Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 5

SPANISH 1565-1898

Pagdating ng mga Kastila sa Pilipinas ay gusto sana nila na matuto ang mga Pilipino na
magsalita nang wikang Espanyol ngunit ayaw ng monarkiya at simbahan ng Espanya
na maulit muli ang karahasan ng mga Kastila sa Mexico. Kaya pinag-aralan ng mga
Kastila ang mga katutubong wika ng Pilipino at ito ang kanilang ginamit upang
ipalaganap ang Kristiyanismo sa isla ng Pilipinas. Sa pagtatapos ng ika-19 na siglo,
dumami ang bilang ng mga Pilipino na natutuong mag salita ng wikang Espanyol sa
paghahangad nila ng magkamit ng magandang edukasyon. dahil kinakailangang
marunong kang mag Espanyol kung ikaw ay gustong mag-aral o magkaroon ng
posisyon sa gobyerno Dahil sa karahasan at diskriminasyon ng mga Kastila sa mga
Pilipino, nagdulot ito ng isang rebulosyon. Nagkaroon ng mga pag-aalsa mula sa iba’t-
ibang probinsya ng Pilipinas laban sa mga Kastila. Naging matagumpay ang pag-aalsa
at naging malaya ang Pilipinas mula sa mga Espanyol noong ika-12 ng Hunyo, 1898 sa
Kawit, Cavite.

AMERICAN 1901-1935

Sa pagdating ng mga Amerikano sa Pilipinas ay dinala rin nila ang mga gurong
Amerikano na mas kilala bilang Thomasites. Ginamit ng mga Amerikano ang
edukasyon bilang susi sapag sakop ng Pilipinas. Itinuro ng mga Thomasites ang wikang
Ingles bilang opisyal na wika sa pag-aaral sa mga paaralan at kung sino man ang
magsasalita ng katutubong wika ay magkakaroon ng parusa.

1935

Sa utos at pagpapatupad ng Konstitusyon ng 1935 ng Pilipinas, isang wikang


pambansa ang dapat gamitin at paunlarin batay sa isa sa mga umiiral na katutubong
wika.

1937

Noong 1937, ang Surian ng Wikang Pambansa (SWP) o Institute of National Language
(INL) ay nilikha upang idirekta ang pagpili, paglaganap at pagpapa-unlad ng wikang
pambansa. Inirekomenda ng SWP/INL ang Tagalog bilang magiging batayan para sa
pagbuo ng pambansang wika ng bansa. Sa parehong taon, pagkatapos ay pinirmahan
ni Pangulong Manuel Quezon ang Executive Order No. 134 na nagdedeklara na ang
Tagalog ang magiging batayan ng wikang pambansa.
1940

Noong Abril 12, 1940, ang Executive Order No. 263 ay inisyu sa pagpapatupad ng
pagtuturo ng pambansang wika sa lahat ng pampubliko at pribadong paaralan sa
bansa. Ang wikang pambansa, na mas kilala sa tawag na Tagalog, samakatuwid, ay
unang ipinakilala sa ika-apat na taon ng lahat ng mataas na paaralan sa mga
pampubliko at pribadong paaralan.

1942

Samantala, mas pinalawak ang paggamit ng wikang Tagalog nang salakayin ng


pwersang Hapon ang bansa noong 1942. Inatasan ng pinuno ng Hukbong Hapon ang
pagbabawal sa paggamit ng wikang Inglis at pag-aalyansa ng sambayanang Pilipino sa
mga taga Kanluranin partikular ang Estados Unidos at Britanya.

1943

Noong 1943, naglabas si Pangulong Jose P. Laurel ng Executive Order No. 10 na nag-
uutos ng mga pagbabago sa Sistema ng edukasyon, kasama rito ang pagtuturo ng
wikang pambansa sa lahat ng mga paaralang elementarya, pampubliko at pribado, at
ang pagsasanay ng mga guro ng pambansang wika sa buong bansa. Mas nabigyang
rin ng diin ang pagbibigay unlad ng wikang pambansa sa panahon ng pananakop ng
mga Hapon, at naging bahagi ng kurikulum ang pagtuturo ng pambansang wika sa
lahat ng antas. Ipinakilala ito bilang isang paksa sa lahat ng antas ng elementarya at
hayskul.

1957

Noong 1957 ang Konseho ng Pambansang Edukasyon, ay nagpasya na ang "daluyan


ng pagtuturo sa unang dalawang antas ng elementarya ay ang lokal na katutubong
wika; na ang wikang pambansa ay sisimulang ituro nang impormal sa mga nasa ika-
unang baitang at bibigyan ng diin bilang isang paksa sa mas mataas na mga baitang;
habang ang Ingles ay ituturo bilang isang paksa sa unang at pangalawang baitang at
gagamitin bilang daluyan ng tagubilin simula sa ikatlong baitang ”.
1959

Sa pamamagitan ng Order No.7 na inilabas ng dating Kagawaran ng Edukasyon na si


Jose Romero, nagsasaad ang kautusan na ang wikang Pilipino ay kikilanin bilang
wikang pambansa.

1973

Sa pamamagitan ng pagpapatibay ng Konstitusyon noong 1973, nakasaad sa Artikulo


15 Seksiyon 2 at 3 na “ang Batasang Pambansa ay magsasagawa ng mga hakbang
tungo sa pagpapaunlad at pormal na paggamit ng pambansang wikang Pilipino.
Hangga’t hindi binabago ang batas, ang Ingles at Pilipino ang mananatiling mga wikang
opisyal ng Pilipinas."

1987

Sa pagkakaroon ng bagong konstitusyon ng 1986, nakasaad sa Artikulo 14 Seksiyon 6


na: “Ang wikang pambansa ng Pilipinas ay Filipino. Samantalang nililinang, ito ay dapat
payabungin at pagyamanin pa salig sa umiiral na wika sa Pilipinas at sa iba pang mga
wika.

1991

Noong 1991, naitatag ang Komisyon ng Wikang Filipino. Pinamunuan nila ang
pagdiriwang ng Buwan ng Wika tuwing Agosto. Ito ay isang katawan ng gobyerno na
kumokontrol sa pagbuo, pagpapanatili, at pagtataguyod ng iba't ibang mga lokal na
wika ng Pilipinas. Ang komisyon ay naglathala ng mga diksyonaryo, manwal, gabay, at
koleksyon ng panitikan sa Filipino at iba pang mga wika sa Pilipinas.
1996

Noong 1996, ang Komisyon sa Mas Mataas na Edukasyon ay naglabas ng isang CHED
Memorandum Order (CMO) Blg. 59 na pinamagatang New General Education
Curriculum (GEC) na nagpapatupad na simula sa taong pasukan 1997-1998, bilang
bahagi ng lahat ng mga baccalaureate degree na programa sa lahat ng mga Higher
Education Instructions (HEI's ) sa Pilipinas. Ang pinakamababa na kinakailangan para
sa ipinag-uutos na GEC na ito, ay may kasamang siyam na mga yunit sa Filipino, at
siyam na mga yunit sa Ingles. Sa kauna-unahang pagkakataon sa maraming taon, ang
Filipino at English ay binibigyan ng pantay na pagtrato sa kurikulum.

REFERENCE:

WEBSITE

Espiritu, C. (n.d.). Filipino Language in the Curriculum. Http://Gwhs-Stg02.i.Gov.Ph/.


Retrieved September 30, 2020, from http://gwhs-
stg02.i.gov.ph/~s2govnccaph/subcommissions/subcommission-on-cultural-
disseminationscd/language-and-translation/filipino-language-in-the-curriculum/

Karunungan, R. (2019, August 15). A History of the Philippines’ official languages.


RENEE KARUNUNGAN. https://reneekarunungan.com/2019/08/15/a-history-of-
the-philippines-official-languages/

Teodoro, J. (2009, October 31). Kasaysayan ng Wikang Filipino. GMA News online.
Retrieved September 29 ,2020 , from
http://www.gmanews.tv/story/171158/kasaysayan- ng-wikang-filipino.
VIDEOS

pinoydirectory. (2011, October 4). Filipino Lesson 201: A Brief History of the
Tagalog and Filipino Language. YouTube. https://www.youtube.com/watch?
v=BKxwFhhmH2A

You might also like