Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 13

Tayutay

 
Ang tayutay ay isang sinadyang paglayo sa karaniwang paggamit ng mga salita upang madaling
maunawaan, mabisa at kaakit-akit ang pagpapahayag. Nakadaragdag ito sa kalinawan, kapamagitan
at kagandahan ng isang katha, pasalita man o pasulat.

Mga iba’t ibang uri ng Tayutay

A. PAG-UUGNAY O PAGHAHAMBING

1. Simili o Pagtutulad (Simile) –  nagpapakita ng pagtutulad ng dalawang magkaibang bagay sa


pamamagitan ng paggamit ng mga katagang kagaya, katulad, para, parang, para ng, anaki’y, animo,
kawangis ng, gaya ng, tila, kasing-, sing-, ga-, at iba pang mga kauring kataga.

Halimbawa:
1. Tila yelo sa lamig ang kamay na nenenerbyos ng mang-aawit.
2. Si Menandro'y lobong nagugutom ang kahalintulad.
3. Ang kanyang kagandahan ay mistulang bituing nagninigning.
4. Ang mga tumakas ay ikinulong na parang mga sardines sa piitan.
5. Si maria na animo'y bagong pitas na rosas ay hindi napa-ibig ng mayamang dayuhan.
6. Gaya ng maamong tupa si Jun kapag nakagalitan.
7. Tila porselana ang kutis ni Celia.  
8. Ang tao ay kawangis ng Diyos.

2. Metapora o Pagwawangis (Metaphor) – tiyak na paghahambing ngunit hindi na ginagamitan ng


pangatnig. Nagpapahayag ito ng paghahambing na nakalapat sa mga pangalan, gawain, tawag o
katangian ng bagay na inihahambing.  Hindi na rin ito ginagamitan ng mga katagang kagaya, katulad
at mga kauri.

Halimbawa:
1. Siya'y langit na di kayang abutin nino man.
2. Ang kanyang mga kamay ay yelong dumampi sa aking pisngi.
3. Matigas na bakal ang kamao ng boksingero.
4. Ikaw na bulaklak niring dilidili.
5. Ahas siya sa grupong iyan.
6. Ikaw ang apoy na sumusunog sa aking puso.
7. Matigas na bakal ang kamao ng boksingero.

3. Alusyon  - nagbibigay – saanggunian mula sa kasaysayan, panitikan, pulitika, bibliya at iba pang
aspekto ng buhay ng tao.

Halimbawa:
1. Pinaniwala niya ang mga tao na siya ang kanilang tagapagligtas mula sa  delubyo.

4. Metonimya o Pagpapalit-tawag (Metonimy) - ang isang salita o grupo ng mga salita ay


pinapalitan ng isa pang salita o grupo ng mga salita na may kaugnayan sa nais ipahayag.

Halimbawa: 
1. Ang kapalaran mo ay handog sa iyo na langit sa itaas na tinitingala ko
2. Siya ang timbangan, lakas tagahusga sa buti at sama mag-aanalisa.
3. “Sa ngalan ng Hari ay isinambulat gayong ordeng mula sa dibdib ng sukab.
4. Ang ikalawang tahanan ng mga kabataan
5. Sinekdoke – nagbabaggit sa isang bahagi, konsepto kaisipan,  upang sakupin o tukuyin ang
kabuuan.

Halimbawa:
1. Isinambulat ang order sa dibdib ng taksil.
2. Isang Rizal ang nagbuwis ng buhay alang-alang sa Inang Bayan.
3. Walang bibig ang umasa kay Romeo.
4. Hingin mo ang kaniyang kamay.
5. Hanggang sa malibing ang mga buto ko.

B. PAGLALARAWAN

1. Pagmamalabis (Hyperbole) – Ito ay lagpalagpasang pagpapasidhi ng kalabisan o kakulangan ng


isang tao, bagay, pangyayari, kaisipan, damdamin at iba pang katangian, kalagayan o katayuan. Ito
rin ay gumagamit ng eksaherasyon

Halimbawa: 
1. Pilit na binuhat ang sandaigdigan upang ang tagumpay ay kanyang makamtan.
2. Bumaha ng dugo sa kapaligiran ako ang nagwagi sa aming labanan
3. Yumuko sa akin ang sangkatauhan nang masaliksik ko ang katotohanan.                 
4. Namuti ang kaniyang buhok kakahintay sayo.
5. Abot langit ng pagmamahal niya sa aking kaibigan.
6. Bumabaha ng dugo sa lansangan.
7. Umuulan ng dolyar kina Pilar nang dumating si Seman.
8. Umulan ng pera sa pagtama ko sa lotto.

2. Apostrope o Pagtawag (Apostrophe) - pakikipag-usap sa karaniwang bagay na para bang


nakikipag-usap sa isang buhay na tao na malayo o isang taong parang naroon at kaharap gayong
wala naman.

Halimbawa:
1. O tukso! Layuan mo ako!
2. Kamatayan nasaan ka na? wakasan mo na ang aking kapighatian.
3. Araw, sumikat ka na at tuyuin ang luhang dala ng kapighatian.
4. Ulan, ulan kami'y lubayan na.
5. Diyos ko, iligtas po ninyo ang aming bayan sa masamang elemento.
6. Buhay, bakit naging maramot ka sa akin.
7. Kalayaan, kay tagal kitang inasam mahawakan sa aking mga kamay.
8. Diyos Ama, ituro nyo po sa amin ang tamang daan.

3. Eksklamasyon o Pagdaramdam (Exclamation) - isang paglalabas o papahayag ng matinding


damdamin

Halimbawa:
1. Aking nadarama ang kapighatian sa pinapasan kong sobrang kalungkutan!
2. Lubos ang tuwa ko sa pagdating ninyo Mabuhay! Mabuhay! Lalaya na ako!
3. Ibigay mo sana ang pagpapala Mo, sagipin Mo Poon, malulunod ako!
4. Isa kang hanggal!

4. Paradoks – naglalahad ng salungat sa likas (o karaniwan) na kalagayan o pangyayari.


                       
Halimbawa:
1. Malayo ma’y malapit pa rin.
2. Kung magbangis ka ma’t magsukab sa akin mahal ka ring lubha dini sa panimdim

5. Oksimoron o Pagtatambis (Oxymoron) - nagtataglay ng mga salitang nagsasalungatan upang


lalong mapatingkad ang bisa ng pagpapahayag.

Halimbawa: 
1. Magsaya na kayo’t ililibing ako di na makikita ng lahat sa mundo
2. Nalulungkot ako sa pananalo mo sa pagwawagi mo, hustisya’y natalo.
3. Banal na demonyo
4. Batang matanda

C. PAGSASALIN NG KATANGIAN

1. Personipikasyon o Pagsasatao (Personification) - Ginagamit ito upang bigyang-buhay,


pagtaglayin ng mga katangiang pantao - talino, gawi, kilos ang mga bagay na walang buhay sa
pamamagitan ng mga pananalitang nagsasaad ng kilos tulad ng pandiwa, pandiwari, at pangngalang-
diwa.

Halimbawa:
1. Hinalikan ako ng malamig na hangin.
2. Ang mga bituin sa langit ay kumikindat sa atin.
3. Nahiya ang buwan at nagkanlong sa ulap.
4. Sumasayaw ang mga dahon sa pag-ihip ng hangin.
5. Nagtago ang buwan sa likod ng ulap.
6. Tik-tak ng orasan ay naghahabulan
7. Masayang umihip ang hanging amihan
8. Nagalit ang buwan sa haba ng gabi.
 .  
D. PAGSASATUNOG

1. Panghihimig o Onomatopeya (Onomatopoeia) - ito ang paggamit ng mga salitang kung ano ang
tunog ay siyang kahulugan.

Halimbawa:
1. Ang lagaslas nitong batis, alatiit nitong kawayan, halumigmig nitong hangin, ay bulong ng
kalikasan.
2. Himutok na umaalingawngaw sa buong gubat.
3. Humalinghing siya sa sakit ng hagupit na tinanggap.
4. Grr-ggrrrrr!!Aww-aww! Ang galit na si Bantay ay nakatingin sa akin.
6. Himutok na umaalingawngaw sa buong gubat.
7. Kinakabog ang mga dibdib ng mga kalahok.
8. Tinataghuy-taghoy na kasindak-sindak.        

2. Aliterasyon o Pag-uulit (Alliteration) - magkakasintunog ang unang patinig o katinig ng mga


kakalapit na mga salita o taludtod o saknong na nagbibigay ritmo sa pagbigkas ng tula.

Halimbawa:
1. Magagandang maya sa puno ng mangga Makikita silang masayang-masaya
2. Dinggin mo ang Diyos na dinadakila Dibdibin ang tinig ng Poong Bathala
3. “At sa mga sulong dito’y nakasabog, nangalat, napunla, Nagsipanahan, nangagsipamuhay,
nagbato’t nagkuta.”
4. Gumagalang gutay-gutay na gagamba
                       
3. Repitasyon – pag-uulit ng mga salita o parirala upang bigyang – diin ang isang aspekto ng akda.

Halimbawa:
1. Ito nga! Ito nga! Itong nganga.
2. Saan, saan, ay saan makikita ang bayani ng bayan?
Posted by Arnel B. Mahilom at Friday, January 11, 2013 
Labels: Tayutay

Mga Uri ng Tayutay

1. Pagtutulad (simile) – Ito ay simpleng paghahambing ng dalawang bagay na magkaibaulad


na katangian na sukat ipagkaugnay ng dalawa sa pangkalahatang anyongunit may mga
pagkakat. Ito’y gumagamit ng mga salita’t pariralang tulad ng, katulad ng, para ng, kawangis
ng, animo’y, gaya ng, tila, at iba pa.

Halimbawa:
Gaya ng halamang lumaki sa tubig
Ako’y tila isang nakadipang kurus
Parang hinahagkan ang paa ng Diyos
Ang buhay ay tulad ng isang batis

2. Pagwawangis (metaphor) – Ito ay  isang tayutay na nagsasagawa ng paglilipat ng mga


salitang nangangahulugan ng isang bagay na nagpapahayag ng ibang bagay. ibang bagay.
Sa madaling salita, sa pagwawangis ay inaalis ang hambingang salita’t pariralang ginamit sa
pagtutulad o simile. Sa pagtutulad, ang A ay gaya ng B at sa pagwawangis ay ang A ay B.

Halimbawa:
Ang kanyang kahapon ay isang tanghalan
Ng mga lihim nya’t mga karanasan
Ang buhay nyang hiram ay naging tanggulan
Sa kanyang gunita ay ayaw alpasan
            MBM
Paunawa: Ang pagwawangis ay karaniwan nang maaaring palawakin sa isang
pagtutulad, isang pahalintulad o alinman sa dalawang huli na maaaring        
tipiinnaman sa isang pagwawangis.
Halimbawa:
Pagtutulad: Kaakit-akit ang KANYANG MGA   MATANG ANAKI’Y BITUIN.
Pagwawangis: Kaakit-akit ang kanyang mga   MATANG BITUIN.

3. Pahalintulad (analogy) – Ito ay isang tayutay na may tambalang paghahambing na


nagangahulugan  ng  pagkakawangki ng  mga pagkakaugnay.

Halimbawa:
“At siya’y namangha at kanyang namalas,
Naganap ang tagpo’y mistulang pangarap;
SAANMAN TUMITIG,
DILAG AY NAGLIGID
SIYA’T TANGING SIYA ANG PARUPARONG- GUBAT
“MANDI’Y ISANG TINIK SA LIPON NG ROSAS.”
                                                                                    -Sa tulang “Himala”
                                                                                    ni Dominador B. Silos

4. Pahambing (comparison) – Ito ay tayutay na naghahambing ng tao o bagay sa iba, o


nagpapalagayna ang dalawa’y magkawangis sa isang katangian o kauring kapwa angkin ng
mga ito. Balangkas: S A ay….ni B

Halimbawa:
MABANGONG BULAKLAK! . . . SIMBANGO
ng di pa nahahagkang PISNGI ng isang dalaga . .
MAPUTING BULAKLAK! . . .SIMPUTI ng
puring alaalaga pa ng napakahinhi’t mutyang dalagita! . . .
-          Sa tulang “Sampaguita”
Ni Pedro Gatmaitan
Tandaan: Ang paghahambing sa tayutay na ito’y karaniwang ginagamitan ng unlaping
      sing-, maging-, at magkasing- at ang iba pang anyong maraamihan ng mga ito,
      gayundin ay maaaring gamitan ang gaga o gangga -  bilang unalapi sa 
      hambinganag magkatulad.

5. Pagsasatao (personification) – Ito ay tayutay na paglilipatsa katangian ng tao sa mga


walang buhay. Ang mga bagay ay tinuturing na mga tao na may damdamin, kaisipan,
nagsasalita, nakadarama ng kalungkutan, kaligayahanat kabiguan na parang tao. Sinasabi
ring paglalapat ng kaasalan sa mga bagay na non-human.

Halimbawa:
PATI ULAP AY SUMAYAW SA BAYO NG   HANGIN
Sa bugso ng ulan pati langit ay nagdilim
IBONG  NAGSASAYA sa may dakong papawirin
Ay biglang nawala dahil sa bagyong darating.
ANG UNOS NA SUMAPIT AY NAGPAALAALANG
Ang tao ay marupok sadyang maksalanan
Ang gawang mabuti’y kanyang kinalilimutan
Ang gawang masama’y kanyang        kinaluwalhatian

6. Paurintao (Transferred Epithet) – Ito ay isang tayutay na paharaya at pasalaysay ang


paraan ng pagbibigay katauhan sa isang bagay na walang buhay o kaisipan, naipapahayag
ito ng pang-uri.

Halimbawa:
“Kung minsa’y Buwan kang
Ang MAYUMING GANDA at iwing liwanag sa         TULOG KONG PUSO’Y
Kay limit sugpuin ng TUKSONG PANGARAP;
Ang katauhan ko;
Likas mang pihikan sa kaway ng galak
Di mamakailang
Binalisa moring kung ilang magdamag;
Pagkaumaga na . .     
Ang iyong karikta’y siyang hinahanap,
Subalit Buwan kang
kaydaling maglahong lumingning at dilag!”
-Sa tulang “O, Ang Babae”
Ni  Leoncio S. Gonzales

7.       Pangitain (Vision Imagery) – Sa tayutay na ito, ang nagsasalita at ang    nilalaman ng isip ay


animo’y tunay na       kaharap o nakikita ng makata.

       Halimbawa:
Tayo na pangarap at ating galain
Ang di nakikitang pook-salimsim
ANG TATAHAKAN AY MAPUTING TANAWIN
AT ANG MGA TALA’Y ATING DADALAWIN
Tayo ay magpakpak
ng bagwis ng hangin
At kita’y lalapag
sa may panginorin

-Sa tulang “Isang Patunguhan”


Ni A.G. Angeles

8.      Pagtawag (Apostrophe) – May kagyat na         pagputol sa naunang paraan ng


pagpapahayag, at panawagan sa ikalawang panauhan ng isang tao o bagay, karaniwan nang  isang 
patay o isang  harayahing bagay.

Halimbawa:
“Nakapugol ako sa kasunong saklap
Na sa aking dibdib ay halos gumahak
Kaluluwa ko’y tigib, puso ko ay wasak,
Sa piitang sakit, aliping nalagmak…
O ibon, maanong sa iyong paglipad,
Isakay mo ako sa angkin mong pakpak
Tulungan mo nganng sa dusa’y umalpas,
Ibig kong malimot ang huling magdamag!
                   -Sa tulang “O Ibon”  Ni Batubalani   

9.      Padamdam (exclamation) – Nagmumula sa bulalas ng isang masidhi o pananalitang


nagpapahayag ng matinding damdamin.

     Halimbawa:
“Ayan, ang kabaong na pasan ng tao.
Irog, sumama ka at kakilala mo!
May ilang karamay, korona’t musiko,
Ihahatid na raw sa wakas ng mundo!
Nang ihuhulog na ang kabaong . . . NAKU!
Ako pala’y siyang ililibing ninyo!!!
-Sa tulang “Hindi Man Lamang Nakita”
Ni  Jose Corazon de Jesus

10.   Patalinghaga (allegory) – Ito ay isang tayutay na ang kahulugan ay hindi tahasang


ipinahihiwatig sa tula at ang taludturan ay kinapapalooban ng mga talinghaga.

  Halimbawa:
“Nag-alama ang lunggati, sa budhi ay sumisikad,
Kalayaan, kalayaan ang tuwina’y hinahangad.
Dumadamba, damadamba kapag renda’y hinahatak
O, kay hirap na supilin! May latigo ka mang hawak”
-Sa tulang “Erotique” Ni Frederico Licsi  Espino Jr.

Ang magdamag niya


ay nakipaglamay sa gabing naidlip
na may simulaing
may bigkis na giting na hindi mapabatid;
taglay ang pag-asa
at init, adhikaing hindi rin nanlamig
sa huling hantungang
hihimlayan niyang sariling daigdig
-          Saknong sa tula ni Graciano Lopez Jaena na Walang pamagat

11.  Balintuna (irony) – Ito ay isang tayutay na sa pamamagita nito ang kahulugang patitik            ng
isang anyo ng pananalita ay kabaligtaran sa tangkang sabihin, dahil sa ang isang bagay na sinabi ay
may ibang pakahulugan at ginamit sa pangungutya o katuwaan lamang.

     Halimbawa:
“Ang tao kung minsa’y batang nagagalak,
Utal pa ang dila, kung mangusap, patas!
Ipako si Kristo ang sabi ng lahat
At ang pagkawala’y itong si Barabas . . .!
-Sa tulang “Ang sasabihin ng Tao” Ni Jose Corazon de Jesus

12.   Pauroy o mapang-uyam (sarcasm) –    Ito ay isang tayutay na ipinahihiwatig sa paraan o tono


ng    pagsasalita. Ito’y isang panunudyo o pangungutya sa tao, bagay at pangyayari.

Halimbawa:
1.      Iginagalang. Dinarakila sa gawain niyang banal. Niyuyukuan. Pinupuri ng balana; siya ay
minamahal. Sa paglilingkod sa kapwa’t sa bayan, siya ay ikinarangal ngunit sa kaban pala ng bayan,
siya ay isang halimaw.
2.      Anong yaman ng babae upang siya ay magtiis sa bahay na gumigiray at kayrami pa ng ipis.
3.      Kay talino ni Felipe upang siya ay maloko ng lalaking ang layunin, bilugin ang kanyang ulo.

13.  Pagmamalabis (hyperbole) – Ito ay isang tayutay na ang ang kaigtingan ay sobra sa normal na


katangian ng bagay o tao na nais ipahayag.

Halimbawa:
Dadanak ang dugo sa lupain ito
Kapag di nangyari  itong aking gusto
Susumpain ka pa ng dinidiyos mo!
Daraanan mo ibabaw ng bangkay ko!

14.  Paradoha (Paradox) – Ito ay isang tayutay na ang tinutukoy ay  isang pahayag na sa biglang
akala’y  magkasalungat ngunit kung masusing lilimiin o ipaliliwanag ay nagpapahayag ng isang
katotohanan.  

Halimbawa:
“Ako’y di inutil,” ang iyak ng pilay
“Kaya kong tumayo’t gumawang mahusay!”
Kung ito’y totoo, siya ay bulaan.
-Lirio G.Mendoza-

15.  Pagpapalit-saklaw (Synecdoche) – Ito ay isang tayutay na bumabanggit sa bahagi ng isang


bagay o kaisipan bilang katapat ng kabuuan.
Halimbawa:
                  1.  Libu-libong kaluluwa ang umaasa sa iyo
                  2.  Pitumpu’t apat na buhay ang ibubuwis ko
                  3. Ipakilala natin sa buong baya na tayo’y may  pagkakaisa

16.  Pagpapalit-tawag (Metonymy) – Ito ay isang uri ng tayutay na gingamit sa pagpapalit ng       


pagtukoy o pagtawag sa bagay o tao na pinatutungkulan. Ito’y pansamantalang pagpapalit-tawag sa
mga bagay na magkakaugnay. Ito’y palasak sa mga karaniwang usapan. “Siya’y laking iskwater”, ibig
sabihin nito’y basagulero o palaaway.

Halimbawa:
“Ang pag-ibig ay ating kaligtasan
Banal na pag-ibig at katotohanan.”

17.   Patambis (Anithesis) –Ito ay isang paglalagay ng isang sugnay o ibang bahagi ng pangugusap


laban sa isa pa na sinasalungat niyon.
Halimbawa:
            “Ang bangan ng lahi kong ibig mapuno,
            Sa akin ay pawis ang dapat ibugso;
            Susdod hindi sundang! Punla hindi Punlo!
            Binhi hindi bomba! Pawis hindi dugo!”        
-Sa tulang “Pawis Hindi Dugo” ni  Teo S. Baylen

18.  Patiwas (epigram) –Ito ay isang mahayap o patambis na kasabihan tungo at nagwawakas sa


isang malundo o matalinong kaisipan.

Halimbawa:
            At ang kanyang anak, sa yama’y mag-angkin
            Ang tawag ng bayan ay maginoo rin!
            Ating pag-uugali nang ang suwi ng saging,
            Gadangkal pa lamang saging nang tawagin!
            Mana-manang yaman sa habang panahon,
            Walang anu-ano ang bata’y naulol!
            At ang mga tao ay nakapagtanong:
            “Kakayamang tao, bakit nagkaganon?”
            At ang pangyayari ang sumagot naman:
            “Iyang ama nya’y baliw nang namatay,
            Namana ang pilak, ano’t pagtatakhang
            Manahin sa ama pati kabaligtaran
-Sa tulang “Ang Maginoo” ni  Jose Corazon de Jesus

19.  Pabugtong (riddle) – Ito ay isang tanong, mungkahi, tugma na papikit-mat o pampalitong


sinasalita upang maging pahulaan.

Halimbawa:
            Kung babayaan mong ako ay mabuhay
            Yaong kamataya’y dagli kong kakamtan;
            Datapwat pag ako’y minsanang pinatay,
            Ang buhay kong ingat lalong magtatagal
-          Kandila

20.   Pasaliwa (apostrophe) – Ito ay isang  pagsasaliwa ng kinagawian o katutubong ayos ng mga


salita.

Halimbawa:
“Ang hilaw na hininog sa pilit ay hilaw pa rin, namnamin    man ay mapait,”
Kasabihan:
“Ngunit ang mabuting pilit, pinasama man ay mabuti rin kahit.”
-          Simon A. Mercado

21.  Pahidwa (oxymoron) – Ito ay isang paraan ng pagpapahayag  na nagbubunga ng isang bisa sa


pamamagitan ng mandi’y pansariling paghihidwa.
Halimbawa:
            Noon ko nakitang ANG MALULUNGKOT AY SUMAYA
            Dahil sa pagdating ng kanyang ama at ina               
            No’n ko nadama ang SARAP NG PANGUNGULILA                      
            Pagkat sa  LUMBAT N’YA AY NAROON ANG PAG-ASA.

22.  Pag-uulit (germination) – Ito ay kagyat na pag-uulit ng isang salita saan mang bahagi ng mga
taludtod ng tula.

Halimbawa:
            “taghoy ng pagkasing sa lambing at timyas
                        ay di nman taghoy;
            tinghoy na ang ningas ay nagluluningning
                        kayat hindi tinghoy;
            luoy na talutot na ang aking bango’y bangong
                        di naluoy;
            lamuymoy ng sintang nang maging
                        hinaing ay gintong lamuymoy.”
-          Sa tulang “Ang Tula” ni Fernando B. Monleon

23.   Pasintunog (onomatopoeia) – Ito ay paggamit ng mga salitang kung ano ang gamit o tunog ay
siyang kahulugan.
Halimbawa:
            “Magbuhat na noo’y pinagkatakutan,
            Ayaw nang pasukin ang Lumang Simabahan;
            ANG KAMPANANG BASAG NA BAHAW NA BAHAW
            KUNG ANO’T TUMUNOG SA MADALING ARAW.
            AT ANG TINUGTOG AGUNYAS  NG PATAY;
            Saka nang dumating ang kinabukasan
            May PUNTOD nang LIBING SA HARAP NG ALTAR
-          Sa tulang “Ang Lumang Simbahan” ni  Florentino Collantes

24. Pagtanggi (litotes) – Hindi ang pangunahing palatandaan.


Halimbawa:
HINDI, sapagkat ang tao ay marupok!
Madaling mapaso’t  madaling matupok;
HINDI nga’t sapagkat s’ya nga ay alakabok!
Madaling magmaliw madaling mapagod!
Tayutay (Figures of Speech)

1. Simili o Pagtutulad – di tiyak na paghahambing ng dalawang magkaibang bagay.


Ginagamitan ito ng mga salitang: tulad ng, paris ng, kawangis ng, tila, sing-, sim-, magkasing-,
magkasim-, at iba pa. Ito ay tinatawag na Simile sa Ingles.
Halimbawa :
1. Tila yelo sa lamig ang kamay na nenenerbyos na mang-aawit.
2. Si Menandro’y lobong nagugutom ang kahalintulad.
3. Ang kanyang kagandahan ay mistulang bituing nagninigning.
4. Ang mga tumakas ay ikinulong na parang mga sardines sa piitan.
5. Si maria na animo’y bagong pitas na rosas ay hindi napa-ibig ng mayamang dayuhan.
6. Gaya ng maamong tupa si Jun kapag nakagalitan.

2. Metapora o Pagwawangis – tiyak na paghahambing ngunit hindi na ginagamitan ng


pangatnig.Nagpapahayag ito ng paghahambing na nakalapat sa mga pangalan, gawain, tawag
o katangian ng bagay na inihahambing. Ito ay tinatawag na METAPHOR sa Ingles.
Halimbawa:
1. Siya’y langit na di kayang abutin nino man.
2. Ang kanyang mga kamay ay yelong dumampi sa aking pisngi.
3. Matigas na bakal ang kamao ng boksingero.
4. Ikaw na bulaklak niring dilidili.
5. Ahas siya sa grupong iyan.

3. Personipikasyon o Pagtatao – Ginagamit ito upang bigyang-buhay, pagtaglayin ng mga


katangiang pantao – talino, gawi, kilos ang mga bagay na walang buhay sa pamamagitan ng
mga pananalitang nagsasaad ng kilos tulad ng pandiwa, pandiwari, at pangngalang-diwa.
‘PERSONIFICATION’ sa Ingles.
Halimbawa:
1. Hinalikan ako ng malamig na hangin.
2. Ang mga bituin sa langit ay kumikindat sa atin.
3. Nahiya ang buwan at nagkanlong sa ulap.
4. Sumasayaw ang mga dahon sa pag-ihip ng hangin.
5. Nagtago ang buwan sa likod ng ulap.

4. Apostrope o Pagtawag – isang panawagan o pakiusap sa isang bagay na tila ito ay isang
tao.
Halimbawa:
1. O tukso! Layuan mo ako!
2. Kamatayan nasaan ka na? wakasan mo na ang aking kapighatian.
3. Araw, sumikat ka na at tuyuin ang luhang dala ng kapighatian.
4. Ulan, ulan kami’y lubayan na.
5. Oh, birheng kaibig-ibig ina naming nasa langit, Liwanagin yaring isip, nang sa layon di malihi

5. Pag-uulit
Aliterasyon – Ang unang titik o unang pantig ay pare-pareho.
Halimbawa:
1 Iniinganyo, inaakay, inaanod ang inang inapi ng inyong inpong.
2 Mababakas sa mukha ng isang mabuting mamamayan ang marubdob niyang pagtatangi sa mahal
niyang bayan
3 Palabiro na palaboy sa pamayanan kaya kilala siya ng kanyang pamlya.
4 Minabuti ng magulang na mapagmahali siya nang sagayon mahalin siya ng maraming mamayan.
5 Kasing bait ng kalabaw ang kanyang kapitbahay dahil sa siyay kinagigiliwan ng lahat.
 
6. Anapora – Pag-uulit ng isang salitang nasa unahan ng isang pahayag o ng isang sugnay.
Halimbawa:
Ang bagay ay gawa ng lahat,para sa lahat at galling sa lahat .
Mas makapangyarihan ang pamahalaan ,kontrolado ng pamahalaan at dapat kang sumunod sa
pamahalaan.
Ang lahat ay may halaga,kahit anung liit nito ay may halaga kaya pahalagahan natin kahit kaunti man
basta may halaga.

7. Anadiplosis – Paggamit ng salita sa unahan at sa hulihan ng pahayag o sugnay.


Halimbawa:
Kamatayan ko man siyay aking puriin.
Puriin ko ng siyay angkinin;
Angkinin ko ng siyay mahalin,
Mahalin ko ng kami ay magsaya.
Kailangan kong gawin ng itoy baguhin
Baguhin koman ng itoy magisnan;
Magisnan ng lahat ng matalino,
Matalino ang mas nakakaalam.
Ang lahat na bagay ay siyasatin
Siyasatin ang pinakamahalagang sundin;
Sundin moman na walang gawiin,
Gawiin ang nakakapagpalinaw sa lahat.

8. Epipora – Pag-uulit naman ito ng isang salita sa hulihan ng sunud-sunod na taludtod.


Halimbawa:
Ang bagay ay gawa ng lahat,para sa lahat at galling sa lahat .
Mas makapangyarihan ang pamahalaan ,kontrolado ng pamahalaan at dapat kang sumunod sa
pamahalaan.
Ang lahat ay may halaga,kahit anung liit nito ay may halaga kaya pahalagahan natin kahit kaunti man
basta may halaga.

9. Empanodos o Pabalik na Pag-uulit – Pag-uulit nang pagbaliktad ng mga pahayag


Katapora – Paggamit ng isang salita na kadalasang panghalip na tumutukoy sa isang salita o
parirala na binanggit sa hulihan.
Halimbawa:
Siya ang nanalo sa patimpalak, sapagkat pinag handaan ito ni Daniel
Ang araw na iyon ay totoong maswerte sa akin. Lunes din nang ako’y gawaran ng unang gantimpala
sa pag-awit

10. Pagmamalabis o Hayperbole – Ito ay lagpalagpasang pagpapasidhi ng kalabisan o


kakulangan ng isang tao, bagay, pangyayari, kaisipan, damdamin at iba pang katangian,
kalagayan o katayuan.
Halimbawa:
Gumuho ang mundo,uula ng apoy,maabot ang langit.
Luluha ng dugo,maglabas ng pako,hihiga sa pera
Masunugan ng palayan,bumaha ng pera ,maabo ang araw.

11. Panghihimig o Onomatopeya – ito ang paggamit ng mga salitang kung ano ang tunog ay
siyang kahulugan. ONOMATOPOEIA sa Ingles.
Halimbawa:
Ang himig nitong ibon,agus nitong ilog ay nagpapakita ng kayamanan sakagubatan.
Ang alimuyak na bulaklak,mayamang halaman ay nakapagdulot ng katiwasayan.
Ang mabungad na pagsalamuha, galang na pagbati ay nakagagaan ng loob.

12. Pag-uyam o Ironiya – Isang uri ng ironya na ipinapahiwatig ang nais iparating sa huli.
Madalas itong nakakasakit ng damdamin.
Halimbawa:
Napakalinis sa ilog na yon walang isdang nabubuhay.
Napakataas monaman kaya hindi mo naabot ang nakalagay sa misa.
Napakalinaw ng mata mo bakit hindi mo yan makikita.

13. Senekdoke o Pagpapalit-saklaw – isang bagay, konsepto kaisipan, isang bahagi ng kabuuan
ang binabanggit.
Halimbawa:
Hangang mawasak mo ang aking puso.(puso-damdamin)
Kahit sirain mo pa ang aking mga kamay. (Kamay-pangarap)
Hanaggat matigas pa ang aking mga paa.(paa-katawan)

14. Pagpapalit-tawag o Metonymy – Ito’y pagpapalit ng katawagan ng mga bagay na


magkakaugnay, hindi sa kahambingan kundi sa mga kaugnayan. Ang kahulugan ng meto ay
“pagpapalit o paghalili.”
Halimbawa:
1 Tumanggap siya ng mga palakpak (papuri) sa kanyang tagumpay.
2 Ibinigay sa kanya ang korona (posisyon) ng pagka-pangulo.
3 Ang panulat ay mas makapangyahiran kaysa sa espada.

15. Paglilipat-wika o Transferred Epithet – tulad ng pagbibigay-katauhan na pinasasabagay ang


mga katangiang pantao, na ginagamit ang pang-uri.
Halimbawa:
1 Ang ulilang silid ay naging masaya sa pagdating ni Lucy.
2 Ang mapaglingkod na payong ay maingat na tiniklop ni Eleanor.
3 Ang kahabag-habag na tuwalya ay dinala ng agos.
4 Ang matapat na bentilador ay nagbigay-ginhawa sa kanya nang kanyang buksan.

16. Balintuna – isang uri ng ironya na hindi ipinapahiwatig ang nais sabihin sa huli.
Pasukdol o Klaymaks – pataas na paghahanay ng mga salita o kaisipan ayon sa kahalagahan nito
mula sa pinakamababa patungo sa pinakamataas na antas.
Halimbawa:
Nararamdaman na namin ang malamig na simoy ng hangin,ingay ng mga nangangaroling tuwing
gabi,at makikita na ang mga napakaliwanag na mga ilaw sa kalye na nagsisimbulong malapit na ang
pasko.
Biglang nawala ang liwanag na sikat ng araw, dumilim ang kapaligiran,na nagsisimbulong paparating
na ang bagyo.
Biglang naliliwanagan,nabigyan ng pag-asa ang madilim na kahapon sa isang nabiktimang bagyong
Ondoy

17. Antiklaymaks- paggamit ng mga inihanay na pahayag ng damdamin kaisipan na may


maliwanag na impresyon ng pagbaba ng tindi ng kahulugan o ng ideya.
Halimbawa:
1. Alaala nya tila lumayo, nawala at napawi.
2. Nakipaglaban hanggang sa nawalan ng pag-asa.
3. Pagsisikap ng magulang napawi sa pariwarang anak.
18. Pagtanggi o Litotes – gumagamit ng katagang “hindi” na nagbabadya ng pagsalungat o di-
pagsang-ayon. Ito’y may himig na pagkukunwari, isang kabaligtaran ng ibig sabihin.
Halimbawa:
1 Siya ay hindi isang kriminal.
2 Hindi niya magawang magsinungaling sa panahon ng kagipitan.
3 Ang aking kapatid ay hindi isang taong walang dangal.

19. Retorika na Tanong-  hindi ito nag hihintay ng kasagutan at hindi rin nagpapahayag ng pag-
aalinlangan.
Halimbawa:
1. May magulang bang nagtatakwil ng anak?
2. May kaligtasan pa kaya si Elisa?
3. Papawi pa ba ang sakit na kanyang naramdaman?

20. Paralelismo. sa pamamagitan ng halos iisang istruktura, itatag dito ang mga ideya sa isang
pahayag.
Halimbawa:
1. Pook na karaniwan ay may tanawin ng mga damo at punongkahoy na ginagamit ng taong
bayan para pasyalan.(parke)
2. Kailangan natin ang bahay na tirahan, ang damit na kasuotan at ang pagkaing panlaman ng
tiyan.
3. Maging mapanglaw, matamlay, ang kanyang nararamdaman. (malungkot)

21. Eupemismo. pagpapalit ng salitang mas magandang pakinggan kaysa sa salitang masyadong


matalim, bulgar o bastos.
Halimbawa:
1. Kailangan nating bawasan ang mga empleyado. (Tanggalin sa trabaho)
2. Malakas lumamon si NJ. (Malakas kumain)
3. Papawi pa ang sakit ng kanyang naramdaman.

https://panitikanandbalarila.wordpress.com/2014/07/21/tayutay-figures-of-speech/
https://teksbok.blogspot.com/2010/08/ang-alfabetong-fililipino.html

You might also like