3 Idiots

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

3 Idiots

Sa direksyon ni: Rajkumar Hirani

Taong handang isakripisyo ang sarili para sa kapakanan ng iba, samahang hindi matitibag
ng kahit sino at ano pa man yan, hangga’t totoo sa isa’t-isa, walang makakapaghiwalay sa ating
magkakaibigan – iyan ang mga katagang maihahalintulad para sa palabas na 3 idiots. Hanggang
saan at kailan mo kayang ipaglaban ang samahan ng inyong pagkakaibigan? Hanggang kailan
mo kayang isakripisyo ang sariling kasiyahan para lang sa iba? Sa pelikulang 3 idiots, dito’y
matutunghayan ang mga masasaya at problemang hinarap ng tatlong magkakaibigan sa
direksyon ni Rajkumar Hirani.

Nang mapanuod ko ang pelikula, bigla ko na lang napagtanto na malaki pala talaga ang
nagiging epekto sa atin ng pagkakaroon ng mga kaibigan. Kung si Rancho, ang bida sa
pelikulang 3 idiots, ay nabago ang pananaw sa buhay ng kanyang dalawang kaibigan, hindi natin
maikakaila na maari din ito mangyari sa ating sariling buhay. Sabihin natin na madalas ay sakit
sa ulo ang mga kaibigan, ngunit sila rin ang magiging daan kung bakit tayo nagiging masaya at
hindi nagiging pariwara sa buhay. Kumbaga sa istorya ng pelikula, itinuring nila ang isa’t-isa ng
pantay at walang nakakalamang. Kahit ano pa naging estado o katayuan nila sa buhay, hindi nila
hinayaan na may maagrabyado na kahit sino man sa kanila.

Ang pelikulang 3 idiots ay magsisilbing inspirasyon hindi lang para sa akin, maging na
rin sa ibang tao na sana’y bigyang halaga ang pagsasama ng inyong kaibigan ano man ang
mangyari. Ito’y magiging aral sa lahat na hindi natin kailangan ng mayaman, matalino, o
talentadong kaibigan, basta may busilak na puso at may tiwala sa iyo, ay sapat na para sa
matibay na samahan. Ipinakita ni Rancho sa pelikula na hangga’t sama-sama at may tiwala sa
isa’t-isa, maari nating maiangat o ilayo sa kapahamakan ang iba. Ikaw, kaya mo rin bang
isakripisyo ang sariling karangyaan para lang sa iba?

You might also like