Lip 6 6 WK

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 7

SACRED HEART OF JESUS

MONTESSORI SCHOOL
J.R. Borja Extension, Gusa, Cagayan de Oro City

Montessori-Based Learning
Learning Instructional Packets (LIPs)

OFFLINE-PICK-UP
Araling Panlipunan – 6 (3 hours/week)
October 8, 2020 (8:00 – 11:40 am)

First Quarter
Ang kasaysayan ng Pilipinas

Week-6
Lesson-6
Nasusuri ang pakikibaka ng mga Pilipino sa panahon ng Digmaang Pilipino-Amerikano

• Unang Putok sa panulukan ng Silencio at Sociego, Sta.Mesa


• Labanan sa Tirad Pass
• Balangiga Massacre

Teacher: Joniel P.
SACRED HEART OF JESUS MONTESSORI SCHOOL
Galindo
J.R. Borja Extension, Gusa, Cagayan de Oro City
Montessori-Based Learning
Learning Instructional Packets (LIPs)
Araling Panlipunan-6
S.Y 2020-2021

Name: ________________________________________________ Date submitted: __________________


Grade & Section: ______________________________________ Teacher: _________________________
-----------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Content Standard:
Ang mag-aaral ay… naipamamalas ang mapanuring pagunawa sa bahagi ng Pilipinas sa globalisasyon batay sa lokasyon nito sa
mundo gamit ang mga kasanayang pangheograpiya at ang ambag ng malayang kaisipan sa pag-usbong ng Nasyonalismong Pilipino

Performance Standard:
Ang mag-aaral ay… naipamamalas ang pagpapahalaga sa kontribosyon ng Pilipinas sa isyung pandaigdig batay sa lokasyon nito sa
mundo

Pangunahing Pang-unawa: Ang mga himagsikan laban sa mga Espanyol, bagamat di-lubos n matagumpay, ay nakatutulong sa
pagkakaisa ng mga Pilipino at pag-alab ng kanilang pagmamahal sa kalayaan.

Pangunahing Tanong: Paano tayo magkakaisa bilang isang bansa para makamit ang tunay na kalayaan?

I. LEARNING COMPETENCY
Nasusuri ang pakikibaka ng mga Pilipino sa panahon ng Digmaang Pilipino-Amerikano

• Unang Putok sa panulukan ng Silencio at Sociego, Sta.Mesa


• Labanan sa Tirad Pass
• Balangiga Massacre

Layunin:
Pagkatapos ng aralin ikaw ay inaasahang:
 Masusuri ang pinagsimulan ng Digmaang Pilipino at Amerikano;
 Malala ang mga mahahalagang pangyayari na nagbunsod sa paglaban ng mga Pilipino at Amerikano
 Matatalakay ang mga kaganapan noong panahon ng Digmaang Pilipino-Amerikano
 Makapagbigay ng sariling pananaw ukol sa mga pangyayari ng digmaang Pilipino-Amerikano.
 Naihahayag ang Fruits of normalization/ Beatitude of the month/ PVMGO)
 Nakakukuha nang hindi bababa sa 75% na kasanayan

Sariling Layunin: Magagawa kong… ______________________________________________________

II. LEARNING CONTENT


Lesson 6: Nasusuri ang pakikibaka ng mga Pilipino sa panahon ng Digmaang Pilipino-Amerikano

Materials:
LIP

References:
1. K to 12 Curriculum Guide
2. MELCs
3 https://www.youtube.com/watch?v=149kw2NixyA&t=581s
https://www.youtube.com/watch?v=gP2VbY6JItg
https://www.youtube.com/watch?v=opiGpHziwg8
III. LESSON PRESENTATION

Panimula:

Ang Digmaang Pilipino–Amerikano (Ingles: Philippine–American War, Kastila: Guerra Filipino–Estadounidense) ay ang


armadong hidwaan sa pagitan ng Unang Republikang Pilipino at ng Estados Unidos na tumagal mula Pebrero 4, 1899 hanggang Hulyo
2, 1902.
Ang naturang digmaan ay pagpapatuloy ng pakikibaka ng mga Pilipino para sa kalayaan na nagsimula noong 1896 sa
pagsiklab ng Himagsikang Pilipino. Tinutulan ng mga Pilipino ang nakapaloob sa Tratado ng Paris na naglilipat ng pagmamay-ari ng
Pilipinas sa Estados Unidos mula sa Espanya upang mawakasan ang Digmaang Espanyol–Amerikano.
Pumutok ang labanan sa pagitan ng puwersa ng Estados Unidos at ng Republikang Pilipino noong Pebrero 4, 1899, na
tinaguriang Ikalawanag Labanan ng Maynila. Noong Hunyo 2, 1899, pormal na naghayag ng pakikipagdigma ang pamahalaan ng
Republikang Pilipino laban sa Estados Unidos.

Ipinahayag naman ng Estados Unidos ang opisyal na pagtatapós ng paghihimagsik noong Hulyo 2, 1902, bagaman may ilan
pa ring pangkat ng mga manghihimagsik na pinamumunuan ng mga dating Katipunero ang nagpatuloy ng pakikipaglaban sa mga
puwersang Amerikano ng ilang pang taon.
Ang ilan sa mga lider na ito ay si Heneral Macario Sakay, isang dating kasapi ng Katipunan na nanungkulang pangulo ng
kaniyang ipinahayag na Republikang Katagalugan noong 1902, matapos madakip at manumpa ng katapatan sa Estados Unidos
ang pangulo ng Republikang Pilipino na si Emilio Aguinaldo.
Binago ng naturang digmaan ang pangkulturang mukha ng kapuluan, dahil sa pagkasawi ng tinatayang 200,000 hanggang 250,000
Pilipinong sibilyan, pagbuwag sa Simbahang Katolika bilang relihiyon ng estado, at ang pagpapakilala ng wikang Ingles bilang
pangunahing wika ng pamahalaan, edukasyon, kalakaran, industriya, at ng mga edukadong pamilya at indibidwal sa mga susunod na
dekada.

Ang dahilan at simula ng Digmaang Pilipino–Amerikano 

Nang pirmahan ang Kasunduan sa Paris (Dis.10,1898), ipinagkaloob ng Spain ang Pilipinas sa U.S. sa halagang $20 milyon.
Naging mas malala ang naging tensyon sa pagitan ng mga sundalong Pilipino at Amerikano.

Ang digmaan ay nagsimula sa insidente sa panulukan ng mga kalyeng Sociego at Silencio sa Sta. Mesa, Maynila.
Nagpapatrol si Private William Grayson at 2 pang sundalo nang makasalubong nila ang 4 na sundalong Pilipino.

Unang nagpaputok si Grayson sa mga Pilipino. Sabi ni Grayson ay napabagsak niya ang 2 Pilipino at isa naman kay Private
Orville Miller. Pero sa opisyal na ulat, walang namatay sa insidente. Sa sumunod na araw, nag-utos si MacArthur ng pag-atake sa
pwersang Pilipino nang wala man lang pagsisiyasat sa nangyari.

Sinabi ni Hen. Elwell Otis na nagsimula na ang laban at kailangan itong ipagpatuloy hanggang katapusan. Dahil dito, ipinag-
utos ni Aguinaldo kay Felipe Buencamino ang pagsisiyasat sa Maynila hinggil sa tunay na nangyari. Ipinakita ng mga Pilipino ang
kanilang tapang sa pagharap nila kay Hen. Otis na namuno pahilaga at Hen. Henry Lawton sa katimugan. Nang marating ng mga
Amerikano ang Malolos (Marso 30,1899), nakalikas na si Aguinaldo patungong Nueva Ecija. Pero napasakamay kay Lawton ang mga
bayan ng Zapote, Bacoor, at Dasmariñas sa Cavite at kay Hen. Loyd Wheaton naman ang Las Piñas, Parañaque, Morong at Laguna.
Napaslang ni Hen. G. del Pilar si Col. John Stotsenburg sa Quingua (Plaridel) noong Abril 23 at si Hen. Licerio Geronimo naman kay
Lawton noong Disyembre 18.

Nagkaroong ng pagtatalo ang ilang Pilipino. Ipinadala ng U.S ang Schurman Commission na nagtatakda ng awtonomiya sa
Pilipinas. Ngunit tumutol si Mabini at kinumbinse ang mga Pilipinong ipagpatuloy ang ipinaglalabang kalayaan.

May pagsang-ayon ang miyembro ng Gabinete ni Aguinaldo na sina Pedro Paterno at Felipe Buencamino, Sr. sa komisyon
kaya’t humiling ang mga ito kay Aguinaldo na alisin sa kapangyarihan si Mabini.

Isa pang biktima ng pagkakaiba ng prinsipyo ay si Hen. Antonio Luna. Galit siya kina Paterno at Buencamino dahil
itinuturing niyang pagtataksil sa bayan ang pagtanggap nila sa awtonomiya mula sa Amerika.
Nakatanggap si A. Luna ng telegrama mula kay Aguinaldo na nag-uutos sa kanyang pumunta sa Cabanatuan, N.E. At sa
himpilan ay binaril at sinaksak si A. Luna ng mga tauhang bahagi ng Kawit Company. Inilibing si Luna nang may karangalang
pangmilitar sa utos din ni Aguinaldo ngunit hindi nagkaroon ng pagsisiyasat tungkol sa pagpatay sa kanya.

Gawain 1: Game ka na ba?

Panuto: Suriin ang mga pangyayari ukol sa unang putok na naging SANHI ng digmaang Pilipino at Amerikano. Piliin ang
tamang titik lamang.
1. Sino ang naging dahilan ng pagkamatay ng sundalong Pilipino?
A. Comdr. George DeweyB. Hen. Francis Green C. William Walter Grayson
2. Sino ang Pilipinong sundalo ang pinaputukan ng mga amerikanong nagpapatrol?
A. Corporal Joven Felix B. Corporal Anastacio Felix C. Private William Grayson
3. Saan kalye at panukulan naganap ang Unang Putok ng digmaang Pilipino-Amaerikano?
A. Silencio at Sociego B. Silencio at Juego C. Binondo
4. Kailan sumiklab ang digmaan sa pagitan ng mga Pilipino at mga Amerikano?
A. Pebrero 6, 1899 B. Pebrero 5, 1899 C. Pebrero 4,1899
5. Ilan sundalo ang pinaputukan ng Amerikanong sundalong si William Grayson?
A. 2 sundalo B. 1 sundalo C. 4 sundalo

Labanan sa Pasong Tirad


Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya

Ang Labanan sa Pasong Tirad ay isa sa mga labanan ng Pilipino at Amerikano kung saan ang namuno sa mga Pilipino ay si
Hen. Gregorio del Pilar.
Mga nangyari
Noong Disyembre 2, 1899, pinatakas ni Hen. Gregorio del Pilar si Hen. Emilio Aguinaldo sa kamay ng mga Amerikano. Mahigit 100
sundalo ang nakipaglaban sa mga amerikanong sundalo na tinatawag na "sharpshooters" dahil sa galing nilang humawak at gumamit
ng armas tulad ng baril. Mahigit 50 sundalo naman ang namatay kasama na si Hen. Gregorio del Pilar. Pero nadakip pa rin ng mga
Amerikano si Hen. Emilio Aguinaldo dahil hindi niya alam kung saan siya pupunta kaya siya ay pinatay.

Dagdag kaalaman
Unang araw ito ng Disyembre nang mapasailalim ang Concepcion sa mga Gringo. Ang Kabundukan ng Concepcion ay Tirad, na
kasalukuyan sina Aquinaldo, Del Pilar at ang kanilang rebolusyonaryo'y patuloy ang pagtakas sa dahilang pag habol sa kanila ng tropa
ni Major Peyton March na may "nom de guerre", January Galoot. Karamihan sa mga sundalong Gringo ay beterano ng "Indian Wars"
at nakakarami dito'y mga "sharpshooters". Napabalita na mayroong napatay na 53 rebeldeng Pilipino at kabilang dito ay si Heneral
Gregorio S. Del Pilar

Gawain 2: Oo or Hindi

Panuto : Basahin ang pahayag at sagutin ito nan goo at hindi

1. Si Juanario Galot ba ang nagpahuli kai Aguinaldo?


2. Nagpatuloy ba ay mga Pilipino sa pakikipaglaban kahit sumuko na si Aguinaldo?
3. Sa Malolos ba nakilala ni Aguinaldo sa Del Pilar?
4. Si Koronel Frederick Funston ba ang namuno sa paghuli kay Aguinaldo?
5. Nabuhay ba si Del Pilar pagkatapos nang Labanan sa Tirad Pass?

Tandaan Mo!

Ang pagsisimula ng Digmaang Pilipino-Amerikano ay nangyari noong ika-4 ng Pebrero, 1899 Tinatayang 126,000 na
sundalong Amerikano ang nakabilang sa Digmaang Pilipino-Amerikano.

May 4,234 na mga sundalong Amerikano at 16,000 na sundalong Pilipino ang nasawi sa digmaang ito. May 200,000
sibilyan ang namatay sa digmaan dahil sa gutom, mga karamdaman, at pananakot ng mga sundalong Amerikano. Lumaganap hindi
lamang sa Luzon ang digmaan kundi maging sa mga isla ng Visaya at Mindanao.

Maraming pagbabago ang naiambag ng pamahalaang Amerikano sa Mindanao gaya ng pagtatatag ng isang lalawigan,
maluwag na pagpapatupad ng mga patakarang pagbabawal ng pang-aalipin, pagtatatag ng mga paaralang di Muslim ang kurikulum, at
pagtatatag ng lokal na pamahalaan.

Balangiga Massacre

September 28, 1901. Nagtagumpay ang mga Samareño laban sa mga Amerikano sa Balangiga, Samar. Tinawag ito ng mga
Amerikano na “Balangiga Massacre,” ang pinakamalaking pagkatalo ng United States Army mula noong Battle of the Little Bighorn
noong 1876.

Ngunit para sa mga Pilipinong historyador, tinatawag natin ito na “Balangiga Conflict,” at ang tunay na “Balangiga
Massacre” raw ay nang balikan ng mga Amerikano ang mga Samareño. Ngunit, ano nga ba talaga kuya?

Liwanagin natin. Nang pa-sukuin ang Pangulo ng Republika na si Hen. Emilio Aguinaldo noong March 1901, inakala ng
marami na tapos na ang Digmaang Pilipino-Amerikano. Ngunit sa Samar, ginalit ng mga aksyon ng mga sundalong Amerikano ang
ilang mga residente sa panahong matagal nang tapos ang pag-aani—pagsunog sa mga pananim, pagbunot sa mga kamote, pagtrato sa
mga kababaihan at pagkulong sa ilang mga kalalakihan.

Ang pag-atake ay pinlano mismo ng mga taga Balangiga. Ang utak nito, ang hepe ng pulisya na si Valeriano Abanador, na
sinasabing kasama sa larawan na ito ng mga sundalong kanyang binabalakan.
Gabi ng September 27, nagkaroon ng prusisyon ng sinasabing patay na mga bata dahil sa epidemya ng kolera kasama ang maraming
mga kababaihan. 

Ipinasok sa simbahan ang prusisyon.  Iyon pala, ang mga babae ay mga lalaki na nag-disguise nagtatago ng mga itak, sa
kanilang mga kasuotan at mga kabaong.
 
Kinabukasan, September 28, matapos na agawan ni Abanador at mapabagsak sa sariling baril si Private Adolph Gamlin, nagpaputok,
pinulot niya ang kanyang baston, iwinasiwas ito at sumigaw “Atake, mga Balangigan-on!”  Tumunog ang kampana ng simbahan sa
ganap na 6:20 am.  Nilusob nila kapwa ang kumbento at ang kampo malapit sa munisipyo ng mga pupungas-pungas pa at nag-
aalmusal na mga kasapi ng Company C ng 9th U.S. Infantry Regiment. 

Matapos ang ilang sandali, ang pagpatay ay natigil nang ang bumangong si Gamlin kasama ang isa pa ay nakaakyat ng gusali
at nagpaputok sa mga Pilipino.  Sa 74 na mga sundalong Amerikano, 36 ang namatay mismo sa labanan o killed in action, na sinundan
ng walo pang kamatayan, 22 ang sugatan, apat ang nawawala.  Apat lang ang natirang walang sugat.  Sa tinatayang 500 mga
Pilipinong lumusob, 28 ang namatay, 22 ang sugatan.

Bilang ganti, iniutos ni Heneral Jacob Smith kay Major Littleton Waller, “I want no prisoners. I wish you to kill and burn;
the more you kill and burn, the better it will please me… The interior of Samar must be made a howling wilderness… ”  Iniutos na
barilin ang mga taong sampung taong gulang pataas.
Ayon sa ilang historyador, 50,000 ang pinatay ng mga Amerikano sa tinatawag na tunay na
Balangiga Massacre.  Ito ang natatak sa mga Pilipino. 

Ngunit ito ay isang eksaherasyon, ayon na rin sa mga dokumentong nakuha nina Rolando
Borrinaga, awtor ng aklat na The Balangiga Conflict Revisited, at maging ng British writer na si Bob
Couttie, awtor ng Hang The Dogs:  The True Tragic History of the Balangiga Massacre, bagama’t
nanunog ng mga bayan ang mga Amerikano,

ang utos na pumatay nang pumatay ay hindi nila sinunod, “counter-manded.”  Bagama’t
may mga napatay sa retalyasyon ng mga Amerikano, ang pagkasunog ng mga ari-arian, kabuhayan at
pagpatay sa mga hayup ang nagkaroon ng mas malaking epekto sa pagiging lugmok at walang-wala,
waray-waray, ng mga Samareño.

Sa pagsunog sa Balangiga, kinuha ng mga Amerikano ang tatlong kampana na naging


hudyat sa pagsalakay bilang war trophy ng kanilang tagumpay na maipaghiganti ang kanilang mga
bayani.  Hanggang ngayon, isyu pa rin na ni isa sa tatlong kampana na inarbor ng mga Amerikano bilang war trophy, ang dalawa ay
nasa isang kampo sa Wyoming, ang isa naman ay nasa isang base militar Amerikano sa Korea, ay hindi pa rin naibabalik sa nararapat
nitong tahanan sa Balangiga. Patuloy na ginagawang sariwa ang sugat na nilikha ng insidente.
Ang pakikibaka ng mga Pilipino at Moro laban sa mga Amerikano ay magpapatuloy hanggang 1913, ang tunay na wakas ng
Digmaang Pilipino-Amerikano. 

“Benevolent Assimilation” o mabuting pananakop daw ang ginawa sa ating ng mga Amerikano, ngunit dapat kilalanin na sa
kabila ng public school education at A is for Apple na pamana nila sa atin, sa digmaang iyon tinatayang 200,000 ang namatay sa
bansa, pangmamasaker sa mga sibilyan na muling mauulit sa Digmaan sa Vietnam.Ngunit sana, maalala din natin na ang Balangiga ay
katibayan ng giting, tapang at kakayahang magtagumpay ng mga Pilipino kahit sa napakalakas na kalaban.

Gawain 3: Pagpapalalim ng kaalaman!

Panuto: Suriin mo ang mga larawan sa ibaba. Ipaliwanag mo ang pangyayari batay sa iyong nabasa at naramdaman

____________________________________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________________________

You might also like