Gabay Sa Talakayan

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

ZYRINE JANE D.

ADA 12- BELLATRIX


GABAY SA TALAKAYAN

SURIIN MO NA

Sagutin ang sumusunod na katanungan.

1. Bakit kailangang pag – aralan ang kasanayan sa akademikong pagsulat?

Hindi dahil marunong na tayong gumamit ng tamang grammar,tamang baybay,o tamang pagbuo
ng talata sa wikang Ingles ay kakalimutan nanatin na kailangan natin matutunan ito sa wikang
Filipino,gumamit ka man ng napakaraming dialekto kung hindi mo naman ito magagamit ng
wasto,parang walang silbi rin ang pagiging magaaral na Pilipino, dumating na ako sa puntong
tinanong ako ng aming guro, kung ano ang pang abay, nakakahiya mang aminin pero sinabi kong
pasensya na po hindi ko po alam kung ano po ito, nakakalungkot lang na kung hindi pa nya ito
sasabihin sa wikang ingles ay hindi ko pa ito malalaman.Naniniwala ako na madami pa akong
dapat na matutunan,malaki ang magiging ambag ng pagaaral sa akademikong pagsusulat hindi
lang ngayon pati narin sa pagtungtong namin sa kolehiyo, pati narin sa mga kaklase kong
magiging guro sa tamang panahon.

2. Bakit mahalagang mabatid at maunawaan ng mga mag – aaral na tulad mo ang mga layunin ng
akademikong pagsulat?

Hindi po ba’t galing ang mga librong inaaral namin, mga talumpating naririnig, o kahit po yung
mga essay na madalas pinapagawa sa amin sa akademikong pagsusulat? Kaya nga po
naiintindihan natin ng maayos ang librong ating binabasa dahil pormal itong nakatala,kung
matututo kami o mauunawaan naming ang layunin ng akademikong pagsusulat,magiging
maayos o organisado para sa iba ang aming nilikha, mas madali itong maiiintindihan ng
mambabasa pati na rin sa mga susunod pang henerasyon na makakalikha ng librong para pa sa
susunod na henerasyon, Hindi lang tayo natututo para sa sarili natin natututo din tayo para sa
mga bagay na maaari nating maibahagi sa mga susunod pang magaaral na pilipino.

3. Sa iyong palagay, bakit hindi Mabuti ang plagiarism o ang pangongopya ng ideya ng iba lalo na
sa pangangalap ng matibay na impormasyon sa pananaliksik?

Dahil ang pagnanakaw ng Ideya ay para naring pagnanakaw ng katauhan, para din po yang
gumawa ako ng takdang aralin ngunit kinopya ito ng aking kaklase,kapag nagsusulat pa naman
po ako talagang pinapakita ko kung ano yung totoong nararamdaman at nasa isip ko,hindi po ba
kapag kinopyahan nya ako lalo na kung pa essay ang tanong inaalam kung ano ang nasa isip mo
ay parang kinopya nya narin kung sino talaga ako,ganon po yun sabi nga nila kung ayaw mong
gawin sayo wag mong gawin sa iba. At paano mapapatunayan na totoo ang binigay mong
impormasyon kung wala ang pangalan ng nagsabi o nagsalita, kung walang proweba paano ka
nila paniniwalaan?
4. Bakit mahalaga ang bibliyograpioya sa wastong pangangalap ng datos/impormasyon?

Dahil ang Bibliyograpiya ay ang talaan ng mga reperensya na ginamit sa pananaliksik,Ito rin ang
magsisilbing ebidensya na ang iyong nilikha ay obhetibo at totoo, kung meron pang ibang mag-
aaral na mayroong paksa na malapit sa aking ginawang pananaliksik,maari nyang tingnan ang
ginawa kong bibliyograpiya at kumuha ng reperensya na angkop sa kanyang nilikha.

ISAUBUHAY MO NA

Ibigay ang kahilingan ng bahaging ito.

Ano – ano ang mga katangiang dapat mong taglayin upang magkaroon ng kasanayan sa akademikong
pagsulat? Magtala ng limang katangian at ipaliwanag.

1. Malkihain o masining ,kailangan maging malikhain upang makaisip ng paksa na magiging


interesado ang mamamayan at magiging malaking ambag sa lipunan.

2. Nakakaintindi sa kanyang pagkakamali,at alam nya kung ano ang mali,at kung paano ito
itatama,madalas maaring magkamali sa wastong baybay, paggamit ng maliit at malalaking
titik,pagbuo ng talata at dahil ito ay pormal hindi ka maaring gumamit ng salitang siya ako o tayo
dapat sila,sina, kina, o pangalan kahit ikaw ang nagsabi isusulat mo pati ang pangalan mo.

3. Pagkakaroon ng kasanayan sa pagbibigay credit sa awtor o sa nagbanggit sa nakuhang


impormasyon,hindi lang para mapatunayan na ito’y totoo o para sa susunod pang magaaral na
gagamit ng reperensya ngunit bilang pasasalamat na rin sa awtor para sa nakuhang
impormasyon,bilang respeto.

4. Marunong magtyaga at mag analisa ng impormasyon, Kunin ang impormasyong may koneksyon
sa iyong paksa at kung hindi naman ito kailangan ay wag nalamang idagdag,ang akademikong
pagsusulat ay dapat maayos at organisado.

5. Obhetibong Pagiisip, ang akademikong pagsususlat ay pormal at pawing katotohanan ang


nialalaman at ang may ibedensya lang ang paniniwalaan, kaya kung ang opinion mo ay taliwas sa
impormasyon na nakuha mo sa libro, wala kang magagawa kundi sundin ang libro, dahil ito ay
may ibedensya at totoo.

LIKHAIN MO NA

PAGSULAT

Basahin at unawain ang talata sa ibaba.pagkatapos, tukuyin kung kanino nauukol ang sulatin at kung ano
ang katangian ng teksto na nagsasabing para nga ang teksto sa kinauukulan nito?
Ang Pilipinas ay isang agricultural na bansa, itinuturing ang bigas na isa sa mga nangungunang
produkto nito. Subalit dahil sa globalisasyon, nag – iimport na tayo ng bigas. Noong 2008, Pilipinas ang
nangunguna sa buong musndo sa listahan ng mga bansang nag – iimport ng bigas.

Bukod sa bigas, marami pang produkto ang inaangkat tulad ng bawang, prutas at karne,
maraming mga Pilipinong magsasaka at maliliit na negosyante ang nalulugi dahil sa pagpasok ng mga
imported na produkto.

- Mula sa SIBIKOMIKS Magasin, June – August 2014

1. Sino ang mambabasang pinag – uukulan ng teksto?

Ang mga Pilipino at mga pilipinong nawiwili sa produkto ng iba kaysa sa sariling atin.

2. Ano ang layunin ng tekstong binasa para sa kinauukulan nito?

Maaaring upang gisingin ang mga mamamayan na hindi tama ang pagiisip na kolonyal ,ang
pagiisip na mas sosyal pag imported o mas mahal, na kaysa suportahan ang mga kababayang
magsasaka ay nawiwili ka dahil maganda lamang ito sa iyong pandinig,Naturingan nga tayong
agricultural na bansa ngunit puro imported naman ang laman ng ref ng bawat pilipino,hindi
masamang humanga, hindi masamang mainggit, pero wag naman sana natin kalimutan ang
sariling atin.

3. Ano ang iyong nagging damdamin matapos Mabasa ang teksto?

Medyo natakot, dahil ayokong makita na nahihirapan ang kapwa ko Pilipino dahil mismong
kapwa Pilipino ay di sila magawang suportahan,pero nakita kong 2014 pa naman ito baka meron
nanamang pagbabago.
4. Paano ka nahikayat ng damdamin ng teksto?

Nang sabihin na kinilala tayong agriculture na bansa ngunit madaming pilipinong magsasaka at
negosyante na nalulugi dahil lang sa pagpasok ng imported na produkto,medyo nakaramdam
ako ng pagkabigo ang positibo nung simula e ,wow pilipinas agriculture na bansa nakaka proud,
tas biglang ng dahil sa imported na produkto may naluluging mga magsasaka at negosyante,
nakakapang hinayang tama pa ba yung tawag sa atin? agriculture na bansa pero mismong bansa
natin nawiwili sa ibang produkto?

5. Ano ang mahalagang mensahe nais bigyang halaga ng teksto para sa mambabasa?
Na madami na ang naapektuhan ng globalisasyon, na maaring maganda ang naidudulot sa ibang
bansa ngunit hindi sa atin,na dapat ng magising ang mga Pilipino na tangkilikin ang sariling atin
,suportahan ang gawa ng Pilipino, kasi sino ang magmamahal sa produkto ng bansa natin kung
tayo mismong hindi natin sinusuportahan ang sariling atin.

You might also like