya’y nagutom at nagkasakit. Sa kanyang pagkagutom, siya ay
dumadalo sa mga pagdiriwang nang hindi naman inaanyaya (gate
crasher). Halos nawalan na siya ng pag-asa na mailimbag ang novela
kaya napag-isipang sunugin ito. Salamat na lamang at dumating si Dr.
Maximo Viola, isang dating kamag-aaral na siyang tumulong kay Rizal
sa pagpapalathala ng novela at nagbigay ng pera upang matugunan ang
mga pangangailangan.
Pebrero 21, 1887 Inayos ni Rizal ang orihinal na manuskrito ng novela upang mahanda
sa paglathala. Napili niya ang bahay-palimbagan naBerliner-
Buchdruckrei-Action-Gesselschaft. Nagpalathala siya ang 2, 000 sipi
sa halaga lamang ng P300.00.
Marso 5, 1887 Habang iniimprenta ang novela ni Rizal, saka lang siya
nakapagdesisyon ng pamagat para dito. Sa kanyang sulat kay Felix R.
Hidalgo, binanggit ni Rizal na hinugot niya ang pamagat na “Noli Me
Tangere” sa Ebanghelyo ni Lucas. Ngunit nagkamali si Rizal sa
pagbanggit ng pinagkunan dahil nakuha niya ito sa Ebanghelyo ni Juan,
Kapitulo 20, versikulo 13-17. Ang bahaging ito bibliya ay nagsalaysay
sa araw ng “Easter Sunday,” ang ikatlong araw ng kamatayan ni Kristo
kung saan nabuhay siya muli at nagkita sila ni Maria Magdalena:
“Huwag mo akong salingan, dahil hindi ko nakasasama ang aking Ama
sa langit.”
Marso 21, 1887 Inilabas na ang novelang Noli Me Tangere ni Rizal sa publiko sa
wikang Kastila.
Mayo 5, 1887 Sinulatin ni Dr. Antonio Ma. Regidor si Rizal. Pinuri ni Regidor ang
novela at inihambing pa sa Uncle Tom’s Cabin at Don Quixote ng
Espanya.
*Nasalin ang novelang Noli Me Tangere sa iba’t ibang wika dahil sa husay nito at natatanging
katangian.
Crisostomo Ibarra
Binatang nag-aral sa Europa; nangarap na makapagpatayo ng paaralan upang matiyak ang
magandang kinabukasan ng mga kabataan ng San Diego.
Elias
Piloto at magsasakang tumulong kay Ibarra para makilala ang kanyang bayan at ang mga suliranin
nito.
Kapitan Tiyago
Mangangalakal na tiga-Binondo; ama-amahan ni Maria Clara.
Padre Damaso
Isang kurang Pransiskano na napalipat ng ibang parokya matapos maglingkod ng matagal na
panahon sa San Diego.
Padre Salvi
Kurang pumalit kay Padre Damaso, nagkaroon ng lihim na pagtatangi kay Maria Clara.
Maria Clara
Mayuming kasintahan ni Crisostomo; mutya ng San Diego na inihimatong anak ng kanyang ina na si
Doña Pia Alba kay Padre Damaso
Pilosopo Tasyo
Maalam na matandang tagapayo ng marurunong na mamamayan ng San Diego.
Sisa
Isang masintahing ina na ang tanging kasalanan ay ang pagkakaroon ng asawang pabaya at malupit.
Basilio at Crispin
Magkapatid na anak ni Sisa; sakristan at tagatugtog ng kampana sa simbahan ng San Diego.
Alperes
Matalik na kaagaw ng kura sa kapangyarihan sa San Diego
Donya Victorina
Babaing nagpapanggap na mestisang Kastila kung kaya abut-abot ang kolorete sa mukha at maling
pangangastila.
Donya Consolacion
Napangasawa ng alperes; dating labandera na may malaswang bibig at pag-uugali.
Linares
Malayong pamangkin ni Don Tiburcio at pinsan ng inaanak ni Padre Damaso na napili niya para
mapangasawa ni Maria Clara.
Don Filipo
Tinyente mayor na mahilig magbasa na Latin; ama ni Sinang
Lucas
Taong madilaw na gumawa ng kalong ginamit sa di-natuloy na pagpatay kay Ibarra.
Tarsilo at Bruno
Magkapatid na ang ama ay napatay sa palo ng mga Kastila.
Tiya Isabel
Hipag ni Kapitan Tiago na tumulong sa pagpapalaki kay Maria Clara.
Donya Pia
Masimbahing ina ni Maria Clara na namatay matapos na kaagad na siya'y maisilang.
Kapitan-Heneral
Pinakamakapangyarihan sa Pilipinas; lumakad na maalisan ng pagka-ekskomunyon si Ibarra.
Don Saturnino
Nuno ni Crisostomo; naging dahilan ng kasawian ng nuno ni Elias.
Mang Pablo
Pinuno ng mga tulisan na ibig tulungan ni Elias.
Kapitan Basilio
Ilan sa mga kapitan ng bayan sa San Diego Kapitan Tinong at Kapitan Valentin
Tinyente Guevarra
Isang matapat na tinyente ng mga guwardiya sibil na nagsalaysay kay Ibarra ng tungkol sa
kasawiang sinapit ng kanyang ama.
Kapitana Maria
Tanging babaing makabayan na pumapanig sa pagtatanggol ni Ibarra sa alaala ng ama.
Padre Sibyla
Paring Agustino na lihim na sumusubaybay sa mga kilos ni Ibarra.
Albino
Dating seminarista na nakasama sa piknik sa lawa.
ARALIN 10: BUOD NG NOLI ME TANGERE
Mahalagang pag aralan ang nobelang Noli Me Tangere upang matutunan natin ang mga
mahahalagang aral noong panahon na andito pa sa ating bansa ang mga dayuhan na Kastila.
Nakapaloob sa nobelang ito ang mga mensaheng nais iparating ng may akdang si Dr. Jose Rizal.
Nilikha ang nobelang Noli Me Tangere ng ating pambasang bayani na si Dr. Jose Rizal
noong 1887. Hango ito sa salitang Latin an ang ibig sabihin ay "Touch me not". Nilikha ang akdang
ito sa wikang Espanyol at kalaunan ay nilimbag sa wikang Filipino upang mas maintindihan ng mga
Pilipino. Sinundan ito ng pangalawang nobela na El Filibusterismo. Isinaad sa nobelang Noli Me
Tangere ang mga isyu at temang tungkol sa mga sumusunod:
Pagmithi ng ating kalayaan mula sa mga dayuhang Espanyol. Naramdaman ng mga Pilipino
mula sa pagbabasa ng nobelang ito ang matinding kagustuhan ng ating bayani na maging
malaya mula sa mga mananakop. Ipinakita niya ang istorya ni Sisa at Basilyo, ang mga
Pilipinong indiyo na nakaranas ng pang aapi mula sa mga prayle at kastila.
Pagiging deboto ng mga Pilipino at iba pang tauhan sa pamilya. Ipinakita sa nobelang ito ang
kahalagahan ng pamilya. Kung paano binibigyang importansya ng bawat tauhan ang kanilang
pamilya. Si Sisa ang isa sa mga tauhang nagpakita ng labis na pagmamahal sa kanyang mga
anak.
Pagiging makabayan. Si Elias at Crisostomo Ibarra ang ilan sa mga tauhan ng nobela na
gumawa ng paraan upang lumaban sa mga mapang abusong kastila upang makalaya sila sa
mga ito.
Bukod sa mga aral, napakahalaga rin ng mga isinaad na mga tagpo, kaugalian at tradisyon sa
nobela upang malaman natin ang ating nakaraan at kasaysayan.
Ang nobelang ito na kilala sa Ingles na “Touch Me Not” ay isa sa dalawang magkadugtong
nobela na isinulat ng ating pambansang bayani na si Jose Rizal (buong pangalan ay Jose Protacio
Mercado Rizal y Alonzo Realonda).
Isinulat niya ang nobelang ito upang ipakita sa mga kapwa Pilipino ang pang-aabusong ginagawa
ng mga pari sa panahong Kastila.
Ang ikalawang nobela ni Dr. Jose Rizal na El Filibusterismo, ang sikwel o karugtong ng Noli
Me Tangere, ay sinimulan niyang isulat sa kaniyang tinubuang Calamba noong Oktubre, 1887, sa
kaparehong taon kung kailan natapos ang manuskripto at maipalimbag ang kaniyang unang nobela.
Makalipas ang halos isang taon, 1888, nirebisa ni Dr. Rizal sa London ang halos lahat ng naisulat na
niya sa ikalawang nobela. Gayunman, may mangilan-ilang sanggunian ang nagsasabing nasimulan
niyang isulat ito sa London habang tinatapos pa niya ang pagsusulat ng Noli Me Tangere.
Kung pagbabatayan naman ang talambuhay ni Dr. Rizal, tumataliwas ang pahayag na ito
dahil hindi man lamang nabanggit ang London sa mga bayang pinuntahan ni Dr. Rizal habang
sinusulat pa niya ang kaniyang unang nobela. Ayon sa aklat na “Rizal’s Life, Works, and Writings”
ni G. Gregorio F. Zaide, sinimulang isulat ni Dr. Rizal ang unang mga kabanata ng Noli Me Tangere
sa Madrid, Espanya noong 1884; ipinagpatuloy niya ito sa Paris, Pransiya; maging sa Wilhelmsfeld,
Alemanya sa mga buwang Abril–Hunyo; at tinapos sa Berlin, Alemanya sa huling mga buwan ng
1886 at ipinalimbag sa Berliner Buchcdrukrei Actien Gesselchaft noong 29 Marso 1887 sa halagang
Php300 para sa 2,000 kopya.
Samantala, ipinagpatuloy naman niya ang pagsusulat ng El Filibusterismo sa Paris, Madrid,
at Biarritz, Pransiya. Mapapansing iba-ibang lugar ang napuntahan ni Dr. Rizal habang sinusulat pa
niya ang kaniyang mga nobela. Para sa Noli Me Tangere, ang mga dahilan ay may kinalaman sa
kaniyang pamamasyal sa iba’t ibang bansa at sa kaniyang propesyon. Samantala, mula sa Biarritz,
Pransiya kung saan niya tinapos ang pagsusulat ng ikalawang nobela ay lumipat naman siya sa
Ghent, Belgium dahil sa dalawang bagay: (1) makaiwas kay Suzanne Jacoby na kaniyang sinisinta
nang mga oras na iyon, at (2) higit na mababa ang halaga ng palimbagan sa nasabing lugar. Tanong:
Bakit niya iniiwasan si Suzanne Jacoby sa mga sandaling iyon kung tunay niya itong sinisinta? Sa
kabila ng silakbo ng pagmamahal, kinailangan niyang pigilin ang kaniyang damdamin kay Suzanne
Jacoby alang-alang sa maalab niyang pag-ibig sa Filipinas. Isinakripisyo ni Dr. Rizal ang kaniyang
nararamdaman sa isang babae―ang kaniyang personal na pangangailangan―dahil higit na kailangan
siya ng kaniyang mga kababayang patuloy na nagtitiis sa panlalapastangan ng mga Espanyol. Dahil
na rin sa nagsilbing aral para sa kaniya ang masaklap na mga karanasan sa pagpalalathala ng Noli
Me Tangere, nanirahan siya sa masikip na kuwarto ng kaniyang kaibigang si Jose Alejandrino para
lamang maipalimbag ang kaniyang El Filibusterismo sa F. Meyer-Van Loo Press, No. 66 Viaanderen
Street, Ghent, Belgium. Ayon sa isa sa mga anekdota ni Jose Alejandrino para kay Dr. Rizal, labis-
labis ang pagtitipid na ginawa niya para lamang maging matagumpay ang pagpapalimbag sa El
Filibusterismo. Ayon kay G. Alejandrino, sang-ayon sa aklat muli na “Rizal’s Life, Works, and
Writings” ni G. Gregorio F. Zaide, ang tinutuluyan nilang apartment ay may sariling canteen pero sa
halip na kumain doon, dahil sa mas mapapamahal sila, ay bumili na lamang si Rizal ng isang latang
biskuwit at ilang kape para sa mga almusal nilang dalawa sa loob ng isang buwan. Ang ginawa pa ni
Dr. Rizal, hinati niya nang pantay para sa kanilang dalawa ang mga biskuwit. Si G. Alejandrino,
dahil sa hindi nakasusunod sa kaniyang rasyon o kung ilang biskuwit lamang ang kaniyang
kailangang kainin sa isang araw, ay halos maubos na ang kaniyang mga biskuwit sa loob lamang ng
kalahating buwan. Samantala, si Dr. Rizal ay nagawa mismong tipirin ang sarili sa pagkain para
lamang maipalimbag ang kaniyang nobela. Subalit sa hindi magandang palad, tulad sa mga nangyari
sa kaniya habang ipinapalathala ang unang nobela, muli na namang kinapos sa salapi si Dr. Rizal.
Naubos na ang perang nakuha mula sa pagsangla niya sa kaniyang mga alahas. [Hindi lamang
malinaw kung may kinita siya mula sa mga pinagbilhan ng kaniyang unang nobela.] Muli na naman
siyang humingi ng tulong sa kaniyang mga kaibigan ngunit natalagan bago dumating kaya noong 6
Agosto 1891 ay itinigil ang paglilimbag sa nobela na noo’y nasa ika-112 pahina na. Hindi nagtagal,
tulad muli sa mga nangyari habang ipinapalimbag ang Noli Me Tangere, ay dumating ang salaping
kailangan ni Dr. Rizal mula sa isa sa kaniyang mga kaibigan na si Valentin Ventura na noo’y nasa
Paris. Sa tulong ng sugo ng Diyos, ang ikalawang nobela ni Dr. Rizal ay natapos sa pagpapalimbag
noong 18 Setyembre 1891.
Labing-isang taong gulang pa lamang noon si Dr. Rizal nang masaksihan niya ang kalunos-
lunos na pagbitay sa tatlong paring martir, ang GOMBURZA, na sina Mariano Gomez de los
Angeles, Jose Apolonio Burgos y Garcia, at Jacinto Zamora y del Rosario. Marami ang nalungkot at
marami ang nagalit dahil pinatay ang tatlong paring inosente na dinawit lamang sa Cavite Mutiny.
Ang Cavite Mutiny ay ang pag-aaklas noon sa Cavite ng tinatayang 200 pinagsama-samang
manggagawang Pilipino at lokal na mga sundalo dahil sa sapilitang paggawa o polo y servicio at
pagkakaltas ng buwis ng mga Espanyol sa natatanggap nilang bayad. Gayunman, ang pag-aaklas na
ito ay hindi naging matagumpay dahil lahat ng nagsipag-aklas ay hinuli, pinarusahan, at pinatay.
Sinuman ang sumubok na sumuporta at tumulong sa pag-aaklas ay parehong kapalaran ang sinasapit.
Dahil sa maraming Espanyol lalong-lalo na ang mga prayle ang galit at naiinggit sa GOMBURZA,
idinawit nila ang mga pangalan ng tatlong pari bilang mga filibustero. Sila ay binitay sa
pamamagitan ng garote sa Bagumbayan (ngayon ay Luneta Park) noong 17 Pebrero 1872. Ang
karumal-dumal na pangyayaring iyon, kahit maraming taon na ang lumipas, ay kumintal sa isipan at
bumiyak sa puso ni Dr. Rizal kaya ang GOMBURZA ang kaniyang pinag-alayan ng pagsusulat ng
nobelang El Filibusterismo. Ano’t anuman, nang isulat ni Dr. Rizal ang dedikasyon sa nobela ay
nagkaroon ng kaunting pagkakamali ang bayani. Sa kaniyang orihinal na sipi, naisulat niya na
binitay ang GOMBURZA noong 22 Pebrero 1872 at hindi 17 Pebrero 1872 na siyang talang
pangkasaysayan. Maging sa pagsasama ng edad ng tatlong paring martir ay nagkaroon ng dalumat: si
Mariano Gomez na namatay sa edad na 72 ay nailahad ni Dr. Rizal ng 85 taong gulang; si Jose
Burgos, ayon sa bayani ay namatay sa edad na 30 pero ayon naman sa mga historyador ay 35 taong
gulang; at si Jacinto Zamora naman ay namatay sa edad na 36 pero ayon kay Dr. Rizal ay 35 taong
gulang.
Tulad sa nabanggit sa unang bahagi ng tekstong ito: nirebisa ni Dr. Rizal sa London ang
halos lahat ng naisulat na niya sa ikalawang nobela noong 1888. Ito ay may kinalaman mismo sa
kaniyang naging mga inspirasyon sa pagsusulat; ngunit naiiba sa mga inspirasyon ng ibang
manunulat―ang kaniyang masasakit na karanasan sa totoong buhay―dahilan para maging mabigat
ang mga emosyon at mga pangyayaring mayroon sa El Filibusterismo. Ang mga ito ay ang mga
sumusunod: (1) ang pagmamalupit ng mga paring Dominiko sa mga magsasaka ng Calamba at sa
kanyang pamilya―matutunghayan sa Kabanata 4; (2) ang pagkamatay ng dalawang Filipino sa
Madrid na sina Felicisimo Gonzales at ang kaibigan niyang si Jose Maria Panganiban; (3) ang away
nilang dalawa ni [Heneral] Antonio Luna dahil sa isang babae, si Nelly Bousted; (4) ang tunggalian
sa pagitan nila ni Marcelo H. del Pilar sa pamumuno ng samahan ng mga Kastila at mga Filipino sa
Espanya―mababasa sa unang mga bahagi ng nobela ukol sa pagpapatayo ng Akademya ng wikang
Kastila; at (5) ang pagpapakasal ng kanyang kasintahang si Leonor Rivera sa isang inhinyerong
Ingles na si Henry C. Kipping―matutunghayan sa huling mga bahagi ng nobela, sa kabanata kung
saan nagpakasal si Paulita Gomez kay Juanito Pelaez.
Tulad sa Noli Me Tangere, ang ilang tauhan sa nobelang ito ay hinango mismo ni Dr. Rizal
sa tunay na buhay: (1) ang ginagalang na paring Pilipino na si Padre Florentino ay walang iba kundi
si Padre Leoncio Lopez na malapit na kaibigang pari ni Dr. Rizal; si Isagani ay si Vicente Ilustre na
isang makata; si Paulita Gomez ay si Leonor Rivera, ang pinsan ni Dr. Rizal na naging kasintahan
niya, si Leonor Rivera din si Maria Clara sa Noli Me Tangere, mapapansin na magkaiba ang mga
katangian nina Maria Clara at Paulita Gomez pero pareho lamang hinalaw sa iisang tao; si Simoun,
ang pangunahing tauhan, ay walang iba kundi si Simon Bolivar, ang tagapagpalaya ng Katimugang
Amerika mula sa pananakop ng Espanya; si Padre Salvi ay si Padre Antonio Piernavieja; si Donya
Victorina ay si Donya Agustina Medel; at si Kapitan Tiago ay si Kapitan Hilario Sunico.
Para sa inyo, alin nga ba ang superyor o mas nakaaangat: ang Noli Me Tangere ba o ang El
Filibusterismo? Sa bagay na ito, nahati ang mga opinyon ng mga kaibigan ni Dr. Jose Rizal. Para
kina Ferdinand Blumentritt, Graciano Lopez-Jaena, Dr. Rafael Palma (kapatid ni Jose Palma na
siyang nagsatitik ng “Lupang Hinirang”), at marami pang iba, ang higit na nakaaangat ay ang El
Filibusterismo. Para naman kina Marcelo H. del Pilar, Wenceslao Retana (hindi siya kaibigan ni Dr.
Rizal, sa katunayan ay isa siya sa mga Espanyol na bumatikos ng Noli Me Tangere at nakaaway
mismo ng bayani pero nang mamatay si Dr. Rizal ay doon siya labis na humanga rito at siya ang
kauna-unahang gumawa ng talambuhay ni Dr. Jose Rizal), maging kay Dr. Jose Rizal, ang superyor
ay ang Noli Me Tangere. Sang-ayon mismo kay Dr. Rizal, siya ay nakaramdam ng tabang (grain of
salt) o tampo sa mga nagsabing mas nakaaangat ang kaniyang ikalawang nobela. Sa kabila ng
kaniya-kaniyang opinyon, dumating naman ang pinakamagandang reaksiyon mula sa isa sa mga
kaibigan ng bayani―si Mariano Ponce― “It is, indeed, excellent. I can say nothing of your book,
but this: it is really marvelous like all the brilliant productions of your pen. It is a true twin of the
Noli.”
Bago pa man bumalik sa sariling bayan si Jose Rizal noong Oktubre 1887, marami ng kasawiang
dinanas ang kanyang mga kamag-anakan at kaibigan dahil sa pagkakasulat niya ng Noli Me
Tangere. Nang mga panahong yao’y nagdaranas din ng suliranin sa lupa ang mga magsasaka ng
Calamba. Ito ay kanilang inilapit kay Rizal na humingi naman ng tulong ang pagdinig sa kasi ng
problema sa lupa, napasabay pa sa pagdinig ng kaso ni Rizal ukol sa pagpapalathala ng tinaguriang
“makamandag” na babasahing Noli Me Tangere. Maraming mga tuligsa at pagbabanta ang tinanggap ni
Rizal. Ang kanyang pamily ay giniyagis din ng maraming mga panggigipit.
Nilisan ni Rizal ang Pilipinas noong Pebrero 3, 1888 dahil sa pangamba niyang manganib ang
buhay ng mga mahal sa buhay. Katakut-takot na liham ng mga pagbabanta na karamihan ay walang
lagda ang dumarating at ipinayo ng gobernador na bumalik siya sa ibang bansa. Ani Rizal sa isang
sulat na ipinadala niya kay Blumetritt habang naglalakbay.
Sa kabutihang palad, nang lahat ang pag-asa ni Rizal, dumating ang hindi niya
inaasahang tulong ni Valentin Ventura mula sa Paris. Ipinadala niya ang kabuuang gugol sa
pagpapalimbag ng aklat matapos mabalitaan ang pangangailangan ni Rizal sa salapi. Natapos
limbagin ang aklat noong Setyembre 18, 1891 saGhent,Belgium. Inihandog ni Rizal ang nobela
sa alaala ng mga paring sina Gomez,BurgosatZamora.
Ang pagkahandog na ito sa tatlong paring martir ng ikalawang nobela ni Rizal ang
panunahing dahilan kung bakit ito ay itinuturing na isang nobelang political. Naglalahad dito sa
isang malatalaarawang pagsasalaysay ang mga suliranin ng sistema ng pamahalaan at ang mga
kaakibat na problema: problema sa lupa, pamamahala, pamamalakad ng relihiyon at edukasyon,
katiwalian atbp. Tuwiran at di-tuwiran, masasalamin din ang mapapait na karanasang gumiyagis
kay Rizal sa ilang mga eksena at yugto ng nobela.
Masagisag at malarawan ang ebolusyon ni Simoun mula kay Crisostomo Ibarra, bagaman
hindi maiiwasang makilala ang mga kapaitan at kabiguan sa paraang hindi maipagkakamali –
kasama na pati ang pangungulila at pag-aasam sa pag-ibig.
Sa London, noong 1888, gumawa siya ng maraming pagbabago sa plot at pinagbuti niya
ang ilang mga kabanata. Ipinagpatuloy ni Rizal ang pagtatrabaho sa kaniyang manuskrito habang
naninirahan sa Paris, Madrid, at Brussel, at nakumpleto niya ito noong Marso 29, 1891,
sa Biarritz. Inilathala ito sa taon ring iyon sa Gent. Isang nagngangalang Valentin Ventura na
isa niyang kaibigan ang nagpahiram ng pera sa kanya upang maipalimbag at mailathala ng maayos
ang aklat noong Setyembre 22, 1891.
SIMOUN
ISAGANI
Siya ay pamangkin Padre Florentino at kasintahan ni Paulita Gomez. Maliban pa rito si Isagani ay isa
sa mga sa hangaring magkaroon ng sariling akademya para sa wikang kastila ang Pilipinas.
BASILIO
Nalampasan niya ang mga hilahil ng buhay dahil sa nagpaalipin siya kay Kapitan Tiago. Nagpunyagi
siya sa pag-aaral. Nilunok niya ang pangmamaliit sa kanya ng kapwa mag-aaral at ng mga guro dahil
sa kanyang anyo at kalagayan sa buhay. Nagtagumpay siya at nakapanggamot agad kahit hindi pa
natatanggap ang diploma ng pagtatapos.
JULI
Ang pinakamagandang dalaga sa Tiani, na anak ni Kabesang Tales at katipan ni Basilio. Siya
ay isang Pilipinang madasalin, masunurin, matiisin, at madiskarte sa buhay upang makatulong sa
pamilya.
PADRE FLORENTINO
Isang mabuti at kagalang-galang na paring pilipino, si Padre Florentino. Pinilit lamang siya ng inang
maging lingkod ng Diyos dahil sa kanyang panata. Siya ang kumupkop sa pamangking si Isagani
nang maulila ito sa magulang.
TANDANG SELO
Maunawaing ama ni Kabesang Tales na nabaril ng kanyang sariling apo; mapagmahal na lolo ni Juli;
Siya ang kumalinga kay Basilio sa gubat nang tumakas sya mula sa mga guwardiya sibil sa Noli Me
Tangere.
QUIROGA
BEN ZAYB
Isang mamahayag, mababa ang tingin niya kay padre Camorra. Utak sa lumalabas na magaganda at
mabubuting balita tungkol sa Kapitan Heneral at sa iba pang matatas na opisyal upang mapalapit sa
mga tao.
DON CUSTODIO
Likas na matalino, siya ang susi upang mapahintulutang magbukas na isang paaralang nagtuturo ng
wikang kastila.
DONYA VICTORINA
Mapagpanggap na Europeana ngunit isa namang Pilipina. Siya ang tiyahin ni Paulita Gomez na isang
Pilipinang walang pagpapahalaga sa kanyang lahi, at mapagtakwil sa mga Indiong kanyang kalipi.
PADRE BERNARDO SALVI
Isang paring Pransiskano na pinakikinggan at iganagalang ng iba pa niyang kasamahang prayle. Siya
ay mapag-isip. Umibig nang lubos kay Maria Clara at kompesor ng dalagang ito ni Kapitan Tiago.
PLACIDO PENITENTE
MACARAIG
Ang mag-aaral na kinagigiliwan ng mga propesor; nabibilang sa kilalang angkang may dugong
Kastila.
KALIHIM
Isang matikas at matalinong paring Dominiko. Siya ang Vice-Rector ng Unibersidad ng Santo
Tomas. Salungat siya sa pagpasa’ ng panukala upang makapag-aral at matutong wikang Kastila ang
mga mag-aaral.
PADRE IRENE
Isang paring Kanonigo na minamaliit at gaanong iginagalang ni Padre Camorra. Siya ang nilapitan
ng mga mag-aaral upang mamagitan at maipasa’ ang panukalang magkaroon mg akademya sa
pagtuturo ng wikang Kastila ang mga estudyante. Naging tagaganap siya ng huling habilin ng
kaibigang si Kapitan Tiago.
KAPITAN HENERAL
PADRE CAMORRA
Isang batang paring Pransiskano na mahilig makipag-tungayaw kay Ben Zayb sa kung ano-anong
bagay na maibigan. Siya ang kura ng Tiani. Wala siyang galang sa kababaihan lalo na sa
magagandang dilag.
MATAAS NA KAWANI
SANDOVAL
Isang paring Dominiko na bukas ang isip sa pagbabago lalo na sa edukasyon ng mga mag-aaral.
Sang-ayon siya sa adhikain ng mga makabagong mag-aaral sa pag-aaral ng wikang Kastila. Hindi
siya nalulugod sa tiwaling gawain ng mga pinuno at kawani ng pamahalaan at ng mga kapwa niya
prayle.
PECSON
Siya ay isa sa mga estudyanteng may hangaring magkaroon ng Akademya ng Wikang Kastila sa
Pilipinas ngunit hindi siya umaasang matutupad ang hangaring ito
SANGGUNIAN:
https://wordpress.com/?ref=footer_blog
https://makabayangblogger.wordpress.com/
ARALIN 13: BUOD NG EL FILIBUSTERISMO
Habang ang Kapitan Heneral ay nagliliwaliw sa Los Baños, ang mga estudyanteng Pilipino
ay naghain ng isang kahilingan sa Kanya upang magtatag ng isang Akademya ng Wikang Kastila.
Ang kahilingang ito ay di napagtibay sapagka't napag-alamang ang mamamahala sa akademyang ito
ay mga prayle. Sa gayon, sila'y di magkakaroon ng karapatang makapangyari sa anupamang
pamalakad ng nasabing akademya.
Samantala, si Simuon ay nakipagkita kay Basilio at muling hinikayat ang binatang umanib sa
binabalak niyang paghihimagsik at mangulo sa isang pulutong na sapilitang magbubukas sa
kumbento ng Sta. Clara upang agawin si Maria Clara. Subali't hindi naibunsod ang ganitong gawain
dahil sa si Maria Clara'y namatay na nang hapong yaon.
Ang mga estudyante naman, upang makapaglubag ang kanilang sama ng loob ukol sa
kabiguang natamo, ay nagdaos ng isang salu-salo sa Panciteria Macanista de Buen Gusto. Sa mga
talumpating binigkas habang sila'y nagsisikain ay tahasang tinuligsa nila ang mga prayle. Ang
pagtuligsang ito ay nalaman ng mga Prayle kaya ganito ang nangyari: Kinabukasan ay natagpuan na
lamang sa mga pinto ng unibersidad ang mga paskin na ang nilalaman ay mga pagbabala, pagtuligsa,
at paghihimagsik. Ang pagdidikit ng mga pasking ito ay ibinintang sa mga kasapi ng kapisanan ng
mga estudyante. Dahil dito ay ipinadakip sila at naparamay si Basilio, bagay na ipinagdamdam nang
malabis ni Juli na kanyang kasintahan.
Ang mga estudyanteng ito ay may mga kamag-anak na lumakad sa kanila upang
mapawalang-sala sila, si Basilio ay naiwang nakakulong dahil wala siyang tagapagmagitan. Sa isang
dako naman ay ipinamanhik ni Juli kay Pari Camorra na tulungan siya upang mapalaya nguni't sa
halip na makatulong ang paring ito ay siya pang nagging dahilan ng pagkamatay ni Juli, gawa ng
pagkalundag nito sa durungawan ng kumbento.
Kinuha ni Isagani ang lampara, tumakbo sa azotea at inihagis ito sa ilog. Sa gayon ay
nawalan ng bisa ang pakana ni Simoun para sa isang paghihimagsik sa sandatahan. Tumakas sya sa
bahay ni Pari Florentino, sa baybayin ng karagatang Pasipiko. Nang malapit nang mapagabot ng mga
alagad ng batas ang mag-aalahas, uminom siya ng lason upang huwag pahuli nang buhay.
Ipinagtapat niya sa pari ang tunay niyang pagkatao at isinalaysay niya sa dito ang malungkot na
kasaysayan ng kanyang buhay. Mula nang siya ay bumalik sa Pilipinas buhat sa Europa, labintatlong
taon na ang nakalipas, ang pag-iibigan nila ni Maria Clara at pagbabalatkayo niya na mag-aalahas sa
pakay na maiguho ang Pamahalaan at makipaghiganti sa pamamagitan ng isang paghihimagsik.
Pagkatapos na mangungumpisal ay namatay si Simoun.