Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Iba’t ibang Uri ng Di-Berbal na Komunikasyon

Berbal na komunikasyon
Komunikasyong gumagamit ng wika na maaaring nakasulat o sinasalita
Di-berbal na komunikasyon
- Komunikasyong hindi gumagamit ng wika. Kilos o galaw ng alinmang bahagi ng
katawan o kahit anong bagay na sumisimbolo sa napagkasunduang kahulugan nito.
1. Kinesika (Kinesics)
- Ito ang pag-aaral ng kilos at galaw ng katawan.
- Hindi man tayo bumibigkas ng salita, sa pamamagitan ng pagkilos ay maipaparating
natin ang mensaheng nais nating ipahatid.
Halimbawa: Kapag ang isang tao ay idinikit nang patayo ang kanyang hintuturong daliri
sa kanyang labi, ay alam nating ang ibig sabihin nito ay kailangang tumahimik.
2. Ekspresyon ng Mukha (Pictics)
- Ito ang pag-aaral sa ekspresyon ng mukha upang maunawaan ang mensahe ng
tagahatid.
- Ang ekspresyon ng mukha, kadalasan, ay nagpapakita ng emosyon kahit hindi man ito
sinasabi.
- Sa ekspresyon ng mukha ay mahihinuha natin ang nararamdaman ng isang tao, kung
ito ay masaya, malungkot, galit, o natatakot.
3. Galaw ng Mata (Oculesics)
- Ito ay pag-aaral ng galaw ng mata.
- Nakikita sa galaw ng mata natin ang nararamdaman natin.
- Sinasabing ang mata ang durungawan ng ating kaluluwa,
nangungusap ito.
- Ipinababatid ng ating mga mata ang mga damdaming
nararamdaman natin kahit hindi natin ito sinasalita.
Halimbawa:
Panlilisik ng ating mga mata Pamumungay ng ating mga mata Panlalaki ng ating mga
mata
4. Paghawak (Haptics)
- Ito ay ang pag-aaral sa mga paghawak o pandama na naghahatid ng mensahe.
- Isang anyo rin ito ng di berbal na komunikasyon.
Halimbawa:
pagtapik sa balikat pagkamay
pagkurot paghablot
5. Proksemika (Proxemics)
-Ito ay pag-aaral ng komunikatibong gamit ng espasyo, isang katawagang binuo ng
antropolong si Edward T. Hall(1963).
-Ang distansiyang ito ay maaaring magpahiwatig kung anong uri ng komunikasyon ang
namamagitan sa magkausap.
6. Chronemics -Ito ay pag-aaral na tumutukoy kung paanong ang oras ay nakaaapekto sa
komunikasyon. -Ang paggamit ng oras ay maaaring kaakibat ng mensaheng nais
iparating. Halimbawa: Pagdating ng maaga sa job interview Pagtawag sa telepono ng
dis-oras ng gabi
7. Iconics
– mga simbolo na nagtataglay ng mensahe
8. Paralanguage
– Ito ay tumutukoy sa paraan ng pagkakabigkas ng isang pahayag na maaaring magpaiba
ng kahulugan. Hal: Pagiging sarkastiko ng tono

You might also like