1st Activity

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Kung magbabalik-tanaw sa kasaysayan ng pagkamit ng nasyonalismo at pambansang

pagkakakilanlan, bantog ang pangalang José Protacio Rizal Mercado y Alonso Realonda -- ang
nagpalawig ng mga kaisipan at mithiin na nagmulat sa libu-libong Pilipino.
1. Tukuyin ang reyalidad (panlipunan, politikal at ekonomikal) na bumabalot sa mga tula,
sanaysay at satiriko ni Rizal. Magkaroon ng diskurso at talakayan ukol sa kontrobersyal na
"retraction letter" at ang implikasyon nito sa ating kasaysayan.
2. Matukoy ang mga ideyalismo na sumira sa kamalayang Pilipino at kung paano
nagsumikap si Rizal na ikintal sa kanilang isipan ang paghayag at pagpiglas sa mapaniil at
mapagsamantalang pamumuno.
3. Muling balikan ang reyalidad na hinarap ng mga Pilipino mula sa pagkakagapi ng
rehimeng Espanyol at paano nito minulat ang musmos na Jose Rizal. Sa paanong paraan din
natamasa ni Rizal ang diskriminasyon at baluktot na pananaw sa paaralan, larangan at
komunidad.
4. Pag-aralan ang bisa o impluwensya ng pagkamatay ni Rizal sa pag-usbong ng
nasyonalismo at pagsiklab ng himagsikang Pilipino.
5. Aralin ang panimula at saysay ng kilusang Propaganda kaakibat ng mga sinubok nitong
itaguyod na reporma at hinaing na kumukundena sa sistemang kolonyal.
6. Masuri ang mga tao at pangyayaring naging impluwensyal sa buhay at humubog sa
prinsipyo ni Rizal.
7. Upang mas makilala si Rizal at malayang talakayin ang mga usaping ukol sa kanyang
buhay (primary sources) na hindi nakalimbag sa mga tanyag na libro.
8. Palalalimin ang kaalaman ukol sa mga sulatin ni Rizal na naging mitsa ng himagsikan at
tulay upang makamtan ang ating pambansang pagkakakilanlan (national identity).
9. Matukoy ang mga bunga ng kanyang inalay at ang napapanahon nitong kabuluhan at gamit
sa makabagong lipunan.
10. Maunawaan ang katwiran sa pag-aaral at ang ligal na batayan sa pagtuturo ng Buhay,
Gawa at Pagsulat ni Rizal (RA 1425 ‘Rizal Law’).

You might also like