Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

REPUBLIC OF THE PHILIPPINES )

PROVINCE OF LAGUNA ) S.S.


CITY OF SAN PABLO )

SINUMPAANG SALAYSAY NA SAGOT SA HABLA


(KONTRA-SALAYSAY)

Ako, RICXON QUEJANO, 47 na taong gulang, may asawa, at residente


ng Brgy. Montecillo, Sariaya, Quezon, matapos manumpa nang naayon sa batas ay
malaya at kusang loob na nagsasalaysay ng mga sumusunod, NA:

1. Ako ay idinawit sa bintang na Reckless Imprudence resulting in


Homicide na kasalukuyang nakabinbin sa kagalang galang na punong taga-usig ng
lungsod ng San Pablo, Laguna.

2. Ang naturamg bintang ay nagmula sa insidenteng naganap noong


ika-24 ng Marso taong 2020, bandang 6:00 ng gabi sa kahabaan ng Maharlika
Highway bandang Brgy. San Vicente, San Pablo City, Laguna.

Ayon sa naghabla, ang pagkakadawit sa aking pangalan ay nag-ugat sa


banggaan sa pagitan ng Rebuilt Isuzu Elf Dropside (“Elf”) na may plakang PWI
490 at isang Trailer Truck (“Truck”) na may plakang CIW 842 na nagdulot sa
pagkakasawi ng isang pedestrian na si Gng. Rosario L. Ladja.

Ako ang nagmamaneho na Elf ng naganap ang insidente samantalang si


Cornelio Calvendra Jamillano (G. Jamillano), 55 na taong gulang, balo at
naninirahan sa Brgy. Lakawan, Tayabas, Queozon naman ang nagmamaneho ng
Truck,

Ang basehan ng pagkakadawit sa akin dito sa bintang na nabanggit ay base


lamang sa aking pagkakasangkot sa bangaan sa pagitan ng Elf at ng Truck,

3. Aking lubusan at mariin na itinatanggi ang naturang paratang


laban sa akin sapagkat ito ay walang basehan sa batas at pangyayaring
naganap noong nabanggit na petsa at oras.

Aking iginigiit na katulad ng yumaong biktima na si Gng. Rosario L. Ladja,


ako din ay biktima sa walang pagiingat sa pagmamaneho ng aking kasamang
respondent na si G. Jamillano.

Noong ika-24 ng Marso taong 2020, kasama si _____________ , aking


ibinabaybay ang Maharlika Hughway mula __________________ at papauwi na
sana sa Sariaya Quezon

Bandang ______, nasa bandang Brgy. _________ San Pablo, San Pablo na
kami ay napansin ko mula sa aking side mirror ang isang Truck na nasa aming
likuran.

Gawa ng ordinaryo namang daanan ng mga truck ang kahabaan ng


Maharlika Highway kaya’t hindi ko ito pinansin basta ako’y nag pokus na lamang
sa aking pagbabaybay sa naturang kalsada, sa outer lane nito
Sa bandang kurbada ng Brgy. San Vicente, San Pablo City, napansin ko
ang naturang truck sa aking likuran na nasa inner lane ng kalsada at tila
magmamaniobra patungo sa outer lane kung saan ako naroon

Dahil nakapokus ako noon sa paparating na kurbata ay hindi ko na inintindi


ang naturang truck, kinalaunan ay nagulat na lamang ako sa malakas at biglaang
alog ng aking minamanehong Elf na tila mayroong sumabit sa aking likuran.

Sa lakas ng pagkakabangga sa aking Elf nitong Truck ay nakakaladkad pa


kami at napasadsad sa kanang bahagi ng kalsada (right shoulder lane).

Matapos masapol ng Truck ang likuran ng aking minamanehong Elf ay


tumalon pa ito sa rampa at doon nadali ng Truck ang pedestrian na nakilala ko sa
pangalang Gng. Rosario Lagsit Ladja. Siya ay dinala pa sa Ospital subalit
kinalaunan ay binawian na ng buhay dahil sa natamong pinsala gawa ng nasabing
aksidente

Dahil sa pagkakabangga ng Truck sa aking Elf ay nagdulot ito ng sira sa


bandang kanang bahagi ng likuran kasama na din ang tagiliran ng likoran sa kanan
kung nasaan ang tanker ng krudo.

Dahil sa pagkakabangga sa amin ng nasabing Truck ay nagtamo ng sira ang


Elf sa kanang bahagi nito sa likuran kasama na din ang butas sa tanker ng krudo sa
kanang tagiliran nito, pagkawasak ang tagiliran (tunning board) at itong mug
wheels dahil nasabit ang Truck

Matapos ang insidente ay agaran kaming dinala sa Police Station upang


imbestigahan. Doon kita naman kung sino talaga ang may kasalanan sa
pangyayari. Gawa sa awa sa drayber ng Truck ay pumayag na din ako na hindi na
siya habulin sa gastusin sa danyos sa aking Elf. Mayroong isinagawang kasulatan
doon kung saan nakasaad na wala akong pananagutan sa pangyayaring naganap.

Kinalaunana ay nakilala ko ang nagmaneho ng Truck na si


_________________________________

Gaya ng natagpuan ng nagimbestiga sa naturang insidente, ako’y biktima


din sa walang pagiingat na pagmamaneho nitong si ________________. Aking
inilalakip ang kopya ng Police Report at Kasunduang isinagawa sa Police Station
upang patotohanan ito.

Kaya din patotohanan ng aking kasama sa biyahe na si ________________


ang katotohanan sa aking salaysay.

At kahit sa pagsipat lamang sa pangyayari at sa natamong sira ng mga


sasakyang sangkot sa insidenteng nabanggit ay kaya ng patotohanan na wala
akong kinalaman sa wlalang pagiingat ni __________. Kung susuriin ang sira ng
aming mga sasakyan, ang Elf na aking minaneho ay nagtamo ng sira sa likurang
kanang bahagi nito na isang pagpapatotoo na ako’y binangga ng Truck at
kinaladlad.
Kayang patotohanan ng aking kasama sa biyahe noon na sila Dolores ang buong
katotohanan ng aking salaysay

14. Ngayon ay malinaw na sa amin na ang ginawa ni Meredith na


pangiinis at tangkang pangtitisod kay Julina noong ika-31 ng Enero taong 2020 ay
isang paraan upang kami ay asarin at takutin upang mapilitan kaming magurong
ng aming inihablang kasong frustrated murder laban sa kanilang ama.

15. Dahil dito sa aking nabanggit na kadahilanan, aking isinagawa ang


salaysay na ito upang hilingin sa kagalang galang na tagarinig na ipawalang bisa
ang paratang laban sa AMIN sapagkat ito ay taliwas sa katotohanan at walang
sapat na basehan sa batas at ebidensya.

SA KATUNAYAN NG LAHAT NG ITO, AMING nilagdaan sa ibaba


ngayong ika-__ ng Setyembre taong 2020, dito sa San Pablo City, Laguna.

SHIRLEY S. BALDOVINO
Nagsasalaysay

Assisted by:

ATTY. HEART C. LERO


Public Attorney II
PAO-San Pablo City District
San Pablo City, Laguna

SUBSCRIBED AND SWORN TO before me this ___ day of September 2020 at


San Pablo City, Laguna, and I hereby certify that I have personally examined the
affiant and I am fully satisfied that she voluntarily executed and understood her
counter affidavit.

You might also like