Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

ABC LEARNING CENTER Score

Name: _________________________________ Grade Level:_________


Subject/Title: Filipino .5 – Pandiwa at panahunan ng pandiwa (Aspekto ng pandiwa) Worksheet #:_____1___

Quarter #: 2 Week #: 1 Worksheet after: Video ✓


Prepared by: Tita Wiv Date: __________________________ Telecon

Pagsasanay 1: Punan ang patlang ng tamang pandiwa. Sundin ang halimbawa.

Pangnagdaan Pangkasalukuyan panghinaharap


Nagluto nagluluto magluluto
Naglaba ____________ maglalaba
Nag-away ____________ mag-aaway
Nagdasal ____________ magdadasal
____________ umaawit aawit
____________ sumasayaw sasayaw
____________ bumibili bibili
____________ kumakanta kakanta
Kinain ____________ kakainin
Kinuha kinukuha ____________
Ginising ginigising ____________

II. Salungguhitan ang mga pandiwa o salitang kilos. Isulat ang PN kung
pangnagdaan, PK kung pangkasalukuyan, at PH kung panghinaharap sa
patlang.

______ 1. Maghuhugas ng pinggan si Anna mamaya.


______ 2. Ang ibon ay umaawit.
______ 3. Maglilinis ng sahig si Ate.
______ 4. Si Lucy ay namalantsa kahapon.
______ 5. Iginuhit niya ang aklat kanina.
______ 6. Kinuha mo ba ang lapis ko?
______ 7. Maraming bata ang naglalaro sa palengke.
______ 8. Tumatahol ang aso ng malakas.
______ 9. Naglalakad nang matulin ang lalaki.
______ 10. Lumipad ang lobo.

III. Lagyan ng wastong anyo ng pandiwa ang pangungusap.

( punas ) 1. Siya ang _____________ ng sahig kanina.


( walis ) 2. Siya ang _____________ sa bakuran kahapon.
( sulat ) 3. _____________ ako ng isang liham mamaya.
( punta ) 4. Kami ay _____________ sa Maynila noong isang linggo.
( luto ) 5. Ako ay _____________ ng haponan ngayon.
( lakad ) 6. _____________ kami sa oval bukas.
( kanta ) 7. _____________ sila sa paligsahan sa susunod na buwan.
( bili ) 8. Sila ay _____________ ng suka kaninang umaga.
( sira ) 9. Ang aming bubong ay _____________ noong nakaraang bagyo.
( tahi ) 10. _____________ ni lola ang butas ng aking bag noong isang araw.

You might also like