Alamat

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Bauan, Irish M.

BEED II 04/24/2020
PAGSASANAY BLG. 12
ALAMAT NG UNAN
Sa malayong bukirin ay nakatira ang mag-anak ni Mang Kulas kasama ang kanyang
asawa na si Aling Belen at ang nag iisang anak na si Lulan. Matalino, matangkad, at
magandang bata na siyang labis na kinaiinggit ng ibang kababaihan sa bayan ngunit may
katangian siyang hindi maganda at ito ay ang pagiging suwail na anak o ang pagiging matigas
ang ulo. Kahit na anong suway nila rito ay hindi ay hindi ito nakikinig sapagkat nasanay sya na
laging naiibigay at lagi nyang nagagawa ang mga gusto nya. Labis siyang sinanay ng mga
magulang nya na ganoon kung kaya’t nahihirapan silang disiplinahin ito. Madalas rin ang hindi
nila pagkakaintindihan bilang isang panilya sapagkat iisang anak nga ito ay labis nila itong
iniingatan at pinapangaralan upang hindi siya mapahamak o malagay sa alanganing sitwasyon.
May mga kaibigan ang dalagita at ito sina Negs, Berta at Alamir, lagi nilang
ipinagpapaalam ang dalagita sa mga magulang nito at nangako na uuwe bago dumilim.
Pinayagan nila ang dalagita sapagkat ito ang unang beses na gagala sila papunta sa kabilang
barangay. Ngunit hindi inaasahan ng mag-asawa na hindi pala ito ang una at huli kundi ito ang
magsisimula sa napadalas na paglabas ng dalagita kasama ang mga kaibigan at pumunta sa
karatig barangay upang tumambay. Labis itong ikinabahala ng mag asawa, kaya’t agad nila
itong pinagsabihan na wag magtitiwala agad sa mga tao lalo na at kakakilala pa lang niya rito.
Ngunit hindi nakikinig ang dalagita at sinabi sa mga magulang na kaya nya ang sarili nya.
Labis na nagbigay ito ng pangamba kina Aling Belen at Mang Kulas pero ayaw naman
nilang pagbawalan si Lulan at baka isipin nito na sinasakal at hindi suportahan sa kaligayahan
nya. Ngunit bilang isang magulang dapat simula pa lamang ay sinusugpo na agad ang isang
suwail na anak perosa sitwasyon ng mag-asawa ay hinayaan na laang nila ang kanilang anak
upang hindi ito magtampo o magalit sa kanila at gumawa pa ito ng hindi maganda pero
nakasubaybay pa rin ang mga ito sa kanya.
Isang araw dinaanan sya nina Berta at Alamir upang pumunta sa kaarawan ni Negs at
para ipagpaalam ito sa kaniyang mga magulang at nangako sila nab ago sumapit ang dilim ay
uuwi din sila kaagad ngunit kabaliktaran ito ng nangyare gabi na si Lulan at mag-isa lamang
siyang naglalakad patungong bahay. Maya-maya habang sya ay naglalakad may isang
matanda siyang nakausap at itinanong sa kanya ng matanda kung bakit siya gabi ng umuwe
gayung delikado na sa labas ngunit hindi nagustuhan ng matanda ang naging sagot ni Lulan.
Lingid sa kaalaman ni Lulan ay isa pala itong engkantada na alam kung gaano katigas ang ulo
nito at ang pagiging suwail na anak subalit sumablay ang sagot ni Lulan sa inaasahan ng
engkantada kaya binigyan niya ito ng parusa upang maging kapalit ng kanyang
kalapastanganan. Binigyan nya ito ng sumpa na kabaliktaran ng kanyang pag-uugali. Isa itong
bagay na malambot at tutulungan ang ating mga ulo na makapagpahinga ng maayos at
makaramdam ng kagaanan.
Buong magdamag naghanap ang mga magulang ni Lulan ngunit hindi nila ito nakita. At
sa pag-uwe nila ay may nakita silang isang bagay na malambot sa kanilang higaan at sinabing
ito ang kanilang anak na si Lulan dahil naisip nilang kabaliktaran ng pag-uugali ni Lulan ang
katangian ng unan na ito. At ang bagay na ito ay tinawag na Lulan, na sa di kalaunan ay naging
unan sapag salin-salin ng salita.
ARAL: PALAGING SUNDIN ANG MGA UTOS NG MAGULANG SAPAGKAT ITO AY
HINDI MAGDUDULOT NG ISANG BAGAY NA IKAKAPAHAMAK NG KANYANG ANAK.

You might also like