Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 5

SACRED HEART OF JESUS

MONTESSORI SCHOOL
J.R. Borja Extension, Gusa, Cagayan de Oro City

Montessori-Based Learning
Learning Instructional Packets (LIPs)

OFFLINE-PICK-UP
Araling Panlipunan – 9 (3 hours/week)
September 30, 2020 (8:00 – 10:50)

First Quarter
Mga Pangunahing konsepto ng Ekonomiks : Ang Ekonomiks bilang isang Agham

Week- 5
Lesson-5
Lesson 5 : Mga Pangunahing konsepto ng Ekonomiks
a. Ang mga salik sa Produksiyon

Teacher: Joniel P.
Galindo
SACRED HEART OF JESUS MONTESSORI SCHOOL
J.R. Borja Extension, Gusa, Cagayan de Oro City
Montessori-Based Learning
Learning Instructional Packets (LIPs)
Araling Panlipunan-9
S.Y 2020-2021

Name: ________________________________________________ Date submitted: ________________


Grade & Section: ______________________________________ Teacher: _______________________

-----------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Content Standard:
Ang mag-aaral ay… May pag-unawa sa mga pangunahing konsepto ng Ekonomiks bilang batayan ng matalino at maunlad na
pangaraw-araw na pamumuhay.

Performance Standard:
Ang mag-aaral ay… Naisasabuhay ang pagunawa sa mga pangunahing konsepto ng ekonomiks bilang batayan ng matalino at
maunlad na pang- arawaraw na pamumuhay.

Pangunahing Pang-unawa: Maraming salik ang nakaapekto sa proseso ng produksiyon./ Ang produksiyon ay isang prosesong
isinasagawa upang masuportahan ang pang-araw-araw na pamumuhay ng tao.

Pangunahing Tanong: Ano ang implikasyon ng produksiyon sa pang-araw-araw na pamumuhay?

I. LEARNING COMPETENCY
 Natatalakay ang mga salik ng produksyon at ang implikasyon nito sa pangaraw-araw na pamumuhay

Layunin:
Pagkatapos ng aralin ikaw ay inaasahang :
 Natatalakay ang mga salik ng produksyon at ang implikasyon nito sa pangaraw-araw na pamumuhay
 Maibibigay ang kahulugan ng produksyon;
 Masusuri ang mga salik ng produksyon bilang batayan sa matalinong paggamit nito;
 Maipaliliwanag ang gamit ng bawat salik ng produksyon;
 Integrates Values (Fruits of normalization/ Beatitude of the month/ PVMGO)
 Nakakukuha ng hindi bababa sa 75% na kasanayan

Sariling Layunin : Magagawa kong… ______________________________________________________________


II. LEARNING CONTENT

Lesson 5: Ang mga salik ng Produksiyon

Materials:

References:
1. K to 12 Curriculum Guide
2. MELCs
3. https://www.youtube.com/watch?v=QXtWuyRDVMg
https://www.youtube.com/watch?v=0LJtWaJDRIY
https://www.youtube.com/watch?v=iU64lU4-yZ0
https://www.youtube.com/watch?v=VZD7dTSHmIo

III. LESSON PRESENTATION

Gawain 1: Input = Output

Panuto: Isulat sa loob ng kahon ng input ang mga bagay na kailangan upang mabuo ang produktong makikita
sa output na nasa susunod na pahina.
Pamprosesong Tanong :

1. Nahirapan ka ba sa pag-iisip ng mga input o sangkap na kailangan para sa output? Bakit? ________________
__________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________

2. Sa iyong palagay, ano ang ugnayan ng mga sangkap na nasa kahon ng input at ang larawan na nasa
kahon ng output?
___________________________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________
3. Ano ang katawagan sa proseso na nag-uugnay sa kahon ng input at sa kahon ng output?
___________________________________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________________________________

Panimula

Sa ating pang-araw-araw na buhay, kaakibat ng ating pagkonsumo ay ang produksiyon upang matugunan ang ating mga
pangangailangan at kagustuhan.

Ngunit, naitanong mo na ba sa iyong sarili kung papaano nabuo ang mga produkto at serbisyo? Kung ano ang mga sangkap na
kinakailangan upang ito ay mabuo?

Ang proseso sa paglikha ng mga produkto at serbisyo ay tinatawag na produksiyon. Sa pagtahak sa landas ng kaalaman, ikaw ay
haharap sa mga tekstong magbibigay-kabatiran at mapanghamong gawain na pupukaw sa iyong interes at magdudulot sa iyo ng
kaalaman.

Sa pagtatapos ng araling ito inaasahang ikaw ay makapagpapaliwanag sa kahulugan ng produksiyon, mapahahalagahan ang
mga salik at implikasyon nito sa pang araw-araw na pamumuhay.

KAHULUGAN NG PRODUKSIYON

Hindi lahat ng bagay sa kapaligiran ay maaaring ikonsumo agad ng tao. Minsan kailangan pang idaan sa proseso ang isang
bagay upang maging higit na mapakinabangan. Halimbawa, ang kahoy o troso ay maaaring gamiting panggatong upang
mapakinabangan. Ngunit, maaari din itong gamitin upang makabuo ng mesa.

Ang produksiyon ay proseso ng pagpapalit anyo ng produkto sa pamamagitan ng pagsasama-sama ng mga salik upang
makabuo ng output.

Ang mga salik na ginamit sa pagbuo ng produkto ay tinatawag na input. Sa atin halimbawa, ang output ay ang mesa at silya.
Ang mga input ay ang mga bagay na kinailangan upang mabuo ang produkto. Ang mga input na kahoy, makinarya, kagamitan, at
manggagawa na ginamit sa pagbubuo ng produktong mesa o silya ay mga salik ng produksiyon.

PAIKOT NA DALOY NG PRODUKSIYON AT MGA SALIK NG


PRODUKSIYON
Nagiging posible ang produksiyon sa pagsasama-sama ng mga salik (factors of production) tulad ng lupa, paggawa, kapital, at
entrepreurship. Suriin ang kahalagahan ng sumusunod na salik at ang implikasyon nito sa pang-araw-araw na pamumuhay.

Lupa bilang Salik ng Produksyon

Sa ekonomiks, ang lupa ay hindi lamang tumutukoy sa tinataniman ng mga magsasaka o pinagtatayuan ng bahay. Kasama rin
dito ang lahat ng yamang likas sa ibabaw at ilalim nito, pati ang mga yamang-tubig, yamang-mineral, at yamang-gubat. Hindi tulad ng
ibang salik, ang lupa ay may naiibang katangian sapagkat ito ay fixed o takda ang bilang. Samakatuwid, ang wastong paggamit ng lupa
ay mahalaga. Malaki man o maliit ang sukat nito, kailangang tiyakin ang pagkakaroon ng produktibong paggamit.

Paggawa bilang Salik ng Produksiyon

Ang mga likas na yaman at mga hilaw na sangkap ay hindi magiging kapaki-pakinabang kung hindi gagamitin at gagawing
produkto. Nangangahulugan ito na kailangan ang mga manggagawa sa transpormasyon ng mga hilaw na materyales sa pagbuo ng
tapos na produkto o serbisyo.

Ang lakas-paggawa ay tumutukoy sa kakayahan ng tao sa produksyon ng kalakal o serbisyo. May dalawang uri ang lakas-
paggawa: ang mga manggagawang may kakayahang mental o silang mga tinatawag na may white-collar job.

Mas ginagamit ng manggagawang may kakayahang mental ang kanilang isip kaysa sa lakas ng katawan sa paggawa.
Halimbawa ng mga ito ay ang mga doktor, abogado, inhinyero, at iba pa. Ang katawagang white collar ay unang ipinakilala ni Upton
Sinclair, isang Amerikanong manunulat noong 1919.

Ang isa pang uri ng lakas-paggawa ay ang mga manggagawang may kakayahang pisikal o silang mga tinaguriang may blue
collar job. Mas ginagamit naman nila ang lakas ng katawan kaysa sa isip sa paggawa. Halimbawa nito ang mga karpintero, drayber,
magsasaka, at iba pa. S

Sahod o suweldo ang tawag sa pakinabang ng manggagawa sa ipinagkaloob na paglilingkod. Ang mga manggagawa ay may
malaking ginagampanan sa ating pang-araw-araw na pamumuhay sapagkat ang kanilang paggawa ng produkto at serbisyo ang
tumutustos sa ating pangangailangan.

Kapital bilang Salik ng Produksiyon

Ang kapital ay tumutukoy sa kalakal na nakalilikha ng iba pang produkto. Mas magiging mabilis ang paggawa kung may
mga makinarya o kasangkapang gagamitin ang mga manggagawa.

Ang mga kagamitang ito na gawa ng tao ay ginagamit sa paglikha ng panibagong kalakal ay isang halimbawa ng kapital. Ang
kapital ay maaari ding iugnay sa salapi at imprastruktura tulad ng mga gusali, kalsada, tulay pati na ang mga sasakyan.
Ang pagsulong ng ekonomiya ng isang bansa ay hindi lamang nakadepende sa lupa at lakas-paggawa. Ayon sa artikulo ni
Edward F. Denison na may pamagat na “The Contribution of Capital to Economic Growth” (1962), ang kapital ay isa sa mga salik sa
pagtamo ng pagsulong ng isang bansa.

Sa makabagong ekonomiya, nangangailangan ang mga bansa na mangalap ng malaking kapital upang makamtan ang pagsulong.
Ang kabayaran sa paggamit ng kapital sa proseso ng produksiyon ay tinatawag na interes.

Entrepreneurship bilang Salik ng Produksiyon

Itinuturing na pang-apat na salik ng produksiyon ang entrepreneurship. Ito ay tumutukoy sa kakayahan at kagustuhan ng isang
tao na magsimula ng isang negosyo. Ang entrepreneur ang tagapag-ugnay ng naunang mga salik ng produksiyon upang makabuo ng
produkto at serbisyo. Siya rin ang nag-oorganisa, nagkokontrol at nakikipagsapalaran sa mga desisyon sa mga bagay na makaaapekto
sa produksiyon.

Taglay ng isang entrepreneur ang pag-iisip na maging malikhain, puno ng inobasyon at handa sa pagbabago. Ayon kay
Joseph Schumpeter, isang ekonomista ng ika-20 siglo, napakahalaga ng inobasyon para sa isang entrepreneur. Ipinaliwanag niya na
ang inobasyon o patuloy na pagbabago ng entrepreneur sa kaniyang produkto at serbisyo ay susi sa pagtamo ng pagsulong ng isang
bansa.

Gawain 2: Compare and Contrast

Panuto : Gamitin ang ideyang natutuhan mo sa naunang gawain upang magawa mo itong susunod na gawain. Gagawa ka ngayong ng
isang flow chart kung paano ginagawa ang rice production. Punan mo ng angkop na impormasyon ang bawat hakbang ng
proseso.Gamitin ang ideyang natutuhan mo sa naunang gawain upang magawa mo itong susunod na gawain. Gagawa ka ngayong ng
isang flow chart kung paano ginagawa ang rice production. Punan mo ng angkop na impormasyon ang bawat hakbang ng proseso.

You might also like