Sa mga nagdaang araw, akoy nalulungkot pagkat naipamulat sakin ang
mudong bumago sa pananaw ng mga tao. Mundong napakasaya noon,
ngayong nabahiran ng lungkot dahil sa problemang kinakaharap ng ating lipunan tulad lamag ng kurapsyon at pandemiyang nagsiwalat ng katotohanan na dapat tayong maging handa magpakailanman. Akoy natatakot pagkat habang akoy lumalaki pahirap nang pahirap ang buhay. Itoy isa rin sa mga sulrining aking kinakaharap. Hindi lang ako ako nakakaranas ng mga ito ngunit kapwa ko din mga magaaral. Maraming iba’t ibang suliranin ang ating kinakaharap lalo na ang mga estudyante ngayon at bilang mga estudyante ito’y hindi maiwasan at ang mga ito ay mayroong iba’t ibang rason. Ang mga sumusunod ay mga halimbawa mg mga suliranin ng isang estudyante , isa na rito ay ang kawalan ng baon, hindi kompletong pamilya, pamilyang palaging nag aaway, kakulangan ng atensyon ng mga magulang, pagiging adik sa paglalaro ng nga makabagong teknolohiya, kakulangan ng pinansyal , nadadala sa mga barkada, hindi maiwasang mga bisyo at marami pang ibang mabigat na suliranin ng mga estudyante. Ngunit lahat ng mga ito ay malalagpasan basta marunong kumapit sa taas ng Poong maykapal, at maging positibo sa buhay.