Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Sinabi ni Morga

Mababasa sa aklat ni Morga na inilarawan niya ang iba’t ibang sasakyang pandagat ng mga
sinaunang Pilipino, mga bahagi at gamit nito. Ayon sa kaniya, maraming klaseng bangka ang pagmamay-
ari ng mga katutubo tulad ng madalas nilang gamiting virey at barangay at ang canoe na ginagamit sa
ilog at sapa. Mayroon ring malalaking bapor na may sekondaryang layag na ibinababa kapag masama
ang panahon. Bahagi ng malalaking bapor na ito ang tinatawag na cayane na gawa sa hinabing dahon ng
niyog na inilalatag tuwing maaraw o maulan upang magsilbing silong. Higit pa, mayroon din itong
dalawang kawayan sa magkabilang gilid na pambalanse sa bangka upang hindi ito tumaob kahit malakas
ang alon at ang hangin. Maaari ring magsilbing palutang ang mga kawayan sakaling pasukin ng tubig ang
bangka. Ang mga bapor daw ay karaniwang ginagamit sa isla noon pa man. Mayroon pa silang mas
malalaking bangka tulad ng caracoas, lapis at tapaques na ginagamit upang magbitbit ng kalakal. Dagdag
pa ni Morga, lahat raw ng mga katutubo ay marunong maglayag at kayang pamahalaan ang mga bangka.
Mayroon ding ibang uri ng mga bangka na sa sobrang haba ay kaya nitong magsakay ng isang daang
mananagwan sa isang bahagi at tatlumpung sundalo sa itaas.

Sa sunod na bahagi ng siping nasa itaas, sinabi ni Morga na maraming klase ng puno sa bansa na
matatagpuan sa kapatagan at mga kabundukan na nagpapaganda rito. Puno rin ang bansa ng mga ilog
na dumadaloy papunta sa karagatan. Marahil ito raw ang mga dahilan kung bakit maraming suplay ng
kahoy na nagagamit sa paggawa ng mga bahay, gusali at malalaking bangka. Ang mga makakapal, tuwid,
at magagaang puno ay ginagamit sa paggawa ng palo ng mga bapor at galyon at ang sari-saring
punongkahoy naman ay maaaring gamitin sa paggawa ng iba’t ibang bahagi ng bangka.

Sinabi ni Rizal

Bilang tugon sa isinulat ni Morga, sinabi ni Rizal na ang mga Pilipino, katulad ng mga naninirahan
sa Marianas ay mahuhusay ang kamay at bihasa sa paglalayag ngunit sa halip na umunlad ay tila
umuurong ang kanilang progreso. Resulta raw ito ng bagaman sa Pilipinas gawa ang mga bangka ay
maituturing naman itong mga modelong Europeo. Dagdag pa ni Rizal, ang mga bangkang kaya raw
magsakay noon ng isang daang mananagwan at tatlumpung sundalo ay nawala na. Ang Pilipinas daw na
noon bagama’y may primitibong pamamaraan ay nakabubuo ng 2,000 toneladang mga bapor, sa
panahon niya’y kinakailangan nang pumunta sa mga daungan ng karatig bansa kagaya ng Hong Kong
upang magbigay ng mga gintong kinurakot sa mga mahihirap kapalit ng mga cruisers. Sinambit rin ni
Rizal na sa kanyang panahon ay barado na ang mga ilog at ang mga paglalayag sa sulok-sulok ng mga isla
ay negatibong naapektuhan, salamat sa hindi katiwa-tiwalang sistema ng gobyerno. Ayon pa sa kaniya,
halos wala ng natira sa mga alaala ng dati’y namamayagpag na arkitektura ng mga sasakyang pandagat
ng mga Pilipino. Nawala ito nang hindi nakakalasap ng modernong pag-unlad nang katulad sa ibang mga
bansa.

Sa parehong pahina, binigyang punto ni Rizal ang epekto sa kapaligiran ng sobra sobrang
paggawa ng mga bangka. Ayon sa kaniya, ang mga uri ng mga punong nabanggit ni Morga kagaya ng
“betis” ay nangawala o naubos na dahil sa pagputol sa mga punong ito nang walang planong magtanim
muli.
Rizal’s Morga (Paola)

Tinugunan ni Rizal sa kaniyang anotasyon ang tala ni Morga hinggil sa uriang panlipunan sa
Pilipinas. Ayon kay Rizal, ang kondisyon ng mga alipin ay hindi naman laging kalunos-lunos. Sinabi raw ni
Argensola na sabay silang kumain kasama ng kanilang mga panginoon at maaari nilang mapangasawa
ang miyembo ng pamilya.

The condition of these slaves was not always a melancholy one. Argensola says that they ate at the same
table with their masters, and married into their families. The histories fail to record the assassination for
motives of vengeance of any master or chief by the natives, as they do of encomenderos. After the
conquest the evil deepened. The Spaniards made slaves without these pretexts, and without those
enslaved being Indians of their jurisdictiongoing moreover, to take them away from their own villages
and islands. Fernando de los Rios Coronel, in his memorial to the king (Madrid, 1621) pp. 24−25, speaks
in scathing terms of the cruelties inflicted on the natives in the construction of ships during the
governorship of Juan de Silva. A letter from Felipe II to Bishop Domingo de Salazar shows the awful
tyranny exercised by the encomenderos upon the natives, whose condition was worse than that of
slaves.Rizal.

You might also like