Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 7

TRANSKIPSYON NG PAG-UULAT SA PANIMULANG KAALAMAN SA RETORIKA

Isang magandang umaga mga mag-aaral! Sana ang lahat ay nasa mabuting kalagayan. Ang tatalakaying
nating ngayong araw ay tungkol sa Sining Rhetorika. Kilala niyo ba ang larawan ngbusto sa aking
presentasyon? Siya lang si Aristotle o mas kilala sa Filipino bilang aristotel. Siya ang tinaguriang ama ng
medisina at hindi lingid sa alam ng nakararami siya rin ang itinuturing ama ng retorika. Sinuri niya ang
sining ng panghihikayat or Art of persuasion at ihiniwalay niya ang retorika sa lohika.

Bago ang lahat, simulan natig ang pagtalakay sa retorika sa papamagitang pagbibigay ditto ng kahulugan
o depinisyon. Narito ang mga tanyag na pagpapakahulugan sa retorika.

1. DEPINISYON
 Galing sa salitang Griyego na RHETOR na nangangahulugang guro o maestro na
mananalumpati o orador
 Ang retorika ay pagkulti ng pagtuklas ng lahat ng maaring paraan ng panghihikayat sa
ano mang partikular na kaso.
- (Aristotle)
 Ang retorika ay pagpapahayag ng disenyo upang makapanghikayat.
- (Cicero)
 Ang retorika ay sining ng mahusay na pagsasalita.
- (Quintillan)
 Ang retorika ay nauukol sa sining ng maganda at kaakit-akit na pagpapahayag, maging
pasalita man o pasulat. Ito ang sining ng pagpili ng wastong salita sa loob ng isang
pahayag upang higit na maunawan o kalugdan ng nakikinig o nagbabasa.

- (Casanova, A. et al ,1977)
 Ang retorika ay isang mahalagang karunungan ng pagpapahayag na tumutukoy sa sining
ng maganda at kaakit-akit na pagsusulat at pagsasalita.

- (Sebastian, 1967)
 Ito ay paggamit ng mga simbolo na may kakayahang pumukaw sa ating kalikasan na
tumugon sa mensahing ipinapahatid ng mga naturang simbolo.

- Kenneth Burke, isang literary theorist.

- Pinagtibay ito ni GERARD A. HAUSER (Emeritus professor sa University of Colorado


Boulder) na ang layunin ng retorika ay impluwensiyahan ang pagpapasya ng tao
hinggil sa mga ispesipik na bagay na nangangailangan ng agarang atensyon.

 Sinabi ni DOUGLAS EHNINGER (American Professor at Awardee ng Distinguished


Rhetorical Scholar Award) ang retorika ay isang Disiplinang nakatuon sa pag-aaral ng
lahat ng mga paraang ginagamit ng mga tao upang makaimpluwensiya ng pag-iisip at
gawing iba sa pamamagitan ng istratedyik na paggamit ng mga simbulo.

Kung mapapansing ninyo ang lahat ng nabanggit na pagpapakahulugan o depinisyon ay may iisang tema
or karaniwang sangkap. Lahat ng pagpapakahulugan sa salitang retorika na nabanggit ay tumutukoy sa
pamamaraan natin ng pagpapahayag ng mensahe upang impluwensiyahan ang isip o gawi ng tao.

Dumako naman tayo sa kahalagan ng retorika. Isa-isahin natin at talakayin sa masistematikong paraan
ang retorika.

2. KAHALAGAHAN
 Kahalagahang Pangkomunikatibo (Ang araw araw nating gamit sa pakikipag usap ay
retorika. Maraming aspeto sa buhay ng tao nasasaklawan ng retorika.)

- Ano man ang ating iniisip o nadarama ay maaari nating ipahayag sa pasalita o
pasulat na paraan upang tayo maunawaan ng iba. Samakatwid, dahil sa retorika,
ang dalawa o higit pang tao ay nagkakaroon ng komunikasyon. Sa madaling salita
tayo ay nakapagpapalitan ng salita at nagkakaunawaan. Nagagawa nating ang mga
bagay na hindi natin magagawa kung walang pakikipagkomunikasyon.

 Kahalagahang Panrelihiyon
- Salita ang puhunan ng mga pari at ministro ng alinmang sekta ng relihiyon sa
kanilang pagpapalaganap ng pananampalataya. Nakasalalay sa kanilang
makarismatikong tinig, malinaw at madaling maintindihang pananalita at
maengganyong pagsasalita ang tagumpay ng kanilang misyon at nila mismo bilang
relihiyosong lider. Naalala niyo ba ang kaganapa sa Georgetown Africa? Isang lider
ng kulto sa

 Kahalagahang Pampanitikan
- Sa isang manunulat, ang kanyang tagumpay sa pagsusulat ay nasa paggamit niya ng mga
salita. Dapat ang gamit niyang wika at ang istilo ng kanyang pagpapahayag sa kanyang
mga akda ay parang buhay karakter sa kanyang mga kwento. Nadadala tayo sa ibang
lugar or di kaya naman ay naiipadama neto ang emosyong nais ipahatid sa ating mga
mambabasa. Sa madaling salita pamamaraan sa pagsulat ng isang manunulat, nakukuha
ng kanyang mga mambabasang simpatyahan at empatyahan ang kanyang mga obra.

 Kahalagahang Pang-ekonomiya
- Nakasalalay ang kaunlaran ng ekonomiya sa maayos na pakikipag-usap o
pakikipagpalitan ng mensahe at kaalaman ng lider o ekonomista sa iba’t ibang lider
ibang bansa o eksperto sa larangan ng ekonomiya.

 Kahalagahang Pangmedia
- Ang mga artista sa teatro, telebisyon at pelikula, gayundin, ang mga personalidad sa
iba’t ibang media ay nakararating sa rurok ng kanilang tagumpay sa pamamagitan
ng mga katangi-tangi nilang pagsasalita at mga kaakit-akit nilang boses na
humuhubog sa kanilang personalidad para makilala ng madla. Ito ang nagsisilbing
puhunan sa pag-unlad ng mga miyembro ng lipunan na may kinalaman sa media.
Dahil sa kanilang kagalingan sa panghihikayat sinusubaybayan sila ng kanilang mga
proyekto at programa. Dumarami ang kanilang mga tagahanga. Kung kaya naman
ay ginagamit sila ng mga negosyante upang magendorsong kagamitin din ng
kanilang mga tagahanga ang kanilang prodokto

 Kahalagahang Pampulitika
- Maraming batikang pulitiko ang namumuhunan sa maretorikang pagpapahayag.
Dahil sa kanilang kagalingan sa paggamit ng mababango at mabulaklak na salita
nakukuha nila ang sagradong boto ng masa. Sa panahon ng eleksiyon, inaabangan
lagi natin ang kanilang mga plataforma. Nadadala ang karamihan sa atin sa kanilang
mga pangako dahil sa kagalingan nila sa paggamit ng retorika. Nakukumbinse at
karamihan sa ating ang pinakamagaling magbitaw ng salita ang magiging susi ng
inaantay nating pagbabao at kaunlaran ng ating bansa. Pagdating ng araw ng
kanilang paninilbihan ay mapapailing ka na lang gayon pa man hindi maitatangging
sa kahusayan ng paggamit ng retorika nakasalalay ang tagumpay nila.

3. Saklaw (Talakayin naman natin ang saklaw ng retorika. Ito ang bahagi at aspeto ng buhay ng tao
na sakop or kasama ng retorika)
 Lipunan/ Mga Tao. Tumutukoy ito sa mga tao o lipunang makikinig o di- kaya’y babasa
ng isinulat o ipinahayag ng manunulat o ng tagapagsalita. Tao or grupo ng tao or
lipunan ang target ng isang akda or talumpati. Gawa ng tao ang retorika at para din ito
sa tao.
 Kasanayan ng manunulat. Kung walang kasanayang pansarili ang manunulat mahirap
magkaroon ng sining ang mabisang pahayag. Ang kasanayan sa pagpapahayag ay
nadedevelop sa pamamagitan ng pakikibahagi sa iba. Ito rind ay ibinabahagi sa iba at di
sinasarili.
 Wika. Ang wika ay sadyang makapangyarihan. Ito ang midyum ng retorika.
Nagkakaroon lamang ng pagkakaunawan kong ang nag-uusap or ang nagbabasa ay
marunong sa wikang gamit sa salita o binabasa. Nagagawa din nitong maging kilala at
hinahangaan ang isang tao dahil sa kagalingan nitong gamitin ang wika.
 Kultura. Malaki ang kinalaman ng kultura sa pagpapaunlad ng sinabi o ipinahayag dahil
anumang gampanin ng isang mamamayan, tuwina ito’y saklaw ng kulturang
kinabibilangan. Mas nagiging madiin ang panghihikayat kung naiintindihan ang
konteksto ng kulturang binasa or naririnig. Kabilang dito ang mga pinaniniwalaan, mga
tradisyon, wika, awit at iba pa. Halimbawa na lang ay ang mga tita or tito ng
Maynila ay mahihikayat mong making ng mga genreng new wave or musikang 80’s or
90’s sapagkat ayun ang nakagisnan nila kultura ng musika kesa sa mga nauusong
musikang pop ngayon.

 Sining. Kumakatawan ito sa taglay na galing o talino ng manunulat o mananalita sa


larangan ng pagsasalita o pagsusulat. Ayon sa sikolohiya ang pagiging malikhain ng
isang tao ay nakabatay kakayahan ng tao gumawa ng solusyon sa napapanahong mga
problema. Kung nagagamitan natin ng pagkamalikhain ang pamamaraan natin
pamamahayag ay mas madali nating maantig ang puso n gating mga taga pakinig or
tagapagbasa.

 Iba Pang Larangan. Ang retorika ay hindi lamang eksklusibo sa larangan ng Wika,
Sining, Pilosopiya at Lipunan. Sino mang tao, saan mang larangan ay may pagnanasang
maging mabisa sa pagpapahayag. Sa ano mang larangan, hindi maaaring hindi
magsasalita o magsusulat ang mga taong kasangkot doon. Samakatwid, maging sa ibang
larangan, ang retorika ay may malaking kinalaman.

4. Ang Retorika Bilang Sining


Ang sining ay tumutukoy sa mga malikahing gawa ng mga tao gamit ang kanilang malikhaing isip.
Ito ang nagiging instrumento ng isang tao upang maipahayag ang kanyang saloobin,
damdamdamin at opinyon gamit ang kanyang puso at isip. Naipapahayag natin ito sa iba’t iban
paraan katulad ng audio-visual, physical, verbal, oral at maraming pang iba.Ngunit ano nga ba
ang retorika bilang isang sining?

 Isang Kooperatibong Sining


- Hindi ito maaaring gawin ng nag-iisa.
a. Ito ay ginagawa para sa iba sapagkat sa reaksyon ng iba nagkakaroon ito ng
kaganapan.
b. Napagbubuklod ang tagapagsalita at tgapakinig o ang manunulat at mambabasa.

Halimbawa:
Ang mga nagwewelga sa lansangan ay may mga tagapagsalita at sila’y
nakakapanghikayat ng mga tao para sumama sa kanilang ipinaglalaban. Sa pagitan
ng mga tagapagsalita at mga tagapakinig ang kapangyarihan ng mga binitawang
salita kaya naisakatuparan ang mga layunin ng mga tagapagsalita.

 Isang Pantaong Sining


- Wika ang midyum ng retorika, pasalita man o pasulat.
- Dahil ang wika ay isang eksklusibong pag-aari ng tao, ang retorika ay nagiging isang
eksklusibo ring sining ng tao para sa tao.

Ayon nga sa linya ng isang akda:


“Ang wika ay ang Tao, at ang tao ay ang wika”

Sabe rin ni Archibald A. Hill ay isang Amerikanong "linguist." “Ang wika ay ang
kaluluwa ng tao.”

 Isang Temporal na Sining


- Ang gumagamit nito ay nangungusap sa lenggwaheng ngayon, hindi ng bukas o
kahapon.

Halimbawa:
Pansinin ang mga misa ng Paring Katoliko, gumagamit sila ngayon ng mga salitang
napapanahon upang makuha ang atensyon ng mga tagapakinig ng misa. Ang si
Senador si Merriam-Santiago, gumagamit sya ng mga salitang naaayon sa panahon
sa kanyang talumpati atbp. Sa makatuwid siya ay may facebook page na puno ng
pick-up lines kung saan mas nakakahikayat siya at nakakaagaw pansin sa masa.

 Isang ‘di Limitadong Sining


- Marami itong kayang gawin.
- Maaring paganahin ang ating imahinasyon at gawing possible ang mga bagay na
imposible sa ating isipan.
- Nakaiimpluwensya ang retorika sa maraming aspeto ng buhay ng isang tao. Ang
kanyang kabuuang pagkatao na sinasaklaw ng retorika.

 Isang May Kabiguang Sining


- Hindi lahat ng tao ay magaling sa paghawak ng wika. May mga tuntuning
masalimuot at sadyang nakakalito.

Walang bisa ang kagalingan ng talumpati or akda kung ang nakikinig o nagbabasa
neto ay hindi naiintindihan ang midyum na wika. Ang konstekto isang pahayag ay
maaari ding nakakatuwa sa iba ngunit salungat naman sa iba. Nalilimitahan ito ng
wika at kultura. Maaring ang isang akda ay maging kaaya aya sa iba ngunit
kasalungat naman sa iba. Nalilimatahan ang pagiging epektibo ng retorika ng
wikang ginagamit, paniniwala, kultura at iba pa,

 Isang Nasusupling na Sining


- Ang retorika ay nagsusupling ng mga kaalaman.
Halimbawa:
"Ang kahalagahan ng retorika ay maihahalintulad sa mga sangkap o rekado sa isang
putahe. Ito'y nakapagbibgay lasa sa isang sulatin o kaya'y kapag ang isang tao ay
bumibigkas gamit ang retorika. Nasusukat din dito ang kalaliman ng isang tao. Ito'y
pinag-iisipan. Napakasarap pakinggan ng mga salitang ginamitan ng retorika.
Nakakaaliw din basahin ang isang sanaysay kapag ito'y ginamitan ng retorika."-
(halaw mula sa salaysay ni Shark Shedie)

5. Gampanin ng Retorika
 Nagbibigay daan sa komunikasyon (Ito ang pangunahing gampanin ng retorika)
- Ano man ang ating naiisip, nadarama ay maari nating ipahayag sa pasalita o pasulat
na mauunawan ng ibang tao.
 Nagdidistrak
- Dahil sa ating pakikining o pagbabasa ng mga akda tayo ay nadidistrak at nadadala
sa ibang dimesyon na kung saan nakakalimutan natin ang tunay na suliranin ng
ating buhay. Nakakatulong ang retorika upang panandaliang makalimutan natin an
gating mga problema. Nakababawas ito ng stress at paga-aalala. Ngunit sa kabilang
banda maari din itong magdulot ng kabaliktaran. Hindi naman ito lagging
nangangahulan na hindi ito epektibong pakikipagkomunikasyon. Maaring
intensiyon o layon ito ng nagsasalita or may akda.

 Nagpapalawak ng pananaw
- Sa ating pakikinig o pagbasa maaaring may natututunan tayong bagong kaalaman
na mahalaga. Gaya ng nabanggit, ang retorika ay nagsusupling dahilan upang
lumawak ang pananaw natin. Nabubuksan neto an gating isipan.Minsan nagbibigay
din daan ito sa pagbabago sa lipunan.

 Nagbibigay ngalan
- Ang mga bagay sa paligid natin ay dumating ng walang leybel. Dahil sa retorika,
halimbawa, ang kamera ay nagging Kodak, ang toothpaste ay nagging colgate.
 Nagbigay-kapangyarihan
- Dahil sa retorika, napakaraming tao ang nagging prominente at
makapangyarihan. Isa sa mga mahuhusay na na pulitiko o mananumpalati. Si Ninoy
Aquino ay isang mahusay na peryodista noong Ikalawang pandigmaang pandaigdig.
Ang matatalinong ideya, malalalim na pananampalataya at idyolohiya na
naipahayag sa pamamagitan ng retorika ay pinagmulan din ng kapangyarihan at
kalakasan.
Marami pang maaring gampanin ang retorika sa buhay ng tao hnd lamang ito nalilimitahang sa aking
mga nabanggit. Bago ating tapusin ang aking pag-uulat tungkol sa retorika, nais ko kayong tanunging
kung ano sa inyong palagay ang gampanin ng retokin sa ating bilang mga magiging guro sa hinaharap?
Isulat ninyo sa papel ang inyong opinion sapagkat tatalakayin natin ito sa ating susunod na pagkikita.

Sa akin naman pananaw, ang bawat pagtayo natin sa harapanan ng ating klase ay pagtayo sa entablado.
Para tayong mga artista na umaarte sa harapan para hikayatin an ating mga mag-aaral na mahalin ang
kanilang pag-aaral. Sa epektibong pagpapahayag din natin naipaparating ang mensahe ng bawat aralin.
Kapag hindi epektibo ang ating paggamit ng retorika, ay mawawalan tayo ng tagapakinig at mawawalan
ng interes ang ating mga mag-aaral. Katulad ng mga artista, politico at iba pa, nakasalalay din ang
tagumpay ng mga guro sa kagilangan natin sa paggamit ng retorika.

Ditto na nagtatapos ang aking pag-uulat, hihintayin ko ang inyong mga pananaw sa susunod nating
pagkikita. Maraming salamat sa inyo pakikinig at nawa’y manatili kayong ligtas sa lahat ng pagkakataon.
Muli maraming salamat.

You might also like