Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Marwin Joyce Odita

Guiuan, Eastern Samar


6809, Philippines

September 17, 2020

Ang Editor
Philstar Global Corp.
Unit 909 and 910, The Infinity Tower
26th Street, Bonifacio Global City
Taguig City, Metro Manila, Philippines

Mahal na editor,

Ako ay sumusulat upang ipahayag ang aking posisyon tungkol sa inyong editoryal na
“Huwag Patayin ang Wikang Filipino”, noong Mayo 21, 2019.

Malinaw na ang wika ay isang mahalagang kasangkapan na ginagamit upang maiparating ang
mga nasasaloob na ideya at damdamin ng isang tao. Hindi lamang ito isang paraan ng
pakikipag-usap sa kapwa kundi ginagamit din ito upang makipagkaibigan, makipagtalakayan
at maibahagi ang iba’t ibang opinyon at kaisipan. Sa buong kasaysayan, maraming mga
bagay, sitwasyon at pangyayari na tumutukoy sa kahalagahan ng wika sa mga tao, sa
kapaligiran at higit lalo na sa bansa.

Ang wika ay hindi lamang kumakatawan sa isang tao. Ito ay hindi lamang isang paraan para
sa pagpapahayag ng mga sariling saloobin, opinyon, mga personal na obserbasyon at halaga
ng kanyang mga katangian ay isang sisidlan na siyang nagpapahayag ng mga aspeto ng isang
komunidad o bansa. Ang wika ay kumakatawan din sa pangunahing pagpaparating sa iba ng
panlipunang pagkakakilanlan. Sa maikling salita, ang wika ay tumutulong na mapanatili ang
mga damdamin ng kultura, sining, at pagkabansa ng isang bayan.

Bilang isang Filipino mas ginusto ko na hasain ang ating sariling wika kaysa sa wikang
banyaga, dahil ang wikang filpino ang nagsisimbolo ng ating pagka Filipino ito ang siyang
maipagmamalaki natin sa ating bansang kinabibilangan.  Mahalaga ang paggamit ng wikang
Filipino sa pagtuturo sapagkat malaki ang maitutulong nito sa intelektwalisasyon ng mga
Pilipino. Sa isang payak napagsusuri masasabi nating ang paggamit ng katutubong wika sa
pagtuturo ng anumang uri ng kaalaman ay nakapagpapabilis sa proseso ng edukasyon. Sabi
ng marami an Wikang Ingles ang mas mahalaga kumpara sa Wikang Filipino dahil sa ang
Wikang Ingles ang pangunahing linggwahe na mas ginagamit nga karamihan kahit saan man
sila magpunta sa mundo. Pero para sa akin, at sa mga mas nakakaiintindi sa kahalagahan ng
Wikang Filipino ay dahil ang Wikang Filipino parin ang napakahalaga, sapakat ito ang
sumisimbolo sa ating katauhan bilang isang Pilipino, makakaya nating mapaunlad ang ating
sariling bansa kahit ang ating sariling wika lamang ang ating gamitin katulad ng bansang
Japan. Mas pinahahalagahan nila nag kanilang sariling wika kaysa sa ibang wika kahit ganito
napapaunlad parin nila ang kanilang bansa at ngayon isa ang kanilang bansa sa
pinakamaunlad na bansa sa buong mundo. Sabi pa nga ng ating bayani na si Dr. Jose Rizal "
Ang hindi marunoong magmahal sa sariling wika ay higit pa ang amoy sa malansang isda."
Kaya tayong mga Pilipino, pahalagahan natin ang ating sariling wika at mahalin ng buong
puso, hindi lamang sa salita kundi sa gawa.

Lubos na gumagalang,
Marwin Joyce Odita

You might also like