2 FInal 1-5

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 68

Kabanata I

Ang Suliranin at Sanlingan ng Pag-aaral

Panimula

Ang paaralan ang pangunahing nagbibigay sa atin ng kaalaman para sa paglinang


ng ating mga inaangking kalakasan at talento. Ngunit sa kabila ng ating pagpasok sa
paaralan ay makikita natin ang iba’t ibang katangian ng bawat isa. Ang bawat indibidwal
ay ipinanganak ng may isang hanay ng mga kalakasan at talento. Tayong lahat ay may
pagkakaiba-iba ng mga hilig at karaniwang mga pang araw-araw na ginawa sa buhay na
nauuwi sa pagkakaiba ng mga kalakasan at talento ng bawat isa. Ang isang talento ay
isang espesyal na kakayahan na gumawa ng isang bagay na natural na lamang sa isang
tao. Ayon kay Mark Thurson, PhD (2017) ang mga isinasagawa sa isang propesyon ay
nagtatagalay ng isang ari-arian at iyon ay ang talento. Ang bawat trabaho ay
nangangailangan ng isang tiyak na kakayahan, kung ikaw ay nagtratrabaho na
nangangailangan ng isang tiyak na kakayahan o talento na ikaw ay wala, maaari kang
makaramdam ng pagod at pagpigil.

Malaki ang papel ng ating talento at kalakasan sa ating hinaharap at pagkatao


dahil walang tao ang hindi nagtataglay ng isa sa mga ito. Kung sa labas ng paaralan ay
may iba’t ibang dibersidad ng relihiyon, gender, race, at mga kultura ganito din sa isang
silid aralan na naglalaman ng mga iba’t ibang estudyante na may iba’t ibang katangian.
May mga mag-aaral na magaling sa larangan ng akademiko tulad na lamang ng
pagmememorya at inaangking talino sa mga asignaturang matematika, agham, at ingles;
meron din sa larangan ng pagkanta, pagsayaw, isports, pagguhit, pagluto, at marami pang
iba. May mga programa na rin na naipatupad ang Department of Educaion (DepEd) para
sa mga estudyante na nasa Junior High School pa lamang: Special Program for the Arts –
ipinatupad noong tanong 2000 - ito ay nagpopokus sa iba’t ibang uri ng sining tulad ng
pagsayaw, pagkanta, Visual Arts, Media Arts, Drama & Theathre Arts, at Creative
Writing; Technical and Vocational Education and Training - nakakatulong naman ito sa
mga mag-aaral na di pa sigurado sa kanyang tatahaking kurso sa kolehiyo at maaari mo
magamit ang iyong mga natutunan dito pag ikaw nagtapos ng highnschool dahil nga sa
mga tinuturong job-ready skills; Science Technology and Engineering Program – ito

43
naman ay nagpopokus sa iba’t ibang maths at sciences; at ang Elective Subjects naman
para sa mga Regular Sections – ito ay nakabatay naman sa iyong interes kung anong ang
iyong nais na mapag-aralan may paghahalintulad ito sa TechVoc ngunit ika’y pipili
lamang ng gusto mong mapag-aralan. Sa Senior High School ay kilala ang mga ito bilang
Academic Track (GAS, STEM, ABM, HUMMS), Technical-Vocational-Livelihood
(TVL) Track, Arts and Design Track (Visual Arts at Performing Arts), at nadadagdagan
pa ng Sports Track. Makakatulong ang mga ito sa mga mag-aaral para malinang ang mga
kanya kanyang kalakasan at talento ng bawat mag-aaral. Ngunit may isang katanungan
ang bumabagabag sa mga isipan naming mga mananaliksik ito ay kung “Bakit may mga
mag-aaral pang hindi parin napapansin ang kanilang sariling kakayahan at sila ay naa-
underrated sa loob ng klase?”

Ninanais ng grupo na hikayatin ang mga mag-aaral na linangin at ipakita sa iba


ang kanilang tinataglay na talino at talento sa iba. At maibahagi sa iba ang mga saloobin
ng mga mag-aaral na nahanap na sa kanilang mga sarili ang kanilang kakakayahan sa
mga mag-aaral na hinuhubog pa lamang ang sarili. Malaki ang maitutulong ng pag-alam
sa kung paano tayo kikilos para sa pagpapatibay ng ating mga katauhan at ikauunlad ng
ating mga sarili

Ang pananaliksik na ito ay may layunin na magpalakas ng loob at mag-udyok sa


mga mag-aaral na ipakita sa lahat ang kanilang kakayahan at sa mga mag-aaral na
hinahanap pa lamang ang sarili nilang kakayahan at mangibabaw ang kasigasigan para sa
kanilang mga pangarap at hangarin sa buhay.

43
Paglalahad ng Suliranin

Naririto mga suliranin na natalakay ng mga mananaliksik mula sa paksa ng


pananaliksik. Ang pangunahing suliranin ay ang pag-alam sa pananaw ukol sa
pagkakaiba ng mga kalakasan at talento ng mag-aaral ng Senior High School ng Our
Lady of Fatima University (OLFU), Quezon City; taong kasalukuyan (2019).

Ang ilan pang mga suliraning nakikita ng mga mananaliksik na may kaugnayan sa
pag-aaral ay mga sumusunod:

1. Anu-ano ang iba’t ibang demograpikong propayl ng mga piling mag-aaral ng


Senior High School ng Our Lady of Fatima na sumasailalim sa paghahanap ng
sariling kakayahan at sa mga naibahagi na sa iba ang kanilang kakayahan?
1.1. Edad
1.2. Kasarian
1.3. Baitang
1.4. Kalakasang Asignatura
1.5. Kahinaang Asignatura
1.6. Pinal na Marka (1st Sem)
2. Anu-ano ang pananaw ng mga mag-aaral ng Senior High School sa Our Lady
of Fatima University sa pagkakaiba-iba ng bawat isa sa loob ng isang silid
aralan at paaralan?
3. Anu-ano ang mga karanasan ng mga mag-aaral sa kanilang paghahanap o
pagbabahagi ng kanilang kalakasan at talento?
4. Paano mapapaunlad ng isang mag-aaral ang inaangking kalakasan at talento?
5. Bakit may mga pagkakataong napanghihinaan ng loob at hindi naipapamalas
ng isang mag-aaral ang kaniyang kalakasan at talento?
6. Anu-ano ang naitutulong ng kalakasan at talento ng isang mag-aaral sa pang-
araw-aarw na buhay nito?
7. Anu-ano ang mga maaaring paraan upang maibahagi ang inaangking
kalakasan at talento?
8. Nagkakaroon ba ng pagkukumpara ang bawat isa sa kaniya-kaniyang
kalakasan at talento?

43
Layunin ng Pag-aaral

Ang pag-aaral na ito ay naglalayong magbigay kaalaman tungkol sa “Pananaw


ukol sa Pagkakaiba ng mga Kalakasan at Talento ng mga Mag-aaral at mga Epektibong
Paraan upang Maibahagi ang Inaangking Talento ng Senior High School sa Our Lady of
Fatima University.”

Layunin din nitong tukuyin kung bukas ba ang mga isip ng mga mag-aaral na
Senior High School ng Our Lady of Fatima University sa mga ganitong usapin patungkol
sa pagkakaiba-iba ng bawat indibidwal. At upang mabigyan din sila ng motibasyon at
boses na ipakita ang angking talento o lakas na hindi pa nila naibabahagi sa iba.

Ang ilan pang layunin ng pananaliksik ay ang mga sumusunod:

1. Mabatid ang pananaw ng mga mag-aaral ng Senior High School sa Our Lady
of Fatima University ukol sa pagkakaiba ng kalakasan at talento ng bawat
indibidwal.
2. Matukoy kung paano tinanggap ng mga mag-aaral ng Senior High School sa
Our Lady of Fatima University ang iba’t ibang kalakasan at talento ng bawat
isa at kung paano nila ito maibabahagi sa iba.
3. Malaman ang mga maaaring epektibong hakbangin sa paghahanap, paglinang
at pagbabahagi sa sariling kalakasan at talento.
4. Matulungan at magabayan ang mga mag-aaral ng Senior High School sa Our
Lady of Fatima University na hindi pa nahahanap o naibabahagi ang
inaangking kalasakasan at Talento.

43
Kahalagahan ng Pag-aaral

Naniniwala kami na ang pag aaral na ito ay makakatulong upang malaman ang
kalakasan at kahinaan ng isang bawat indibidwal na estudyante. Hinahangad namin na
malaman o mapukaw ang bawat indibidwal na estudyante na papaano maibahagi ang
kanilang kalakasan o talento at kung papaano makakamit ang minimithing kalakasan.
Gayon pa man maari itong maging epektibo sa paaralan na ito at magdulot ng mabuti sa
lahat ng estudyante.

Ang mga kahalagahan ng pagkamit ng minimithing kalakasan at pagbahagi ng


kalakasan o talento sa bawat mag aaral:

1. Mabatid ang pananaw ng mga mag-aaral ng Senior High School sa Our Lady
of Fatima University ukol sa mga talento at kalakasan ng bawat isa.

2. Pagbibigay ng motibasyon para sa paghahanap at pagbabahagi ng talento o


kalakasan sakapwa estudyante.

3. Malaman ng estudyante sa Our Lady of Fatima University na mas makakabuti


na magtulungan imbis na magkompetisyon sa isa’t isa.

4. Makapagbigay ng impormasyon tungkol sa talento o kalakasan ng isang


estudyante patungkol sa pagkamit at paglinang nito.

43
Paradigma ng Pag-aaral

Sa pag-aaral na ito, ipinapakita ng figura 1 ang kadahilanang pagkakaroon ng


magkakaibang pananaw ng mga mag-aaral ng Senior High School sa Our Lady of Fatima
University na apektado sa paghahanap ng sariling kakayahan at kung paano nila ito
maibabahagi sa iba.

INPUT PROSESO AWTPUT

 Anu-ano ang Inaasahang


iyong kalalabasan ng pag-
pananaw ukol aaral ay
sa makapagbigay ng
pagkakaiba- impormasyon at
 Pagsagawa
iba ng kalinawan ukol sa
ng sarbey at
kalakasan at pananaw ng
x
interbyu
talent? pagkakaiba ng
 Paggamit ng
 Paano ka mag kalakasan at talento,
Internet/Soci
babahagi ng at makapag sagawa
al Media
iyong ng mga maaaring
 Pagkonsulta
kalakasan at epektibo paraan sa
sa mga
talento sa pagbabahagi ng
naunang
ibang tao? kalakasan at talento
pag-aaral o
 Anu-ano ang ng mga mag-aaraal
thesis
mga epekto upang makatulong sa
sa mga mag-aaral na
pagbabahagi malinang ang
ng kakayahan kanilang inaangking
at talento? kalakasan at talento.

Figura 1: Paradigma ng Pag-aaral

43
Saklaw at Delimitasyon

Ang pagbuo ng pamanahunang papel na ito ay sumasaklaw ng ilang mga


indibidwal na siyang magtutugon sa sarbey kwesyuner, sa papamagitan ng Quota
Sampling. Kukuha ang mga mananaliksik ng random na mga respondente kada pangkat
ng istrand sa Academic Track ng Senior Highschool sa Our Lady of Fatima University na
aabot sa walumpu (80) na mga respondente sa kabuuan.

Ang mga kalahok ay maaaring boluntaryo lamang sapagkat lahat naman ng mag-
aaral ay may kinalaman sa pananaliksik ngunit limitado lamang ang mga kakailanganing
respondente kada pangkat ng Senior High School.

Depinisyon o Kahulugan ng mga Terminong Ginamit

Ang mga sumusunod ay ang mga terminolohiyang ginamit dito sa pag-aaral:

 ABM – Istrand na mula sa Academic Track na ang ibig sabihin ay Accounting and
Business Management
 Academic Track – ito ang track na nagpopokus sa paghahanda ng mga estudyante
para sa mga kurso na tatahakin sa kolehiyo
 Baitang – bawat taon sa pag-aaral
 Bodily/Kinesthetic – Mula sa Multiple Intelligences Theory. Ang taong may
ganitong talino ay natututo sa pamamagitan ng mga kabuoang karanasan o
interaksyon sa kapaligiran.
 Demograpikong Propayl – Personal na impormasyon ng mga respondent
 Elective Subjects – ito ay ang isang ekstrang asignatura na maaari kang pumili
kung ano ang nais mong mapag-aralan at ito ay kinakailangan na requirement sa
pagtatapos ng Junior High School
 Existentialist - Mula sa Multiple Intelligences Theory. Ito ay talino sa pagkilala sa
pagkakaugnay ng lahat sa sansinukob.

43
 GAS – Istrand na mula sa Academic Track na ang ibig sabihin ay General
Academic Strand
 HUMSS – Istrand na mula sa Academic Track na ang ibig sabihin ay Humanities
and Social Sciences
 Interpersonal - Mula sa Multiple Intelligences Theory. Ito ang talino sa
interaksyon o pakikipag-ugnayan sa ibang tao.
 Intrapersonal - Mula sa Multiple Intelligences Theory. Ang taong may talinong
ito ay natuturo sa pamamagitan ng damdamin, halaga, at pananaw.
 Junior High School – Unang apat na taon sa sekondarya
 Mathematical/Logical - Mula sa Multiple Intelligences Theory. Ang taong may
talinong ito ay mabilis natututo sa pamamagitan ng pangangatwiran at paglutas ng
suliranin o “problem solving”.
 Multiple Intellgences Theory – Ang teorya na nabuo ni Dr. Howard Gardner
noong 1983, sinasaad dito na hindi lamang iisang bagay ang talento kundi ito ay
nahahati sa walong abilidad. Ang angkop dito ang tanong na “Ano ang iyong
talino?” at hindi “Gaano ka katalino?”
 Musical/Rhythmic - Mula sa Multiple Intelligences Theory. Ang taong nagtataglay
ng talinong ito ay natututo sa pamamagitan ng paguulit, ritmo, o musika.
 Naturalist - Mula sa Multiple Intelligences Theory. Ito ang talino sa paguuri,
pagpapangkat at pagbabahagdan.
 Qouta Sampling – paraan ng pangangalap ng mga kalahok depende sa kanilang
characteristic na kailangan sa pananaliksik
 Respondente – tao na siyangtutugon sa katanungan ng sarbey at siyang sentro ng
pananaliksik
 Sarbey Kwestyuner – tala ng mga katanungan na sasagutan ng mga respondente
 Senior High School – Huling dalawang taon sa sekondarya
 STEM – Istrand na mula sa Academic Track na ang ibig sabihin ay Science and
Technology, Engineering and Mathematics
 Istrand – mga dibisyon sa bawat Track depende sa pinag-aaralan
 Track – mga pagpipilian na tatahakin sa Senior High School

43
 Verbal/Linguistic - Mula sa Multiple Intelligences Theory. Ito ang kadalasan ang
mga taong may taglay na talinong ito ay mahusay sa pagbasa, pagsulat,
pagkukwento at pagmememorya ng mga salita at petsa.
 Visual/Spatial- Mula sa Multiple Intelligences Theory. Ang taong may talinong
ito ay mabilis matuto sa pamamagitan ng paningin at pag aayos ng mga ideya.

43
Kabanata II

Mga Kaugnay na Literatura

Makikita sa kabanatang ito ang mga publikasyong may kinalaman sa pananaliksik


na ito, kasama na ang mga aklat at web page na magagamit na batayan sa pagsusuri.

Dayuhang Literatura

Ang pagkakaroon ng magkakaibang talento ng bawat estudyante ay isang


magandang paraan upang maipakita ang pagtutulungan ng bawat estudyante gamit ang
kanilang kalakasan sa iba't ibang paraan. Ang pagtutulungan sa bawat estudyante ay
mahalaga dahilh hindi nakabase sa galing ang pag-aaral naka base ito sa kaalaman na
nakakalap ng isang estudyante.

Ayon sa lugar na Africa isa sa kanilang mga kasabihan ay ang "Walang taong
ordinaryo lamang mayroon lang talagang mga taong hindi na ipapakita ang kanilang
potensyal sa kanilang nakasanayan", dito ipinapakita na lahat tayo ay mayroong talento o
kaniya kaniyang kalakasan, kailangan lamang natin itong ibahagi at ipakita sa
nakararami. Maaari din nating mas magamit ang ating mga talento o kalakasan sa
pamamagitan ng pagtulong sa ibang gusting matuto o magawa ang kung saang kalakasan
ka man magaling.

Ang Africa, lalo na ang Zimbabwe ay nagbibigay ng opurtunidad upang


maipakita ng mga tao ang kanilang kalakasan at matukoy ng iba ang mga dapat pang
palakasin at dito na papasok ang pagtulong sa kapwa upang mas lumakas at maging
maayos pa ang talento o kalakasan ng isang tao.

Ayon kay Michael Mantell, Ph.D “Huwag mong hanapin, ang iyong kalakasan ay
nasa iyo, ito’y hindi hinahanap, ito ay dapat ipinapakita, ito ay minsa’y nakikita ng iba sa

43
iyo” kaniyang sinasabi dito na hindi dapat hinahanap ang ating talento o kalakasan, ito
ay dapat nating hayaan na matuklasan at kung ito’y alam na natin ipakita natin sa iba
upang mas mapaunlad pa natin ito at malaman ang ating mga pagkukulang at tayo’y
matulungan, ito rin ay nakikita ng iba at natutuklasan nila. Ayon kay Harvard Professor
Donna Hicks “Kailangan nating pakitunguhan ang mga tao nang pantay at
makatarungan” mahalaga para sa atin na pakiramdam ang iba sa pisikal at pisolohikal
walang pag-aalala tungkol sa pagiging, ibinukod, o napahiya at na ang mga tao ay
maaaring huwag mag-atubiling makipag-usap nang walang takot sa iba.

Ayon kay Dave Ulrich "bumuo sa iyong mga lakas" ay nagmumula sa natitirang
gawain ni Martin Seligman, na kasama ng kanyang mga kasamahan at tinukoy ang
larangan ng positibong sikolohiya. Sa halip na tumuon sa kung ano ang mali sa mga
indibidwal, binibigyang diin nila kung ano ang tama. Sa halip na labanan ang depresyon,
nag-aalok sila ng mga paraan ng kliyente upang makahanap ng tunay na kaligayahan. Sa
halip na i-diagnose ang mga pathologies at overcoming ang mga ito, nais nilang makilala
ang mga lakas at bumuo sa mga ito.

Sina Monica Yunus at Camille Zamora, na nakilala habang nag-aaral ng pag-


awit sa Juilliard, ay nagtatag ng Sing for Hope upang ibahagi ang kanilang pag-ibig sa
musika sa kanilang komunidad. Nagtatanim sila ng dose-dosenang mga "pop-up pianos"
sa gitna ng mga parke at mga sulok ng kalye sa New York City kaya ang mga
manlalakbay ay maaaring maglaro ng musika o pakinggan lamang ito at bumuo ng mga
koneksyon sa mga estranghero na kung hindi man ay tahimik na maipasa sa kalye.

Ano ang isang talento o kakayahan? Mark Thurston, PhD. (2004) Ang
isang talento o kakayahan ay isang espesyal na kakayahan na gumagawa ng isang bagay
na madali o natural. Isipin na ang iyong mas mataas na sarili ay hindi pa nakapagpahayag
nang lubos sa iyong malay-tao, pisikal na buhay. Gayunpaman, ang ilan sa mga katangian
nito ay lumiwanag. Ang iyong mga talento at aptitudes ay katulad ng mga bintana na
nagpapalabas ng liwanag.

43
Ang mga talento ay tulad ng isang isyu sa labas ng isang pormal na trabaho.
Gawin mo ang iyong mga espesyal na kakayahan sa bawat oras ng araw. Ang mga lakas
at kakayahan ng iyong kaluluwa ay nais na gamitin. Sa katunayan, madarama mo ang
bigo maliban kung ginawa mo silang bahagi ng iyong mga pakikipag-ugnayan sa ibang
tao.

Ayon kay Sturgis, Chris (2015), nagbibigay ng konteksto para sa mga ito sa
pamamagitan ng pagkilala. Advance ang mga mag aaral sa pagpapakita ng karunungan.
Kabilang sa mga kakayahan ang tahasang, masusukat, malilipat na mga layunin sa pag
aaral na nagbibigay ng kapangyarihan sa mga mag-aaral. Makakatulong ang pagsusuri at
positibong karanasan sa pag aaral para sa mga estudyante. Ang mga mag aaral ay
tumatanggap ng napapanahon, naiibang suporta batay sa kanilang mga indibidwal na
pangangailangan sa pag aaral.

Ang mga natutunan sa pag-aaral ay nagbibigay din sa kakayahan na kasama ang


aplikasyon at paglikha ng kaalaman kasama ang pag unlad ng mahahalagang kasanayan
at disposisyon. Isang napakahalagang teyorya ang binuo ni Dr. Gardner Howard noong
1983, ang teorya ng multiple intelligences. Ayon kay Gardner, bagama’t lahat ng tao ay
may angking likas na kakayahan sa ibat-iba ang talino o talento. Ito ang mga sumusunod:

 Visual/Spatial- Ang taong may talinong ito ay mabilis matuto sa


pamamagitan ng paningin at pag aayos ng mga ideya.
 Verbal/Linguistic - Ito ang kadalasan ang mga taong may taglay na
talinong ito ay mahusay sa pagbasa, pagsulat, pagkukwento at
pagmememorya ng mga salita at petsa.

43
 Mathematical/Logical - Ang taong may talinong ito ay mabilis natututo sa
pamamagitan ng pangangatwiran at paglutas ng suliranin o “problem
solving”.
 Bodily/Kinesthetic - Ang taong may ganitong talino ay natututo sa
pamamagitan ng mga kabuoang karanasan o interaksyon sa kapaligiran.
 Musical/Rhythmic - Ang taong nagtataglay ng talinong ito ay natututo sa
pamamagitan ng paguulit, ritmo, o musika.
 Intrapersonal - Ang taong may talinong ito ay natuturo sa pamamagitan
ng damdamin, halaga, at pananaw.
 Interpersonal - Ito ang talino sa interaksyon o pakikipag-ugnayan sa ibang
tao.
 Naturalist - Ito ang talino sa paguuri, pagpapangkat at pagbabahagdan.
 Existentialist - Ito ay talino sa pagkilala sa pagkakaugnay ng lahat sa
sansinukob.

Ang talento at kakayahan na meron ka ay marapat lang na iyong pahalagahan,


Hindi mo man agad ito nasaksihan subalit dadating ang oras na matutuklasan mo din
kung ano ang talentong binigay sayo at maging ang iyong kakayahan. Mayroon iba't
ibang uri ng kakayahan kada isang indibidwal maaring mag katulad o magka pareho ang
meron kayo, Mula sa naibigay nina Mark Thurson PhD, na ukol sa isang trabaho, maari
mong maipakita ang iyong talento hindi lamang sa pagsayaw, pag-awit, pagpinta at iba
pa. Maari mo rin itong matuklasan sa mga trabaho o gawain. Maaring mahusay ka sa pag
gawa ng trabaho nagagawa mo ito ng maayos at naipapanalo mo ang ano mang laban
ukol dito. Iyon na ang iyong talento na maaring wala sa iba maging sa kakayahan mong
humarap sa maraming tao at mag bahagi ng iyong nalalaman. Sa ibinigay ang angking
galing ni Chris Sturgis (2015) may iba't iba tayong kakayahan na maaring hindi mo agad
ito natutuklasan. Subalit huwag mong hayaan na hindi mo ito matuklasan at marapat
lamang na iyo itong mapaunlad.

43
Lokal na Literatura

Ano nga ba ang talento? Ayon kay Channy Hunyo 27, 2017 Ang talento ay isang
pambihira at likas na kakayahan samantalang ang kakayahan ay kalakasang intelektwal
upang makagawa ng isang pambihirang bagay. Ang talento ay nag papakita ng
kagalingan mula sa mga likas na kakayahan halimbawa na lamang, talento mo ang pag
sayaw. At ang kakayahan ay kalakasang intelektwal na kung saan ito ay ginagamitan ng
isip halimbawa kakayahang sumagot ng isang solution sa math. Ilan dito ang nag
papakita ng pag kakaiba ng talento sa kakayahan:

 Ang talento ay mula sa pambihirang katangian na minana sa magulang


samantalang ang kakayahan ay tinataglay ng tao dahil sa kanyang
kakayahang mag-isip.
 Ang talento ay mahirap sukatin samantalang ang kakayahan ay tinataglay
ng tao dahil sa kanyang kakayahang mag-isip.
 Ang talento ay kusang lumalabas sa takdang panahon samantalang ang
kakayahan ay kailangang dumaan sa proseso ng pagsasanay.

Bukod sa kaniyang naibanggit na ang talento ay mahirap sukatin samantalang ang


kakayahan ay tinataglay ng tao dahil sa kakayahan nitong mag isip. Pareho itong
ginagamitan ng pag iisip subalit magka iba sila ng gamit, Ang talento at kakayahan ay
ibinigay sa bawat indibidwal kaya lahat tayo ay may talento sa isang bagay at may
kakayahan din. Halimbawa ang iyong kakayahan ay ang pag mememorya kakayahan
mong mag bahagi at ibapa. Samantalang ang talento ito ay kusang lumalabas minsan
nakikita ito habang ikaw ay lumalaki at ang iba naman ay natutuklasan lamang ito.
Sapagkat hindi lahat ay nakakatuklas ng kanilang kakayahan at talento agad ang iba ay
natutuklasan lamang ito mula sa pagsubok mong gawin ito kung hindi mo maramdamang
iyon ay para sa iyo tutuklas ka muli ng panibago. Halimbawa na lamang, Hindi mo alam
na may talento ka pala sa pagsayaw ng dahil sa iyong pag sali at pag eensayo dumating sa

43
puntong ito ay iyong natutuklasan na may talento ka sa pag sayaw. At may kakayahan
kang matuklasan ito. May iba’t ibang uri ng talento subalit hindi ito dahilan upang
maging hadlang na maibahagi ang iyong kakayahan sa iba. Marapat lang ibahagi mo sa
iba kung ano ang sa tingin mong kaya mong maitulong sapagkat matutulungan mo din
ang iyong kapwa sa paraan ng pagbabahagi.

Ayon kay John Carlo Andino (2006), "Ang bawat tao sa mundo ay may kaniya-
kaniyang kakayahang talento na ibinigay at ipinagkaloob sa atin ng Diyos at dito sa
Pilipinas sinasabing isang bansang mahirap ay masasabi Kong mahirap nga mayaman
naman at nag tataglay nang pambihira at kakaibang mga talento", Ayon sa kaniyang
sinabi ano man ang estado ng isang tao sa buhay, Nag tataglay ito ng angking talento at
kakayahan. Ngunit ano nga ba ang talento? Ang talento ay mula sa Diyos na
ipinagkaloob sa tao. May iba't-ibang uri ng talento ang kagalingan sa pag sayaw, pag
awit, pag pinta o pag guhit ang pagiging magaling sa asignatura. Ang iba naman ay may
kakayahan sa pag lalaro ng mga pang pisikal na bagay. May pag kakaiba ang bawat
indibidwal maaring ang kaya kong gawin ay hindi kayang gawin ng iba at kaya nilang
gawin ay hindi ko naman kaya.

Tungkulin nating paunlarin ang mga talentong ibinigay sa atin. Kung minsan
naiisip nating wala tayong maraming talento at ang iba lamang ang pinagpala. Kung
minsan hindi natin ginagamit ang ating talento dahil natatakot tayo na baka ay mabigo o
mahusgahan tayo. May ilan tayong kailangang gawin upang mapaunlad natin ang ating
mga talento.

 Una, Kailangan nating tuklasan ang ating talento, dapat nating suriin ang
ating sarili upang malaman ang ating mga kakayahan.
 Pangalawa, kailangan handa tayong mag ukol ng panahon at pagsisikap
na mapaunlad ito.
 Pangatlo, kailangan nating manampalataya at mag tiwala sa ating sarili.

43
 Pangapat, kailangan nating matutunan ang mga kasanayang kailangang
maipaunlad ang ating talento.
 Panglima, Sanayin natin ang sarili sa pag gamit ng talento.
 Panganim, Kailangan nating ibahagi ang ating talento.

Kung napaunlad mo na ang iyong talento, gamitin mo ito sa tama. Huwag


maging mapag mataas bagkus ay ibahagi din natin ito sa iba. Tulungan mo ang alam
mong nanghihingi dahil dumaan ka din sa puntong ganiyan. Huwag din matakot na
ibahagi ito sa iba upang makatulong ka. Lagi nating tatandaan na may pag kakaiba iba
tayo ng kakayahan subalit hindi dapat tayo magkaroon ng pagkakaiba bagkus pagkaka isa
sa paraan ng pag babahagi sa iba.

Huwag mong ibaba ang iyong sarili sa mga kaisipang wala kang talento o
kakayahan sa ibang bagay. Iyong pakatatandaan na maaring hindi mo pa ito natutuklasan
agad maaring magulat ka na lamang na may ganito ka palang talentong naitatago na
marapat lamang na mapaunlad mo ito at kapag napaunlad mo na ang iyong sarili saka mo
ibahagi sa iba, Maari din na habang pinapaunlad mo ang iyong sarili ay napapaunlad mo
na din ito. Ang pag papaunlad mo sa iyong sarili ay mag bibigay ng lakas ng loob upang
maipakita kung anong meron ka ngunit hindi dapat ito magiging dahilan upang maging
mapag taas sa iyong sarili. Hindi ito maging dahilan upang lamangan mo ang iba,
Sapagkat meron tayong pagkaka iba iba. Maaring ang kaniya ay di pa niya natutuklasan
at kapag natuklasan na ito maaring ang meron siya ay hindi mo kaya. Kaya marapat lang
na panatilihin mababa padin natin ang ating sarili sa mga talento at kakayahang naibigay
sa atin.

43
Kabanata III

Disenyo at Metodo ng Pananaliksik

Ang kabanatang ito ay naglalaman ng metodolohiyang ginamit para sa pag-aaral.


Ito ay naglululan ng disenyo ng pag-aaral, lugar kung saan isinagawa ang pag-aaral, mga
halimbawang teknik na ginamit ng mga mananaliksik, instrumentasyon, at pagangalap ng
datos pati ang istatistikong ulat.

Disenyo ng Pananaliksik

Ang naisagawang pananaliksik ay gumamit ng deskriptibong metodolohiya ng


pananaliksik. Maraming uri ng deskriptibong pananaliksik, ngunit napili ng mga
mananaliksik na gamitin ay ang deskriptibong sarbey (Descriptive Survey Research
Design), na gumagamit ng talatanungan na gagamitin ng grupo sa pag-aaral tungkol sa
pagkakaiba-iba ng mga mag-aaral sa kanilang mga kalakasan at talento at ang bunga nito
sa pananaw ng mga mag-aaral na hinahanap at nahanap na ang sariling kakayahan at
talino. Naniniwala ang mga mananaliksik na angkop ang disenyong ito sa napiling paksa
sapagkat mapapadali ang pangangalap ng datos mula sa maraming respondente.

Lokal ng Pananaliksik

Ang saklaw ng pag-aaral ay binubuo ng walumpu (80) na mag-aaral na nasa


Senior High School ng Our Lady of Fatima University, #1 Esperanza St., Hilltop
Mansion Heights, Lagro, Quezon City na nakakaranas ng paghahanap o nahihiripan sa
pagbabahagi ng kanilang kakayahan at talento at sa mga nahanap na o nakapagbahagi na
ng inaangking kakayahan at talento.

43
Taktika sa pagkuha ng Datos

Ang mga mananaliksik ay gumamit ng Quota Sampling Technique sa pagkuha ng


mga respondente na kung saan ang mga kalahok ay galing sa mga kinabibilangan na
istrand sa Academic Track (STEM, ABM, HUMSS at GAS). Kinakailangan na ang mga
respondente ay nasa Senior High School na galing sa STEM, ABM, HUMSS at GAS na
may tigdadalawampu (20) na respondente. Ang mga kalahok ay maaaring magboluntaryo
lamang kada pangkat sa bawat istrand.

Hakbang sa Paglikom ng mga Datos

Ang mga mananaliksik ay gumawa at naghanda ng mga kwestyuner na sasagutan


ng mga respondente. Pagkatapos sagutan ang mga sarbey kwestyuner ay pag-aaralan at
iipunin ang mga nakalap na datos sa isang grap kung saan kukunin ng mga mananaliksik
ang bahagdan o porsyento ng mga magkakatulad na sagot ng mga respondente sa bawat
tanong. Pagkatapos ay pagsasamahin ang mga bahagdan ng sagot ng mga respondente sa
tig-iisang grap upang mapadali ang paghahambing ng mga sagot bawat tanong. Masusing
aanalisahin at gagawan ng pagbubuod at konklusyon ng mga mananaliksik ang mga
kasagutan ng bawat respondente. Sa paraang ito ay makukuha ng mga mananaliksik ang
pananaw ng mga respondent ukol sa pagkakaiba ng kalakasan ng bawat isa, kung paano
ito nakakaapekto sa bawat isa at mga maaaring paraan sa paghasa at pagbabahagi ng
inaangking kalakasan at talento ng mga mag-aaral.

INSTRUMENTO NG PANANANALIKSIK

Kwestyuner:

Sarbey kwestyuner ang ginamit sa pagkalap ng mga impormasyon sa pag-aaral na


ito. Ang sarbey kwestyuner ay naglalaman ng mga katanungan na maaaring pagkuhanan
ng sagot at pananaw ng mga respondent patungkol sa pagkakaiba ng kalakasan at talento
ng bawat isa. Sa pamamagitan nito ay masasagot ang mga katanungan ng mga

43
mananaliksik ukol sa mga nagiging karanasan ng mga mag-aaral sa paghahanap o
pagbabahagi ng inaangking kalakasan at talento.

Pinili ng mga mananaliksik ang paggamit ng talatanungan sapagkat ito ang


pinakamabilis at pinakamabisang instrumento sa pagkalap ng impormasyon. Pagkatapos
ito sagutan ay isasagawa ang pagkuha ng datos at bahagdan sa bawat sagot ng mga
katanungan at susunod dito ang paggawa ng grap na nakabase sa mga sagot ng mga
respondente.

Istatistikong Pamamaraan

Ginamit bilang istatistikong pamamaraan sa pagtitimbang at pagsukat ng mga


datos ang percentage technique sa pananaliksik na ito.

Ginamit ang percentage technique upang makita ang kinalabasan ng gagawing


pagsusuri batay sa mga sagot ng mga respondent. Ginagamit din ito upang makuha ang
pangkalahatang bahagdan ng bilang ng magkakaparehong mga sagot sa isang partikular
na tanong. Ang ginamit na pormula ay ang:

f
%= × 100
n

Kung saan:

% = bahagdan

f = bilang ng sagot

n = bilang ng repondente

43
Kabanata IV

Presentasyon at Interpretasyon ng mga Datos

Ang kabanatang ito ay naglalaman ng mga resultang nakalap mula sa sarbey


kwestyuner na sinagutan ng mga mag-aaral ng Senior High School sa Our Lady of Fatima
University.

Talahanayan Blg. 1
Edad ng mga Respondente
Edad Bilang Bahagdan
16 33 41.25%
17 29 36.25%
18 13 16.25%
19 4 5%
Kabuuan 79* 98.75%*
Propayl ng mga Respondente

* Hindi nilagay ng isang respondente ang kaniyang edad.

Ang Talahanayang blg. 1 ay naglalaman ng edad ng walumpung (80) mga


respondente. Sila ay may gulang mula labing-anim (16) hanggang labingsiyam (19) na
taon. Nakasaad dito ang bilang at bahagdan ng mga respondente ayon sa kanilang edad.
Ipinapakita ditto na mas marami ang mga respondenteng may edad labing-anim (16) na
may bilang na tatlumpu’t tatlo (33) o bahagdan na 41.5%; Sumunod ang bilang ng mga
respondenteng may edad na labimpito (17) na may dalawampu’t siyam (29) na katao na
may bahagdan na 36.25%; May labingtatlo (13) o 16.25% na mga respondente ang may
gulang na labing-walo; At ang pinaka-kakaunting bilang ay may edad na labingsiyam
(19) na may apat (4) na katao o bahagdan na 5%. Makikita sa talahanayang ito na marami
ang mga Senior High School na may gulang na labing-anim.

May isa (1) o 1.25% na respondente ang hindi naglagay ng kaniyang edad.

43
Talahanayan Blg. 2
Istrand ng mga Respondente
Istrand Bilang Bahagdan
STEM 20 25%
ABM 20 25%
HUMSS 20 25%
GAS 20 25%
Kabuuan 80 100%

Ang Talahanayan blg. 2 ay naglalaman ng istrand ng walumpung (80) mga


respondente. Sila ay nanggagaling sa STEM, ABM, HUMSS, at GAS. Nakasaad dito ang
bilang at bahagdan ng mga respondente ayon sa kanilang istrand na kinabibilangan.
Ipinapakita dito na parepareho ang dami ng mga respondente na may bilang na
tigdadalawampu (20) na katao o bahagdan na 25%.

Talahanayan Blg. 3
Pinal na Marka (1st Sem) ng mga Respondente na Mula sa STEM
Marka Bilang Bahagdan
85 (High Average) 0 0%
86-88 (Very Satisfactory) 4 20%
89-91 (Good) 10 50%
92-94 (Very Good) 5 25%
95-96 (Superior) 0 0%
Kabuuan 19* 95%*
* Hindi nilagay ng isang respondente ang kaniyang pinal na marka noong 1st sem.

Ang Talahanayan Blg. 3 ay naglalaman ng dalawampung (20) respondente na


galing sa istrand na STEM. Ipinapakita dito ang mga average grade ng mga mag-aaral ng
STEM noong 1st sem. Makikita na marami ang nakakuha ng walumpu’t siyam hanggang
siyamnapu’t isa (89-91) na may sampung (10) katao at may bahagdan na 50%. Sumunod
ang very good o siyamnapu’t dalawa hanggang siyamnapu’t apat (92-94) na may limang
(5) katao at may 25% na bahagdan; pagkatapos ay ang average na walumpu’t anim
hanggang walumpu’t walo (86-88) na may apat (4) na katao at may bahagdang 20%.

43
Pareho namang walang bilang ang Superior at Above Average. Makikita na karamihan ng
mga mag-aaral ng STEM ay matataas ang grado noong unang semester.

Mayroong isa (1) o 5% na respondente ang hindi naglagay ng kanyang pinal na


marka noong unang semestre.

Talahanayan Blg. 4
Pinal na Marka (1st Sem) ng mga Respondente na Mula sa ABM
Marka Bilang Bahagdan
85 (High Average) 0 0%
86-88 (Very Satisfactory) 4 20%
89-91 (Good) 12 60%
92-94 (Very Good) 2 10%
95-96 (Superior) 0 0%
Kabuuan 18* 90%*
* Hindi nilagay ng dalawang respondente ang kanilang pinal na marka noong 1st sem.

Ang Talahanayan Blg. 4 ay naglalaman ng dalawampung (20) respondente na


galing sa istrand na ABM. Makikita na marami ang nakakuha ng walumpu’t siyam
hanggang siyamnapu’t isa (89-91) o good na may labingdalawa (12) na katao at may
bahagdan na 60%. Sumunod ang very satisfactory o walumpu’t anim hanggang
walumpu’t walo (86-88) na may apat (4) katao at may 20% na bahagdan; pagkatapos ay
ang markang siyamnapu’t dalawa hanggang siyamnapu’t apat (92-94) na may dalawa (2)
na katao at may bahagdang 10%. Makikita na karamihan ng mga mag-aaral ng ABM ay
matataas ang grado noong unang semestre.

Mayroong dalawa (2) o 10% na respondente ang hindi naglagay ng kanilang pinal
na marka noong unang semestre.

Talahanayan Blg. 5
Pinal na Marka (1st Sem) ng mga Respondente na Mula sa HUMSS
Marka Bilang Bahagdan
85 (High Average) 0 0%
86-88 (Very Satisfactory) 2 10%
89-91 (Good) 10 50%

43
92-94 (Very Good) 4 20%
95-96 (Superior) 2 10%
Kabuuan 18* 90%*
* Hindi nilagay ng dalawang respondente ang kanilang pinal na marka noong 1st sem.

Ang Talahanayan blg. 5 ay naglalaman ng dalawampu (20) na respondente na


mula sa istrand na HUMSS. Nakasaad dito na ang pinakamaraming nakakuha ng
walumpu’t siyam hanggang siyamnapu’t isa (89-91) na marka ay may sampung (10)
katao at may bahagdan na 50%. Sumunod ang may markang siyamnapu’t dalawa
hanggang siyamnapu’t apat (92-94) na may apat (4) na katao at may bahagdang 20%.
Magkapareho naman ng bilang ang may markang walumpu’t anim hanggang walumpu’t
walo (86-88) at siyamnapu’t lima hanggang siyamnapu’t anim (95-96) na may
tigdadalawang (2) katao, na may bahagdang 10%. Mahihinuha na tunay ngang mataas
ang pinal marka ng mga mag-aaral ng HUMSS noong unang semestre.

Mayroong dalawa (2) o 10% na respondente ang hindi naglagay ng kanilang


pinal na marka noong unang semestre.

Talahanayan Blg. 6
Pinal na Marka (1st Sem) ng mga Respondente na Mula sa GAS
Marka Bilang Bahagdan
85 (High Average) 3 15%
86-88 (Very Satisfactory) 3 15%
89-91 (Good) 6 30%
92-94 (Very Good) 3 15%
95-96 (Superior) 1 5%
Kabuuan 16* 80%*
* Hindi nilagay ng apat na respondente ang kanilang pinal na marka noong 1st sem.

43
Ang Talahanayan blg. 6 ay naglalaman ng dalawampung (20) respondente na
mula sa istrand na GAS. Nakasaad dito ang pinal na marka ng mga mag-aaral ng HUMSS
noong unang semestre. Makikita na maraming respondente ang nakakuha ng walumpu’t
siyam hanggang siyamnapu’t isa (89-91) na may anim (6) na katao at may bahagdan na
30%. Magkakapareho naman ng bilang ang walumpu’t lima (85), walumpu’t anim
hanggang walumpu’t walo (86-88) at siyamnapu’t dalawa hanggang siyamnapu’t apat
(92-94) na may tig-tatatlong (3) katao, na may bahagdan na 15%. At isa (1) o 5% na
respondente naman ang nakakuha ng siyamnapu’t lima hanggang siyamnapu’t anim (95-
96) o Superior. Makikitang balanse ang mga nakukuhang pinal na marka ng mga mag-
aaral HUMSS noong unang semestre.

Mayroong apat (4) o 20% na respondente ang hindi naglagay ng kanilang pinal na
marka noong unang semester.

43
Talahanayan Blg. 7
Kabuuang Pinal na Marka (1st Sem) ng mga Respondente
Marka Bilang Bahagdan
85 (High Average) 3 3.75%
86-88 (Very Satisfactory) 13 16.25%
89-91 (Good) 38 47.5%
92-94 (Very Good) 14 17.5%
95-96 (Superior) 3 3.75%
Kabuuan 71* 88.75%*
* Hindi nilagay ng siyam na respondente ang kanilang pinal na marka noong 1st sem.

Ang talahanayan blg. 7 ay naglalaman ng datos patungkol sa kabuuang pinal na


marka noong 1st sem ng walumpung (80) mga respondente. Nakasaad din dito ang
kabuuang bilang at bahagdan ng mga respondente ayon sa kanilang pinal na marka noong
(1st sem). Ipinapakita na marami ang bilang ng mga respondente na may markang
walumpu’t siyam hanggang siyamnapu’t isa (89-91) na may tatlumpu’t walong (38)
katao o bahagdan na 47.5%. Sumunod ang bilang ng mga respondente na may markang
siyamnapu’t dalalawa hanggang siyamnapu’t apat (92-94) na may labingapat (14) na
katao o bahagdan na 17.5%; May labingtatlo (13) o 16.25% na mga respondente ang may
markang walumpu’t anim hanggang walumpu’t walo (86-88); At ang mga pinaka-
kakaunti na bilang ay may markang walumpu’t lima (85) at siyamnapu’t lima hanggang
siyamnapu’t anim (95-96) na may tig-tatatlong (3) katao o bahagdan na 3.75%. Makikita
marami ang nakakuha ng matataas na pinal na marka na may line of nine (9) ang mga
mag-aaral noong unang semestre.

May siyam (9) o 11.25% na mga respondente ang hindi naglagay ng kanilang
pinal na marka noong 1st sem.

43
Talahanayan Blg. 8
Kahinaang Asignatura ng mga Respondente na Mula sa STEM
Asignatura Bilang Bahagdan
Math 7 35%
English 4 20%
Science 3 15%
Filipino 1 5%
P.E. 2 10%
UCSPOL 1 5%
Kabuuan 18* 90%*
* Hindi nilagay ng dalawang respondente ang kanilang kahinaang asignatura mula sa
STEM.

Ang Talahanayan blg. 8 ay naglalaman ng datos ukol sa kahinaang asignatura ng


dalawampung (20) respondente na mula sa istrand na STEM. Nakasaad dito ang bilang at
bahagdan ng kahinaang asignatura ng mga mag-aaaral ng STEM. Ang pinakamaraming
nahihirapan ay sa asignaturang Math na may pitong (7) katao, na may bahagdang 35%.
Sumunod naman ang English na may apat (4) na katao at may bahagdan na 20%.
Sumunod ang science na may tatlong (3) katao o bahagdan na 15%. Sumunod ang P.E na
may dalawang (2) katao at may bahagdan na 10%. Magkaparehong bilang naman ang
Filipino at UCSPOL na may tig-iisang (1) katao, na may bahagdang 5%. Mahihinuha na
nahihirapan parin ang mga mag-aaral ng STEM sa asignaturang math kahit na mayroon
silang specialized subject at ito ay ang pre-cal.

Mayroong dalawa (2) o 10% na respondente ang hindi naglagay ng kanilang


kahinaang asignatura.

43
Talahanayan Blg. 9
Kahinaang Asignatura ng mga Respondente na Mula sa ABM
Asignatura Bilang Bahagdan
Accounting 7 35%
English 3 15%
ORG. & MAN. 1 5%
Math 4 20%
UCSPOL 1 5%
Science 4 20%
EALS 1 5%
Kabuuan 21* 105%*
* Sobra ng isang sagot ang nilagay ng isang respondente sa kaniyang kahinaang
asignatura mula sa ABM.

Ang Talahanayan blg. 9 ay naglalaman ng impormasyon ukol sa kahinaang


asignatura ng dalawampung (20) respondente na mula sa ABM. Ang may
pinakamaraming bilang na kahinaang asignatura ng ABM ay ang Accounting na may
pitong (7) katao o bahagdan na 35%. Sumunod ang asignaturang Math at Science na may
tig-aapat (4) na katao o bahagdan na 20%. Sumunod ang English na may tatlong (3) katao
o bahagdan na 15%. At ang pinaka-kakaunti ay ang mga signaturang Organization and
Management, UCSPOL, at EALS na may tig-iisang (1) katao, na may bahagdan na 5%.
Mahihinuha na nahihirapan parin ang ibang mga mag-aaral ng ABM sa Accounting kahit
na ito’y isa sa kanilang asignatura na wala sa ibang istrand.

May isa (1) o 5% na respondente na higit sa isa ang sagot sa kahinaang


asignatura kaya ang kabuuan ng na-tally ay lumagpas sa istandard na kabuuan.

43
Talahanayan Blg. 10
Kahinaang Asignatura ng mga Respondente na Mula sa HUMSS
Asignatura Bilang Bahagdan
Math 8 40%
English 2 10%
Science 7 35%
UCSPOL 2 10%
Kabuuan 19* 95%*
* Hindi nilagay ng isang respondente ang kaniyang kahinaang asignatura mula sa
HUMSS.

Ang Talahanayan blg. 10 ay naglalaman ng datos ukol sa kahinaang asignatura ng


dalawampung (20) respondente na mula sa HUMSS. Nakasaad dito ang bilang at
bahagdan ng kahinaang asignatura ng mga mag-aaral ng HUMSS. Ang may
pinakamataas na bilang ng kanilang kahinaang asignatura ay ang Math na may walong
(8) katao at may bahagdan na 40%. Sumunod ang Science na may pitong (7) katao o
bahagdan na 35%. At ang mga asignatura na English at UCSPOL na may parehong
bilang na tig-dadalawang (2) katao o bahagdan na 10%. Mahihinuha na nahihirapan ang
ibang mag-aaral ng HUMSS sa asignaturang Math at Science.

Mayroong isa (1) o 5% na respondente ang hindi naglagay ng kaniyang kahinaang


asignatura.

43
Talahanayan Blg. 11
Kahinaang Asignatura ng mga Respondente na Mula sa GAS
Asignatura Bilang Bahagdan
Math 9 45%
English 3 15%
Science 2 10%
Filipino 3 15%
Kabuuan 17* 85%*
* Hindi nilagay ng tatlong respondente ang kanilang kahinaang asignatura mula sa GAS.

Ang Talahanayan Blg. 11 ay naglalaman ng impormasyon ukol sa kahinaang


asignaturan ng dalwampung (20) respondente na mula sa GAS. Nakasaad dito ang bilang
at bahagdan ng mga kahinaang asignatura ng mga mag-aaral ng GAS. Ang
pinakamaraming bilang ay ang asignaturang Math na may siyam (9) na bilang, na may
bahagdang 45%. Ang sumunod ay ang mga asignaturang English at Filipino na may tig-
tatalong (3) katao o bahagdan na 15%. At ang pinaka-kakaunting bilang ang asignaturang
Science na may dalawalang (2) katao, na may bahagdang 10%. Mahihinuha na
nnahihirapan ang mga mag-aaral ng GAS sa asignaturang Math.

Mayroong tatlo (3) o 15% na respondente ang hindi naglagay ng kanilang


kahinaang asignatura.

43
Talahanayan Blg. 12
Kalakasang Asignatura ng mga Respondente na Mula sa STEM
Asignatura Bilang Bahagdan
Math 6 30%
English 3 15%
Science 5 25%
Filipino 2 10%
P.E. 2 10%
Kabuuan 18* 90%*

* Hindi nilagay ng dalawang respondente ang kanilang kalakasang asignatura mula sa


STEM.

Ang Talahanayan blg. 12 ay naglalaman ng datos ukol sa kalakasang asignatura


ng dalawampung (20) respondente na mula sa STEM. Nakasaad dito ang bilang at
bahagdan ng kalasakang asignatura ng mga mag-aaral ng STEM. Ang may
pinakamaraming bilang ay ang asignaturang Math na may anim (6) na katao o bahagdan
na 30%. Sumunod ang Science na may limang (5) katao, na may bahagdan na 25%.
Sumunod ang asignaturang English na may tatlong (3) katao at may bahagdang 15%. At
may kakaunting bilang ang mga asignaturang Filipino at P.E. na may tig-dadalawang (2)
katao at maybahagdang 10%. Mahihinuha dito na may mga mag-aaral ng STEM ay may
kalakasan sa asignaturang Math at Science na halos katumbas ng mga mag-aaral na may
kahinaan sa asignaturang Math at Science sa Talahanayan blg. 8.

Mayroong dalawa (2) o 10% na respondente ang hindi naglagay ng


kanilang kalakasang asignatura.

43
Talahanayan Blg. 13
Kalakasang Asignatura ng mga Respondente na Mula sa ABM
Asignatura Bilang Bahagdan
Math 8 40%
English 6 30%
Filipino 4 20%%
P.E. 2 10%
ORG. & MAN. 1 5%
Kabuuan 21* 105%*

* Sobra ng isang sagot ang nilagay ng isang respondente sa kaniyang kalakasang


asignatura mula sa ABM.

Ang Talahanayan blg. 13 ay naglalaman ng impormasyon ukol sa kalakasang


asignatura ng dalawampung (20) respondente na mula sa ABM. Nakasaad dito ang bilang
at bahagdan ng kalasakang asignatura ng mga mag-aaral ng ABM. Ang may
pinakamalaking bilang ay ang asignaturang Math na may walong (8) katao o bahagdan na
40%. Sumunod ang English na may anim (6) na katao o bahagdan na 30%. Sumunod ang
Filipino na may apat (4) na kato, na may bahagdang 20%. Sumunod ang P.E. na may
dalawang (2) katao at bahagdan na 10%. At ang pinaka-kakaunti ay ang asignaturang
Organization and Management na may isang (1) tao o 5% na bahagdan. Mahihinuha ditto
na may mga mag-aaral ng ABM na magagaling sa Math a mayroon ding sakto lamang
tulad ng nasa Talahanayan blg. 9.

May isa (1) o 5% na respondente na higit sa isa ang sagot sa kalakasang


asignatura kaya ang kabuuan ng na-tally ay lumagpas sa istandard na kabuuan.

43
Talahanayan Blg. 14
Kalakasang Asignatura ng mga Respondente na Mula sa HUMSS
Asignatura Bilang Bahagdan
Math 8 40%
English 2 10%
Science 5 25%
PD 1 5%
Research 1 5%
PE 1 5%
Kabuuan 18* 90%*
* Hindi nilagay ng dalawang respondente ang kanilang kalakasang asignatura mula sa
HUMSS.

Ang Talahanayan blg. 14 ay naglalaman ng datos ukol sa kalakasang asignatura


ng dalawampung (20) respondente na mula sa HUMSS. Nakasaad dito ang bilang at
bahagdan ng kalasakang asignatura ng mga mag-aaral ng HUMSS. Ang may
pinakamaraming bilang ay ang asignaturang Math na walong (8) katao o bahagdan na
40%. Sumunod ang Science na may limang (5) katao o bahagdan na 25%. Sumunod ang
English na may dalawang (2) katao o bahagdan na 10%. At ang mga kakaunting bilang
ay ang mga asignaturang P.D., Research, at P.E. na may tig-iisang (1) katao o bahagdan
na 5%. Mahihinuha dito na ang ibang mag-aaral ng HUMSS ay malakas sa asignaturang
Math at may iba ding mahina tulad na lamang na nasa Talahanayan blg. 10.

Mayroong dalawa (2) o 10% na respondente ang hindi naglagay ng kanilang


kalakasang asignatura.

43
Talahanayan Blg. 15
Kalakasang Asignatura ng mga Respondente na Mula sa GAS
Asignatura Bilang Bahagdan
Math 3 15%
English 8 40%
Science 1 5%
PE 2 10%

ICT 2 10%
Kabuuan 16* 80%*
* Hindi nilagay ng apat na respondente ang kanilang kalakasang asignatura mula sa GAS.

Ang Talahanayan blg. 15 ay naglalaman ng impormasyon ukol sa kalakasang


asignatura ng dalawampung (20) respondente na mula sa GAS. Nakasaad dito ang bilang
at bahagdan ng kalasakang asignatura ng mga mag-aaral ng GAS. Ang may
pinakamaraming bilang ay ang asignaturang English na may walong (8) katao, na may
bahagdang 40%. Sumunod ang Math na may tatlong (3) katao o bahagdan na 15%.
Sumunod ang mga signaturang P.E. at I.C.T. na may parehong bilang na tig-dadalawang
(2) katao, na may bahagdan na 10%. At ang pinaka-kakaunti ay ang asignaturang Science
na may isang (1) tao o bahagdan na 5%, Mahihinuha dito na karamihan sa mga mag-aaral
ng GAS ay may kalakasan sa asignaturang English.

Mayroong apat (4) o 20% na respondente ang hindi naglagay ng kanilang


kalakasang asignatura.

43
Grap Blg. 1

35

30

25

20

15

10

0
A B C D E

Pananaw ng mga mag-aaral sa pagkakaiba-iba ng kaniya-kaniyang kalakasan at

Pamimilian:

A. Ito ay nakakatulong sa pagkakaisa at pagtutulungan ng bawat isa sa loob ng


silid-aralan.
B. Ito ay nakakapag-unlad sa kalakasan at nakatutulong malagpasan ang kahinaan
ng bawat isa.
C. Nakakahadlang ito sa pagkakaintindihan ng bawat isa.
D. Nagkakaroon ng iba’t ibang grupo ng mga pagkakaibigan na umaayon sa
pagkakapareho ng mga kakayahan, hilig, talento at kalakasan sa kabila ng
pagkakaiba.
E. Ibang kasagutan

talento

Ang Grap blg. 1 ay naglalaman ng walumpung (80) mga respondente.


Nakapalagay dito ang kanilang mga papanaw ukol sa pagkakaiba-iba ng kalakasan at
talento ng bawat isa. Maraming mga respondente ang may pananaw na ang pagkakaiba-

43
iba ng kalakasan at talento ng bawat isa ay nakakapag-unlad sa kalakasan at nakatutulong
malagpasan ang kahinaan ng bawat isa. Nakapagtala ito ng tatlumpu’t tatlong (33) katao
o may bahagdan na 41.25%. Sumunod ang bilang ng mga respondente na ang pananaw
tungkol dito ay nakakatulong sa pagkakaisa at pagtutulungan ng bawat isa sa loob ng
silid-aralan na may bilang na dalawampu’t apat (24) na katao o may bahagdan na 30%.
Kasunod nito ang mga respondenteng may pananaw na nagkakaroon ng iba’t ibang grupo
ng mga pagkakaibigan na umaayon sa pagkakapareho ng kanilang mga kakayahan, hilig,
talento at kalakasan sa kabila ng pagkakaiba na may bilang na dalawampu’t dalawang
(22) katao o may bahagdan na 27.5%. At ang pinaka-kakaunting kasagutan ay ang
pananaw na nakakahadlang ito sa pagkakaintindihan ng bawat isa na nakapagtala lamang
ng tatlong (3) katao o may bahagdan na 3.75%. Walang nagsagot sa letrang E o hindi
nagbigay ng sariling sagot ang mga respondente. Mahihinuha dito na sa pamamagitan ng
pagtutulong tulong ng mawat isa sa kabila ng mga kaniya-kaniyang pagkakaiba ay
posibleng malampasan natin ang ating mga kahinaan sa tulong ng mga kalakasan ng
bawat isa.

Ang kabuuan ng nalikom na sagot ay sobra ng dalawa (2) o may bahagdan na


2.5% dahil may dalawang (2) respondente na higit sa isa ang piniling kasagutan.

43
Grap Blg. 2

35

30

25

20

15

10

0
A B C D E

Ang mga naitutulong sa isang mag-aaral na may karanasan sa pagbabahagi ng

Pamimilian: (Huwag sagutan ang bilang tatlo kung ang sagot ay A, B, C at E)


A. Mas nahasa ko ang aking kalakasan/talento
B. Ako’y nagiging produktibo araw-araw
C. Nakakatuklas ako ng aking bagong kakayahan
D. Hindi pa (sagutan ang bilang 3)
E. Ibang kasagutan

inaangking kalakasan at talento

Ang Grap blg. 2 ay naglalaman ng walumpung (80) mga respondente. Nakasaad


dito ang mga naiitutulong sa isang mag-aaral na may karanasan sa pagbabahagi ng
inaangking kalakasan attalento. Malaking bilang ng mga respondente na nagsagot na
nakakatulong ito sa paghasa ng sariling kalakasan o talento na may bilang na tatlumpu’t
dalawang (32) katao may bahagdan na 40%. Sumunod ang bilang ng mga respondente na
ang sagot ay nagiging produktibo araw-araw na may bilang na dalawampu’t tatlong (23)

43
katao o may bahagdan na 28.75%. Kasunod nito ang nga respondenteng nagsagot na
hindi pa nila naibabahagi ang inaangking kakayahan o talento na may bilang na labing-
anim (16) na katao o may bahagdan na 20%. At ang mga respondente na nagsagot ng
nakakatuklas pa sila ng bagong kakayahan ay may bilang na siyam (9) na respondente o
may bahagdan na 11.25%. Walang nagsagot sa letrang E o hindi nagbigay ng sariling
sagot ang mga respondente. Mahihinuha dito na kung lagi nating ginagamit at ineensayo
ang ating kalakasan at talento ay maaaring mas lalo tayong gumaling at malinang ang
inaangking kalakasan at talento, at maging produktibo sa pang-araw-araw na buhay.

Grap Blg. 3

43
10

0
A B C D E

Mga posibleng dahilan kung bakit hindi pa naipapamalas ng isang mag-aaral ang
inaangking kalakasan at talento
Pamimilian:
A. Wala akong lakas ng loob
B. Hindi ko pa ito natutuklasan
C. Walang pagkakataon.
D. Hindi Interesado
E. Ibang kasagutan

Ang Grap blg. 3 ay naglalaman ng labing-anim (16) na mga respondente. Sila ang
mga nagsagot ng hindi pa naibabahagi ang inaangking kalakasan at talento. Ang
pinakamaraming bilang ng respondente ay sumagot na wala silang lakas ng loob para
ibahagi ang kanilang kalakasan at talento na may bilang na sampung (10) katao o may
bahagdan na 62.5%. Sumunod ay ang mga respondenteng hindi interesado sa
pagbabahagi ng inaangking kalakasan na nakapagtala ng tatlong (3) katao o may
bahagdan na 18.65%. Kasunod naman nito ay ang mga respondente na walang
pagkakataon na magbahagi ng inaangking kalakasan at talento na may bilang na
dalawang (2) katao o may bahagdan na 12.5%. At mayroong isa (1) o 6.25% na

43
respondente ang hindi pa natutuklasan ang inaangking kalakasan at talento. Walang
nagsagot sa letrang E o hindi nagbigay ng sariling sagot ang mga respondente.
Mahihinuha dito na may mga nawawalan pa ng lakas ng loob para ibahagi ang
inaangking kalakasan at talento ngunit mayroon din naman palang maipapakita sa iba.

Grap Blg. 4

45

40

35

30

25

20

15

10

0
A B C D

Pamimilian”
A. Maganda ang resulta ng iyong ginagawa/hilig
B. Masaya ka tuwing naipapakita mo sa iba ang inaangking kakayahan
C. Ikaw ay gumagaling sa iyong inaangking kakayahan
D. Ibang kasagutan _____________________________________

Mga maaaring bunga para masabing natuklasan na ng isang mag-aaral ang


inaangking kalakasan at talento

Ang Grap blg. 4 ay naglalaman ng walumpung (80) mga respondente.


Nakapalagay ditto ang mga maaaring bunga para masabing natuklasan na ang naangking
kalakasan at talento ng isang mag-aaral. Malaki ang bilang ng mga respondente na

43
nagsagot ng masaya sila tuwing naipapakita nila sa iba ang inaangking kakayahan na may
bilang na apatnapu’t tatlong (43) katao o may bahagdan na 53.75%. Sumunod ang bilang
ng mga respondente na nagsasabing maganda ang nagiging resulta ng kanilang ginagawa
o hilig na may bilang na tatlumpung (30) katao o may bahagdan na 37.5%. At ang
pinaka-kakaunting sagot ng mga respondente na sila ay gumagaling sa kanilang
inaangking kakayahan na may bilang na walong (8) katao may bahagdan na 10%.
Walang nagsagot sa letrang E o hindi nagbigay ng sariling sagot ang mga respondente.

Ang kabuuan ng nalikom na sagot ay sobra ng isa o may bahagdan na 1.25% dahil
may isang respondente na higit sa isa ang piniling kasagutan.

43
Grap Blg. 5

Mga paraan sa pagpapaunlad ng inaangking kakayahan at talento

45

40

35

30

25

20

15

10

0
A B C D

Pamimilian:
A. Hayaang matuto sa iba
B. Magsaliksik/mag-obserba ng iba pang kakayahan/talento
C. Hasain ang sarili mula sa mga bagay na iyong nakasanayan o hilig gawin
D. Ibang kasagutan

Ang Grap blg. 5 ay naglalaman ng walumpung (80) mga respondente.


Nakapalagay dito ang mga maaaring maging paraan para linangin ang inaangking
kalakasan at talento. Pinakamaraming respondente ang nagsagot na hasain ang sarili mula
sa mga bagay na iyong nakasanayan o hilig gawin na may bilang na apatnapu’t lima (45)
o may bahagdan na 56.25%. Sumunod ang bilang ng mga respondente na sumagot na
magsaliksik o mag-obserba ng iba pang kakayahan o talento na may bilang na tatlumpu’t
isa (31) o may bahagdan na 38.75%. At ang nagsagot na hayaan matuto sa iba ay may

43
bilang na apat (4) na katao o may bahagdang 5%. Walang nagsagot sa letrang E o hindi
nagbigay ng sariling sagot ang mga respondente.

43
Grap Blg. 6

Mga inaangking Multiple Intelligences ng mga respondente

30

25

20

15

10

0
A B C D E F G H

Pamimilian:
A. Visual/Spatial
B. Mathematical/Logical
C. Bodily/Kinestetic
D. Musical/Rhythmic
E. Intrapersonal
F. Interpersonal
G. Naturalistic
H. Existentialist

Ang Grap. blg 6 ay naglalaman ng isangdaan apatnapu’t tatlong (143) kabuuang


bilang ng mga kasagutan ng walumpung (80) mga respondente sapagkat halos lahat ng
respondente ay higit sa isa ang kanilang mga kasagutan. Nakasaad dito ang mga
inaangking Multiple intelligences ng mga respondente. Pinakamaraming bilang ng mga
respondente ay sumagot ng Musical/Rhythmic na napagtala ng tatlumpung (30) katao o
may bahagdan na 20.98%. Sumunod ang Visual/Spatial na may bilang na dalampu’t

43
walong (28) mga respondente o may bahagdan na 19.58%. Sumunond ang bilang ng mga
respondente na sumagot ng Bodily/Kinestetic na nakapagtala ng dalawampu’t dalawang
(22) katao o may bahagdan na 15.38%. Kasunod nito ang mga pumili ng
Mathematical/Logical na may bilang na dalawampu’t isang (21) mga respondente o may
bahagdan na 14.69%. Sumunod ang Interpersonal at Naturalistic na may parehong bilang
na labing-apat (14) na katao o may bahagdan na 9.8%. Kasunod nito ang bilang ng mga
respondente na nagsagot ng Intrapersonal na nakapagtala ng labingdalawang (12) katao o
may bahagdan na 8.4%. At ang pinaka-kakaunting respondente na nagsagot ng
Existentialist ay dalawang (2) katao o may bahagdan na 1.4% lamang. Mahihinuna dito
na maraming mag-aaral na madaling natututo sa paulit-ulit at pakikinig na pamamaraan;
mayroon ding abilidad na tungkol sa komposisyon o pakikinig ng mga tunog, ritmo o
musika.

Mayroong isa o 1.25% na respondente ang hindi naglagay ng kaniyang kasagutan


ukol sa inaangking Multiple Intelligence.

43
Grap Blg. 7

Mga inaangking kakayahan o talino ng mga respondente

40

35

30

25

20

15

10

0
A B C D E F G H I J

Pamimilian:
A. Pagkanta (Singing)
B. Pagsayaw (Dancing)
C. Pagguhit (Art)
D. Pagtugtog ng Instrumento
E. Pagsulat (Writing)
F. Brainstorming
G. Handcrafts
H. Leadership
I. Problem Solving
J. Iba pang kasagutan

Ang Grap blg. 7 ay naglalaman ng dalawangdaan dalawampu’t siyam (228) na


kabuuang bilang ng kasagutan ng dalawampung (80) mga respondente dahil lahat ng mga
respondente ay higit sa isa ang kanilang mga kasagutan. Nakapalagay dito ang mga
inaangking kakayahan o talento ng mga respondente. Ang pinakamaraming bilang ng

43
respondente ay may talento sa pagsasayaw na may bilang na tatlumpu’t pitong (37) na
katao o may bahagdan na 16.23%. Sumunod dito ang nagsagot ng kakayahan sa pagguhit
na may bilang na talumpu’t limang (35) katao o may bahagdan na 15.35%. Sumunod ang
bilang ng mga respondente na may kakayahan sa pagkanta na nakapagtala ng tatlumpu’t
dalawang (32) katao o may bahagdan na 14.04%. Sumunod dito ang mga respondente na
nagsagot ng kakayahan tungkol sa pagsulat na may tatlumpung (30) katao o may
bahagdan na 13.16%. Kasunod nito ang bilang ng mga respondente na ang kakayahan ay
leadership na may dalawampu’t anim (26) na katao o may bahagdan na 11.40%.
Sumunod ang mga respondente na may talento sa handcrafts, ito ay nakapagatala ng
dalawampu’t isang (21) katao o may bahagdan na 9.21%. Sumunod ang nagsagot ng
kakayahan sa problem solving na may labimpitong (17) mga respondente o may
bahagdan na 7.46%. Kasunod nito ang bilang ng mga respondenteng nagsagot ng
kakayahan sa pagtugtog ng instrumento na may bilang na labing-anim (16) na katao o
may bahagdan na 7.01%. Habang ang bilang ng mga respondenteng nagsagot ng
kakayahan sa pag-brainstorm na may bilang na labingdalawang (12) katao o may
bahagdan na 5.26%.

May dalawang (2) katao, na may bahagdan na 2.5%, ang piniling magsaad ng
kanilang iba pang kasagutan. Ito ay ang mga sumusunod:

1. Sports
2. Wala akong inaangking talento

Mayroong isa o 1.25% na respondente ang hindi naglagay ng kaniyang kasagutan


ukol sa inaangking kakayahan o talino.

43
Grap Blg. 8

Mga naitutulong ng kakayahan at talento sa isang mag-aaral

35

30

25

20

15

10

0
A B C D

Pamimilian:
A. Nagagamit ko ito sa aking mga asignatura
B. Tumataas ang kumpyansa sa sarili
C. Nalilinang ang aking pagkatao
D. Ibang kasagutan

Ang Grap. blg 8 ay naglalaman ng walumpung (80) respondente. Nakapalagay


dito ang mga naitutulong ng kakayahan at talento sa isang mag-aaral. Ang pinamataas na
bilang ng respondente ay nagsabing nakakatulong ang kakayahan at talento dahil
nakatutulong ito sa kanilang mga asignatura na may bilang na tatlumpu’t limang (35)
katao o may bahagdan na 43.75%. Kasunod nito ang bilang ng respondente na nagsabi na
nakatutulong ito sa pagtaas ng kumpiyansa sa sarili na may bilang na tatlumpu’t tatlong
(33) katao o may bahagdan na 41.25%. Habang ang nagsagot na ito’y nakakatulong sa
paglinang ng sariling pagkatao ay may bilang na labingtatlong (13) katao o may
bahagdan na 16.25%. Mahihinuha dito na nakakatulong nga ang kakayahan at talento lalo

43
sa pag-aaral sapagkat maaaring magamit ang inaangking kakayahan at talento sa mga
espisipikong asignatura.

May isa o 1.25% na respondente ang piniling magbigay ng ibang kasagutan. Ito
ay ang sumusunod:

1. Napapasaya ang aking sarili

Ang kabuuan ng nalikom na sagot ay sobra ng isa o may bahagdan na 1.25% dahil
may isang respondente na higit sa isa ang piniling kasagutan. Mayroong isa o 1.25% na
respondente ang hindi naglagay ng kaniyang kasagutan ukol sa mga naitutulong ng
kakayahan at talento sa isang mag-aaral.

Grap Blg. 9

Mga paraan sa agbabahagi ng inaangking kakayahan at talento

60

50

40

30

20

10

0
A B C D

Pamimilian:
A. Pagtulong sa mga nahihirapan kung saan ang iyong kalakasan
B. Pagpeperform sa harap ng iyong mga kaklase at guro
C. Pagsali sa mga “contest”
D. Ibang kasagutan

43
Ang Grap blg. 9 ay naglalaman ng walumpung (80) mga respondente. Nakasaad
dito ang mga maaaring paraan sa pagbabahagi ng inaangking talento. Ang
pinakamaraming bilang ng respondente ay nagsabi na maibabahagi ang kalakasan at
talento sa pamamagitan ng pagtulong sa mga nahihirapan kung saan ang iyong kalakasan
na may bilang na limampu’t limang (55) katao o may bahagdan na 68.75%. Kasunod nito
ang mga nagsabi na naibabahagi nila ang inaangking kakayahan at talento sa
pamamagitan ng pagpeperform sa harapan ng mga kaklase at guro na may bilang na
labing-walong (18) katao o may bahagdan na 22.5%. Habang ang nagsagot ng pagsali sa
mga contest ay may bilang na limang (5) respondente o may bahagdan na 6.25%.
Mahihinuha dito na mas mainam na ibahagi ang inaangking kakayahan sa mga kapwa
nating mag-aaral o ibang tao na tulungan sila sa kanilang kahinaa kung ang kanilang
kahinaan ay ang inaangking kakayahan.

May apat (4) o 5% na respondente ang piniling magbigay ng ibang kasagutan. Ito
ay ang mga sumusunod:

1. Hindi ko ibinabahagi sa kadahilanang wala akong kumpiyansa sa sarli


2. Wala (dalawang katao ang nagsagot nito)
3. Kapag walang magawa

Ang kabuuan ng nalikom na sagot ay sobra ng tatlo (3) o may bahagdan na 3.75%
dahil may dalawang respondente na higit sa isa ang piniling kasagutan. Mayroong isa o
1.25% na respondente ang hindi naglagay ng kaniyang kasagutan ukol sa mga maaaring
paraan sa pagbabahagi ng kakayahan at talento.

43
Grap Blg. 10

Mga nararamdaman ng mga mag-aaral kung pinanghihinaan ng loob sa


pagbabahagi ng inaangking kakayahan o talento

40

35

30

25

20

15

10

0
A B C D E

Pamimilian:
A. Oo, sapagkat natatakot akong mahusgahan
B. Oo, dahil nahihiya ako
C. Hindi, dahil handa akong harapin ang kanilang mga sasabihin
D. Hindi, dahil alam kong may pagkakaiba ang lahat
E. Ibang kasagutan

Ang Grap blg. 10 ay naglalaman ng walumpung (80) mga respondente. Dito


nakasaad ang mga nararamdaman ng isang mag-aaral kung napanghihinaan ba siya ng
loob o hindi sa pagbabahagi ng inaangking kakayahan o talento. Pinakamaraming
respondente ang nagsagot ng “Oo, sapagkat natatakot akong mahusgahan.” na may bilang
na talumpu’t walong (38) katao o may bahagdan na 47.5%. Sumunod dito ang bilang ng
mga respondente na nagsagot ng “Oo, dahil nahihiya ako.” na may bilang na
dalawampu’t isang (21) katao o may bahagdan na 26.25%. Kasunod nito ang mga

43
respondente na nagsagot ng “Hindi, dahil handa akong harapin ang kanilang mga
sasabihin.” na may bilang na labinglimang (15) katao o may bahagdan na 18.75%.
Habang ang nagsagot ng “Hindi, dahil alam kong may pagkakaiba ang lahat.” ay may
bilang na tatlong (3) respondente o may bahagdan na 3.75%.

May isa o 1.25% na respondente ang piniling magbigay ng ibang kasagutan. Ito
ay ang sumusunod:

1. Oo, kapag mayroong mas magaling sa akin

Ang kabuuan ng nalikom na sagot ay sobra ng isa o may bahagdan na 1.25% dahil
may isang respondente na higit sa isa ang piniling kasagutan. Mayroong isa o 1.25% na
respondente ang hindi naglagay ng kaniyang kasagutan.

43
Grap Blg. 11

Kadalasan ng pagkakaroon ng pagkukumpara ng bawat isa sa kaniya-kaniyang


kalakasan at talento

Hindi Kailanman

Minsan

Madalas

0 5 10 15 20 25 30 35 40

Ang Grap blg. 11 ay naglalaman ng walumpung (80) respondente. Nakasaad dito


kung mayroon bang nanaganap na pagkukumpara ng bawat isa sa kaniya-kaniyang
kalakasan at talento. Pinakamaraming bilang ng respondente ang nagsagot ng minsan ito
ay nagaganap na may bilang na tatlumpu’t siyam (39) na katao o may bahagdan na
47.75%. Habang ang nagsagot ng madalas ito nagaganap ay may bilang na tatlumpu’t
anim (36) na katao o may bahagdan na 45%. At ang pinaka-kakaunting respondente ay
nagsagot ng hindi kailanman naganap o hindi kailanman nila naranasan ang
pagkukumpara sa isa’t isa ay may bilang na tatlong (3) katao o may bahagdan na 3.75%.

43
Ang kabuuan ng nalikom na sagot ay kulang ng dalawa (2) o may bahagdan na
2.50% dahil may dalawang respondente ang hindi sumagot.

43
Grap Blg. 12

Kadalasan ng pagbabahagi ng mga kalakasan at talento ng mga mag-aaral

Hindi Kailanman

Minsan

Madalas

0 10 20 30 40 50 60

Ang Grap blg. 12 ay naglalaman ng walumpung (80) mga respondente.


Nakakapalagay dito kung gaano kadalas ibinabahagi ang kalakasan at talento ng isang
mag-aaral. Maraming respondente ang nagsagot na minsan lamang nila ito ibahagi na
may bilang na limampu’t limang (55) katao o may bahagdan na 68.75%. Sumunod ang
madalas nila naibabahagi ang kalakasan at talento na may bilang na dalawampu’t
dalawang (22) katao o may bahagdan na 27.5%. At ang pinakakaunting bilang ng
respondente ay nagsagot ng hindi kailanman nila ito naibahagi na may bilang na
dalawang (2) katao o may bahagdan na 2.5%.

43
Ang kabuuan ng nalikom na sagot ay kulang ng dalawa (2) o may bahagdan na
2.50% dahil may dalawang respondente ang hindi sumagot.

43
Grap Blg. 13

Kadalasan ng pagkaapekto ng pagbabahagi ng kalakasan o talento sa “Self


-Confidence” ng mga mag-aaral

Hindi Kailanman

Minsan

Madalas

0 5 10 15 20 25 30 35 40 45

Ang Grap blg. 13 ay naglalaman ng walumpumg (80) mga respondente.


Nakapalagay dito kung nakaaapekto ba ng pagbabahagi ng kalakasan at talento ng isang
mag-aaral sa kaniyang self -confidence. Maraming respondente ang nagsabi na minsan
lamang ito nakakaapekto sa self-confidence sa isang mag-aaral na may bilang na
apatnapu’t dalawang (42) katao o may bahagdan na 52.5%. Sumunod ang bilang ng mga
respondente na nagsabi na madalas ito nakakaapekto na may bilang na tatlumpung (30)
katao o may bahagdan na 37.5%. At ang pinakaunting bilang ng respondente ay nagsagot
na hindi ito kailanman nakakaapekto sa self-confidence ng isang mag-aaral na may bilang
na limang (5) katao o may bahagdan na 6.25%.

Ang kabuuan ng nalikom na sagot ay kulang ng dalawa (2) o may bahagdan na


2.50% dahil may dalawang respondente ang hindi sumagot.

43
Grap Blg. 14

Kadalasan ng pagbabahagi ng kalakasan o talento sa tuwing may aktibidad sa


paaralan ng mga mag-aaral

Hindi Kailanman

Minsan

Madalas

0 5 10 15 20 25 30 35 40 45

Ang Grap blg. 14 ay naglalaman ng walumpumg (80) mga respondente. Nakasaad


dito kung gaano kadalas naibabahagi ng isang mag-aaral ang kanyang talento tuwing may
aktibidad sa paaralan. Maraming respondente ang nagsabi na minsan lamang nila
naibabahagi ang talento na may bilang na apatnapu’t limang (45) katao o may bahagdan
na 56.25%. Sumunod ang bilang ng mga respondente na nagsabi na madalas nilang
naibabahagi ang inaangking talento sa mga aktibidad sa paaralan na may bilang na
dalawampu’t limang (25) katao o may bahagdan na 31.25%. At ang pinakaunting bilang
ng respondente ay nagsagot na hindi nila kalianman naibahagi ang inaangking kalakasan
o talento kahit na may aktibidad sa paaralan na may bilang na walong (8) katao o may
bahagdan na 10%.

Ang kabuuan ng nalikom na sagot ay kulang ng dalawa (2) o may bahagdan na


2.50% dahil may dalawang respondente ang hindi sumagot.

43
Grap Blg. 15

Kadalasan ng pagkakuha ng inaasahang bunga sa pagbabahagi ng kalakasan o


talento ng mga mag-aaral

Hindi Kailanman

Minsan

Madalas

0 5 10 15 20 25 30 35 40 45 50

Ang Grap blg. 15 ay naglalaman ng walumpumg (80) mga respondente. Nakasaad


dito kung nakukuha ba ng mga mag-aaral ang kanilang mga inaasahang bunga sa
kanilang pagbabahagi ng inaangking kalakasan o talento. Maraming respondente ang
nagsabi na minsan lamang nila nakakamit ang inaasahang bunga sa pagbabahagi ng
talento na may bilang na apatnapu’t anim (46) na katao o may bahagdan na 57.5%.
Sumunod ang bilang ng mga respondente na nagsabi na madalas nila ito nakakamit na
may bilang na dalawampu’t pitong (27) katao o may bahagdan na 33.75%. At ang
pinakaunting bilang ng respondente ay nagsagot na hindi nila kalianman nakamit ang
inaasahang resulta ng pagbabahagi ng kalakasan o talento na may bilang na limang (5)
katao o may bahagdan na 6.25%.

Ang kabuuan ng nalikom na sagot ay kulang ng dalawa (2) o may bahagdan na


2.50% dahil may dalawang respondente ang hindi sumagot.

43
Kabanata V

Lagom, Konklusyon at Rekomendasyon

Ang kabanatang ito ay naglalaman ng binalangkas na lagom, konklusyon mula sa


datos na nakuha sa sarbey at ang rekomendasyon ng mga mananaliksik ukol sa suliranin
base sa impormasyong nakuha.

Lagom

Ang pangunahing layunin ng pananaliksik na ito ay matukoy ang pananaw


at ibat-ibang paraan ng pagkatuto ng mga mag-aaral sa ika-labing isa at ika-labing dalawa
ng Unibersidad ng Our Lady of Fatima, Lagro, Quezon ukol sa mga pananaw ukol sa
pagkakaiba ng mga kalakasan at talento ng mga mag-aaral at mga epektibong paraan
upang maibahagi ang inaangking talent ng Senior High School sa Unibersidad ng Our
Lady of Fatima.

Ang pananaliksik na ito ay gumagamit ng Deskriptibong Sarbey, upang


makakalap ng mga datos na hahanguan ng interpretasyon upang makamit ang layunin ng
pananaliksik. At gumamit ng Quota Sampling Technique ang mga mananaliksik sa
pagkuha ng mga respondente kung saan ang mga kalahok ay galing sa mga
kinabibilangang istrand sa Academic Track (STEM, ABM, HUMSS, at GAS). Naghanap
ang mga mananaliksik sa internet upang makalakap na impormasyon at upang
makatulong para sa pag-aanilisa ng mga pananaw ng mga respondent.

Batay sa sarbey na isinagawa, mayroong walumpung (80) mag-aaral sa ika-labing


isa at ika-labing dalawang baitang ng Unibersidad ng Our Lady of Fatima ang naging
respondente na sumagot sa sarbey-kwestyuner. Batay sa nakuha naming kasagutan sa
mga respondete, nakagawa ng interpretasyon ang mga mananaliksik ukol sa paksang
napili. Nang matapos magpasarbey ang mga mananaliksik, ginamitan ng instatistikong
pamamaraan ang mga datos na nakalakap, upang masigurado ang kalidad ng mga
impormasyon.

43
Ipinapakita sa Kabanata IV ang mga presentasyon ng mga datos na nakuha sa
isinasagawang sarbey ng mga mananaliksik.

Sa Talahanayang blg. 1 makikita ang edad ng mga respondente. Makikita ang


kadalasang edad ng mga respondente na tumutugon sa sarbey ay may edad na labing
anim (16) na katunayan, ay may bilang na tatlumpu’t-tatlong (33) katao na may
bahagdang 41.25%. Sa Talahanayang blg. 2 ay ipinapakita ang istrand ng mga
respondente na tumutugon sa sarbey. Makikita na ang may pantay ang bilang ay nakuha
na ng mga mananalisik na may dalawampung (20) katao, na may bahagdang 25%. Sa
Talahanayang blg. 3 makikita ang mga pinal na marka noong unang semestre mula sa
STEM, ang kadalasang nakukuha ng mga respondente ay walampu’t walo hanggang
siyamnapu’t isang (88-91) grado na may bilang na sampung (10) katao at may bahagdang
50%. Sa Talahanayang blg. 4 ay ipinapakita ang pinal na marka noong unang semestre
mula sa ABM na ang kadalasang nakukuha ng mga respondente ay walompu’t siyam
hanggang siyamnapu’t-isang (89-91) grado na may bilang na labing dalawang (12) katao
at may bahagdang 60%. Sa Talahanayang blg. 5 ay ipinapakita ang pinal na marka noong
unang semestre mula sa HUMMS na ang kadalasang nakukuha ng mga respondente ay
walompu’t-siyam hanggang siyamnapu’t-isang (89-91) grado na may bilang sampung
(10) katao at may bahagdang 50%. Sa Talahanayang blg. 6 ay ipinapakita ang pinal na
marka nung unang semester sa Respondente mula sa GAS ang kadalasang nakukuha ng
mga respondente walomput-siyam hanggang siyamnaput-isa (89-91) na may bilang ng
anim (6) na katao at may bahagdang 30%. Sa Talahanayang blg. 7 ay ipinapakita ang
buong kabuuang pinal na marka noong unang semestre ng mga respondente na ang
maraming bilang ay nasa walompu’t-siyam hanggang siyamnapu’t-isang (89-91) grado
na may bilang tatlompu’t-walong (38) katao na may bahagdang 47.5%. Sa Talahanayang
blg. 8 ay ipinapakita dito ang kadalasang kahinaan ng asignatura ng mga respondente na
mula sa STEM ay ang asignatura ng Math na may bilang na pitong (7) katao na may
bahagdang 35%. Sa Talahanayang blg. 9 ay ipinapakita dito ang kadalasang kahinaan ng
asignatura ng mga respondente na mula sa ABM ay ang asignaturang Accounting na may
bilang na pitong (7) katao na may bahagdang 35%. Sa Talahanayang blg. 10 ay

43
ipinapakita dito ang kadalasang kahinaan ng asignatura ng mga respondente na mula sa
HUMMS ay ang asignatura ng Math na may bilang na walong (8) katao na may
bahagdang 40%. Sa Talahanayang blg. 11 ay ipinapakita dito ang kadalasang kahinaan ng
asignatura ng mga respondente na mula sa GAS ay ang asignatura ng Math na may bilang
siyam (9) na katao na may bahagdang 45%. Sa Talahanayang blg. 12 ay ipinapakita dito
ang kadalasang kalakasan ng asignatura ng mga respondente na mula sa STEM ay ang
asignatura ng Math na may bilang anim (6) na katao na may bahagdang 30%. Sa
Talahanayang blg. 13 ay ipinapakita dito ang kadalasang kalakasan ng asignatura ng mga
respondente na mula sa ABM ay ang asignatura ng Math na may bilang walong (8) katao
na may bahagdang 40%. Sa Talahanayang blg. 14 ay ipinapakita dito ang kadalasang
kalakasan ng asignatura ng mga respondente na mula sa HUMMS ay ang asignatura ng
Math na may bilang walong (8) katao na may bahagdang 40%. Sa Talahanayang blg. 15
ay ipinapakita dito ang kadalasang kalakasan ng asignatura ng mga respondente na mula
sa GAS ay ang asignatura ng English na may bilang walong (8) katao na may bahagdang
40%.

Sa Grap blg. 1 makikita dito ang mga pananaw ng mga mag-aaral sa pagkakaiba-
iba ng kaniya-kaniyang kalakasan at talento na kadalasang pananaw nito ay “nakakapag-
unlad sa kalakasan at nakatutulong malagpasan ang kahinaan ng bawat isa” na may
bilang tatlompu’t tatlong (33) katao. Sa Graph blg. 2 makikita dito ang mga maitutulong
sa isang mag-aaral na may karanasan sa pagbabahagi ng mga inangking kalakasan at
talento na kadalasang pananaw ay “mas nababasa ko ang aking kalakasan/talento” na
may bilang tatlompu’t dalawang (32) katao. Sa Grap blg. 3 makikita dito ang mga
posibleng dahilan kung bakit hindi naipamalas ng isang mag-aaral ang inaangking
kalakasan at talento na kadalasang pananaw ay “wala akong lakas ng loob” na may bilang
sampung (10) katao. Sa Grap blg. 4 makikita dito ang mga maaring bunga para masabing
matuklasan na ng isang mag-aaral ang inangking kalakasan at talento na kadalasang
pananaw ay “masaya ka tuwing naipapakita mo sa iba ang inangking kakayahan” na may
bilang na apatnapu’t tatlong (43) katao. Sa Grap blg. 5 makikita dito ang mga paraan sa
pagpapaunlad ng inangking kalakasan at talento na kadalasang pananaw ay “hasain ang
sarili mula sa mga bagay na iyong nakasanayan o hilig gawin” na may bilang apatnapu’t
limang (45) katao. Sa Grap blg. 6 makikita dito ang mga inangking multiple intelligence

43
ng mga respondente na may kadalasang gusto o hilig na lang gawin ay Musical/Rhythmic
na may bilang tatlumpung (30) katao. Sa Grap blg. 7 makikita dito ang mga inangking
kakayahan o talino ng mga respondente na kadalasang kanilang hilig o gusto ay ang
pagguhit (Art) na may bilang tatlumpu’t pitong (37) katao. Sa Grap blg. 8 makikita dito
ang mga naitutulong ng kakayahan at talento sa isang mag-aaral na kadalasang pananaw
ay “nagagamit ko ito sa aking mga asignatura” na may bilang tatlumpu’t limang (35)
katao. Sa Grap blg. 9 pinapakita dito ang mga paraan sa pagbabahagi ng inaangking
kakayahan at talento na kadalasang pananaw ay “pagtulong sa mga nahihirapan kung
saan ang iyong kalakasan” na may bilang limampu’t limang (55) katao. Sa Grap blg. 10
makikita dito ang mga nararamdaman ng mga mag-aaral kung pinanghihinaan ng loob sa
pagbabahagi na kalakasan o talento na kadalasang pananaw ay “Oo, sapagkat natatakot
akong mahusgahan” na may bilang dalawampu’t walong (28) katao. Sa Grap blg. 11
makikita dito ang pagkakaroon ng pagkukumpara ng bawat isa sa kaniya-kaniyang
kalakasan at talento na kadalasang ginagawa nila ito ay minsan na may bilang tatlompu’t
siyam (39) na katao. Sa Grap blg. 12 makikita dito ang gaano kadalasang ibinabahagi ng
mga kalakasan at talento na ginagawa nila ito ay minsan na may bilang limampu’t limang
(55) katao. Sa Grap blg. 13 makikita dito ang nakakaapekto ba ang iyong pagbabahagi ng
kalakasan o talento sa inyong “self-confidence” bilang isang estudyante na kalimitan
nilang nararamdaman ay minsan na may bilang apatnapu’t dalawang (42) katao. Sa Grap
blg. 14 makikita dito ang naibabahagi mo ba ang inyong kalasan o talento sa tuwing may
aktibidad sa inyong eskwelahan na kadalasan na gawin nila ito ay minsan na may bilang
na apatnapu’t limang (45) katao. Sa Grap blg. 15 makikita dito ang nakukuha mo ba ng
iyong inaasahang bunga sa pagbabahagi ng iyong kalakasan o talento na kadalasan na
pananaw nila ay minsan na may bilang apatnapu’t anim (46) na katao.

43
Konklusyon

Mula sa mga nakuhang resulta ng mga mananaliksik sa kanilang pagsarbey, ito ng


mga nabuong konklusyon.

1. Ang kadalasang edad ng mga mag-aaral na nasa Senior High School ng Unibersidad
ng Our Lady of Fatima ay may gulang na labing-anim (16) na taon na makikita sa
Talahanayan blg. 1. Pare-pareho lamang ng bilang ang mga kinuhang respondenteng
ito na mula sa iba’t ibang istrand tulad ng makikita sa Talahanayan blg. 2. At ang
grado ng karamihan na nakuha noong unang semestre ay walumpu’t siyam hanggang
siyamnapu’t isa (89-91) o tinatawag na good ayon sa istandard ng paaralan. Makikita
ito sa Talahanayan blg. 7. Magkakatulad ang mga iba’t ibang istrand na may
maraming bilang ng karamihan na nakuhang grado noong unang semestre ay
walumpu’t siyam hanggang siyamnapu’t isa (89-91) o tinatawag na good ayon sa
istandard ng paaralan mula sa STEM, ABM, HUMMS at GAS. Makikita ito sa
Talahanyan blg. 3 hanggang Talahanayan blg. 6.
2. Ang karamihan sa mga mag-aaral ng STEM, HUMSS at GAS ay may kahinaan sa
asignaturang Math. Makikita ito sa Talahanayan blg. 8, blg. 10, at blg. 11. Ang
kahinaang asignatura naman ng karamihang mag-aaral ng ABM ay Accounting.
Makikita ito sa Talahanayan blg. 9. Halos karamihan din ng mga mag-aaral ng
STEM, ABM at HUMSS ay may kalakasan sa asignaturang Math na makikita sa
Talahanayan blg. 12 hanggang Talahanayan blg. 14. At ang karamihan naman mga
mag-aaral naman ng GAS ay may kalakasan sa asignaturang English na makikita sa
Talahanayan blg. 15.
3. Ang karamihan sa mga mag-aaral ng Senior High School ay may pananaw na ang
pagkakaiba-iba ng kalakasan at talento ng bawat mag-aaral ay nakakapag-unlad sa
sarili at maaaring makatulong na malagpasan ang kahinaan ng bawat isa, patunay ang
nakuhang datos mula sa mga respondente na nasa Grap blg. 1, na may tinatayang
tatlumpu’t tatlo (33) o 41.25% na bahagdan. May ilan ding nagsabi na ito ay
nakakatulong sa pagkakaisa at pagtutulungan ng bawat isa sa loob ng silid-aralan,
nakapagtala ito ng dalawampu’t apat (24) o 30% na bahagdan bilang patunay.

43
4. Karamihan sa mga opinyon ng mga mag-aaral hinggil sa naitutulong ng pagbabahagi
ng inaangking kalakasan at talento ay nahahasa o nalilinang ang inaangking
kalakasan at talento. Patunay na lamang sa ito ang naitalang datos mula sa Grap blg.
2, na mayroong naitalang bilang ng sumagot na tatlumpu’t dalawang (32) katao na
mayroong bahagdan na 40%. May mangingilang mag-aaral pa ang hindi pa
naibabahagi ang inaangking talento, karamihan ng mga mag-aaral ang nagsagot sa
kadahilanang wala silang lakas ng loob. Patunay nito ang datos na nakalap mula sa
mga respondente, na makikita sa Grap blg. 3 na may sampung (10) katao at 62.50%
na bahagdan.
5. Maraming mga estudyante na nagsabing malalaman na natuklasan na ang sariling
kalakasan o talento kung ika’y nasisiyahan sa tuwing naipapakita mo sa iba ang
inaangking kakayahan. Patunay nito ang datos na nakalap mula sa mga respondente,
na makikita sa Grap blg. 4 na may apatnapu’t tatlong (43) katao at 53.75% na
bahagdan. May iilan ding nagsabi na maganda ang nagiging resulta o bunga ng iyong
ginagawa tulad ng iyong mga hilig gawin. Patunay nito ang datos na nakalap mula sa
mga respondente, na makikita sa Grap blg. 4 na may tatlumpung (30) katao at 37.50%
na bahagdan.
6. Karamihan ng mga mag-aaral ay hinahasa ang sarili mula sa mga bagay na kanilang
nakasanayan o hilig gawin dahil maaari itong makatulong sa pagpapaunlad ng
inaangking kalakasan at talento. Bilang patunay may apatnapu’t limang (45) katao
ang nagsagot nito na may bahagdan na 56.25% na makikita sa Grap blg. 5. May mga
nagsabi din na maaari mong mapaunlad ang inaangking kalakasan at talento sa
pamamagitan ng pagsaliksik o pag-oobserba ng iba pang kalakasan o talento. Patunay
nito ang datos na nakalap mula sa mga respondente, na makikita sa Grap blg. 5 na
may tatlumpu’t isang (31) katao at 38.75% na bahagdan.
7. Ang karamihan sa mga mag-aaral ay mas natututo kapag ang kanilang pinag-aaralan
at inuulit-ulit o may tunog at ritmo, patunay ang nakuhang datos mula sa mga
respondente na nasa Grap blg. 6 ang nagsagot ng Musical/Rhythmic na may
tinatayang 20.98% na bahagdan, na tatlumpu (30) sa mga respondente ang sumagot
na sila ay mabilis matuto kapag mayroong tunog o ritmo. Kasunod nito ang mga mag-
aaral na mas nangingibabaw ang inaangking talento sa pamamagitan ng paningin at

43
pag-aayos ng ideya na pumapasailalim sa abilidad na Visual/Spatial. Bilang patunay
may dalawampu’t walong (28) katao na may bahagdan na 19.58% na makikita sa
Grap blg.6.
8. Karamihan sa mag-aaral ng Senior High School sa Unibersidad ng Our Lady of
Fatima ay may kalakasan sa paggalaw ng katawan at may talento sa pagsayaw.
Patunay nito ang datos na nakalap mula sa mga respondente, na makikita sa Grap blg.
7 na may tatlumpu’t pitong (37) katao at 16.23% na bahagdan.
9. Karamihan sa mga mag-aaral na nagsabing malaki ang naitutulong ng kalakasan at
talento sa isang mag-aaral dahil maaari nila itong magamit sa kanilang mga
asignatura sa paaralan. Patunay nito ang datos na nakalap mula sa mga respondente,
na makikita sa Grap blg. 8 na may tatlumpu’t limang (35) katao at 43.75% na
bahagdan.
10. Karamihan sa mga mag-aaral na nagsabi na mas maiging ibahagi ang inaangking
kalakasan at talento sa pagtulong sa mga nahihirapan kung saan ang iyong kalakasan.
Patunay nito ang datos na nakalap mula sa mga respondente, na makikita sa Grap blg.
9 na may limampu’t limang (55) katao at 68.75% na bahagdan.
11. May mga kadalasang pagkakataon parin na ang mga mag-aaral ng Senior High
School ay pinanghihinaan ng loob. Karamihan ng mga mag-aaral ay nagsabing
napanghihinaan sila ng loob sa kadahilanang natatakot silang mahusgahan ng iba.
Makikita sa Grap blg. 10 na nakapagtala ito ng tatlumpu’t walong (38) katao o may
bahagdan na 47.5% bilang patunay.
12. Hanggang sa kasalukuyan ay mayroon pa ring nagaganap na pagkukumpara ng bawat
isa sa iba’t ibang inaangking talento at kalakasan. Karamihan ng mga mag-aaral ang
nagsabi na minsan itong nagaganap at mayroon rin mga nagsagot na madalas itong
nagaganap sa loob ng silid-aralan. Patunay nito ang datos na nakalap mula sa
respondente na matatagpuan sa Grap blg. 11 na marami sa mga respondente ang
sumagot ng minsan lamang na nakapagtala ng 47.75% na bahagdan at may bilang na
tatlumpu’t siyam (39) na respondente; may iilan din na nagsagot ng madalas. Bilang
patunay may tatlumpu’t anim (36) na katao na may bahagdan na 45% na makikita sa
Grap blg. 11.

43
13. Karamihan ng mga mag-aaral ay naibabahagi ang kanilang mga talento sa iba ngunit
minsan lamang. Patunay nito ang datos na nakalap mula sa respondente na
matatagpuan sa Grap blg. 12 na marami sa mga respondente ang sumagot ng minsan
lamang na nakapagtala ng 68.75% na bahagdan at may bilang na limampu’t limang
(55) na respondente. May mangilan-ilang mag-aaral na madalas nila ito naibabahagi
sa iba at maaaring sila’y nagiging produktibo araw-araw. Patunay nito ang datos na
nakalap mula sa respondente na matatagpuan sa Grap blg. 12 na ilan sa mga
respondente ang sumagot ng madalas na nakapagtala ng 27.5% na bahagdan at may
bilang na dalawampu’t dalawang (22) respondente. Mayroon ding mga mag-aaral na
nakakapagbahagi ng inaangking talento at kalakasan sa tuwing may aktibidad sila sa
loob ng paaralan. Patunay nito ang datos na nakalap mula sa respondente na
matatagpuan sa Grap blg. 14 na karamihan sa mga respondente ang sumagot ng
minsan lamang, na nakapagtala ng 56.25% na bahagdan at may bilang na apatnapu’t
limang (45) respondente.
14. Karamihan ng mga mag-aaral na nagsabing minsan na nakakaapekto ang pagbabahagi
ng kalakasan at talento sa self-confidence ng mga mag-aaral at may iilan na nagsabing
ito’y madalas mangyari. Patunay nito ang datos na nakalap mula sa respondente na
matatagpuan sa Grap blg. 13 na karamihan sa mga respondente ang sumagot ng
minsan na nakapagtala ng 52.5% na bahagdan at may bilang na apatnapu’t dalawang
(42) respondente; at iilan sa mga respondente ang sumagot ng madalas, na
nakapagtala ng 37.5% na bahagdan at may bilang na apatnapu’t dalawang (42)
respondente
15. Maraming mga mag-aaral ang minsan na nakakakuha o nakakamit ng inaasahang
resulta o bunga ng pagbabahagi ng kalakasan o talento sa iba. Patunay nito ang datos
na nakalap mula sa respondente na matatagpuan sa Grap blg. 15 na karamihan sa mga
respondente ang sumagot ng minsan lamang, na nakapagtala ng 57,5% na bahagdan
at may bilang na apatnapu’t anim (46) na respondente.

43
Rekomendasyon

Base sa mga kasagutan at konklusyong nahinuha, ang mga mananaliksik ay


nagbigay ng mga rekomendasyon.

1. Para sa mga opisyal sa ating pamahalaan, bigyan ng malaking importansya at


atensyon ang paghahanap at paglinang ng kalakasan at talento ng mga mag-aaral.
Marami sa mga respondente ang nagsasabi na ang pagkakaiba-iba ng bawat isa ay
nakakapag-unlad ng sariling katauhan at malagpasan ang kahinaan ng bawat isa.
Hindi din naman maikakaila na ay may karamihan sa mag-aaral ay napanghihinaan
ng loob sa pagbabahagi ng kalakasan at talento sa ibang mag-aaral at nahihiya na
makisalamuha sa mga mag-aaral na nalinang na ang mga inaangking kalakasan at
talento. Dapat na magkaroon ng pagkilos ang pamahalaan hinggil dito para maging
mas produktibo ang
mga mamamayan ng bansa.
2. Para sa mga guro, Malaki ang maiitulong niyo at magiging parte sa paggabay sa mga
mag-aaral. Dapat ay hikayatin ang mga mag-aaral na sumali sa iba’t ibang aktibidad
sa paaralan at bigyan din ng suporta, hindi pinansyal, kundi ang magpalakas ng loob
ng mga mag-aaral sa pamamagitan ng pagsama sa mga aktibidad nila at sa
pagaasikaso sa kanilang sasalihang aktibidad. Hangga’t maaari ay sana wag
iparamdam sa mag-aaral na may limit ang kanilang mga kayang gawin. At dahil nga
sa karamihan ng mga mag-aaral ay nahihiya sa pagbabahagi ng kalakasan at talento,
maaaring guro na mismo ang gumawa ng paraan para mahikaya’t nila ang mag-aaral
na mas maging produktibo. Maiging tulungan at gabayan nila ang mga mag-aaral sa
aspetong ito.
3. Para sa mga namamahala sa paaralan, malaki ang maitutulong ng pagsasagawa ng
mga epektibong event, mga aktibidad, o seminars patungkol sa paghahanap,
paglinang o pagbabahagi ng inaangking kalakasan at talento ng bawat isa upang
mamulat sila sa kung paano ito mapapaunlad at matanggap ang pagkakaiba-iba ng
bawat isa. Sa tulong nito mapapatanag ang mga kalooban ng mga mag-aaral na may
nararamdamang pagkahiya, takot, o hina ng loob.

43
4. Para sa mga magulang, nirerekomenda ng mga mananaliksik na simula pagkabata ay
obserbahan nila ang kanilang mga anak sa kung saan ang kinahihiligan gawin o mga
hilig ng kanilang mga anak. Dahil simula pagkabata kung ano ang iyong nasimulan
ay madadala ito sa ating pagtanda. At bigyan ng suporta, atensyon ng mga magulang
ang kanilang mga anak upang mapatnubayan ng lubos ang kanilang palilinang sa
inaangking kakahayan o talento.
5. Para sa mga mag-aaral, maging mulat sa sariling kalagayan ng kalakasan at talento
upang sa sarili pa lang ay masimulan nang malinang ang mga ito. Kayo’y
magdiskubri at matuto sa mga araw-araw na karanasan at wag panghinaan ng loob
lahat naman tayo ay tao, mayroon tayong kanya-kaniya o iba-ibang kalakasan at
talento ang kailangan na lamang gawin ay gumawa ng paraan upang ito malinang o
umunlad, ang iyong nahubog na kalakasan o talento ay maaaring makatulong ng
malaki sa iyong hinaharap.
6. Para sa mga mananaliksik, magsagawa ng mas malalim pa na pag-aaral upang
lubusan pang malaman ang pananaw sa pagkakaiba-iba ng kalakasan at talento ng
mga mag-aaral. At kung anu-ano pa ang iba pang epektibong mga paraan ng
pagbabahagi ng inaangking kalakasan at talento. At magsagawa pa ng iba pang mga
pananaliksik upang mabigyang linaw kung paano ba talaga mahanap at maibahagi
ang inaangking kalakasan at talento ng mga mag-aaral, kung ano ba talaga ang
maaaring magawa ng kalakasan at talento sa katauhan ng isang mag-aaral.
7. Imbis na tayong lahat ay maghilaan pababa at magpataasan sa isa’t isa ay
magtulungan na lamang tayo para malagpasan ang ating mga kahinaan at mga
pagsubok na darating sa buhay. Para sa mga napaglinang na ng kalakasan at talento
ay gamitin ito ng maayos at maging produktibo sa pang-araw-araw na buhay. Para sa
mga hindi pa natutuklasan ang inaangking kalakasan at talento ay wag mong i-
pressure ang iyong sarili dahan dahanin mo lamang ang iyong sarili, kung ikaw man
ay nahuhuli, ipagpatuloy mo parin ang iyong pagsisikap dahil balang araw ay di mo
alam na mayroon ka na pa lang talento na kung saan nagagamit mo ito ng mabuti at
nagiging produktibo sa pang-araw-araw na buhay.

43

You might also like