Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Magandang Hapon sa inyong Lahat.

Ginugunita nating mga Pilipino ang Selebrasyon ng Buwan ng Wikang Pambansa


tuwing buwan ng Agosto. Nagkakaroon tayo ng iba’t ibang aktibidad sa selebrasyon
bilang pagbigay ng pagkilala sa ating mayamang Wika at pagmamahal sa ating bansa.
Ngunit ang ating bansa sa mga panahon ito ay dumadanas ng isang pandemya. Kung
kaya ang pagdaos ng selebrasyon natin ngayong taon ay taliwas sa mga nakasanayan.
Kasabay ng pagpasok ng “New normal” ay ang pagpasok din ng ating mga aktibidad at
pamamaraan sa selebrasyon sa makabagong paraan. Isa lang ang hindi nagbago
dumaan man ang ating bansa sa Pandemya, mananatili ang kahalagahan at
pagmamahal natin sa ating Wika bilang isang mga Pilipino.
Kaakibat ng Selebrasyon na ito ang pagbabalik-tanaw sa kasaysayan ng Pambansang
Wika at ang mga hakbang na ginawa ng sangay ng ating pamahalaan na Komisyon sa
Wikang Filipino (KWF) upang itaguyod at paunlarin ito.
Ang pagbuo ng isang Pambansang Wika upang mapagkaisa ang buong bansa ay
mithiing nagmula kay Pangulong Manuel L. Quezon noong 1935. Iniatas ng
Konstitusyon noong taong iyon, sa Kongreso ang "magpaunlad at magpatibay ng
pangkalahatang Pambansang Wika na batay sa isa sa mga umiiral na katutubong
wika."
Tagalog ang napili bilang batayan. Na kalaunan, naiproklama ang wikang pambansang
Pilipino sa pamamagitan ng Batas Komonwelt Bilang 570, na nagkabisa noong 1946.
Noong 1959 lamang ito opisyal na tinawag na Pilipino. Upang maisaalang-alang ang iba
pang mga katutubong wika, ang Wikang Pambansa ay pinaunlad muli simula noong
1973, at ito ay makikilala bilang wikang Filipino.
Ngayong taon opisyal na ipinasya ng Komisyon sa Wikang Filipino (KWF) na ang tema
ng Buwan ng Wika para sa taong 2020 Wika ng Kasaysayan, Kasaysayan ng Wika.
Ang mga Katutubong Wika sa Maka-Filipinong Bayanihan Kontra Pandemya.
Nakasentro ang tema ng Buwan ng Wika 2020 sa halaga ng Filipino at mga katutubong
wika sa bansa bílang mabisang sandata sa pakikidigma laban sa pandemya. Layunin
nitóng himukin ang BAYANIHAN ng sambayanan upang masugpo ang patuloy na
paglaganap ng COVID-19 sa pamamagitan ng pagbabahagi ng mga impormasyon o
pabatid-publiko na nása Filipino at mga katutubong wika. Pagbabantayog itó sa
kahalagahan ng mandato ng Komisyon sa Wikang Filipino (KWF) na itaguyod ang
pagpapalaganap ng Filipino at mga katutubong wika sa bansa bílang pinakamabisang
midyum sa pagkakaroon ng kolektibong pag-uunawaan ng sambayanan.
Nais ng KWF na ipabatid sa mga Pilipino ang gampanin at kahalagahan ng Wikang
Filipino. At lahat ng mga wikang umiiral sa ating bansa, upang maging kaakibat at
sandata natin sa Pandemyang kinakaharap ng ating bansa.

Ngayong araw ng Agosto 27, 2020, sabay-sabay nating salubungin nang buong
kasiyahan at pagkamakabayan ang buwang ito at sabay-sabat nating ipagdiwang ang
Buwan ng Wika sa taong ito. Sa ngalan ng institusyon ng New Brighton School of the
Philippines pormal ko pong idineklara ang Ang Pagbubukas ng pagdiriwang ng Buwan
ng Wika 2020! Mabuhay ang Pambansang Wika ng Pilipinas! Mabuhay ang malayang
Filipino!”

You might also like