Professional Documents
Culture Documents
Sssssssss
Sssssssss
KOMENTALAKAYAN
MGA TALAKAYAN NA NASA ANYO NG KOMENTO [FB COMMENTS] SA ISANG POST.
[PASULAT NA GAWAIN/WRITTEN WORK]
BAHAGDAN
KAAYUSAN AT KAANGKUPAN NG MGA IDEYANG INILATAG 50%
PAGSUNOD SA WASTONG PAGBAYBAY AT PAGBABANTAS 30%
KASAPATAN SA ORAS 20%
KABUUAN 100%
PANUNURING PAPEL
MGA (.DOC) O (PDF) NA PAGSUSURI SA MGA ISYU NA ILALATAG NG GURO.
[PASULAT NA GAWAIN/WRITTEN WORK]
BAHAGDAN
KAAYUSAN AT KAANGKUPAN NG MGA IDEYANG INILATAG 50%
PAGSUNOD SA WASTONG PAGBAYBAY AT PAGBABANTAS 30%
KASAPATAN SA ORAS 20%
KABUUAN 100%
SISTEMA NG PAGMAMARKA
MIDTERM FINAL
PASULAT NA GAWAIN (WRITTEN WORK) 30% 30%
PAGTATANGHAL (PERFORMANCE TASK) 50% 50%
MIDTERM/FINAL NA PAGSUSULIT 20% 20%
100% 100%
SEMESTRAL NA MARKA = MIDTERM+FINAL/2
VIDKOMENTO
MGA PAGSUSURI O PAGLALATAG NG MGA OPINYON/KURU-KURO NA NASA ANYO NG VIDEO.
[PAGTATANGHAL/PERFORMANCE TASK]
BAHAGDAN
KAAYUSAN AT KAANGKUPAN NG MGA IDEYANG INILATAG 40%
KALINAWAN NG AWDIYO (AUDIO) 25%
KALINAWAN NG KUHA NG BIDYO (VIDEO) 25%
KASAPATAN SA ITINAKDANG ORAS NG BIDYO 10%
KABUUAN 100%
[KOMENTALAKAYAN]
“Batay sa inyong mga natutuhan
O kaya’y nabasa,
Ano ang kahulugan at katuturan ng wika para sa inyo?”
[VID LESSON # 1]
https://youte.be/cJZMeoprP2g
Batayang kaalaman sa wika
kahulugan, katuturan, kalikasan, kaantasan, at gamit ng wika sa lipunan
[PDF NG VIDEO LESSON]
BATAYANG KAALAMAN SA WIKA
ANO ANG WIKA?
“Ang wika ay parang hininga, ginagamit natin upang makamtam ang ating mga pangangailangan”.
-lumbera ,2007
ANTAS NG WIKA
1. Formal at di-formal
Di-formal na wika ang wikang ginagamit ng tao sa ka-edad samantalang formal naman ang wikang ginagamit ng tao sa nakatataas o nakatatanda.
2. Lingua franca
Wikang ginagamit ng karamihan sa isang bansa; sa pilipinas ang filipino ang lingua franca ng mga tao
3. Lalawiganin
Mga wikang ginagamit ng mga tao sa lalawigan gaya ng chavacano, tausug, cebuano, ilonggo, visaya, at iba pa.
Hindi talamak ang paggamit sa isang bansa ng mga wikang lalawiganin ngunit nagsasadya ito ng implikasyon ng kultura ng isang lalawigan.
4. Kolokyal
Ito ay ang pakikibagay ng wika sa taong gumagamit nito. Kadalasan napakaikli ang mga salita ngunit napagkakasunduan ang pagpapaikli nito.
Halimbawa: /tena/ para sa ‘tara na’, /pre/ para sa ‘pare’
5. Balbal o pangkalye
Wikang ginagamit ng tao na halos likha-likha lamang at may kanya-kanyang kahulugan gaya ng wika ng mga tambay at bakla-halimbawa ang mga
salitang ‘eklavush’, ‘erpat at ermat’ at ‘cheverloo’.
6. Edukado/malalim
Wikang ginagamit sa panitikan, sa mga paaralan at pamantasan, sa gobyern, sa korte at iba pang pook/lugar.
PAGKATUTO NG WIKA: UNANG WIKA, PANGALAWANG WIKA AT IBA PA
UNANG WIKA PANGALAWANG WIKA IKATLONG WIKA
L1 L2 L3
Tawag sa wikang kinagisnan mula sa pagsilang Wikang natutuhan batay sa mga taong Wikang natutuhan sa pamamagitan ng
at unang itinuro sa isang tao. nakapalibot sa ispiker. paggamit ng l1 at l2 bilang batayang wika.
Natutuhan ang wikang ito batay sa exposure Ito ang wikang ginagamit ng ispiker sa
sa kaniyang paligid. paglawak ng mundong ginagalawan nito.
[VIDKOMENTO]
Gumawa ng isang 3-minute video na komentaryo hinggil sa tanong sa ibaba. Mangyaring tingnan ang rubrics (vidkomento) sa unit 1 para maging
gabay ninyo. I-upload ito sa youtube.com at ilagay sa “comment section” ang link ng iyong likhang video.
Tanong: sa kasalukuyang sitwasyong kinahaharap ng bansa, ano sa tingin mo ang magiging gamit ng wika?
[PANUNURING PAPEL]
Ipaliwanag ang mga sumusunod na katangian ng wika batay sa mga palabas na naka-angkla rito. (gamiting batayan sa paglikha ng sulatin ang mga
palabas)
1. Makapangyarihan ang wika (tv patrol, 24 oras, imbestigador)
2. Malikhain ang wika (wagas, maalala mo kaya, magpakailan man, pepito manaloto)
3. Walang dalisay o puro (tonight with arlond clavio, word of lourd)
Pormat:
Arial
12
Doble-espasyo
8.5x11 na papel (short bond paper)
Naka pdf
Isumite ito sa ating google classroom.
[KARAGDAGANG KAGAMITAN]
WIKANG FILIPINO: HININGA, KAPANGYARIHAN AT PUWERSA NI ROMEO PALUSTRE PEÑA
ABSTRAK
Sa papel na ito sisipatin kung bakit nararapat pahalagahan ang sariling wika. Isa sa pagtutuunan ang sinabi ni bienvenido lumbera na, “parang
hininga ang wika, sa bawat sandali ng buhay natin ay nariyan ito. Palatandaan ito na buhay tayo, at may kakayahang umugnay sa kapwa nating
gumagamit din dito.” Mula sa mga pahayag na ito, titingnan kung bakit hininga ang pagtuturing sa wika lalo na sa sariling wika. Tatalakayin din
kung paano nagiging kapangyarihan ang sariling wika sa pilipinas. Sisipatin din kung bakit ang sariling wika ay hindi nakababawas ng katalinuhan at
katanyagan kung gagamitin sa iba’t ibang larangan. Dahil kung ang usapin ay karunungan, maraming nag-aakala na mahina ang mga pilipinong
hindi nagsasalita ng wikang dayuhan dahil sariling wika ang ginagamit sa pagpapadaloy ng karunungan. Isasangkot rin sa papel na ito ang angkop
na angkop na pananaw ni umberto eco sa kanyang sanaysay na “language, power, force” nakasaad dito na, “we must not be amazed then to hear
people say that the given language is power... Because outside the given language there is nothing.”
Mga susing salita: wikang filipino, kapangyarihan, puwersa, bienvenido lumbera, umberto eco
Parang hininga ang wika, sa bawat sandali ng buhay natin ay nariyan ito. Palatandaan ito na buhay tayo, at may kakayahang umugnay sa kapwa
nating gumagamit din dito.
—bienvenido lumbera
We must not be amazed then to hear people say that the given language is power... Because outside the given language there is nothing.
—umberto eco
Kapangyarihan ang wikang filipino sa pilipinas. Kapangyarihan ang sariling wika. Isa ang sariling wika sa bumubuo ng ating pagkatao. Nang dahil sa
sariling wika, nagkakaroon tayo ng tiyak at tunay identidad na hindi hiram sa iba. Nagiging ganap ang ating pagkatao sapagkat malinaw ang
nagbunsod nito—ang sariling wika at kultura. Nagiging malaya tayo sa lipunang ating ginagalawan dahil ganap ang ating pagkatao. Nagiging lubos
ang kapangyarihan na sumasaklaw sa ating kamalayan kung lubos din nating natatanggap ang sariling wika. Sang-ayon ito sa sinabi ni bienvenido
lumbera na ganito: “sa pagtanggap natin sa wika, pumapaloob tayo sa isang lipunan at nakikiisa sa mga taong naroon. Samakatuwid, ang
kamalayan natin bilang indibidwal ay karugtong ng kamalayan ng iba sa lipunan. Kapag may kapangyarihang sumakop sa kamalayan ng kapwa
natin sa lipunan, kasama tayong napapailalim sa nasabing kapangyarihan.”
Ang sariling wika ay hindi nakababawas ng katalinuhan at katanyagan kung gagamitin sa iba’t ibang larangan. Kung ang usapin ay karunungan,
maraming
Nag-aakala na mahina ang mga filipinong hindi nagsasalita ng wikang dayuhan partikular na ang mga taong hindi nakapagsasalita ng matatas sa
ingles. Madalas silang maparatangang walang alam o mas masakit, tinataguriang bobo. Isa itong masaklap na pangyayari. Ngunit humihina na ang
ganitong pagpaparatang dahil ginagamit ang wikang ito ng kasalakuyang pangulo at hindi naman ito nakabawas ng katalinuhan at katanyagan. Sa
kanyang mga talumpati at opisyal na pakikipagtalastasan sa taumbayan, buhay na buhay ang wikang filipino tulad ng pagsasabi niya sa kanyang
sona na malakas ang bansang pilipinas. Hindi ba’t napakaliwanag ang landas na tatahakin kung kasabay ng malakas na pilipinas ay malakas rin ang
filipino bilang matatag na wikang pambansa?
Sa kabila ng pagpapatatag at malawakang paggamit ng wikang filipino, buhay na buhay pa rin ang maraming isyung nagpapahina sa ating wikang
pambansa. Mga dati nang isyung nagiging dahilan kung bakit hindi umusad ang biyahe nito. Una na rito ay ang hindi maayos na pamamahala ng
edukasyon sa ating bansa at karaniwang nakakiling ang mga administrador ng mga paaralan at pamantasan sa wikang ingles dahil ito raw ang wika
ng mundo.
Pangalawa ang uri ng trabaho na laganap sa pilipinas, ang sunod-sunod na pagsulpot ng mga business process outsourcing (bpo) o mga call center
na nangangailangan ng mga pilipinong sanay magsalita ng ingles.
Pangatlo ang kakitiran ng pag-iisip ng maraming edukador na hindi maaaring maging wikang panturo ang pambansang wika. Hindi ito maaari sa
edukasyon sa pilipinas. Lagi nilang sinasabi na ingles lamang ang wika ng karunungan lalo na sa agham at matematika. Dati pa itong isyu na hindi
pa rin nila matanggap ang sagot dahil nakabaling pa rin ang kanilang paningin sa wika ng mga dayuhan.
Pang-apat na isyu, ang napakababang pagtingin ng mga mambabatas, maraming opisyal ng pamahalaan at ilang kolonyal na pilipino sa wikang
filipino. Marami sa kanila ang may maling haka na wala itong lakas at hindi matatag para umangkop sa pangangailangan ng pilipinas sa maraming
larangan, medisina, batas, enhinyerya at iba pang malalaking larangan.
At ang huling isyu, kulang na kulang daw sa mga sanggunian at kakaunti ang naisasaling karunungan mula sa banyagang wika tungo sa wikang
filipino na kailangang–kailangan ng mga estudyanteng pilipino.
Ilan ito sa nagiging dahilan kung bakit natatrapik ang biyahe ng wikang filipino. Paulit-ulit na lamang ang ganitong isyu na ipinupukol ng mga
pilipinong mahina ang pagkilala sa sariling wika sa ating bansa. Kaya paulit-ulit na natatrapik ang ating identidad bilang pilipino.
Totoo na ang ingles ang wika ng mundo para magkaunawaan ang iba’t ibang lahi sa daigdig ngunit hindi totoo na wikang ingles ang wika ng
karunungan sa bansang may sariling kultura at kabihasnan, lalo na’t ang bansang ito ay may sariling wika. Baluktot ang daang tinutumbok ng mga
pilipinong hanggang sa kasalukuyan ay nagsusulong na sa ingles matatamo ang ganap na pagkatuto.
Kailangan pa ba ng maraming sarbey na magpapatunay na hindi sa ingles ganap na matututo ang mga pilipino, samantalang malinaw na sa sws
survey noong 1993 na 18 porsyento lamang ng mga pilipino ang may ganap na kadalubhasaan sa paggamit ng wikang ingles at karamihan pa sa
kanila'y lumaki sa amerika at bumalik lamang dito sa pilipinas. Hindi pa yata sapat na batayan ito para mapanuto ang mga maka-wikang dayuhan.
Sa sumunod na sarbey ng sws na may kinalaman sa filipino noong december 1995, sa tanong na gaano kahalaga ang pagsasalita ng filipino?
Lumabas sa sarbey na 2 sa bawat 3 pilipino ang nagsasabing mahalagang-mahalaga ang pagsasalita ng filipino. Lumabas din na 71 porsyento ng
nasa luzon, 55 porsyento ng nasa bisaya at 50 porsyento ng nasa mindanao ang sumagot na mahalagang–mahalaga ang pagsasalita ng filipino.
Sapat itong batayan na mahalagang-mahalaga ang wikang filipino saanmang panig ng pilipinas. Sa sarbey ring ito nalaman ang pulso hinggil sa
wikang filipino ng mga pilipinong nasa uring abc (o mga mayayaman, angat at maykaya sa buhay), 73 porsyento sa kanila ang nagsabing
mahalagang-mahalaga ang pagsasalita ng filipino. Matatag itong basehan na hindi lamang ang nasa uring d at e (o mga mahihirap at hikahos sa
buhay) mahalagang-mahalaga ang filipino. Bilang dagdag, sa sarbey rin ng sws noong abril 8-16 1998, tinanong ang 1,500 na pilipino sa iba’t ibang
panig ng pilipinas kung ano ang unang wika nila sa tahanan, 35 porsyento ang ang nagsabi na filipino, 24 porsyento ang nagsabi na cebuano, 11
porsyento ay ilonggo, 8 porsyento ay kapampangan, 5 porsyento ay ilokano, samantalang 1 porsyento lamang sa buong bansa ang nagsabi na
ingles ang una nilang wika sa tahanan. Kung ang resulta ay pumapabor sa filipino bilang unang wika sa tahanan, hindi ba’t sa bansang japan,
south korea, belgium, czeck republic at slovakia, ang wikang ginagamit nila sa edukasyon ay ang unang wika na natutuhan nila sa tahanan at ang
wikang kanilang ginagamit sa pang-araw-araw na buhay. Mapapansing sila ang nanguna sa third international maths and science study noong 1997
—ibig sabihin magagaling ang kanilang estudyante sa larangan ng agham at matematika. Ang kanilang sikreto, gumagamit sila ng wikang hindi
nalalayo sa kanilang identidad–ang sarili nilang wika.
Bukod sa sws, mapapansing kahit sa pag-aaral ng isang iskolar na hapones na si koichiro nakahara noong enero 2005 malinaw na hindi ingles ang
namamayaning wika sa pilipinas. Aniya, “the national language of the philippines is filipino. The official languages are filipino and english. English
has been being used there since the beginning of the 20th century but it has not been easy to popularize by the filipino there.” Lumalabas sa
kanyang sarbey na may 139 na filipinong tagatugon, 35 porsyento ang nagsabing dapat filipino lamang ang opisyal na wika sa pilipinas
samantalang 2 porsyento lamang ang nagsabi na dapat ingles lang at 61 porsyento ang nagsabi na filipino at ingles. Pinatunayan din ng resulta ng
kanyang sarbey na hindi pareho ang tagalog at filipino dahil lampas sa kalahati o 51 porsyento ang nagsabi na magkaiba ito.
kung mapapanood ang dokumentaryo ng i–witness na may pamagat na “don’t english me” ni howie severino. Nabanggit doon na lampas sandaang
taon na nating inaaral ang wikang ingles ngunit bakit haggang sa kasalukuyan ay tila walang katatasan sa pagsasalita ng wikang ingles ang mga
pilipino. Pamali-mali pa rin ang marami sa atin sa pagbaybay ng salitang ingles. Ipagdidiinan naman ng mga maka-ingles na hindi raw kasi
siniseryoso ng maraming pilipino ang pag-aaral ng wikang ingles kaya walang ganap na pagkatuto. Baluktot ang kanilang punto. Hindi kasi natural
na dumadaloy sa kaisipan ng mga batang pilipino ang dayuhang wika kaya mahirap maging matatas sa paggamit ng wikang iyon. Nahihirapan ang
isang batang nag-uumpisa pa lamang ng pag-aaral sa elementarya na maunawaan ang leksyong pinag-aaralan nila sa klase lalo na kung itinuturo ito
sa wikang hindi niya nakasanayan o nakagisnan. Nagreresulta tuloy ito ng mataas na drop-out rate, tinatamad nang mag-aral ang mga bata dahil
hindi naman lubos na nauunawaan ang wika ng guro lalo na sa agham at matematika. Sa pagtataya nga sa kasalukuyan, sa 100 batang tumutuntong
sa elementarya, 70 porsyento lamang ang nakatatapos. Sa mga nagtapos ng elementarya, 90 porsyento ang makapapasok sa mataas na paaralan at
paglipas ng apat na taon ay 46 porsyento lamang ang magmamartsa at sila lamang ang makatutungtong sa mga unibersidad o kolehiyo.
Mapapansing wala pa sa kalahati ang magtatapos sa kolehiyo. Ang masama nito, marami sa mga hindi nakapag-aral ang nagiging kriminal at
nagiging problema ng bansa. Ang mga nagtuloy naman sa pag-aaral ay masasabing hilaw ang pagkatuto, kung paguusapan ang wika—hindi na
matatas sa wikang nakagisnan ay unti-unting nalimutan at hindi na ito napahalagahan. Mali kasi ang sistema ng edukasyon sa pilipinas, bata pa
lamang ay isinusubo na ang wikang dayuhang mahirap maunawaan.
Wala naman talaga sa wikang dayuhan ang pagkatuto ng mga filipino kundi nasa sariling wika. Pagpapatunay nga ng isang edukador na canadian na
si phil bartle, “sa pag-aaral ng basikong literasiya, ang wikang gagamitin ay base sa kung ano ang karaniwang naiintindihan at alam ng pamayanan.
Walang isang wika ang pinakamahusay kaysa sa iba.” Kung babalikan din natin ang kasaysayan ng pilipinas, nang ipinag-utos ng mga amerikano
noong 1901 na gawing opisyal na wikang panturo ang wikang ingles sa mga paaralan sa pilipinas, makalipas lamang ang dalawampu’t limang taon
ay nabatid agad ng amerikano sa pamamagitan ng pag-aaral ng monroe educational survey commission na hindi naging matagumpay ang
pagkatuto ng mga pilipino gamit ang wikang ingles sa kanilang pag-aaral. Dahil dito ipinag-utos din noong 1931 na wikang vernakular na ang
gagamiting wikang panturo sa elementarya.
Matagal na dapat nating alam na ang wikang dayuhan ang isa sa dahilan ng pagkaligaw nating mga pilipino sa daan ng karunungan. Noon pa
sinasabi at ipinaalala ng isa pang pambansang alagad ng sining para sa panitikan na si virgilio almario na, “kailangang-kailangan na natin ang filipino
sa edukasyon at opisyal na talastasan. Pero ayaw nating harapin ang tawag ng taumbayan.”
Umiiral sa realidad sa pilipinas na ang filipino ay wikang panlahat. Nandyan ito, umiiral at ginagamit sa araw-araw na pakikipagtalastasan ng mga
pilipino. Mga pilipino ang kusang tumanggap nito bilang wikang pambansa at naging katangi-tangi ang tatag nito dahil ito ang wika ng lipunang
pilipino. Kaugnay ito sa sinabi ni pamela constantino na, “ang anumang kapangyarihan o puwersa ng wika ay itinalaga ng institusying sosyal.” Hindi
maitatangging malakas sana ang puwersa at kapangyarihan ng wikang filipino sa maraming larangan tulad ng edukasyon, batas, agham,
teknolohiya at iba pa, ang kaso pinahihina at binabansot ng paniniwala ng nagkukunwang edukado at maraming politiko sa ating bansa.
Isang simpleng sitwasyon ang maaaring maging halimbawa na maraming nagkukunwang edukado ang salat pa rin ang kaalaman pagdating sa
usapin hinggil sa ating sariling wika. Sa panahon na nililitis si dating presidente joseph estrada sa kasong pangungurakot. May isang sitwasyon na
nagpapakita ng maling pagtanaw sa wika ng mga mambabatas sa pilipinas kaya hindi ito maisulong nang husto bilang wika sa larangan ng batas.
Noong tinanong ni hilario davide (isang cebuano), ang saksing si emma lim kung anong wika ang nais niyang gamitin sa pagtestimonya, sumagot si
lim na sariling wika ang gagamitin niya—ang tagalog. Nakapagtataka ang sinabi ni davide na wala silang interpreter mula tagalog tungong ingles, sa
filipino tungong ingles ay mayroon. Tila hindi batid ni davide ang pinagdaanang kasaysayan ng wikang filipino. Dahilan kaya ang pagiging cebuano
niya? Ngunit nang magsalita si senador franklin drilon na isang ilonggo, sabi niya, hindi na kailangan ng interpreter sapagkat lahat naman sila ay
mauunawaan ang testimonya kahit sa tagalog.
nabanggit din ni constantino na taglay ng wika ang kakayahang baguhin ang paniniwala ng isang indibidwal. Sa pakikipag-ugnayan gamit ang wika,
maraming bagay ang maaaring magbago. Kunsabagay, marami nang pangyayari sa pilipinas na kinakitaan ng malaking pagbabago tungo sa
pagsusulong ng wikang filipino.
Ang matibay na halimbawa ay noong agosto 20, 2007, tatlong korte sa lungsod ng malolos ang nagdesisyong gumamit ng filipino sa paglilitis upang
maisulong ang pambansang wika. Labindalawang istenograpo mula sa hukuman 6, 80 at 81 bilang modelong korte gamit ang wikang pambansa ang
sumailalim sa pagsasanay sa marcelo h. Del pilar college of law ng bulacan state university bilang pagsunod sa direktiba ng korte suprema ng
pilipinas hinggil sa paggamit ng wikang filipino sa istenograpiya. Pangarap noon ng dating punong mahistrado na si reynato puno na pati sa laguna,
cavite, quezon, nueva ecija, batangas, rizal at metro manila ay maipatupad ang paggamit ng sariling wika sa paglilitis.
Dati pa man, sa sanaysay ni virgilio almario na may pamagat na “filipino ang filipino” nabanggit na niya ang maraming pagsisikap at eksperimento
sa paggamit ng filipino sa gawaing akademiko. Aniya, maraming gurong pasimuno sa mga unibersidad, lalo na sa up, ateneo de manila, at de la
salle. Nangunguna raw si dr. Virgilio enriquez sa mga orihinal na saliksik sa sikolohiya sa wikang filipino. Itinuro ni fr. Roque ferriols ang pilosopiya sa
filipino. Isinalin ni judge cesar peralejo ang kodigo sibill at kodigo penal. Lumikha ng diksyonaryo sa kemika si dr. Bienvenido miranda at sa medisina
si dr. Jose reyes sytangco. May libro sa ekonomiks si dr. Tereso tullao, jr. Sa wikang filipino. May mga nagtuturo ng matematika sa filipino. At
marami nang jornal at monograp sa iba’t ibang disiplina na nakalathala sa filipino. Kaya hindi totoo na kulang na kulang sa sanggunian at kakaunti
ang naisasaling karunungan mula sa banyagang wika tungo sa wikang filipino. Katunayan, patuloy ang sentro ng wikang filipino ng unibersidad ng
pilipinas sa paglalathala at pagpondo sa mga aklat na nasa filipino. Nasabi na rin dati pa ni almario, “kung ang usapin ay ang paglilimbag ng mga
materyales sa pag-aaral na nakasulat sa sariling wika, walang demand kaya hanggang ngayo’y walang pabliser na nagpapasimuno sa paglalathala ng
aklat sa wikang filipino sa iba’t ibang larangan.”
Ang lahat ng nabanggit na halimbawa ng pagsisikap tungo sa ikauunlad ng pagkatuto sa iba’t ibang larangan ay dahil sa puwersa at kapangyarihan
ng wikang umiiral at nandyan lang. Hindi na dapat nating ipagtaka kung paano nagawa ang pagsasalin at pagpapabukal ng karunungan sa ibat’
ibang larangan gamit ang wikang filipino. Angkop na angkop ito sa pananaw ni umberto eco sa kanyang sanaysay na “language, power, force”
binanggit niya, “we must not be amazed then to hear people say that the given language is power... Because outside the given language there is
nothing.”
Naging pugad ng anomalya ang edukasyon sa pilipinas sa mga nakalipas na taon. Naging gatasan ito ng ilang opisyal ng gobyerno na naging mitsa
ng panganganib ng kalidad ng edukasyon ng mga pilipino. Ilan sa anomalya ng deped ay ang noodles scam noong 2007, ang noodles na
nagkakahalaga ng 18 pesos bawat isa. Ang textbook scam na isiniwalat ni antonio go kung saan bumili ang gobyerno ng mga aklat na hindi dumaan
sa maayos na bidding at ebalwason na nagdulot ng mababang uri ng mga aklat ngunit napakamahal ang presyo. Nakasasagabal ang ganitong
pangyayari sa pilipinas upang maabot natin sa taong 2015 ang inihain ng united nations na education for all (efa) o edukasyon para sa lahat, higit
pa yatang lumalala ang baku-bakong landas na tinatahak ng edukasyon sa pilipinas. Kahit bumuo noong 2007 ang nakaraang administrasyong
macapagal-arroyo sa pamamagitan ng executive order 652 ang presidential task force on education (ptfe) upang matugunan ang efa, wala itong
nagawa dahil patuloy na bumagsak ang literacy rate o antas ng pagkatuto ng mga filipino. Sa datos nga ng nso noong 2011 apat sa sampung
kabataan ang hindi marunong bumasa at sumulat.
Batay sa mga datos na nakalap ni edberto villegas, sa panahon ni macapagalarroyo, kalunos-lunos ang kalagayan ng mga estudyante at guro sa
mga pampublikong paaralan sa pilipinas. Nasaliksik niya na batay mismo sa estadistika ng gobyerno, may kakulangan ng 49, 000 na klasrum at may
2, 381, 943 na mga desk/armchairs sa ating mga paaralan. Ang ratio ng bilang ng libro sa mga estudyante ay 0.33 sa mga pampublikong paaralang
pang-elementarya at 0.6 sa hayskul. Nananatili rin ang kababaan ng sahod ng mga guro ayon sa datos ng alliance of concerned teachers o act. Ang
500,000 guro sa elementarya at sekondaryang pampublikong paaralan ay sumasahod lamang mula 4, 000 hanggang 6, 000 bawat buwan.
Bukod sa mga nabanggit na mga anomalya at suliranin sa edukasyon. Nananatiling suliranin sa larangang ito ang hindi pagtanggap ng maraming
edukador sa wikang filipino bilang wikang panlahat at wikang panturo.
Ayon kay bienvenido lumbera, “sa kasalukuyan, nagkapuwang na ang wikang filipino sa kurikulum. Hindi pa ito ang kinikilalang wikang panturo,
pero may lugar na ito sa paaralan. Nakapasok na sa akademya ang wika ng masa. Bagamat ang marami sa mga maykapangyarihan ay
nagmamatigas pa rin na sa ingles lamang nagaganap ang tunay na edukasyon ng kabataang filipino.” Sa obserbasyong ito ni lumbera, ang lakas at
kapangyarihan ng sariling wika sa pilipinas ay pinipigilan pa rin ng mga maykapangyarihan dahil nakabaling sila sa dayuhang wika. Tila bulag ang
mga pilipinong nasa kapangyarihan at kolonyal mag-isip kung kaya’t nananatiling suliran sa edukasyon hanggang sa kasalukuyan ang wikang
panturo.
Ang isa pang mabigat na isyu, hindi magaganap ang pagsupling ng kontrakolonyal na wika at edukasyon kung ang laganap na trabaho sa pilipinas
ay business process outsourcing (bpo) o mga call center. Dahil sa trabahong ito, lumikha ng mga programa ang maraming unibersidad na
magpapalakas sa wikang ingles at ang mga kolehiyo at unibersidad na may programang bse english at ab english ay hindi na tumuon sa
pangangailangan ng pilipinas na humubog ng mga magiging edukador sa hinaharap, itinuon at nakapadron ang mga kurikulum sa pangangailangan
ng mga call center na sa loob nito’y mga pilipinong naglilingkod sa mga dayuhan. Masaklap kung iisipin na maraming mga kolehiyo at unibersidad
sa ating bansa ang hindi naghahain ng mga programang nagsusulong at nagpapalakas ng identidad at diwang filipino gaya ng mga programang bse
filipino, ab filipinolohiya, araling pilipino na pinalalakas na lamang ng ilang unibersidad sa ating bansa. Kung may mga trabaho nga lang sana
tumutugon sa pangangailangan ng mga pilipino, hindi sana nagiging ganito ang sitwasyon ng mga institusyong pang-edukasyon.
ANG TATAG NG WIKANG FILIPINO, LAKAS NG PAGKA-PILIPINO
Sa napakaraming isyu tungkol sa wika at edukasyon sa pilipinas, mababakas naman kahit papaano sa sinasabing tuwid na landas ng kasalukuyang
administrasyong aquino ang kontra-kolonyal na wika at edukasyon. Huwag nga lang sana itong maging wang-wang kundi maipatupad din ayon sa
kagustuhan ng kanyang nga boss—tayong mga pilipino. Bukod sa pambansang programa niya kontra-korupsyon, ang kanyang pambansang
adyenda sa edukasyon para sa ating bansa ay bumabaling sa filipino. Ayon sa deped, sa kasalukuyan napigilan na ang ugat ng korupsyon sa
kanilang ahensya at tumuon sila sa pagpapataas ng edukasyong primarya. Nais nilang “bawat bata, mambabasa” sa unang grado, sa ganitong
punto mapapataas ang antas ng literasiya sa ating bansa. Inuumpisahan na rin ang pagbabalik ng maayos na ebalwasyon sa mga librong gagamitin
sa paaralan upang makatiyak na dekalidad ito at hindi nahahaluan ng korupsyon. Dinirinig na rin ayon sa dole ang dagdag na umento sa sahod ng
mga guro. Huwag lang sana itong dinggin kundi dagdagan na ng makakasapat sa pang-araw-araw na pangangailangan ng guro sa kasalukuyan.
Ayon din sa nakaraang sona ng administrasyong aquino, bumaba ang bilang ng walang trabaho sa pilipinas. Magandang indikasyon ito ng
pagbabago, pero sana ang idinadagdag na trabaho ay pilipino ang nakikinabang hindi laging dayuhan na lang. Malinaw rin ang papel na tinatahak
ng wikang pambansa na kasama sa adyenda ni aquino sa edukasyon, makatwiran lamang na gamitin ang sariling wika bilang midyum ng pagtuturo
sa ating bansa. Palalakasin ang paggamit nito sa agham at matematika upang makamit ang kahusayan sa larangang ito. Ang pananaw niya sa wika
ay ganito: matuto ng ingles at umugnay sa daigdig, matuto ng filipino at umugnay sa ating bansa at panatilihin ang sariling wika at umugnay sa
pamana ng lahi.
Sa landas na tinatalunton natin bilang mga pilipino, dapat magkaisa tayo. Tigilan na ang kolonyal na pag-iisip na nagpapabagal sa pag-unlad ng
identidad at karunungan nating mga pilipino. Kung may naiaambag man ang kasalukuyang administrasyon sa pagpapalakas ng sariling wika, huwag
lang doon umasa, higit dapat tayong maging malakas bilang mga pilipino. Magiging malakas tayo kung mananatiling matatag ang ating sariling
wika dahil idiniin ni lumbera, “parang hininga ang wika, sa bawat sandali ng buhay natin ay nariyan ito.”
_________________
Naipresent ang papel na ito sa nakem international conference na may temang “panagtagikua: our right to our languages, our right to
emancipatory education” na ginanap sa san fernando city, la union noong december 5-7, 2012 at nagwagi rin ito ng ikalawang gantimpala sa
gawad komisyon sa wikang filipino (kwf) sa sanaysay 2012.
[KOMENTALAKAYAN]
“Sa inyong palagay, ano ang dahilan sa likod ng magkakaibang wikang ginagamit hindi lang sa pilipinas bagkus ay sa buong mundo? Ano ang epekto
nito sa komunikasiyon?
[VID LESSON#2]
Kasaysayan ng wikang pambansa [panahon ng mga katutubo]
https://youtu.be/blzb5vjw5q4
Kasaysayan ng wikang pambansa [panahon ng mga espanyol at rebolusiyonaryong filipino]
https://youtu.be/sqsabvqbwwk
Kasaysayan ng wikang pambansa [panahon ng mga amerikano at hapones]
https://youtu.be/dclxxz6_btk
Kasaysayan ng wikang pambansa [1946-kasalukuyan]
https://youtu.be/7ecclzodwzk
[pdf ng video lesson]
WIKANG FILIPINO: ANG PAMBANSANG WIKA NG PILIPINAS
PANAHON NG MGA KATUTUBO
Sa mga bagong impormasyong nakalap noong 1962, lumalabas na mas nauna pang nagkaroon ng tao sa plipinas kaysa sa malay at indonesia.
Pinatunayan din ito nina dr. Landa jocano, sa kaniyang pag-aaral ukol sa kasaysayan ng pilipinas sa up center for advance study noong 1975.
Ayon pa sa kanilang ginawang pagsusuri, ang taong tabon ay nagmula sa specie na tabong peking na kabilang sa homa sapiens o modern man at
taong jave na kabilang sa mga homo erectus.
May 2 teoryang pinaniniwalaan kung saan nagmula ang mga Austronesian. Una ay ang teorya ni Wilhelm Solheim II, ama ng arkeolohiya ng timog
silangang asya. Ayon sa kaniya, nagmula ang Austronesian sa mga isla ng sulu at Celebes na tinatawag na nusantao. Sa pamamagitan raw ng
migrasyon , pangangalakal at pag aasawa ay kumalat ang mga ito.
Ayon naman kay Peter Belwood, ng Australia national university, ang mga Austronesian ay nagmula sa timog tsina at Taiwan at pumunta sa
pilipinas noong 5000BC.
Alinman ang totoo sa 2 teoryang ito na pinagmulan ng austronesyano. Iisa lamang ang totoo. Ang mga Pilipino ay isa sa mga sinaunang
austronesyano. Dahil dito, marami ang naiambag ng mga austronesyano sa pagpapaunlad ng ganang sarili. Ito ang mga sumusunod:
Paggamit ng banga sa paglilibing {manunggul jar}
Pagpapaunlad ng rice terracing sa bansa.
Paggamit ng katig (sa bangka)
`
1946 - K A S A L U K U Y A N
1946
Pinagtibay ang Batas Komonwelt blg. 570 “Tagalog at Ingles ang wikang Opisyal” • Dahil kasagsagan ito ng pagbangon ng bansa mula sa
ilang serye ng digmaan, nanatili pa rin a ng impluwensiya ng mga Amerikano. Mula pananamit hanggang komersiyo.
Bagamat karamihan sa mga komiks sa panahong ito ay nakasulat sa Tagalog, namutawi at naging paboritong midyum pa rin ang Ingles.
1959
Agosto 13, 1959- Mula Tagalog, pinalitan ang katawagan sa Wikang Pambansa:
Pilipino- Wikang Pambansa: Kautusang Pangkagawaran blg. 7 (Ipinalabas ng dating kalihim ng Edukasiyon na si Jose B. Romero
1963- Iniutos ng kalihim ng Edukasiyon na si Alejandro Roces na gamitin na ito sa kasalukuyang taong panuruan.
1963- Ipinagutos ng Pangulong Macapagal na awitin ang sa titik nitong Pilipino ang Pambansang Awit
(Kautusang Tagapagpaganap blg. 60 s.1963)
1964- Natapos ang lahat ng paglilimbag ng mga diploma sa wikang Pilipino
1967
Ipinagutos ng noo’y Pangulong Marcos na lahat ng edipsiyo (edifice), gusali at tanggapan ay pangangalanan sa Pilipino.
1968- Memorandum Sirkular Blg. 172 (Pinirmahan ng dating kalihim Rafael Salas):
Lahat ng Ulong-Liham (Letterhead) ng mga tanggapan ay nakasulat sa Pilipino.
Lahat ng panunumpa ng mga Kawani ng Gobyerno ay dapat na nasa Pilipino rin.
Memorandum Sirkular Blg. 199- Ipinagutos na lahat ng kawani ng pamahalaan ay dumalo sa mga palihan ng SWP sa iba’t ibang purok
panglingguwistika
1969
Kautusang Tagapagpaganap blg. 187- Gamitin ang wikang Pilipino sa Linggo ng Wikang Pambansa (ito noon ang tawag sa Buwan ng wika)
ng mga kagawaran, kawanihan, tanggapan at iba pang sangay ng pamahalaan.
Ipinaguutos rin sa kautusang ito na maging ang lahat ng komunikasiyon at transaksiyong opisyal (sa pamahalaan) ay marapat na
nakasulat sa Pilipino.
1974
Hulyo 19, 1974 sa bisa ng Kautusang Pangkagawaran blg. 25 s.1974, ipinagutos ang Bilingguwal na patakaran sa edukasiyon.
1987 Kasalukuyan
Nang maupo si Pangulong Corazon C. Aquino, nagbalangkas ang Constitutional Commision ng bagong batas. (1987 Constitution)
Ang ating wikang pambansa ay nakasalig sa Artikulo XIV sek. 6-7 ng konstitusyong 1987.
Filipino ang pambansang wika
Filipino ang wikang panturo
Filipino at kung walang ibang itatakda ang batas, Ingles bilang wikang opisyal.
[VIDKOMENTO]
Gumawa ng isang 3-minute video na komentaryo hinggil sa tanong/sitwasiyon sa ibaba. Mangyaring tingnan ang rubrics (VIDKOMENTO) sa UNIT 1
para maging gabay ninyo. I-upload ito sa youtube.com at ilagay sa “comment”section” ang link ng iyong likhang video.
Sitwasiyon:
Ipagpalagay na ang iyong bidyo ay panonoorin ng iyong mga magiging “apo” sa hinaharap. Anong partikular na yugto ng kasaysayan ng wika ang
nais mong balikan at ibahagi sa kanila? Bakit?
[PANUNURING PAPEL]
Panoorin sa youtube.com ang sipi ng video mula sa “Stand for Truth” ng GMA News TV. https://m.youtube.com/watch?v=GXunP0yWpm8
Suriin ang ideya ng DepEd hinggil sa pagpapatupad ng “English Speaking Policy” sa basikong edukasiyon sa bansa. Ano sa palagay ninyo ang
magiging implikasiyon nito sa sistema ng edukasiyon sa bansa? ANo ang atake nito sa Artikulo XIV Sek. 6-7 ng Konstitusiyon ng 1987 ?
Pormat:
· Arial
· 12
· Doble-Espasyo
· 8.5”x11” na papel (Short Bond Paper)
· Naka-PDF
-Isumite ito sa ating google classroom.
[MAHALAGANG BABASAHIN]
Istruktura ng Wikang
Filipino Ang wika ay isang masistemang balangkas dahil ito ay binubuo ng mga makabuluhang tunog (fonema) na kapag pinagsama-sama sa
makabyluhang siwens ay makakalikha ng mga salita(morfema) na bumabagay sa iba pang mga salita (semantiks) upang makabuo ng mga
pangungusap. Ang pangungusap ay isang istraktyur (sintaks) na nagiging basehan sa pagpapakahulugan sa paggamit ng wika.
Ang pag-aaral ng istruktura ng wikang Filipino ay nagsisimula sa pag-aaral ng ponolohiya, ito ay ang pagaaral ng fonema o makabuluhang yunit ng
binibigkas na tunog sa isang wika.
Ang Morpolohiya o morfoloji naman ay ang pag-aaral ng morfema; ito ay tawag sa pinakamaliit na makabuluhang yunit ng salita sa isang wika. Sa
Filipino, mayroong talong uri ng morfema, ito ay ang (a)salitang – ugat, (b)panlapi at (c)fonema. Halimbawa sa salitang “mag-laba, ang salitang ugat
ay ang “laba”, “mag” naman ang panlapi at ” a” ang fonema”
Sintaksis ang tawag sa pag-aaral ng formasyon ng mga pangungusap sa isang wika. Sa Filipino, maaaring mauna ang paksa sa panaguri at possible
naming pagbaligtarin ito. Samantalang sa ingles ay lagging nauuna ang paksa. Bilang halimbawa ay gamitin natin ang pangungusap na “Ang puno ay
mataas”. Maaari natin itong balgtarin na “Mataas ang puno.” Sa ingles ito ay The tree is tall, at ito ay hindi maaring baligtarin na “Tall the tree”.
Ang Semantiks ay ang pag-aaral ng relasyon ng salita sa bawat isa sa iisang pangungusap; ang mga salita sa pagbuo ng pangungusap ay bumabagay
sa iba pang salita sa pangungusap upang maging malinaw ang nais ipahayag.
Ang Sintaks ay tumutukoy sa set ng mga tuntunin na pumapatnubay kung paano maaring pagsamasamahin o pag-ugnayin ang mga salita sa pagbuo
ng parirala o pangungusap. Ang parirala ay tawag sa lipon ng mga salita na walang paksa at panaguri na ginagamit para makabuo ng pangungusap.
Sugnay ay ang lipon din ng mga salita na maaring may diwa at maari ring wala. Maaari rin itong magkaroon ng paksa at pang-uir at maari ring wala.
Mayroong dalawang uri ng sugnay, ito ay ang sugnay na makapag-iisa, ang sugnay na ito ay mayroong diwa at ang sugnay na hindi makapag-iisa na
tinatawag ding pantulong na sugnay sapagkat ito ay walang diwa kung hindi ito isasama sa punong sugnay o sugnay na makapag-iisa. Ang
Pangungusap ay bahagi ng pananalitang nagsasaad ng diwa. Ito ay binubuo ng simuno o paksa at ang panaguri.
Ang simuno ay tumutukoy sa pinag-uusapan sa pangungusap samantalang ang panaguri naman ay ang nagbibigay kaalaman o impormasyon sa
paksa. Mayroong mga pangungusap na walang tiyak na paksa. Ang pangungusap na eksistensiyal ay pagpapahayag ng pagka-mayroon o wala.
Halimbawa:
• May mga raliyista ngayon sa edsa.
• Wala na.
Maikling sambitla naman ang tawag sa mga iisahin at dadalawahing pantig na nagpapahayg ng matinding damdamin.
Halimbawa nito ay:
• Ay!
• Aray!
Ang mga pangungusap naman na ginagamit sa pagbati, pagbibigay-galang at iba pa ay tinatawag na mga pormulasyong panlipunan.
Halimbawa nito ay:
• Mano po.
• Salamat po.
Ang penomenal ay nagsasaad ng mga pangyayari sa kalikasa, walng simuno o panaguri ang mga sumusunod na pangungusap.
Halimbawa:
• Babaha na naman sa Maynila.
Ang Hugnayan naman ay nagpapahayag ng isang punong kaisipan at isang pantulong na kaisipan.
Halimbawa:
• Magiting na ipinagtanggol ni Benjie ang kanyang kakayahang kumanta nang siya’y pagtawanan ng buong klase.
Langkapan naman ang tawag sa isang punong kaisipan o dalawa o higit pang pantulong na kaisipan.
Halimbawa:
• Nagalit sa amin si G. Ebdane dahil maingay kami at hindi nakikinig.
Unit 4
Ikatlong Paksa: Barayti ng Wika
[KOMENTALAKAYAN]
Talakayin sa “comment section” ang inyong punto hinggil sa tanong na:
“Sa inyong palagay, ano ang dahilan sa likod ng pagkakaroon ng “barayti” sa ating wika?
PAALALA: Maaring magtanong at/o magkomento sa mga sagot ng inyong kamag-aral. Mangyaring balikan ang rubrics
(KOMENTALAKAYAN) sa UNIT 1 para maging gabay ninyo sa gawaing ito.
p.s. Gawin muna ang bahaging ito bago panoorin ang aking video lesson. Ito ay upang makita ko kung ano ang paunang ideya
ninyo hinggil sa bagay na ito.
Kumusta!
Narito ang mga video para sa ating talakayan. Kung magkakaroon ng katanungan hinggil sa video na ito, Mangyaring isulat ito
sa inyong kuwaderno upang kapag nagsagawa tayo ng “group call” ay maitatanong ninyo ito nang personal.
Para sa mga hindi makadadalo sa “group call”, huwag mag-alala. Walang iwanan ‘diba? Panoorin pa rin ang video at isulat pa
rin ang mga katanungan ninyo. Itanong ito sa akin sa pamamagitan ng dalawang bagay: (a) messenger chat o PM at/o (b) text
*09951286215.
Salamat!
https://youtu.be/PcEmmXX2hng
Unit 5
Ikaapat na Paksa: Baryasyon ng Wika
[KOMENTALAKAYAN]
Talakayin sa “comment section” ang inyong punto hinggil sa tanong na:
“Sa inyong palagay, bakit naiiba-iba ang anyo, antas at kalagayan ng ating wika?
PAALALA: Maaring magtanong at/o magkomento sa mga sagot ng inyong kamag-aral. Mangyaring balikan ang rubrics
(KOMENTALAKAYAN) sa UNIT 1 para maging gabay ninyo sa gawaing ito.
p.s. Gawin muna ang bahaging ito bago panoorin ang aking video lesson. Ito ay upang makita ko kung ano ang paunang ideya
ninyo hinggil sa bagay na ito.
[VID LESSON #4]
Kumusta!
Narito ang mga video para sa ating talakayan. Kung magkakaroon ng katanungan hinggil sa video na ito, Mangyaring isulat ito
sa inyong kuwaderno upang kapag nagsagawa tayo ng “group call” ay maitatanong ninyo ito nang personal.
Para sa mga hindi makadadalo sa “group call”, huwag mag-alala. Walang iwanan ‘diba? Panoorin pa rin ang video at isulat pa
rin ang mga katanungan ninyo. Itanong ito sa akin sa pamamagitan ng dalawang bagay: (a) messenger chat o PM at/o (b) text
*09951286215.
Salamat!
https://youtu.be/frmhHtSVYz0