Professional Documents
Culture Documents
Kabanata Viii
Kabanata Viii
1.0 Panimula
Karaniwan nang nangyayari, lalo na dito sa Pilipinas, na hindi gaanong napag-
uukulan ng pormal at masinsinang pag- aaral ng mga iskolar ng wika ang pagsasaling-
wika. Karaniwan nang kapag nasasalin na ang isang teksto, ipinalagay ng nagsalin na
tapos n ang kanyang trabaho. Hindi magiging problema kung ang nagsalin ay isa nang
bihasa na sa pagsasalin sapagkat malamang na hindi magkakaroon ng maraming
kahinaan ang kaniyang salin. At saka karaniwan ng nan gang bihasa na sa pagsasalin
ay kusang loob na pinupulsuhan ang kanyang salin sa mga kaibigan bago niya ito
ilabas or ipalathala. Ang totoo, kung sino pa ang sanay sa pagsasalin ang kalimitan ay
siyang maingat na maingat sa kanyang ginagawa. Kahit tapos na niyang maisalin ang
isang kwento, halimbawa, ay patuloy pa rin niya itong binabasa nang paulit-ulit upang
matiyak na maayos ang kanyang salin.
Kaya nga’t malimit na nasa mga baguhang tagapagsalin ang nagiging problema.
Karaniwan nang ‘sinasarili’ nila ang kanilang salin; ni ayaw ipasilip sa iba, wika nga.
Mahirap lilirin ang dahilan. Maaring nahihiya o kaya’y hindi maunawaan ang ‘krimen’ na
kanilang lilikhain kapag hindi nila sinubok ang kawastusan ng kanilang salin.
Ayon kay Larson (MBT: 485) mas mabuting magkaroon na agad ng ebalwasyon sa
simula pa lamang ng pagsasalin. Sa gayon,aniya, ay maagang maiispatan ng nag-
eebalweyt ang kahinaan ng salin. Samakatwid ay mareremedyuhan ang kahinaan
hangga’t maaga upang hindi na uulit-ulitin ng nagsasalin. Idinugtong pa niya an ang
higit na mapanananaligan ang pagsubok sa salin kung ito’y isasagawa nang unti-unti at
hindi minsan o kung kalian tapos ang pagsasalin. Kung ang isasalin ay isang aklat, mas
mabuti nga naman na isagawa ang pag ebalweyt nang kaba- kabanata. Sa gayong
paraan ay mapapasundan nang husto ng pag-eebalweyt ang materyales.
2.0 Layunin ng Pagsubok
Ang pagsubok o pag-ebelweyt sa salin ay nangangahulugan ng pag-alam sa
iba’t-ibang maaring kahinaan nito, tulad sa mga sumusunod na kriterya:
Sinabi natin sa dakong una na ang isang dahilan kung bakit nagiging malabo ang
diwa sa salin ay dahil sa balangkas. Malaki ang nagiging impluwensya rito ng
balangkas ng isinasalin sa pinagsasalinang wika. Sa ibang salita, naililipat nang hindi
namamalayan sa pinagsalinang wika ang balangkas ng isinaling wika. Nangyayari ang
ganito kung ang paraan ng pagsasalin ay salita-sa-salita o parirala-sa –parirala sa halip
na pangungusap-sa-pangungusap o diwa-sa-diwa.
Halimbawa:
Halinbawa:
2.2.2.2 Sinabi ni Tatay kay Nanay na may punit ang kaniyang damit.
(Liham ng tatay?)
Ang isang salin ay maaring ‘maganda’ o ‘maayos’ sa tingin, subalit kung ito’y
hindi binabasa ng pinag-uukulang pangkat ng mga mababasa, tiyak na ang salin ay
may kahinaas na hindi napag –kaukulan ng pansin ng tagapagsalin. Halimbawa ay
nagkulang ang tagapagsalin sa pagpapakilala sa mga mambabasang gagamit sa
kaniyang salin. Ang ibig sabihin ng pagkilala rito ay hindi ang pag-alam sa mga
pangalan ng mambabasa kundi ang pag-alam sa antas ng kanilang kakayahan sa
wikang ginagamit sa salin. Kung ang isinasalin, halimbawa, ay isang kagamitang pang-
ikatlong baitang sa elementarya, kailangang pag-aralan ng tagapagsalin ang antas ng
kakayahan ng mga batang nasa gayong baitang upang maiangkop niya ang mga
talasalitaan at balangkas ng mga pangungusap na kanyang gagamitin.
Nagpadala raw ng mga de lata ang mga Americano sa mga sinalanta ng digmaan sa
Vietnam. Ngunit ang ginawa raw ng mga nagugutom na Vietnamese, sa halip na kunin
at kainin ang laman ng nasasabing mga de lata, ay itinapon daw ang laman at ang mga
lata lamang ang kinuha upang magamit na lalagyan at lulutuan ng kanilang mga
pagkain.
Sinauna ang isang salita kapag wala na ito sa bokabularyo ng target na mga
mambabasa. Malimit mangyari na sa proseso ng pagsasalin ay nalilimutan ng
tagapagsalin ang kaniyang target na mga mambabasa, kaya’t lumulutang sa salin ang
uri ng kaniyang Filipino. Sa ibang salita, nalilimutan niyang siya’y nagsasalin para sa
ibang tao at hindi para sa kaniyang sarili.
Halimbawa, kung ang nagsasalin ay medyo may edad na, pumapasok ang uri ng
kanyang Filipino sa saling para sa mga bata sa elementarya.
2.6 Kung natural o idyomatiko ang kanyang salin at hindi halatang salin
Subukin nating gamitin ang tinalakay nating mga kriterya o mga aspetong dapat
subukin o tayahin sa salin.
Subukin nating suriin ang salin at alamin natin kung ano na ang nangyayari sa
una nating tinulad-tulad natin sa mga sumusunod na ang mga tanong:
Pahapyaw nating tingnan ang salin. May matutukoy ba tayong mga diwang
nadagdag? Subukin nga nating hanapin sa tekstong Ingles ang kahulugan ng taludtod
na “Laging nakahandang pag-utus-utusan”. Parang wala yata? Gayundin ang “
Kasingwagas ito ng mga bayaning”, na wari bang idinagdag lang ng tagapagsalin ang
bayani dahil katugma ng lalaki, paapi at papuri.
Waring nawala yata sa salin ang “when feeling out of sight for the ends of Being
and Ideal Grace?” Waring isinalin lamang ito ni Alejandro ng “ ibig marating ang dulo ng
hindi maubos isipin” Pero parang malayo na ang diwa sa orihinal? Para bang pinilit
kumpletuhin ang tugmaan—taimtim, walang kahambing, marating, maubos-isipin. Ito
ang sinasabi nating sadyang higit na mahirap magsaliin ng tula,
Ano nga ba ang dapat maging salin ng “when feeling out of sight for the ends of
being and Ideal Grace”?
Sa ibang salita, may nababago bang diwa? Ang ibig sabihin naiiba ang diwang
isinasaad sa orihinal. Ang sabi sa Ingles, “Let me count the ways” pero sa salin, ang
sabi naman ay “ikaw ang bumilang. “Tingnan natin ang pamagat sa Ingles. “How Do I
Love?” Subalit ang salin ay “Ang Aking Pag-Ibig” Isa sa mga kalayaan, kung sabagay,
ng tagapagsalin na baguhin ang mga pamagat ng kanyang isinasalin, ngunit kung
ibabalik-salin ang “Ang Aking Pag-Ibig” magiging malayo na sa “How Do I Love Thee?”
Maraming magsaabi na higit na magiging angkop ang saling “ Gaano kita Kamahal?”.
Gayunpaman, maaring may malaking dahilan ang tagapagsalin. Una- una, talagang
nagging “malaya” ang kanyang salin.
Samantala makikita naman ang salin na magkatugon din ang pamagat na “Ang
Aking Pag-Ibig” at ang paulit-ulit na sambit ng “ Yaring Pag-Ibig ko’y” Samakatwid, kung
nagging malaya si Alejandro sa pagbabago sa pamagat, dapat maging din siya sa
paraan ng pagpapahayag sa diwa ng sonetong kanyang isinasalin.
Narito naman ang isang salin na masasabing nagging matapat sa orihinal. Naging
matapat ang salin hindi lamang sa porma sa tugmaan kundi gayundin sa paraan ng
pagkakasalin—linya por linya na di tulad ng malayang salin ni Alejandro sa “How Do I
love Thee?”
The Three
(Ang Puno)
Joyce Kilmer
Perhaps I shall never see
(Marahil kalian ma’y di makakatagpo)
Subalit napilitan siyang baguhin ito sapagkat mali ang bagsak ng mga sesura sa
sikat na 6/6.
Di na ko marahil makakatagpo pa
Walang matukoy ang awtor na ito na maling diwa sa salin, maliban sa ilang
bahaging sa biglang hagap ay mali, lalo na kung ang hahanapin ng mag-eebalweyt ay
ang literal na salin sa mga parirala. Tingnan natin ito:
Maaaring may bahaging malabo ang diwa ng salin ngunit wala yatang bahaging
walang diwa. Tingnan ang saknong #5
Sa tuwing ipapaebalweyt ng awtor na ito ang salin, lagi nang malabo raw ang diwa ng
bahaging ito. Ano raw ba ang antecedent ng “Kau-kaulayaw, katalik ng ulan? Ang puno
raw ba o ang nyebe? Ang lagi ko naming sagot na tanong din. Alin nga ba? Sa orihinal
man kasi, malabo rin. Ulitin natin dito ang sinabi ni Alejandro (SP 36-37): na kahit ang
original na teksto ay meron ding ilang mali o kahinaan, tulad nga mga bahaging
“ambiguous”
Iba’t iba ang paraang ginagamit sa pag-ebalweyt ng salin, depende sa klase o uri
ng materyales na isinalin, gayundin sa panahong maaaring gugulin, kalagayan ng mag-
eebalweyt, na ang ibig sabihin ay ang kanyang kakayahang pinansyal na maaaring
gugulin para sa mga pasilidad at mga tauhan.
4.1 Gaya ng natalakay na sa dakong una, ipabasa nang malakas sa iba ang salin at
tandaan ang mga bahagi ng salin na hindi nabasa nang maayos, Mas mabuti sana
kung ang ilang pinag-uukulan ng salin ang magiging tagabasa, kung may mga salitang
dapat tuldikan upang maging tiyak ang kahulugan ay isagawa ang gayon, Ang pag-
aatubili ang pagkakamali ng tagabasa sa wastong bigkas ng salita o sa pagpapangkat-
pangkat ng mga salita ay hudyat na may dapat baguhin sa bahaging iyon ng salin …
maaaring salita, maaaring ayos ng pangungusap. Madaling maisasagawa ang ganitong
pagsubok sa pamamagitan ng paggamit ng tape recorder. Maaari rin naming sa halip
na pagpapabasa nang malakas ay pagpapabasa nang tahimik at palagyan ng tanda
ang mga salita o mga pangungusap na hindi maunawaan. Pagkatapos maedit ang
salin, batay sa mga nalikom na datos, muling ipabasa ang salin, maaring sa dati ring
mga mambabasa, upang matiyak na maiwasto na ang mga naispataong kahinaan nito.
Sa biglang isip ay waring ganoon nga. Subalit sa karanasan ang awtor na ito,
kahit ang nagsalin ang siyang magbabalik-salin, kung ang pagtutunan ng kanyang isip
ay ang kanyang ibinabalik-saling teksto at hindi ang pilit na pagbabalik sa isip kung ano
ang diwa ng pangungusap na kanyang isinalin na siya niya ngayong ibabalik-salin, higit
na mabisa ang ganitong paraan kaysa iba ang magbabalik-salin, Una, napakahirap
kumuha ng magbabalik-salin nang walang bayad, lalo na kung may kahabaan ang
isinaling materyales, Ikalawa, mahirap humanap bg magbabalik- salin na kaantas o
kasinghusay ng tagapagsalin.
4.3 Ginagamit din ang pagbibigay ng “comprehension test” o pagsubok sa kung ano
ang pagkaunawa ng bumasa sa salin. Karaniwang ginagamit ito sa pagsubok sa
kawastuan ng isinaling maikling kwento, tula o kaya ay sanay. sanasay o tekstong
tumatalakay, halimbawa sa mga hakbang sa paggawa ng isang bagay, isang
karanasan at iba pa, Ang “test” ay maaring pasalita o pasulat kung pasalita,
makatutulong nang malaki ang teyprekorder, kung panulat, kailangang ang itatanong sa
papel ay hindi pagsukat sa talino o kakayahan ng tagasagot o kaya ay sa kanyang
husay magmemorya ng mga detalye sa binasa.