Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 5

Gabay sa Estilo ng LEF Manuskrito

1 Kabuoang Itsura ng Manuskrito

- Isusumite ng grantee ang narebisang manuskrito na nasa MS Word at PDF format. Isang
file lamang, huwag paghiwa-hiwalayin ang sa magkakaibang file ang mga bahagi ng
manuskrito. Bago isumite, tiyaking sumunod ito sa format.
- Ang font na gagamitin ay 12pt Times New Roman, single spaced, justified.

2 Major Headings

Ang major headings ay naka-bold at naka-Title Case.

2.1 Sub-headings

Ang sub-headings ay naka-bold. Nasa Malaking titik ang unang letra ng unang
salita lamang.

2.2 Sub-sub headings (kung mayroon)

Ang sub-sub headings ay naka-bold. Nasa Malaking titik ang unang letra ng unang
salita lamang. Gawing sistematiko ang paglalagay ng mga numero. Gumamit ng Arabic
numerals.

2.3 Enumerasyon ng Aytems

Gumamit ng lowercase Roman numerals.


(i) unang aytem
(ii) ikalawang aytem
(a) aytem sa loob ng aytem, gamitin ang maliliit na letra ng alpabeto
(b) ikalawang aytem

3 Larawan

- Ipapasok ang larawan sa pinakamalapit na talata na tinatalakay ito upang maging


reperensiya.
- Gamitin ang salitang Larawan.
- Ang mga larawan ay kailangang lagyan ng numero na magkakasunod sa kabuoan ng
manuskrito.
- Inaasahan na ang mga larawang gagamitin ay pag-aari ng mga mananaliksik, kaya hindi
na kailangan ilagay kung kanino o sino ang may-ari nito. Kung may pagkakataong ang
ginamit na larawan ay hindi pag-aari ng mananaliksik, saka kilalanin ang may-ari ng
larawan. Tiyaking nakapagpaalam sa tunay na may-ari ng larawan bago gamitin.
Hal. mula kay _____ / mula sa ___________.

1
.

Larawan 1. Ang kapsiyon o deskripsiyon ay 12pt, nakasentro.


Hindi naka-italic o naka-boldface.

4 Talahanayan at Grap

- Ipapasok ang talahanayan at grap sa pinakamalapit na talata na tinatalakay ito upang


maging reperensiya.
- Gamitin ang salitang Talahanayan at Grap.
Ang mga Talahanayan ay kailangang lagyan ng numero na magkakasunod sa kabuoan ng
manuskrito. Gumamit ng Arabic numerals.
Ang mga Grap ay kailangang lagyan ng numero na magkakasunod sa kabuoan ng
manuskrito. Gumamit ng Arabic numerals.

Talahanayan 1. Ang kapsiyon o deskripsiyon ay 12pt, nakasentro.


Hindi naka-italic o naka-bold.

5 Katutubong salita ng wikang sinaliksik

- Naka-bold
- Lagyan ng angkop na tuldik
- Hindi naka-italic
- Hindi malalaking letra
- Huwag lagyan ng panipi
- May tuldik ang nasa wordlist

6 Salitang Ingles o anumang dayuhang wika (na walang salin sa Filipino)


2
- Naka-italic
- Hindi naka-bold
- Hindi malalaking letra
- Huwag lalagyan ng panipi

7 Tekstong nasa katutubong wika at may salin sa Filipino


(hal. sa mga panitikang-bayan)

- Gawing dalawang kolum. Nasa kaliwa ang tekstong nasa orihinal na wika, nasa kanan
ang salin sa Filipino.

Tinigsik ko ang tapayas Tinigsik ko ang papaya


Minsan gulay. minsan prutas Minsan gulay, minsan bunga
Pambulong sa harasahas Gamot sa matinding nasa
Pag ang armas minatagas. Pag nanigas ang sandata

8 Citation, Footnotes, Block Quotations

- Maaaring gumamit ng parenthetical citation o footnotes. Maging konsistent lamang na


isa lamang ang gagamitin sa kabuoan ng dokumento.
- Kung gagamit ng footnotes, tiyakin na magkakasunod ang numero sa kabuoan ng
manuskrito.
- Para sa pagsiping palansak (block quotations), 12pt ang font at hindi nilalagyan ng
panipi.
- Sundin ang format na nasa KWF Manwal sa Masinop na Pagsulat na batay sa Chicago
Manual of Style.

9 Listahan ng Sanggunian

- Uriin ang mga sanggunian (aklat, artikulo, tesis at disertasyon, atbp), at saka ayusing
paalpabeto batay sa uri.
- Huwag kalimutang ilagay ang mga nai-cite na sanggunian.
- Kung hindi nai-cite ang sanggunian, huwag nang ilagay.

10 Glosaryo

3
- Sundin ang ganitong format:

Salita Bahagi ng Dominyo Kahulugan


Pananalita
agpáhinda png Sos pamamanhikan o paghingi ng kamay ng babae ng
lalaki sa magulang nito bago ang pagpapakasal
duwák png Zoo tawag sa unggoy
núruy pdw Ekn naglalako

Mga Daglat

Agrikultura Agr
Anatomiya Ana
Antropolohiya Ant
Arkitektura Ark
Astronomiya Asn
Batas Bat
Biyolohiya Bio
Botanika Bot
Damit Dmt
Edukasyon Edu
Ekolohiya Ekl
Ekonomiks Ekn
Etnologiya Etn
Gramatika Gra
Heograpiya Heg
Idyomatiko Id
Inhinyeriya Inh
Isports Isp
Karpenteriya Kar
Komersiyo Kom
Lingguwistika Lgw
Literatura Lit
Matematika Mat
Medisina Med
Musika Mus
Padamdam pdd
Pagtatanim Ptn
Pang-abay pnb
Pandiwa pnd
Pangingisda Psd
Pangngalan png
Panghalip pnh
Pang-uri pnr
Pantukoy ptk
Pilosopiya Pil

4
Politika Pol
Relihiyon Rel
Sayaw Say
Sining Sin
Sosyolohiya Sos
Zoolohiya Zoo

11 Ispeling

- Isunod sa Ortograpiyang Pambansa ang ispeling ng mga salita.

You might also like